Chapter 27

Fazbook

Jeremiah Dashielle Narvaez

BANG!

"RUN!"

Nagulat na lang ako nang umalingawngaw sa buong parking lot ang putok ng baril. Napatingin ako kay Yohan na nakatulala sa isang direksyon. Nang lingunin ko ang kanyang tinitingnan ay gano'n na lang din ang gulat ko nang mapansin ang isang pigura sa isang madilim na parte. Nakatutok sa amin ang baril nito.

Putangina! Sino na naman 'yan?!

"Yohan, pasok!" Sigaw ko. Agad naman siyang sumunod.

Bang!

Muling umalingawngaw ang tunog ng baril dahilan para mas binilisan ko pa ang pagtakbo papuntang driver's seat. Binuhay ko na ang makina at dali-daling nagmaneho palabas ng parking lot ng mall.

"Mga seatbelt niyo! Bilis!" Sigaw ko na agad naman sinunod ni Yohan.

"Paslit, magpatugtog ka muna, ah. May aasikasuhin lang kami," wika ni Yohan 'tsaka nilagyan ng earphones ang tenga ng kapatid ko. Nag-seat belt na rin sila kaya hindi na problema sa akin kung sakaling may humabol man sa amin.

"Putangina! Yohan, sino ang mga 'yon?!" Inis kong sigaw rito.

Napapatingin naman si Yohan sa kanyang likuran dahil baka sakaling sinundan kami nito.

"Ewan ko! Hindi ko alam! Basta ang alam ko lang ay gano'ng pigura ang nang-kidnap sa akin no'ng nakaraan! Nagpapakita na siya simula no'n!" Tarantang sagot nito.

Binilisan ko pa ang pagpapatakbo. At mabuti na lang din na walang traffic ngayong tanghali.

Taena! 'Pag malaman ko talaga sino may balak pumatay sa amin. Higit pa sa pag-embalsamo ang magagawa ko sa katawan ng mga mokong na 'yon!

Napapatingin na rin ako sa salamin dahil baka sumulpot ang mga gagong 'yon.

Nakakainis!

Kung kailan na maganda na ang kinalalagyan ko, do'n darating ang mga problema na hindi pa matapos-tapos!

Anak ng tupa naman talaga, eh, 'no?!

Habang nagmamaneho, napatingin ako kay Paslit na tahimik lang. Sa ganitong sitwasyon, alam na niyang may mali sa nangyayari sa kanyang paligid. Alam niyang may nanganganib. At mas minabuti na lang na sumunod at tumahimik kaysa maging sagabal.

Ilang segundo pa nang napansin ko ang humaharurot na dalawang motor mula sa aming kaliwa't kanang direksyon.

Binantayan ko ang dalawang 'yon hanggang sa marating nito ang aming kinaroroonan.

"Ah, Dash. Sila ata 'yong mga aatake sa atin?" Naguguluhang tanong ni Yohan. Nang sandaling napatingin ako sa aking kaliwa ay gano'n na lang ang gulat ko nang humablot ng baril ang isang lalake.

Tinutok niya ito sa aking direksyon dahilan para mag-panic ako't gumewang-gewang ang galaw ng sasakyan.

"Puta!" Sigaw ko at mas binilisan ang pag-apak sa accelerator. "Yohan, bantayan mo si Paslit. Baka matamaan ng bala!" Pagbabanta ko sa kanila.

Wala pang minuto nang muli ako nakarinig ng pagtama ng baril sa van na sinasakyan namin. Napapayuko pa kaming tatlo.

Ano ba kasing problema ng mga gagong 'to? Bakit ba atat na atat silang barilin kami?

Isa lang talaga ang naiisip kong p'wedeng gawin sa oras na 'to.

At 'yon ay banggain ang mga motor na 'yon!

"Yohan, pasensya ka na sa gagawin ko sa sasakyan mo!" Sigaw ko.

Nang tumabi muli ang isang motor sa gawing kanan ko ay walang atubiling binagga ko ito dahilan para lumayo ito sa tabi ko. Katulad no'ng isang motor ay tumabi rin 'to sa akin sabay kuha ng kanyang baril. Dahil magaling akong magmani-obra ng manibela, hindi na gano'ng kahirap sa akin ang pagpapagalaw ng sasakyan.

Agad ko itong ibinangga sa kabila at gaya ng inasahan ko, nabangga siya nito dahilan para tumilapon ang motor at ang sakay nito sa daan. Nakarinig pa ako ng busina mula sa mga sasakyan sa aking likuran.

Sa oras na ako talaga ang kinalaban at may dala akong importanteng tao sa akin, asahan mong hinding-hindi ako magdadalawang isip na banggain ka kahit mawalan ka pa ng hininga.

Nagpatuloy ang banggaan ng dalawang behikulo. Wala nang atrasan 'to. Para ngang banggaan sa mga action film ang nangyayari sa amin.

Ilang minuto lang nang napansin ko na dalawa ang daanan sa unahan. Isang daan na papasok sa kagubatan habang ang isa naman at papuntang siyudad.

Walang alinlangan tinahak ko ang magubat na daan. Wala nang sasakyang dumaraan kaya malaya na kaming magbanggaan.

"Shet!" Mura ko nang biglang may bumangga ng sinasakyan naming behikulo. Ramdam namin ang pag-uga sa loob ng sasakyan.

"Dash, nasa likuran natin siya!" Rinig kong sigaw ng aking kapatid kaya napatingin ako sa taas na salamin at nakita nga ang taong gustong barilin kami.

"Yuko ka lang, Yohan!" Sigaw ko.

Mabilis kong inapakan ang brake dahilan para mapasubsob kaming lahat na nasa loob. Rinig kong may tumilapon sa labas na aming sasakyan.

Hininto ko ang makina nito at agad na bumaba ng van. Nang puntahan ko ang likuran ay tumambad sa akin ang motorsiklo at ang lalaking nasa unahan na kasalukuyang nakahimlay sa daan.

Rinig ko ang pagdaing ng gago sa sakit. Hawak nito ang kanyang kaliwang binti na hindi niya maigalaw.

"Gago!" Sigaw ko.

Lumapit ako rito sabay 'apak sa kanyang binting nagdurugo. Kita ko ang masaganang pag-agos ng dugo sa daan, kita ko rin ang bali niyang kanang braso.

Bagay lang sa kanya 'yan. Kulang pa nga!

"Ahhh!" Sigaw nito. Hindi niya alam kung saan niya ihahawak ang kanyang kaliwang braso, kung sa nabali niyang isa pang braso o sa tinapakan kong binti niya.

"Napakawalang hiya mong gago ka!" Nanggigil kong wika habang binabaon pa lalo ang aking paa rito. Mas lalo siyang umungol dala ng sakit. Namamaos dahil sa palahaw na hindi niya mapigilan.

"T-Ta---ma na!" Sigaw nito.

"Sinong nag-utos sa'yo?" Mas lalo akong nanggigil sa kanya. Yumuko ako sabay tanggal ng helmet sa kanyang ulo. Lumitaw sa akin ang singkitang mata, mabigote at isang lalaking may hugis parisukat na panga. "Hindi kita kilala pero sarap mo tirikan ng kandila sa sementeryo!"

"T-Tama na p-po!" Naiiyak nitong wika.

"Ikaw na ngang may ganang patayin kami, ako pa inuutusan mo na tama na! Gago ka ba?! Ha?!"

Sa oras talaga na hindi 'to umamin, baka kita ko na ang laman at buto dahil sa kaaapak.

Huminga ito ng ilang beses na parang hinahabol ang kanyang hininga.

"S-San---doval! Ahhh!" Sigaw nito.

"Ano?"

"Itigil mo na 'yan!" Napatingin ako sa aking likuran nang makitang lumabas ng van si Yohan.

"Itigil? Tumigil ba siya no'ng pinagbabaril niya ang sasakyan mo?" Tanong ko rito. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata na parang nagmamakaawa.

"Alam kong balak niya tayong patayin. Pero hindi na tama 'to!"

"Tsk! Bahala ka riyan. Hangga't hindi umaamin ang gagong 'to!" Nanggagalaiti sa galit kong pagsalita. Binalikan ko ng tingin ang lalakeng kanina pa sigaw nang sigaw. "Sinong nag-utos sa'yo?!" Hindi ko alam pero para akong sinaniban ng kung ano. Sobrang nakakatuwa na tinitingnan siya na sumisigaw habang humihingi ng tawad.

"S-San---doval! Mga Sandoval!" Diretso niyang sagot.

Sandoval? Sinong Sandoval? Punyeta wala akong kilalang Sandoval!

Inis kong binalingan ng tingin ang kapatid kong naiiyak na sa mga nangyayari.

"Sandoval daw ang nag-utos. May kilala ka?"

"S-Sandoval?" Nauutal nitong tanong. "Wala akong kilalang Sandoval." Sagot nito.

"Taga-saan ang mga Sandoval, pre?"

"H-Hindi ko sila k-kilala..." Naiiyak nitong tugon. "A-Ang sabi lang sa a-amin... u-utos ng mga S-Sandoval..."

Muli akong yumukod sabay hablot ng isang bagay na alam kong tatapos na sa paghihirap ng gago. Hinablot ko ang baril sa kanyang bulsa sabay tutok ng nguso nito sa kanyang ulo.

"Madali lang naman akong kausap. Anong huling habilin natin bago tirikan ng kandila?" Pang-aasar ko rito.

Kita ko ang takot sa kanyang mukha na mas lalong nagpagana sa akin para hilahin ang gatilyo ng baril.

"Nagmamay-ari sila ng kompanya!" Sigaw nito.

Napatingin ako kay Yohan. Pareho kaming nalilito sa mga nangyayari. Putangina! Bakit may gusto kaming patayin ng isang taong nagmamay-ari ng isang kompanya?

Ano bang ginawa naming mali na hayok na hayok siyang patayin kami?

"What? The fuck with that person who owns a company? They want to kill us? For what?" Sigaw ni Yohan na halatang nagalit na rin. Naiinis nitong sumbat.

Napangisi na lang ako sa sinabi ng lalakeng nasa harapan ko. "Tulog ka muna, lods." Ani ko sabay hampas sa kanyang batok. Nawalan ng ulirat ang lalake na siyang dahilan para bumulagta itong muli sa daan.

"What did you do, Dash?"

"Pinatulog ko lang. Tawag ka ng ambulansya. Hindi pa 'yan mamatay. Mga bukas pa 'yan kung hindi titigil katutulo ang dugo ng gagong 'to!" Inis kong sabi bago pumasok muli sa van.

Kita ko pa ang pasimpleng pagngisi ni Paslit dahil siguro sa kanyang pinakikinggang musika.

Natatarantang pumasok ng van si Yohan na halatang may ayaw iwan, "We'll leave him there?! I mean, hindi ba natin siya dadalhin?"

"Okay na 'yong tinawagan mo ang hospital. Sila nang bahala riyan. Tutal gusto niya tayong patayin," naiinis kong saad dahil parang santo naman ata 'tong si Yohan.

Muli kong binuhay ang sasakyan at pinaharurot pauwi.

Ngayon na may pangalan na kami sa posibleng pumatay sa amin, hindi na ako magdadalawang isip na magsayang ng oras. Hangga't maari, aalamin ko ang katauhan ng diablo'ng 'yon bago kami mapatay.

***

KASALUKUYANG nakaharap sa harap ng screen si Yohan. Kauuwi lang namin at wala na kaming na sinayang na oras.

Magkasama sina Paslit at Mami para maglaro. Habang kami naman ay hindi na napigilang mag-reasearch kung sino ang tinutukoy na Sandoval ng taong iniwan namin sa daan.

Nagsimulang mag-tipa si Yohan sa keyboard sa Gagglr.

Maramig sagot ang ipinakita ng Gagglr at sobrang dami no'n kung isa-isahin. Kaya ginawa na lang ni Yohan ay naging specific sa kanyang itinitipa.

"Gosh! Wala namang Sandoval ang malapit sa lugar na 'to. Nasa Mindanao ba ang tinutukoy niyang Sandoval?"

Hindi ko mawari kung naiinis o may galit ba 'tong si Yohan dahil medyo maingay ang kanyang pagtipa tapos may balak pa ata siyang sirain ang keyboard niya.

"Itipa mo, 'Sandoval company owner at San Matias'," utos ko rito na agad naman niyang ginawa.

Wala nang lumabas sa sinabi ko. Kaya triny namin ang iba pang p'wedeng ma-type.

Sandoval company owner in Luzon.

Sandoval company owner at Visayas|

Is there a company owned by the Sandovals?

Who is the fucking owner of Sandoval Ltd!!!!!

Kita ko ang huli niyang sinearch bago sinara ang laptop na iritado. Napapakamot na naman siya sa kanyang ilong.

Ang dami na naming sinearch na p'wedeng i-konekta sa mga Sandoval pero ni isa ay isa lang ang itinuturo. At 'yon ay ang Sandoval na nasa Mindanao.

Sobrang layo ng taong gustong pumatay sa amin pero kung mayaman naman pala ang may balak na alisin kami sa mundo, magagawan niya lahat ng paraan.

Naupo ako sa kabilang upuan dahil nakakapagod nang nakatayo ng ilang minuto.

"Sa tingin mo, siya na kaya 'yon?" Pagsimula ko ng usapan.

"It might be. Sandoval Corp. is owned by a middle-aged man in Mindanao. Malaking posibilidad na siya nga ang may likod sa lahat ng 'to. 'Yon lang naman ang lumalabas sa Gagglr," sagot nito na siyang dahilan ng pag-iisip ko ng mas malalim.

"Sa Gagglr lang naman tayo nakapag-search. Subukan kaya natin ang Fazbook? O YouWatch? Baka may lumabas?" Suhestiyon ko na agad naman niyang sinang-ayonan.

Isa rin ang Fazbook sa may malawak na reach pagdating sa social media. Ito ang kadalasang ginagamit ng lahat kapag gusto nilang makipag-usap sa malayuan. At dito rin kadalasan na naghahanapan ng mga bagay na nawawala.

Lagot talaga sa akin 'tong si Sandoval 'pag nalaman ko ang totoo niyang pagkatao. Hindi kamao ko ang matitikman niya kundi pati na rin ang sipa at mura ko. Tangina niya! Dadamayin niya pa kaming nanahimik.

Binuksan niyang muli ang kanyang laptop kaya lumapit akong muli sa p'westo niya. Nang sandaling bumukas ang screen ng kanyang laptop at nagtungo siya sa hindi niya na-close na tab ng Fazbook.

Nagulat ako nang may profile picture siyang tinitingnan.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan at napanganga na lang sa gulat.

Tangina! Sino na naman 'to? Bakit kamukha namin siya?

"Y-Yohan.. s-sino si J-Jairus Z-Zachary A-Amarillo? B-Bakit kamukha natin s-siya?"

Nauutal kong tanong at tanging ngiti lang ang ginawad sa akin ng gago.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top