Chapter 3

Search

Jairus Zachary Amarillo

TILA ako'y napalibutan ng yelo. Nakakapanlamig ang aking narinig. Parang sasabog ang puso ko sa aking narinig.

I slowly felt needles prickling my heart as I held my chest. Nagsimula na ring mag-init ang sulok ng aking mga mata na parang magbabadya ang luha.

All these time ay ampon ako ng pamilyang Amarillo? How is that possible?

I closed my eyes slowly as I turned my back on her. Every step I take brings a heavy feeling to my chest. Sobrang bigat... nakapakabigat.

I thought Amarillo's blood ran through my veins. Hindi pala.

Hindi ko na mapigilan ang agos ng aking luha habang naglalakad pauwi ng bahay. Makailang beses kong pinunasan ang gilid ng aking mata.

I know that I'm very lucky dahil sila ang naging pamilya ko. Kung tutuusin, kung sa ibang pamilya siguro ako napunta, baka sugat-sugat na ako dahil 'pag nagkataon ay malupit ang pamilyang mag-aalaga sa akin.

I'm always wondering why I'm different from Amarillo. From a physical perspective, sobrang layo na. Sina Ate Reshelle, Ate Rashelle, Kuya Zarm at Mama Lorren ay iba sa akin. May lahing morena't moreno at kahit anong bilad ko sa araw ay para pa ring sing puti ng bulak ang balat ko. May kapanguan sila kumpara sa ilong ko na may katangusan. At higit sa lahat, matangkad ako kumpara kay Kuya Zarm na abot lang hanggang balikat sa akin.

Sa pagkakaalam ko, wala sa lahi ng mga Amarillo ang kaputian at katangkaran. Wala ring nabanggit si Mama sa akin na may dugong banyaga ang naging parte ng Amarillo.

Hindi ko na tinanong ang sarili ko na ampon ako dahil para sa akin, hindi naman 'yon katanong-tanong. Hindi kailanman pinaramdam nina Mama na iba ako sa kanila.

Minsan na rin ako tinukso ng mga kaklase ko noon. Bakit daw naiiba ako... palagi na lang sinasabi ni Mama na pinaglihi niya raw ako sa mga Americano. At halatang hindi naman totoo 'yon.

Dahan-dahan akong naglalakad pauwi. Sobrang bigat kahit paghinga ko ay hindi ko na kontrolado.
Pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko agad sina Ate Rashelle at Ate Reshelle na nagliligpit ng pinagkainan at naghuhugas ng plato. Nagulat pa sila nang makita akong panay ang pagpupunas ng aking luha.

"G-Good e-evening..." Nahihirapan kong sabi sabay tungo sa aking k'warto.

Alam kong nagsisimula na rin silang mag-alala sa akin. Nang isandal ko ang aking likod sa pintuan ay rinig ko ang mga yabag sa labas ng aking k'warto.

Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Itinago lang naman ni Mama Lorren ang katotohanan sa akin. Wala namang problema do'n. Ayaw niya lang sabihin sa akin ang totoo...
Dahil sa sobrang paghihikbi ko, hindi ko na namalayan. Nakatulog ako sa sahig sa may pintuan.

Sana bukas okay na ang lahat.

──●◎●──

Nang imulat ko ang aking mga mata ay nabungaran ko agad ang aking kama na hindi man lang nagalaw ang pagkakatupi ng kumot doon.

Pinunasan ko muna ang gilid ng aking mga mata bago naisipang tumayo.

I took a glance at my calendar. Mabuti na lang pala Sabado ngayon, walang trabaho.

Itinapon ko na lang ang bag sa kama. May ulam pa naman 'yon galing kay Miss Jennie kagabi na pinadala niya para sa amin.

Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago binuksan ang pintuan.

Hindi na ako nagulat nang makita si Mama sa may lamesa. Wala ang kambal at wala ring agahan ang nakahain sa lamesa.

Pero hindi ko inasahan ang nakalapag sa mesa na mas lalong nagpakunot ng noo ko.

"Zach, upo ka muna. May sasabihin lang ako," utos niya na agad ko namang sinunod. Umupo ako kaharap niya at doon ko pa lang napansin na isa pa lang basket 'yon na lagayan ng mga sanggol.

Teka, kung hindi ako nagkakamali... marahil ito 'yong lagayan ko no'ng sanggol pa lamang ako?

"Mama, g-good m-morning po..."

Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan na parang kay hirap bigkasin ang mga salitang 'yon.

"'Eto," inilapit niya ang lagayan sa akin. "Alam kong narinig mo ang pakikipagtalo ko sa katawag ko kagabi. 'Yan ang huling bagay na meron ako no'ng sanggol ka pa lang..."

Mahihimigan mo ang lungkot sa kanyang boses. Alam kong nasasaktan din siya... marahil napakahirap para sa kanya ang itago ang katotohanan sa akin.

Kinuha ko ang basket at dahan-dahang binuksan ito. Medyo luma na nga ito, may alikabok pa sa loob at medyo marupok na rin ang materyales kung saan ito gawa.

Bumungad sa akin ang lampein na naninilaw at nagkukulay brown na. Pero ang higit na umagaw ng aking atensyon ay ang k'wintas na nakapaloob dito.

A silver necklace.

It was a letter J necklace with some diamond beads on every edge of it.

Nang suriin ko pa ito ay gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang Myrtille na naka-engrave sa likuran nito.

I smiled seeing the necklace.

"Alam mo bang lulan kami ng barko pauwi rito noon. Nasa may babang cabin kami nanatili. Maraming tao noon ta's nasa sulok pa ang kama namin. Hindi ko alam pero no'ng babaan na ng pasahero sa Cebu kinaugamahan, halos lahat ng kasama namin sa cabin ay Cebuano at iilan na lang kaming natira noon. Pagkagising kasi namin ay nasa tabi ka na namin. Akala ko nga naiwan ka lang ng mga magulang mo at babalikan ka pero no'ng paalis na ang barko sa daungan. Do'n ko lang nalaman na iniwan ka nga ng magulang mo..."

Alam kong pinipigilan lang ni Mama ang maiyak. Pilit niyang pinapakita na nakangiti siya kahit kabaliktaran no'n ang kanyang nararamdaman.

"M-Mama..." Tanging nausal ko na lamang.

"Nang gabing marinig mo akong may kausap. Tinawagan ako ng mama mo... 'yong totoo mong ina. Sabi niya, kukunin ka niya sa akin..." I was lost for words to tell her how I felt. "Hindi ko siya kilala. Nagpakilala lang siyang mama mo... at sa tingin ko rin... karapatan mong malaman ang totoo mong pamilya..."

Dito na ako natigilan at parang hindi pa nag-si-sink in sa utak ko ang mga nangyayari. I am an adopted... pero ramdam kong pagiging pamilya sa kanila.

Hindi man niya sabihin, alam kong ayaw niya akong pakawalan. Dahil sa loob ng ilang taon, marami na rin siyang isinakripisyo para sa akin. Pinahahalagahan niya ang mga araw na magkasama kami. Mga araw na kung saan hindi niya ininda ang pagod at sakit ng katawan para lang mabuhay kami.

She may not be flawless, but her efforts and sacrifices will always be enough...

"Zach, oras na para hanapin mo sila..."

──●◎●──

Nagising na lang ako na sobrang sakit ng ulo ko. Sobrang bigat pa at para akong lalagnatin.

For two days, natulog lang ako sa kama kaysa maglibot sa buong barko. It was the first time I had seen piers, large boats, containers, vast seas and an expansive cabin. Lahat ay bago sa akin. At ang hindi ko talaga gusto ay maglakad-lakad kung saan dahil nakakahilo't para pa akong masusuka lalo na't kung malakas ang alon.

Pangarap kong makasakay ng barko noon pero mukhang hindi na ako uulit dahil sa nangyari ngayon. Nagigising na lang ako tuwing kakain at maliligo. Minsan pa ay nasusuka ako habang naliligo dahil makailang beses na pag-alon-alon ng dagat.

Ito ata 'yong tinatawag nilang seasickness?

Pero sa kabila nito, hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang ginawang sakripisyo ni Mama.

Matapos ng pag-uusap namin, tinawagan niya ang phone number na tumawag sa kanya pero hindi na namin ma-reach. Ibinenta rin niya ang kalahati ng lupain para makapunta ako ng Maynila. Mabuti na lang at hindi na siya tumanggi nang ibigay ko ang kalahati ng pera sa kanya.

Nakapagpaalam na rin ako sa mga kaibigan at katrabaho ko lalo na kay Miss Jennie. Nag-iyakan sila buong araw habang niyaya ko silang kumain. Hindi ko alam kung matatawa ba ako malulungkot sa naging expression nila.

Pero hindi ko talaga malilimutan ang kulitan nina Sarinna, Catherine at Dabid. Napalapit na sa akin ang tatlong 'yon kaya sobrang sakit din ng puso ko habang kumakaway sa kanila paalis. Hinatid pa nila ako sa pier at sila na rin ang nag-process ng pag-alis ko.

Mula sa kinasanayan kong probinsya, magsisimula na naman ng bagong kabanata ang buhay ko. Hahanapin ko ang aking pamilya kahit anong mangyari.

Kababa ko lang ng hagdanan nang may biglang sumagi ng maleta ko. Nagdulot 'yon ng pagkahulog ng nakapatong na bag dito.

"Sorry, Miss..."

Sinamaan ko ng tingin ang bag. Ako ang nahulugan ng gamit, ako pa ang nag-sorry. Sarap ibalibag ng babaeng 'to.

Nang i-angat ko ang aking paningin ay gano'n na lang ang pagtataka ko nang wala na ang babaeng 'yon.

Takte, nasa'n na 'yon?

Ayos din, ah! Hindi man lang ako tinulungan. Ipapabarang ko talaga 'yon 'pag nagkita kami ulit.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Mabigat ang loob ko habang palabas ng pier. As I crossed a pedestrian, I tried to secure my belongings.

Mahirap na, baka nakawin na lang bigla ang mga gamit ko. Talamak pa naman ang nakawan ngayon. Marami ng drivers ng taxi, jeepneys at motor ang nakaabang. Panay ang pagsigaw para makakuha ng pasahero. Nakakarindi rin pakinggan.

Tumigil muna ako sa paglalakad at tiningnan ang buong paligid... Cause I need to look for someone who looks like a model.
'Yon ang sabi Miss Jennie. That his son is a model.

"Miss Jennie, mag-re-resign na po ako..." Nakayuko kong saad habang nakatayo sa kanyang harapan.

Nanlaki ang mga mata nito dahil sa gulat. "What? Why?"

"I just recently found out about my true identity, Miss..." Nahihiya kong sabi dahil ayaw ko pa rin itong ipagsabi sa iba. Para pa rin kasi akong nanaginip.

"Oh, sorry, Zach... So? Hahanapin mo ang totoong magulang mo?"

I nodded as an answer.

"Okay... I'll approve your resignation letter. By the way, sa'n ka ba maghahanap? May lead ka na kung sinong hahanapin mo?"

"Sa M-Manila po..."

"Alam mong pasikot-sikot do'n?"

"Actually po, first time kong mag-travel. And gagawin ko po ang lahat, mahanap lang ang totoo kong magulang."

Kumuha siya ng bolpen at nilalaro ito sa pagitan ng kanyang daliri.

"Since Manila ka tutungo, I have a proposal for you..." Naningkit ang mata ko rito na parang may magandang maidudulot ang kanyang proposal. "As you step into Manila, ipapasundo kita sa anak ko. Live with him in the mansion. Mag-isa lang kasi siya and he's really handsome. That's why he's a model... And one thing is all you need to do..."

"Ano po 'yon, Miss?" I asked. Hindi man lang ako kinabahan sa magiging kondisyon niya na ibibigay sa akin.
"I want you to protect my son... be his bodyguard..."

Nanatiling nakabukas ang aking mga mata at inisa-isa ang mga mukha ng mga taong nakakasalamuha ko.
Sa dami ng taong nadadaanan ko, nanghinaan na ako ng loob na makikita ko pa siya.

"Jairus!" Natigilan ako nang may tumawag sa akin sa aking likuran.

Nang ibaling ko ang aking tingin rito, agad kong napansin ang lalakeng ka-edad ko lang.

Nakasuot siya ng shades, baseball cap, black leather jacket, palazzo pants, and sneakers.

Nakasandal ito sa isang magarang kulay pulang kotse na halatang sobrang mahal.

When I walked towards him, I noticed na mas matangkad ako sa kanya. Taga-leeg lang kasi siya akin.
When he took off his shades, do'n ko pa lang napansin ang mala-angel nitong mukha. Kapansin-pansin din ang biloy sa kanyang kanang pisnge nang ngumiti ito.

Kaya pala kailangan protektahan 'tong anak ni Miss Jennie. He's really handsome and he looks like a model.
Nakakahiyang tumabi sa kanya.

"Hi."

"Ah, h-hi po..." nahihiya kong sabi.

"Remove the po. Magka-edad lang tayo."

"Ah, sorry. By the way, Jairus Zachary Amarillo. But you can call me Zach," I extend my hand, waiting for his response. Mas nilakihan ko pa ang aking ngiti rito.

"Renzellle Brigh Pavillion. And I don't do handshakes..." huling sinabi niya dahilan para ibaba ko ang aking kamay.

Napaka-arte ng gago!

──●◎●──

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top