Chapter 34
Three
Jeremiah Dashielle Narvaez
"HI, BROTHERS, nice meeting you two."
Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakikita. Tama ba 'to? Si Zach na ba 'tong nakikita ko? Siya na talaga 'to?
Ngumiti ito sa amin sabay lapag ng folder sa lamesa sa harap ng babaeng maliit.
"Z-Zach?" Takang tanong ni Yohan.
"Daddy, they're so cute together! Same faces but different personalities!" Ekstraheradang komento ni Sassy na may pa-beautiful eyes pang nalalaman.
"Yeah, isn't it cute? I guess, we should give them time in their mini reunion. Right, honey?" Saad ng matanda.
Tumango ang babae sabay alis sa kanyang inuupuan. Umalis na rin ang lalake kasunod nito ay ang pagsarado ng pintuan.
Nagkatinginan kaming tatlo na parang kinikilala pa ang isa't-isa. Pero ang kasunod nito ay ang pagkirot ng aking dibdib nang makitang nangingilid na ang luha sa mata ni Zach.
"Z-Zach?" Muling tanong ni Yohan pero hindi siya sinagot nito. Sa halip ay lumapit ito sa amin at binigyan niya kami ng mahigpit na yakap.
Nakakabakla man pero pati ako ay gusto na rin maluha sa sitwasyon naming tatlo. May mga kapatid ako! At ang pinakamalupet pa, magkakaparehas lang kami ng mukha. Tangina! Hindi ko mapigilang maluha dahil dito.
Kumalas ito ng yakap at mariing sinipat kami mula ulo hanggang paa. Pormal na pormal ang suot nito na waring nag-ta-trabaho isang kompanya.
Agad niyang pinunasan ang kanyang pisnge dahil sa likidong galing sa kanyang mga mata.
"Hey, guys! I miss you but you need to get out of here," biglang nawala ang ngiti sa aming labi nang marinig ang sinabi nito.
"Teka lang. Kararating lang namin tapos paalisin mo kami? Ganyan ka ba sa kapatid mo---" naputol ang sasabihin ko nang sumabat ito.
"Sorry but you two making things worse. My adoptive mother has a connection with the kidnappers. Right, Johanson?"
Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Zach. Sinong Johanson ba ang tinutukoy ng mokong na 'to?
"Sino bang Joha---"
"It's not right for you guys to be here. That Sandoval is watching our moves. He knows everything. He knows you," turo niya kay Yohan. "And you!" Turo niya sa akin. "And even our real parents. He knows the identity of them---"
"You mean, your doing this for that information? And now I've been thinking if you're really inlove with that kid!" Singhal ni Yohan pero nanatili pa ring kalmado ng isang 'to kahit nahahalataan na ang pagkakataranta ni Zach.
"Kid? What the hell? No! I've force myself to marry that demoñita just to save---"
"Then, it's time to escape!" Wika ni Yohan.
"P'wede ba? Patapusin niyo muna ang isa't-isa sa pagsasalita. Puro kayo pamumutol ng sasabihin!" Pagsingit ko dahilan para mapatingin sa akin ang dalawa.
"Shut up!" Sabay nilang sigaw sa mukha ko.
Tangina! Pasalamat sila dahil may bango ang amoy ng hininga nila.
"Guys, promise me that you'll get away in this situation? Okay? I just need the information and after that, I'll go with you. Is it alright for you?" Pagsalita ni Zach. Kasunod nito ay ang pagtanggi ni Yohan.
"Mas mabuting sumama ka na lang kaya sa amin? Hindi mo na masisiguro na mabubuhay ka pa rito," natigilan si Zach at biglang nangunot ang kanyang noo.
"W-Wait, what do you mean?" Nagtataka niyang tanong dito.
Humugot ng malalim na buntong hininga si Yohan, "Zach and I were there when that kidnapping happen. Kami 'yong nakidnap. But things were not on our hands when Zach chose to separate our ways. He sacrificed himself and now, I can't confirm that he's dead."
Kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Za--teka! Kung hindi 'to si Zach. Tangina, sino naman 'to?
Hinawakan ko sa braso si Yohan dahil naguguluhan na ako sa mga nangyayari.
"Teka ka lang, ha! Kanina pa ako nalilito. Sino si Johanson at bakit kung mag-k'wento ka na parang hindi si Zach 'tong kaharap natin?" Sunod-sunod kong tanong dito.
"Gosh! Alam mo, Dash. Napaka-slow mo. I am Johanson Treyton Vasquez, okay? Screen name ko lang 'yong Yohan Jung sa pag-artista," sagot nito na siyang dahilan ng pagkagulat ko.
"And I'm not Jairus Zachary... I am J-Jarvee Marcelius Real. And we're quadruplets!"
Dito na ako nagulantang. Napatakip ako sa aking bibig at ilang beses na nagpabalik-balik ng tingin sa kanilang dalawa.
Gulat na gulat at hindi makapaniwala sa sinabi ng isa.
"Putangina," naibulong ko na lang dahil ayaw pa rin maniwala ng sistema ko sa aking narinig. Sa tagal naming magkasama ni Yohan, ngayon ko lang nalaman na may isa pa pala kaming kambal? Pinagmukha niya akong tanga!
"I know, knowing the truth will really blow your thoughts. And right now, I really need to know the truth before we reunite together. Guys, I know we only met just this time. And what I need you to give me is your trust. Our parent's identity is what we really need to know right now. Just this once---"
"Mas maganda kung magkakasama tayo tapos do'n natin alamin kung sino ang mga magulang natin. Kaysa naman manatili ka rito na hindi mo naman alam kung hanggang saan ka dadalhin ng pagpapanggap mo. Paano kung malaman nila ang totoo mong balak? Sa tingin mo mapapatawad ka pa nila?" Pagsingit ko.
Napatingin sa akin si Jarvee na mas lalong nalito dahil sa sinabi ko. Delikado ang gagawin niya kung siya lang ang gagawa ng plano. Mas mabuting sama-sama kami sa paghahanap sa mga magulang namin.
Ngayon na mas malapit na kami sa aming kalaban, mas lalong mahirap gumalaw sa gagawin naming plano 'pag nagkataon.
Napahawak sa kanyang ulo si Jarvee at nakailang balik ng tingin sa pintuan at sa amin. Halata sa hitsura niya na naguguluhan na siya sa mga nangyayari. Gusto niyang gawin ang mga plano niya pero naguluhan siya lalo sa sinabi ko.
"Gosh! Fine! Let's do what you say. Let's go!" Saad niya at tuluyan na nga naming nilisan ang opisina ng mga Sandoval. Dali-dali kaming tumakbo papuntang elevator pero bago pa kami makapasok do'n ay napatigil si Jarvee. "We should take the stairs. We might meet them inside the elevator."
Nag-tanguan kami at sumunod na lamang sa aming kapatid na nangunguna na ngayon sa pagtakbo. Pumasok kami sa isang exit at tumambad sa amin ang nakakalulang hagdan sa sobrang taas. Hindi ko pa masyadong nakikita ang pinakadulong parte nito kaya mas lalo akong nalula sa aking nakikita.
"Let's go!" Sigaw ni Yohan at nagsimula na kaming bumaba.
Tangina, nakakahingal pala kahit pababa. Parang ilang oras na ang itinakbo namin pababa. Rinig ko pa ang hingal ng dalawa kong kasama habang habol ko naman ang aking paghinga. Tagaktak na rin kami sa pawis. Napansin ko pang tinanggal ni Vee ang suot niyang necktie kahit tumatakbo dahil nararamdaman niyang init.
Nauuna si Jarvee habang kasunod naman niya si Yohan at ako naman na nakailang ulit nang napapatingin sa taas dahil baka may sumusunod sa amin.
Para kaming tumatakbo sa walang hangganang hagdan, sana pala sumabak na lang ako sa track and field. Puro na lang takbuhan at habulan ang nangyayari sa buhay ko.
Ilang minuto pa nang tanaw ko na ang sahig ng first floor.
"We need to go straight at the back door. Just follow me, okay?" Wika ni Jarvee na habol-habol ang kanyang hininga.
Kahit nahihirapan ay kinuha ni Yohan ang kanyang telepono sabay pindot ng numero roon.
"Hello, Dabid? This is Yohan... Hanapin mo ang back door ng building. Doon kami lalabas! Now!" Utos niya sa kabilang linya.
Malapit na kami sa first floor nang hindi namin inaasahan ang susunod na nangyari. Tumunog nang makailang beses ang fire alarm dahilan para mapatigil kaming tatlo sa pagtakbo.
"Anong nangyayari?" Nagtataka kong tanong sa dalawa.
"This is shit! We need to hurry! They already alerted their guards. They already know that I'm lost!" Sagot ni Jarvee kaya mas lalo naming binilisan ang pagtakbo.
Pagbukas namin sa pintuan ay agad tumambad sa amin ang nagkalat na guwardiya na halatang hinahanap si Jarvee. Putangina! Ang dami nila.
Kasalukuyan kami ngayon nagtatago sa likuran ng pinto dahil baka mahuli kami nang wala sa oras.
"How can we escape from your guards?" Tanong ni Yohan dahilan para mapatingin ako muli sa labas. Nagkalat na sa buong sulok ang mga guwardiya at alam kong malalaman at malalaman nila na nagtatago kami ngayon sa likod ng pinto kapag hindi kami kumilos.
"Magpapahabol tayo?" Suhestiyon ni Yohan.
"No. That's too impossible. It's hard for us to escape, they can run fast and---"
"Hoy!" Napatingin kami sa aming likuran nang mapansing may nakapasok na guwardiya. Dahil sa gulat ko, agad ko siyang nilapitan sabay suntok sa kanyang mukha. Kasunod nito ay ang malakas na hampas sa kanyang likuran para makatulog ito.
"Shit! That was close!"
"Buti na lang pinatulog mo---"
"Jarvee, hihiramin ko damit mo. Ako ang makikipaglaban sa labas para makatakas kayo," napatingin sa akin ang dalawa na gulat na gulat.
"No! That's too risky!" Pagkontra ni Yohan.
"Motorsiklo lang meron tayo at kapag tumba 'yang mga gagong 'yan. Sigurado akong hindi na sila makakasunod." Buong tapang kong sabi. Pareho namang nagkatinginan ang dalawa na parang iniisip kong gagana pa ang planong nabuo ko.
Matapos lang ang ilang minuto ay pumayag na rin si Jarvee sa suhestiyon ko. Mabilis kaming nagpalit ng pang-itaas at pambaba. Binigay ko na rin ang aking bag sa kanya habang itinago ko naman sa bulsa ang aking armas na dala.
Humugot muna ako ng buntong hininga bago ako lumabas sa pintuang pinagtataguan namin. Gagi, makikipaglaban ako sa mga malalaking mama'ng 'to?
Pero siyempre, kailangan ko itong gawin dahil 'yon ang paraan ko para maitakas si Jarvee.
"Hoy, ako ba hanap niyo?!" Sigaw ko kasabay nito ay napatingin sa akin ang mga guwardiya na parang papatayin na ako ng kanilang tingin.
Lumaki ang ngisi sa aking labi dahil muli ko na namang maipapamalas ang aking galing sa pakikipaglaban.
Mali ata sila ng binangga.
Putangina nila!
***
Johanson Treyton Vasquez
SA LIKOD ng pintuan ay nakasilip kami ni Vee sa nangyayari sa labas. Kita namin na papalapit na si Dash sa mga guwardiya. Hindi man niya sabihin pero ramdam namin ang kaba sa kanya.
Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa kanila.
Nakailang beses akong napalunok dahil baka magulpi siya ng mga 'yon at baka mas lalo kaming mahihirapan sa maaring p'wedeng mangyari.
"Do you think he can fight them--- I mean, those are big guys." Vee whispered on my ears.
"I always trust him. Dash is a strong and tough guy. He's just rude," sagot ko rito.
Nang palibutan siya ng mga guwardiya ay gano'n na lang ang gulat ko nang biglang may humabang stick sa kamay ni Dash. Kasunod nito ay ang malakas na natamaan ang dalawag lalake ng magkabilang dulo dahilan para matumba ito.
"Tanga!" Rinig naming sigaw niya. Na-alerto ang mga guwardiya habang ningisihan lamang niya ang mga ito.
He started hitting the stick to the person near him. Lagi niyang inaasinta ang mga ulo nito at rinig na rinig namin ang paglagutok ng kanilang mga ulo sa tuwing tumatama ang stick na 'yon.
Napapapikit pa ako nang nagsimula nang sumuntok at sumipa si Dash sa mga kalaban. Mabilis ang mga reflexes nito na parang maning-mani lang sa kanya ang pakikipaglaban.
Makailang sumipa't sumuntok para lang mapatulog ang kanyang mga kalaban. Napasigaw pa kami ni Vee habang nanonood. Para kaming nanonood ng action dahil sa galing makipaglaban ni Dash sa mga ito.
Now that's what we called graduate from cage fighting.
Nang mapagawi sa direksyon namin si Dash ay itinaas nito ang kanyang isang kamay bilang hudyat na p'wede na kaming makaalis.
Dali-dali kaming lumabas ng pintuan at nagtungo sa exit na sobrang lapit lang pala sa amin.
Nang makalabas na kami ay tumambad sa amin si Dabid na nakabukas na ang makina. Handa na niyang ipaharurot ang motorsiklo.
"Dali! Bilis!" He shouted.
"Wait, let's wait for Dash to come!" Natataranta kong sigaw.
"Huh? Eh, sino ba 'to? Hindi ba 'to 'yong gago niyong kapatid?" Dabid asked confusingly.
"Gago pala, ah! Eh, kung masuntok kita nang wala sa oras?!"
Napatingin ako sa aking likuran at nabungaran si Dash na nakangiting nakatayo sa aming likuran. Parang hindi man lang ito hiningal sa pakikipaglaban niya kanina.
"Dash!" I shouted. Para akong nabunutan nang tinik sa lalamunan nang makita siya. Akala ko mawawalan na naman ako ng isa pang kapatid.
"Guys, let's go! They might catch us!" Vee suggested and head our way to the Amarillo's house.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top