Chapter 26
Exposed
Johanson Treyton Vasquez
BANG!
Yumanig ang buong theater matapos ang pagsabog sa left part nito. Lahat ay nagulat at may napasigaw pa sa kaba. Napatago kami sa aming kinauupuan habang naglabasan naman ang mga guwardiya para rumesponde sa nangyaring pagsabog.
Hinahanap naman ng mga mata ko si Dash na hindi ko alam kung nasaaan.
"Guys!" Tumakbo ang emcee sa gitna ng stage. "Let's all remain calm and wait for the response sa security!" Pag-anunsyo nito.
Hindi pa rin ako mapakali hangga't hindi nahahanap ng mga mata ko si Dash.
Ilang segundo pa ang lumipas nang bumukas ang pinto at may pumasok na isang g'wardiya. May dala itong baril at halatang mau hinahanap sa kumpol na mga tao.
"Pasensya na pero wala munang lalabas! Napag-alaman namin na may isang lalake ang nagtanim ng bomba sa gawing kaliwa ng teatro'ng 'to! Kaya hindi ko muna pahihintulutin na makalabas ang lahat!"
Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Hindi ko alam kung ang nangyaring pagsabog ay planado ba ng isang rebelde? May galit sa may-ari ng teatro'ng 'to? O dahil sinusundan kami ng pigurang 'yon?
Fuck! I don't know if this is coincidence or not. Basta nasa peligro ang buhay namin ngayon ng kapatid ko.
Bakit ba kasi may gustong pumatay sa amin?
Help! I can't! Gusto ko na lang maging hotdog sa ref kung gano'n lang din naman ang mangyayari sa amin.
"Charles whispered beside me, "So, who do you think committed this attack?"
"Eh? Kinareer mo na talaga 'yang pagiging detective mo 'no? My job here is not to investigate, so I won't do any investigation." Sagot ko rito na siyang ikanakunot ng kanyang noo.
"Could you please stop moving? Ano bang problema mo---"
"Ayon!" Nagitla ako nang may sumigaw muli sa entrada ng pintuan. May nagtayuan sa aking harapan kaya hindi ko na makita ang mga nangyayari.
Ilang segundo lang nang makarinig ako ng mga nagtatakbuhan kung saan. May nakita pa akong dumaang security malapit sa akin.
"Hulihin niyo!"
"Hands up!"
Napatayo na rin ako at napatingin sa kung saan nila tinututok ang kanilang mga baril. Nagulat ako nang makita ang lalakeng sobrang pamilyar sa akin.
Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita siyang nakataas ang mga kamay at parang wala nang planong tumakas pa.
Fuck! What should I do?
"Huwag ka nang pumalag pa! Huli ka na namin."
Dahan-dahan nang lumapit ang mga security kay Dash na kanina ko pa napapansin na palipat-lipat ang tingin nito sa kaliwa't kanan.
Bahala na nga!
"Tanggalin mo 'yang mask mo!"
Wala na akong pakealam. Agad akong tumakbo papuntang stage at hinarang ang aking sarili para protektahan si Dash.
Wala na akong mapagpipilian. Mukhang ma-e-expose na ang kinatatago kong sekreto, ah.
"Sir Yohan, umalis kayo riyan! Siya ang naglagay ng bomba sa teatro'ng 'to!" Sigaw ng security.
The audience was shocked and then murmurs filled the room. We were in the spotlight like we were on a show. It was a confusing and worrying moment for everyone in the audience. Trying to figure out what's happening right now.
"Do not shoot, please!" I even wave my hands for them to put their guns down.
"Show yourself!" Pag-utos ng isa pang security guard.
Tinanguan ko na lang si Dash. Umalis ako sa kanyang harapan at doon na niya dahan-dahang tinanggal ang kanyang mask.
Parang isang eksean sa isang teleserye kung saan dahan-dahang i-re-reveal ng isang karakter ang kanyang sarili sa lahat.
Nang sandaling matanggal nito ang piraso ng bagay na nakatakip sa kanyang mukha ay gano'n na lang ang pagkagulat at pagsinghap ng lahat. May iba pang nakatakip sa kanilang bibig sa kanilang nakita.
"Yes, he looks like me... because he's my twin brother. Everyone! Meet my brother, Dash!" Pagpapakilala ko sa kanya sa publiko. Agad naman gumalaw ang mga reporters at nagsimulang nagkuhaanan ng litrato.
Tatabunan ko na sana si Dash nang maalala na wala rin palang silbi 'yon nang bigla niyang isuot ang kanyang face mask 'tsaka sumuong sa dagat na tao. Sa galing niyang sumuong nakita ko na lang na nasa entrada na siya ng pintuan at tuluyan na ngang lumabas.
The flashing of cameras continues and I'm just staring at the door... waiting for him to be back.
But I guess I need to follow him.
Hinawi ko ang mga camera'ng nakatapat sa akin at sumuong na rin sa kumpol na mga tao.
Wala na akong pake kung naka-formal attire ako tapos haggard na paglabas dito. 'Di bale, babawi na lang ako sa next life ko.
Pagkalabas ko ng pintuan ay hinanap agad ng mga mata ko ang kinaroroonan ni Dash ngunit bigo ko siyang makita.
Tumakbo na lang ako papunta sa aming van dahil do'n ko lang ata makikita ang mokong na 'yon. At pagkarating ko ro'n ay bukas nga ang malaking pintuan ng nito. Kita ko si Dash na nagsusumiksik sa gilid.
Nang sandaling lapitan ko ito ay gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nakayakap ito sa kanyang tuhod. Tama lang ikaw na nanggagaling sa street light dito sa parking lot kaya nakikita ko ang ginagawa niya sa loob. Isa pa sa nagpagulat sa akin ay naririnig kong paghikbi nito.
Parang dinurog ang puso ko habang nakatingin sa kanya.
"D-Dash... what happened?" I asked him and then things became clearer for me. His hand was shaking, and he buried his face in his hands. "A-Are you a-afraid?"
"G-Gano'n pala 'p-pag nahuli ka..."
Dito na ako natauhan sa kanyang sinabi.
Gosh! I forgot! Kilala pala siya sa kanilang lugar. Alam kong never pa siyang nahuli sa masamang gawain niya kaya no'ng oras na 'yon ay do'n niya pa lang siya na-corner sa kasalanan na hindi niya ginawa.
It brought fear to him. Gano'n ang ma-i-instill sa kanya sa oras na mahuli siya. He feared that Paslit would not be in his arms when the time came that he was caught by authorities.
Paslit really cares for him like a brother. Ngayon lang ata ako nakatagpo ng taong handang gawin ang lahat kahit hindi niya kadugo ang isang tao. He's such a great person... sana maraming tao pa ang katulad niya.
Lumapit pa ako sa kanya at niyakap ang taong alam kong walang kadramahan sa kanyang sarili.Immediately after I hugged him, he hugs me back.
"Y-Yohan... si P-Paslit..." Humahagulgol nitong saad. Ramdam ko ang pamamasa ng aking leeg dahil sa iyak nito.
I love how Jeremiah Dashielle Narvaez is soft when it comes to a young boy named Paslit.
***
"NAGULAT ang lahat kagabi sa premiere ng inaabangang movie of the year na 'As Winter Melts Me' na pinagbibidahan ng mga rising star na sina Gail Maraoli at Werton Jimenez. Kasama rin nila sa nasabing pelikula sina Yohan Jung at Maddie Paez. Bukod sa inaabangang premiere na nangyari kagabi, isang insidente rin ang siyang gumulat sa lahat. Nariyan ang pagsabog ng kaliwang parte ng nasabing teatro at ang pagkakalantad sa kambal ng actor na si Yohan Jung---"
Agad pinatay ni Dash ang palabas. Sa paglipas lang ng ilang oras at exposed na kaming dalawa. Everyone now knows that I have a twin brother. Hindi na ako magtataka na naging headline na ako sa mga balita sa mga tabloid o newspaper.
Well, that's how showbiz works. Fuck! Kailangan ko na atang mag-hiatus.
Nakakairita talaga ang mundo ng showbiz. Marami pang nagpapakalat ng fake news. Isang click mo lang may magpapalaganap na naman ng mga hindi makakatotohanang artikulo o lathalain sa anumang mga papel at websites.
Napasabunot na lang ako sa aking ulo dahil sa pagkairita. Napakamot na rin sa tungki ng aking ilong. Napatingin naman ako kay Dash na napapakamot na rin sa kanyang tenga.
"Ano na ngayon?" Pang-iinis ni Dash.
"Huwag mo 'kong simulan, Dash, ah. Umiyak ka kaya kagabi!" Balik kong asar dito. Kita ko kung paano nalamukot ang mukha niya. Asar talo ang gago.
"Gago! Pinaalala mo pa talaga!" Nakatanggap ako ng mahinang suntok mula sa kanya sa aking batok.
"Kaya nga. Huwag mo 'kong asarin. Wala ako sa mood ngayon. Baka masapak kita nang wala sa oras!" Natatawa kong sabi. Kasunod nito ay kumuha siya ng unan sabay hampas nito sa akin.
It's already five in the morning. Nakatulog naman kami at pareho ring nagising ng alas singko ng umaga. Kaya nandito kami ngayon sa sofa rito sa sala.
"Hampasan na lang, oh!" Asar nito sa akin.
"Bahala ka riyan. Malakas ka naman, eh. Talo na ako sa paluan ng unan!"
"Mag-gym ka kase!"
"Ayoko! Nakakatamad na!"
"Sabihin mong mas gusto mong kumain nang kumain---"
"Tara, kain tayo!"
Natigil ang tawanan namin at biglang nagseryoso ang kaharap ko. "Tara!"
Muli kaming nagtawanan dahil sa kakulitan ni Dash. Minsan ang gago niya talagang kausap. 'Yong tipong sobrang saya niyo tapos bigla siyang mag-se-seryoso at kakausapin ka ng pagkaseryoso. Tapos no'n tatawa ulit siya. Ang kulet lang!
Nagtungo kami sa kusina at naghablot na lang ako ng isang bag ng french fries. Iner-fryer ko na lang ito since madali lang naman. Gumawa na rin ako ng drinks na mainit dahil malamig ang hangin.
"Nga pala, paano ka marunong nakipaglaban?" Curious kong tanong dito.
"Basagulero nga kapatid mo. Drag racer? Hindi pa 'yon. Isa rin akong fighter." Sagot nito.
"Fighter? Ng alin ba?"
"Binansagan kami na cagefighter. Isa siyang tipo ng patimpalak na ilegal. 'Yong tipong ikukulong kayo sa isang pabilog na parang hawla. Tapos makikipagbakbakan ka. Mahimatay ka o sampung segundong hindi makatayo, ibig sabihin no'n ay talo ka," paliwanag nito na mas lalong nagpamangha sa akin.
Parang sa mga movies. Kung gano'n ay sobrang angas pala talaga ng kapatid ko.
"Nanalo ka naman?"
"Siyempre. Isa kaya akong undefeated champion! Pero natigil din ako no'ng may hindi magandang nangyari," he said sadly.
"Ano 'yon?"
"'Yong huli kong nakatunggali, na-coma ng ilang buwan. Natamaan ko 'yong sensitibong parte ng katawan niya. Isa rin 'yon sa dahilan kaya hindi na ako nagtangkang bumalik pa sa underground. Ngayon iba na ang naghahari roon. Mas lalo silang naging marahas," hindi ko alam pero nagulat ako sa sinabi niya.
May gano'n pa lang lugar? Underground? Grabe na talaga ang mundo ngayon.
"Kaya ka napunta sa---alam mo na?"
"Oo. Mas malaki ang kinikita ko. Mas matagal niyang hindi nasasaktan si Paslit..."
Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
He experienced the harshest conditions ... violence, being a thief, fighting for his life and loving a child who was not related to him.
Grabe! S'werte ng magiging asawa nito.
Lumapit ako sa kanya sabay tapik sa kanyang braso. Kaya kailangan niya ng taong magiging kaagapay niya sa oras na walang-wala siya.
Tumunog ang air fryer kaya kinuha ko ang niluto ko at pareho namin itong nilantakan alas singko ng umaga.
And I really enjoyed his presence that morning. Wish it would last...
***
NANDITO kami ngayon sa supermarket. Bibili kami ng mga kailangan naming bilhin. Pareho kami ng pakulo para hindi kami makilala ng mga taong nakapaligid sa amin.
Bukod sa naka-shades ako, gumihit din ako ng pekeng bigote para magmukha akong gurang. Naka-cap naman si Dash at nagsuot naman siya ng pekeng bigote na nakuha ko no'ng halloween. Nakasakay naman sa cart si Paslit na kanina pa pasinghot-singhot sa kanyang paligid.
"Kuha lang kayo ng kailangan niyo. Ikaw ba Paslit? Anong gusto mo?"
Napailing ang bata, "Wala naman po, Kuya Yohan."
Napabuntong hininga na lang ako, "Alam mo Paslit, minsan pa-spoil ka rin, 'no? At dahil diyan bibilhan kita ng foods. Sunod na 'yong toys kung nakakakita ka na," ani ko.
Kita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Paslit. Napangiti na rin ako. Minsan talaga nakakahawa ang ngiti ng bata 'pag alam mong genuine 'yong reaksyon niya.
Natungo ako sa kabilang estante at kumuha ng malalaking marshmallows, waffers, chicaron at isang litro ng ice cream.
Pabalik na ako nang biglang nanindig ang balahibo sa aking batok. Sa oras na ganito ang nararamdaman ko ay isa lang ang ibig sabihin no'n... may dalawang mata na nakamasid sa akin.
Napalingon ako kung saan, pilit hinahanap kung saang gawi mga matang nakatingin sa akin.
Fuck!
Mabilis akong bumalik sa p'westo ko kanina. Naabutan ko sina Paslit at Dash na kasalukuyan ngayong namimili ng mga iinumin.
"Dash, tapos na kayo?" I asked them directly. Napalingon din sa paligid si Dash. Mabilis itong gumalaw at kumuha ng ilang piraso pa ng lata ng beer bago tinulak ang cart namin papuntang counter. S'werte pa namin na wala nang tao sa huling counter kaya sa amin ang inassist.
Napapalingon kaming dalawa kung saan.
"Ano bang nangyari, Yohan?"
"I don't know. However, I felt strange in the dairy section. Parang may nakatingin sa akin. Nakakakilabot," sagot ko rito.
"Sir, cash po?" the cashier asked. I hand her my card. "That's thirty-four thousand and five hundred ten pesos, Sir. Come again and thank you," pagbati ng cashier.
Naka-carton ang aming pinamili kaya isinakay ulit namin ito sa aming cart palabas ng mall. Nang sandaling narating namin ang parking lot, dali-dali naming isinilid ang aming pinamili sa trunk ng van. Pumasok na rin si Paslit sa loob habang kami naman ay tarantang nililipat ang aming pinamili sa loob.
Ilang minuto lang ang lumipas nang muli kong naramdam ang kilabot no'ng nagsitayuan ang balahibo ko sa aking batok.
Napatingin ako sa aking paligid. I saw a figure standing near the mall's exit. The gun he's holding is pointed at us. And all of a sudden, he pulled the trigger, and a loud bang echoed around.
Bang!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top