Chapter 29

Save

Johanson Treyton Vasquez

NAKAKAPANLUMO ang nalaman ko.

He just stated the truth. He really fooled us. He tricks with his words and fakes a poor physical appearance. This old man boiled my blood. Tutulong-tulong tapos malalaman mo niloloko ka lang pala. Pinaglaruan kami at ang masakit pa, hindi namin alam kung bakit.

Nakaka-punyeta talagang sitwasyon, oh.

I clenched my fist in anger. Gustohin ko mang maiyak pero hindi ko na gagawin dahil sayang lang ang luha ko sa matandang daig pa ang pranskter sa YouWatch content ng mga vloggers.

Sarap talaga tirisin ng matandang 'to. Sobrang bida-bida sa buhay.

Christopher March Sandoval o kilala ko bilang si Mang Loro na naghihiwa dati ng karne na tinulungan kaming tumakas ng kapatid kong hindi ko alam kung buhay pa o hindi na. Nalaman ko na lang na may balak din pala siyang patayin kami.

Such an idiot for believing him dahil nakakaawa ang hitsura niya no'ng mga oras na 'yon. Then, they are right, looks can be deceiving. Ewan pero sira na ang trust issue ko ngayon dahil sa matandang 'to.

Grabe, hindi pa rin ako makapaniwal na isang matandang lalake ang siyang gagawa nito. He revealed himself and I think I'll do my thing now.

That's our revenge for our lost brother!

"I never imagined an old hag would do this. You tricked us. And I must say, you should be awarded an Oscar trophy for your stellar acting." pang-iinis ko rito ngunit tanging ngisi lang din ang ginawad niya sa akin. Nakakainis talaga ang mukha niya.

He laughed sarcastically, "Well, thank you for the appreciation, Mr. Vasquez. But I guess things will end here for you and your brother... again..."

Dito na ako nakaramdam ng matinding galit. He just mentioned him again and can't deny the fact that his plans are working!

Nanlaki mga mata ko nang may naglalakad mula sa kalayuan ng hallway na mga lalakeng mukhang adik.

Bumukas ulit ang pinto at lumabas din doon ang tatlong lalakeng mukha ring mga adik. Napatingin ako sa gawi ng aking kapatid na sobrang gulat na gulat. Obviously, he knows these guys who just entered the scene. Kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao at pag-ugat ng kanyang leeg dahil sa matinding galit.

"Naloko na," he whispered. "Sila 'yong sinasabi ko sa'yong gang na natalo ko sa drag race at 'yong nasa likod naman ay mga nakalaban ko dati sa cage fight," he added and it sent chills to me knowing that these guys can fight. At ako lang ang hindi.

"What should we do? You know that I can't fight. Talo tayo neto. Berde kasi dugo ng kapatid mo," I said with a hint of disappointment in my voice.

"Walang problema. Kahit anong kulay ng dugo mo, po-protektahan kita, Yohan."

Parang hinaplos ang puso ko sa aking narinig. Shemay! Ang sarap naman pakinggan no'n na nanggaling sa kapatid mo.

Parang ginanahan ako sa aking narinig kaya lalaban ako hangga't kaya ko!

Sinamaan ko ng tingin ang matanda na ngayon ay nakangisi pa rin na parang baliw.

"Get them, boys! I'll serve them to their parents in cut!"

Para akong nakuryente sa aking narinig.

H-He knows our parents!

Nagkatinginan pa kami ni Dash bago parehong naghiwalay dahil makikipagbakbakan kami.

I headed to the table to get some things to use.

Rinig ko ang sigawan at makailang pagdaing sa aking likuran. I slid my body to get near the bottle, napadaing pa ako dahil sa sakit ng impact sa aking dibdib.

As soon as I reached one of them, I quickly opened the bottle and threw the contents at a person nearby.

Napatigl ang lalakeng tinapunan ko, kita ko ang pag-usok ng kanyang suot na jeans hanggang sa tinutunaw na nito ang suot niyang damit.

I was shocked to see the acid slowly melt his jeans until it reached his skin. It burned and seeing it made me puke. Sumigaw ito nang sumigaw habang hawak ang kanyang binti na parang kita na ang buto dahil sa mabilisang paglusaw ng asido.

Tumayo akong muli at pinagbubuksan ang boteng nasa aking harapan. Kita ko na pinagtulungan nila ang kapatid ko kaya tutulungan ko rin siya!

"Dash!" Buong lakas kong sigaw sabay tapon ng mga bote na nahahablot ko sa kanilang direksyon.

It amazes me how quickly he ran out of the fight. Dito na sunod-sunod na nagkabasagan ng bote sa kanilang mga ulo't mukha dahilan para matapon ang laman nito. Sigawan na dala ng sakit ng pagkakatuklap ng kanilang mga balat ang aming narinig.

"Putangina, Yohan! Papatayin mo ba ako?!"

Sigaw ni Dash mula sa malayo kaya itinaas ko ang aking hinlalaki at hinuturo as peace sign.

"Ahhh!" Walang katapusang sigawan ng mga tinapunan ko.

Kanina pa ako diring-diring sa mga nangyayari sa kanilang mga balat. Shit! That's disgusting.

"Dash, sa likod mo!" I shouted when I saw a guy holding a knife trying to stab me silently.

Hinarap ito ni Dash at agad inulan ng suntok at tadyak.

Binalingan ko ng tingin si Mang Loro na hindi na mahitsura ang mukha dahil sa nangyayari. Knowing he was stupid for placing those bottles and deadly weapons around us, I smirked.

My instinct was to grab some knives to protect myself in case my enemies attacked.

I can't imagine myself doing this shit. Fighting those bad guys for survival. And the action genre fits him better than me.

Ang angas niya no'ng makailang beses siyang nagpakawala ng suntok, sipa at tadyak sa mga kalaban. Kaloka! Mukha talaga siyang action star. He can even lift his body like a feather while giving a kick.

Hinarap ko si Mang Loro habang nakatutok sa kanya ang kutsilyong kinuha ko.

"Sumuko ka na, Mang Loro! Natatalo ka na!"

"Well, surrender is not in my vocabulary. Men!" Sigaw nito. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita nang sunod-sunod na nagdadatingan ang mga lalakeng may hawak ng iba-ibang armas.

Fuck! Ang daya! Paano namin sila matatalo?

Napa-kamot tuloy ako sa akin ilong.

I felt like there were a hundred men showing up every second. Parang pinuno nila ang hallway sa dami nila.

"Dash, I think we need to run?" I suggested.

Pero mas lalo lang tumapang ang gago nang mas humigpit ang pagkuyom ng kamao nito.

"Una ka, Yohan. Lumabas ka na rito. Ako ang lalaban sa kanila---"

Natigil kaming dalawa nang sandaling may narinig kaming kumalansing sa sahig dahilan para mapatingin kami rito.

Walang tigil ang ingay nito, we're all confused with the can in between us.

Lata? Sinong tanga ang magtatapon ng lata sa amin?

Mas lalo kong tinitigan ang latang nakikita namin nang mapansin kong iba ang hitsura nito kompara sa normal na lata.

When I saw a puff of smoke coming from the can, I was in awe!

"Dash, takbo!"

Agad akong nagtungo sa pintuan ngunit bigo kong mabuksan ang pintuan dahil biglang nag-lock siguro. Mas lalong kumakalat ang usok sa buong k'warto, makapal at nakakasulasok ang usok.

Kahit anong takip ko ng aking ilong ay gano'n naamoy ko pa rin ang tapang nito. Nakakaramdam na rin ako ng paghapdi't maiyak-iyak na ang aking mata sa hapdi ng usok.

I kept banging on the door, but I kept getting weaker by the seconds. Parang namlalambot ang aking pakiramdam, hindi ko na alam ang gagawin...

Nawawalan na ako ng h-hininga.

Seconds later, I found myself lying on the floor with blurry vision and weak breathing.

Bumigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa hindi ko na nakayanan ang aking antok.

"Yohan..." I heard someone's voice. It felt like I heard a soft whisper before everything became blank.

***

NAGISING na lang akong nabungaran ang kulay asul na kisame, amoy ng mabangong petals ng rose at malamig ang simoy ng hangin.

That's unusual. Mostly 'pag ganitong scenario ay puting kisame ng hospital gigising ang isang bida. Then what just happened now?

Dahil sa pagkataranta ay dali-dali akong bumakod. Napatingin ako sa aking paligid at gulat na iginiya ang aking mga mata sa loob ng isang asul na k'warto.

Queen size bed, all-white sheets, blankets and pillows. There's a side table beside me with a bunch of red roses inside a huge vase. There's a sliding window gaya no'ng mga nakikita sa vintage houses sa Vigan.

"Where am I?" I whispered to myself as my eyes wandered around. May puno rin akong nakita sa labas na sinasayaw pa ng hangin ang mga dahon nito.

One thing that I notice is that I don't feel dizzy nor nausea at all. And that's quite confusing for me.

Agad akong umalis ng kama at agad na nagtungo sa pintuan. As I lean my head against the door, I listen for noises from outside but I cannot hear anything.

Kaya napagdesisyunan kong buksan ang pintuan at bumungad sa akin ang mahabang hallway. Gawa lang sa matibay na kahoy ang daan at ang pader ay kulay asul din na gawa sa semento.

There are portraits hanging on the hallway pero hindi ko na ito tiningnan dahil nakaka-trauma na ang mga ito.

As I kept on walking, I didn't notice where I was going pero no'ng pabalik na ako ay gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang isang matangkad na lalake na wala man lang ekspresyon ang mukha habang nakatingin sa akin.

I smiled awkwardly at him. "Hi, Sir? Have a pleasant day. Where am I?"

Parang gusto kong sapuin ang ulo ko dahil sa aking narealize. That's quite a dumb question, Yohan. Ba't bigla mo na lang tinanong sa g'wapong matangkad na lalakeng 'to ang sadya mo? Nakakagigil ako sa katangahan ko.

Besides these manly features, I think he can also pull off a cute smile. Pero sa nakikita ko ay parang hindi na ako masisinagan ng araw sa susunod pang araw.

"Mr. Jung, you are staying at San Iglesias. A place near Magallanes Slaughter House," sagot nito dahilan para mapatango-tango ako.

So it means ay malapit lang kami sa slaughter house? Kaya dito nila kami dinala dahil malapit lang?

Wait! My brother!

"Ah, Sir, asa'n po 'yong kasama ko? 'Yong kamukha ko?"

"Nasa baba po, Mr. Jung. I'm inviting you for breakfast." anito sabay talikod sa akin at nauna nang maglakad. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa hagdan na gawa lang din sa matibay na kahoy.

Sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa dalhin ako neto sa kusina. As we approached the kitchen, I heard different voices laughing nearby.

At nang sandaling marating namin ang kusina ay sumalubong sa akin ang isang babaeng naka-braid ang buhok. Agaw pansin sa kanya ang makapal niyang kilay at ang pagka-boyish nito. May tatlo ring lalake na natigil sa pagtatawanan nang makita ako. Isa ay kulot ang buhok at sobrang angas niyang tingnan. Habang ang isa naman ay parang santo sa sobrang bait ng mukha. Nakakahawa rin ang ngiti nito na parang nang-e-engganyo. At ang huling lalake ay may singkit na mga mata, mukha siyang Koryano pero moreno naman ang kulay ng balat.

They all looked great with my brother holding bacon. Nasa akto na ito ng pagkain.

"So this is your twin brother? Dude, he really looks like you!" Parang pangungutya ng lalakeng kulot ang buhok.

"Upo ka, kambal ni Dash. Kain ka na," pag-anyaya ng lalakeng may santong mukha.

"Hi," nagulat ako sa boses ng babaeng kaharap.

Don't know why but her voice sounds so distinct. Her voice quality is so rare.

"Uh, hi?" I replied awkwardly.

"By the way, you can see my comrades here. We have Jolo," tukoy niya sa mukhang Koryano. "Aki," turo naman niya sa may mala-santo ang mukha. "Mikki," pointing to the guy with curly hair. "And me, I'm Mikha. 'Yong nasa likod mo pala ay si Troy."

Ningitian ko sila nang pilit dahil hindi ko talaga sila kilala.

"Uhm, I'm Yohan Jung by the way, an actor..." Pagpapakilala ko.

Napatitig sila sa akin na parang gulat na gulat.

"Wait, ikaw 'yong nasa As Winter Melts Me? 'Yong second lead couple?" Manghang tanong ni Jolo.

Napatango na lang ako bilang sagot.

"Guys, that's not the point here," malamig na boses ni Troy ang umalingawngaw. "We're not here to be a fanboy or fangirl with our artists, remember our mission?" He added.

Kumunot ang noo ko sa aking narinig. Mission? What does he mean by it?

"What? Mission? You mean may ginagawa kayong aktibidadis?" Takang tanong ko.

"Si Mang Loro talaga ang target namin dito. O kilala bilang isang Dr. Magnus Loretero. Isang certifed surgeon doctor dati na nabaliw," paliwanag ni Troy dahilan para mas naguluhan ako.

"What? Pero ang sabi ni Mang Loro ay siya si Christopher March Sandoval. Eh, sino 'yong pangalang ginamit niya?" I asked again.

"Christopher March Sandoval? He's Mr. Loro's ex-best friend. Bigla akong napatigil nang may ma-realize.

Did he just spilled the identity ng taong gusto kaming patayin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top