Chapter 28
Captured
Johanson Treyton Vasquez
QUADRUPLETS!
Defined by Gagglr as each of four children born at one birth.
Four bodies are born at the same time. Apat na mukha. Apat na katawan. At apat na katauhan.
Alam kong apat kami.
Jarvee, Johanson, Jeremiah and Jairus?
Hindi ko alam kung tama ba 'tong iniisip ko pero sigurado akong hindi kami triplets. I still remember that day that the girls told me to set them free para matulungan nila sina Jairus at Jarvee. And now Jeremiah and I live under the same roof.
It only means that Jairus already knew about me and Jarvee, but not Jeremiah. While Jarvee only knew about Jairus, Jeremiah is aware of the existence of me.
Magulo man kung iisipin pero isa lang talaga ang pinupunto ko... at 'yon ay ang kailangan kong hanapin ang dalawang nawawalang kapatid ko.
All I know is that Jairus is not yet confirmed dead. While I'm looking for Jarvee. However, I guess Jarvee is not easy to find.
Nakakaloka na ang mga nangyayari.
Mayroon pang Sandoval kemerlu na gusto kaming patayin. I already talked to my manager. I'll be having a long hiatus so that can focus on these things; looking for my missing brothers and looking for the person who wishes us dead.
And now I think I'm ready to tell him half the truth. Sinadya ko talagang tagalan ang pagtingin sa profile picture ni Jairus para makita ng gagong 'to.
"Y-Yohan.. s-sino si J-Jairus Z-Zachary A-Amarillo? B-Bakit kamukha natin s-siya?" Nauutal nitong tanong at tanging pagngiti lang ang iginawad ko sa kanya.
He was in shock that he couldn't even move an inch. His eyes did not widen until he covered his mouth.
Nakakagulat naman talaga. Pinakita ko pa sa nakakabaliw'ng sitwasyon namin. Napabuntong hininga na lang ako dahil feeling ko ay maling oras ko naipakilala ang isa sa kambal namin.
"Jairus Zachary Amarillo o kilala bilang Z-Zach---" natigilan ako nang may maalala bago kami magkawalay no'ng araw na 'yon. Grabe, hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sakit ng pagkawala niya.
"Shhh... Don't cry brother... Hindi pa ako m-mamatay..."
"H-Halika ka na. Kailangan na nating m-makaalis dito. We n-need to go..."
"H-Here... Wala na 'yang password kaya wala ka nang m-magiging problema..."
"Halika ka na. Aakayin ki---"
"H-Hindi. We should part ways... Huwag ka nang makipagtigasan ng ulo. Do'n ka sa kanan at kakaliwa ako para lituhin sila. Kailangan may mabuhay sa 'tin..."
"I'm alright. L-Let's go,"
"Yohan, hahanapin kita kahit anong mangyari. I'll always be with you..."
Napapikit na lang ako sa sakit dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong makikita ko siya kahit isang beses man lang.
Hindi ko sukat akalain na ang isang tulad niya ang isa sa magpaparamdam sa akin na importante ang existence ko.
Lahat ng mga salita niya ay parang eksena sa isang pelikula na hindi ko na makakalimutan. Lagi ko siyang naalala kahit sa aking mga panaginip.
Agad kong pinunasan ang aking pisnge nang sandaling maramdaman ko ang likido na padaloy na sana. Kalurkey! Nakakahiya umiyak sa harap ni Dash, baka asarin na naman ako neto. Medyo gago pa naman 'to.
"Z-Zach---Oo! Si Zach! N-Namatay dahil sa 'k-kin..." There is a prick of needles in my heart as I say the truth.
Kaloka! Hindi ko na maintindihan sarili ko tuwing naalala ko 'yong taong nagsakripisyo ng kanyang sarili para sa akin.
"Namatay? Bakit namatay? Paano? Saan?" Sunod-sunod niyang tanong.
"I already told you, 'di ba that I was kidnapped before?" Kita ko ang pagtango niya. " And I met him that day. Nasa loob kami ng slaughtering house. At no'ng nakalabas kami ay hinahabol na kami ng mga lalake tapos gusto pa nilang patayin kami..." Habang tumatagal ay parang hindi ko na kayang ipagpatuloy ang pagku-k'wento. "That time... J-Jairus decided for us to split---maghiwalay kami p-para hindi na mahabol pa. P-Pero iba ang nangyari... nabuhay ako no'ng araw na 'yon... at nawala na lang s-siya bigla..."
Dito ko na hindi ma-control ang nararamdaman kong lungkot. Tuluyan ko nang pinakawalan ang emosyong kanina ko pa pinipigilan. I let myself cry in front of my brother.
Humihikbi. Sumisinghot. At walang tigil na ingay.
Nakakalungkot mang isipin pero hindi ko pa rin tanggap na wala na talaga siya. Alam kong buhay siya at hinding-hindi siya mamatay!
"Bakit? Bakit n-ngayon mo lang sinabi?" He asked while patting my shoulder.
"D-Dahil gusto ko na makilala mo siya na buhay..."
"Anong ibig mong sabihin?"
"No'ng maghiwalay kami, nakatakas na ako sa mga humahabol sa amin. At ang huli kong naalala ay nakarinig ako ng putok ng baril sa malayo. Pagkatapos no'n ay tuluyan na akong nakaalis sa lugar na iyon. As the days passed, I heard that bodies had been found in the Magallanes Slaughter House. Pumunta ako ng morgue para kompirmahin na wala na siya at wala akong nahanap na kamukha kong namatay---" naputol ang sasabihin ko nang siya na mismo ang nagdugtong no'n.
"At umaasa ka na buhay pa siya? Dahil wala ka pang nakikitang katawan?" Patuloy nito na agad ko namang tinanguan.
Natahimik kaming dalawa na waring pinapakiramdaman ang aming napag-usapan.
With each passing second, the atmosphere around us becomes heavier.
Gusto ko mang isigaw 'tong nararamdaman ko pero nakakahiya naman dahil nasa bahay kami baka marinig pa ng nandito lahat ng hinanaing ko.
I just let out a sigh before shutting down the laptop.
"What's our plan by the way---"
"Punta tayo ng Magallanes Slaughter House. Umasa tayong pareho na buhay pang kapatid natin..."
Napatingin ako kay Dash. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata sa kabila ng ngiti na kanyang ipinapakita.
Alam kong mabigat din ang kanyang loob sa kanyang nalaman. Hindi pa man niya nakikilala ang isa pang kambal namin, ramdam ko naman ang lungkot sa kanyang pagkatao.
Now that I have him, I guess he should also be the source of my strength.
"We'll travel there..."
***
Private property!
Police Line Do Not Cross
Bungad sa aming signage nang sandaling makarating kami Magallanes Slaughter House.
I can still remember that the vine plants ay hindi pa gano'n karami dati. Parang ang harapan pa lang ang tinutubuan ng nasabing halaman pero ngayon ay paranh buong lugar na.
Memories.
Sobrang daming alaala ang biglang bumalik sa aking isipan nang sandaling makita ko ang kabuoan ng lugar na 'to.
We both ran for our lives. While me, wishing for a respawn kung sakaling mamatay ako no'ng oras na 'yon. Pero ngayon ay dapat tatagan ko ang aking loob para dahil kailangan na kailangan ko 'yon.
Naiwan si Paslit sa pangangalaga ni Mami at dala ko na naman ang van ko na napaayos ko na nitong nakaraang araw pa.
Agad kong hinarap si Dash na kanina pa nangungunot ang noo.
"Grabe, parang sementeryo ang buong lugar. Nakakatakot pa naman, putangina!"
I guess, hindi ko na maalis sa kanyang isipan ang magmura.
"This is Magallanes Slaughter House," turo ko sa abandonadong gusali. "Dito kami dinala at nakipaghabulan dahil papatayin kami ng mga lalaking hindi namin kilala." Pagsimula ko sa pag-k'wento.
"Teka, paano kayo nakatakas. Sa laki ng lugar na 'to ay parang malabong mangyari 'yon?" Tanong ni Dash na kanina pa namamangha sa kanyang nakikita.
"May tumulong sa amin..."
"Sino?"
"Si Mang Loro. Isa sa nag-hihiwa ng karne rito. He let us escape dahil may galit siya sa may-ari nito."
He nodded, "Dahil baka Sandoval ang nag-mamay-ari ng lugar na 'to."
Natigilan ako nang may ma-realize sa kanyang sinabi.
Wait a minute, posible kayang---posibleng may galit din kaya si Mang Loro sa mga Sandoval?
"Teka, ano nga pala sinabi mo? Pinatakas kayo? Hindi ba sobrang weird no'n?"
Sinamaan ko siya ng tingin, "Bakit mo ba kinuk'westiyon ang kabaitan ng isang tao? Buti nga 'yon na pinatakas kami sa mga demonyong lalakeng 'yon. Edi, sana nategi na kami ngayon." Depensa ko.
Hindi na lang siya sumagot. Napagdesiyunan namin na libutin ang buong building.
Pumasok kami sa malaking pintuan sa harap dahil bukas naman ang pinto. Nakailang tulak pa kami bago namin mapasok ang loob nito. Nang sandaling makita namin ang loob ay gano'n na lang ang gulat ko nang tumambad sa amin ang malaking portrait...
Napatakip ako sa aking bibig sa pagkagulat. The last thing I remember in this place, there's nothing in this hall and it's just an empty space filled with rust and dust.
Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa aking nakikita. I can't believe it. Kung anong ikinaluma ng exterior ng building ay gano'n naman ang ikinabago ng interior.
Huge portrait of me? Jairus? Dash? Or Jarvee hanging on the wall. An array of knives is displayed on a long table to the side. Aprons in different colors are pinned to the wall. Different chemicals are displayed on the floor in the corner.
Sobrang dami ng mga aparato rito na parang may kung anong gagawing operasyon.
Hindi ko na alam pero sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko, hindi na matigil-tigil ang mga naiisip ko sa kung ano ang mangyayari sa susunod na minuto at oras.
I felt like we were trapped in this shitty abandoned building. I started feeling anxious while Dash was figuring out what was happening in his surroundings.
What's really happening?!
I said, "Who the hell did that?" Sigaw ko sa apat na sulok ng k'wartong 'to. Gusto kong ilabas ang sama ng loob ko dahil parang na-lure kami sa isang bait.
"Putangina, kanina pa hindi pakiramdam ko sa lugar na 'to. Alis na tayo, Yohan." Wika ni Dash sabay hawak sa aking palapulsuhan.
Hinila niya ako papuntang pintuan pero napatigil kami nang awtomatiko itong nagsara at nakarinig na lang kami ng pag-lock sa labas.
Pareho kaming nagkatinginan sa aming nakita.
"Help!"
I shouted multiple times as I kept slapping the door and kicking it in frustration. Fuck! Naloko na. Are we at a dead end?
I can't help but cry for help.
Ilang beses na ba kaming napasabak sa action? Being kidnapped? Chased by gunmen? Chased by a guy on a motorcycle? A psychopath fan tried to kill me?
Ewan ko lang kung may worst pang mangyayari sa akin? O sa amin?
Tanginang buhay naman 'to! Papatayin ata ako bago namin makumpleto pamilya namin.
"Yohan, kalma okay?"
Hindi ko na namalayan na hawak na pala ni Dash ang magkabilang balikat ko habang pilit niyang pinapakalma ang aking sarili. Napansin siguro niya na hindi na maganda ang hitsura ko.
"Makakalabas tayo ng buhay rito, okay? Teka," tinanggal niya ang kanyang bag at may hinablot doon. Ibinigay niya sa akin ang inhaler na hindi ko alam na dala pala niya. Wala naman akong hika pero isa minsan sa problema ko ay ang paghinga.
"Thank you," saad ko nang maibalik sa kanya ang inhaler matapos ang matagal kong paggamit nito.
Pero napatigil kami nang mapansin ang tunog ng yabag ng paa na nanggagaling sa kabilang side.
Dahan-dahan kaming napatingin sa pinaggalingan ng tunog at dito na ako nanlamig sa aming nakita.
Didn't expect that person to see him again.
"Hello, boys!" Nakakalokong saad nito.
I felt betrayed seeing him dressed in formal wear. Wala na 'yong dati niyang apron na may bahid ng dugo. He turned his innocent face into an evil face.
Is there something wrong?
He tsked, "Yohan... it's been so long. We met again," then his lips formed a devilish smile. "Do you miss me?"
"So all of these shits we've been through these past few days ay kagawan niyo?" Hindi ko makapaniwalang tanong dito.
Hearing chuckles, I walked to where the knives were laid.
Mariin akong napahawak sa palapulsuhan ni Dash sa matinding galit.
Grabe, parang gusto kong maging telekinetic na tao tapos paliliparin ko 'yong nakahilerang kutsilyo 'tsaka isasaksak ko sa kanya lahat ng nakikita ko sa lamesang 'yon.
He tricked us. He fooled us. And now we're here again.
He's facing his true self. I'm with my other twin. Can't help but clench my fist while waiting for his fucking response.
A smile crept onto her face again but this time, it said 'I'm not gonna let you escape again.'
I sighed.
"Yes. It's me, my dear. Nice to meet you, by the way, Mr. Christopher March Sandoval!"
S-Sandoval? Si Mang Loro?
Fuck!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top