Chapter 25
Premiere
Johanson Treyton Vasquez
KANINA pa hindi mapakali si Dash. Walang tigil ito kalalakad sa harap ko habang kasalukuyang nakaupo naman ako sa couch, tulog na si Paslit niya at siya naman ay balisang nag-iisip kung sino ang posibleng nagpadala ng nasabing letter.
We've been trying to figure out whose letters those are, and I must say, that's the creepiest thing that ever happened to me!
Gosh! Things really freak me out. Hindi ko na alam kung paano na naman aayusin 'tong gusot na 'to.
I'm pretty sure that death threat is not from my fan. As the message itself indicates, he or she knows that I live under the same roof as my twin. And the scariest part here is, baka madamay ang kapatid ni Dash na si Paslit sa gulong 'to.
"Putangina..." He whispered. "Sino ba kasing may balak na patayin tayo?" Inis nitong sabi sabay sabunot sa kanyang buhok. "Isipin mo, baka isa sa fans mo ang nagpadala no'n."
"Dash, my fans are mature enough to avoid putting me in scandals, and they're my best friends," I lied.
Naalala ko na naman ang nangyaring isang creepy die hard fan ko na parang gusto akong patayin no'ng nagparty kami matapos ang taping.
Gosh! That really gave me trauma and now I'm lying to my brother just to have a clean record on him.
"Kung gano'n, isa siguro sa mga nasaktan ko dati," he uttered while having deep thoughts again.
"What do you mean?"
"Alam mo na. Basagulero ako, 'di ba? Naalala ko pa rati na may natalo ako sa isang drag race na isang gang leader. Hindi niya matanggap na natalo ko siya kaya hinamon niya ako. Ilang beses kaming nagtuos no'n. Gagi! Natumba ko pa best friend no'n kaya na-hospital," he said proudly.
Iba talaga 'pag basagulero ka. Proud pa ang gago sa nagawa niya.
"Is there anything else na nakalaban mo?"
"Basta alam ko, wala sa mga kapitbahay ko ang mag-ta-traydor sa akin. Nasa ulupong na mga gangsters ang suspect ko rito. Ikaw ba?"
"Okay fine! Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. One of my fans tried to kill me pero nahuli na siya," I said. I saw how his face turned red trying to hold his laughter.
"May nalalaman ka pang matured enough. Isa rin pala sa fans mo ang may motibo para patayin ka," he then chuckled.
Fuck! May nakakatawa ba sa sinabi ko? Panget niya ka-bonding.
"Tse! Hindi mo naman kasi alam kung anong trauma ang inabot ko sa isang 'yon!" Pagmamaldita ko rito.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya habang iniisip pa rin kung sino pa ba ang mga tao sa likod ng threat na 'yon. Tatayo na sana ako nang biglang tumunog ang aking telepono.
A message... from our director?
From: Director
Hey, Yohan, I'll have to inform you that we will have our premiere tomorrow for our movie at Archess Theater at 8:00 PM. Full cast should be there.
Love you lots.
Nangunot ang noo ko. Bukas agad ang premiere? Eh? Sabagay one month ago pa ang trailer kaya expected na tapos na talaga ang lahat.
Paano ba 'to? Safe kayang pumunta ako sa event tomorrow? Baka something might happen during the way. Is there something that might attack me again?
Just having some random thoughts since nalagay na kami sa delikadong sitwasyon.
"Ano 'yon, Yohan?"
Napansin siguro niya na nangunot ang noo ko sa harap ng telepono.
"Ah, nothing. It's just we'll be watching the premiere tomorrow for our m-movie..." I answered.
"Eh, bakit parang takot ka? May problema ba?"
"Ah, dati kasi may umatake sa akin. I was kidnapped before. And I guess, sobrang delikado na sa akin ang lahat. Gusto kong pumunta pero baka may aatake sa akin---"
"Payag ako. Ako muna ang magiging bodyguard mo. Kaya kitang protektahan. Tumba sa akin 'yang mga kinatatakutan mo!" May pa suntok pa siya sa kanyang dibdib na nalalaman.
"Tumba ka nga rin no'ng nabangga ko. Ano ka ngayon?" Biro ko rito.
"Punyeta, hindi ko naman kasi inasahan 'yon. 'Tsaka sasakyan 'yong umatake, hindi naman tao. Gago!" Singhal niya sa akin.
"Promise mo 'yan, ah? Bodyguard kita bukas?"
"Oo. Ako ang taga-bantay mo bukas. Huwag kang mag-alala. Magaling sa bakbakan 'tong kapatid mo!" Inilapit pa niya ang kanyang kamao sa direksyon. Right after, I gave him a fist bump and smiled at him.
"Bakbakan? Sinong makipagbakbakan?" My eyes widened when I heard a familiar voice!
Fuck! Mami is here!
Dahan-dahan akong napalingon sa aking likuran. Hindi ko malaman kung anong magiging reaksyon niya sa oras na makita kami.
The moment I turned my head to her, I noticed that his eyes also widened. Gulat na gulat at napatakip pa siya ng kanyang bibig dahil sa kanyang nakikita.
"W-Who is that guy?" Turo niya kay Dash. Kilala niya talaga ako. Napakamot tuloy ako sa aking ulo at tumayo.
"Mami..." Nasambit ko na lamang dahil kita ko ang pamumutla ng kanyang mukha.
Nagulat ako nang biglang nag-collapse si Mami pero agad din naman siyang nasalo ni Dash. Eh? Mabilis yarn?
"Mami!" Sigaw ko sabay dalo sa kanila. Kinuha ko ang piraso ng cardboard malapit sa akin at maiging pinaypayan si Mami.
Gosh! Sabi ko na nga ba mahihimatay 'to 'pag nalaman na may kamukha ako.
Mas binilisan ko pa ang pagpaypay.
"Isugod kaya natin 'to sa hospital?" Suhestiyon ni Dash.
"No," sagot ko.
Ilang segundo pa nang imulat nito ang kanyang mga mata. Agad siyang bumakod at lumayo sa aming dalawa.
"Yohan, sino 'tong kaparehas mo ng mukha?" Nagulat ako nang iharang niya ang kanyang mga kamay na parang handang protektahan ang kanyang sarili sa maaring pagsugod na mangyayari.
"Mami, 'di ba sabi ko na nakita ko na ang kapatid ko. Siya 'yon! Dumalaw ka pa nga sa hospital no'n, 'di ba?" I tried to explain to her. Umaatake na naman ang sakit niya. Napahawak siya sa kanyang ulo, alam kong gusto niyang maalala ang mga nangyari nitong nakaraang araw.
"Argh! Whatever," she sighed in frustration. Inalalayan naman siya ni Dash. "B'wiset na sakit kasi!"
"No, Mami. It's alright. If gusto niyo araw-arawin ko pa ang pagpapaalala sa inyo, gagawin ko. Don't pressure yourself with things around you," I told her, trying to calm her down. It might trigger her anxiety.
"Ah, Dash po pala, Ma'am!"
Dash introduced himself. Mami reached out to shake hands with him. Awkward na ngiti ang ibinigay ni Dash habang hindi pa rin makapaniwala si Mami sa kanyang nakikita.
***
NANDITO kami ngayon sa dining table, masinsinang nag-uusap at nagtatanungan para makilala pa ang aming mga sarili. Bukod sa mga napag-alaman ko kay Dash, marami pa akong nalaman no'ng si Mami na ang nagtanong.
Pati si Mami ay nag-ku-k'wento na rin patungkol sa akin. And the most horrible part was she'd been telling him all my embarrassment when I was a child. Damn!
Habang sila ay nagtatawanan, ako naman ay gusto na lang ilubog ang aking sarili sa upuan dahil sa kahihiyan.
That's the shit ever happened to me!
Twelve midnight came, Mami said her goodnight to us and headed out to her room. Habang kaming dalawa naman ni Dash ay naiwan sa kusina.
"Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa mga matatanda?" Diretsahan kong tanong dito.
I noticed earlier that he wasn't using the po and opo while having a conversation with my Mami. Instead, he used the word ma'am and Mami thought it was the short term of the word 'Mami' which is Mam. When he talks to her, I find him very rude.
"Sorry na. Nasanay kasi ako na hindi ginagalang si Papa. Kung paano niya ako kausapin ay gano'n din ako sa kanya. Alam ko naman na kabastusan din 'yong ginawa kong pagkausap ko sa kanya," he answered. Maangas man niya 'yong sinabi pero hindi ko alam, I find his words pricking my chest. It hurts when I hear him say how his father treated him that way.
Sa lahat ata ng aspeto sa buhay, maituturing ko pang sobrang s'werte ko dahil hindi ko pino-problema ang ibang bagay sa buhay. Siya laging iniisip kung may kapatid pa ba siya sa susunod na bukas habang, kung may aasahan pa ba siya sa tatay niya at kung hanggang kailan niya gagawin ang mga bagay na ayaw niya talagang gawin.
If that happened to me, all those years of pain he had been going through would be unbearable. So whoever he is right now, it is because of his traumatic past.
Napailing na lang ako sa aking mga naiisip.
"It's alright. I just asked. It's already midnight. You should sleep. We'll have our premiere tomorrow," saad ko bago umalis sa aking kinauupuan. I went to my room and go to bed.
***
Hours had passed and we had already prepared ourselves for this night.
Mami will take care of Paslit for this evening. And just this morning, nakipagkilala si Mami sa bata na siyang ikinatuwa nito. They played a lot and she's so happy to see a child again in our home. Aware na rin si Mami na bulag ang batang nandito.
And I'm wearing my formal attire. White suit paired with dark slacks and black tictac shoes. While my brother? His black face mask, plain black long sleeves, skinny jeans, and sneakers complete his look. Since he's my bodyguard pero kasali talaga siya sa premiere... tago lang talaga ang mukha niya.
"Are you ready?" Tanong ko rito.
Tumango naman siya sabay ayos ng kanyang face mask. The outfit he is wearing is quite mysterious and cool. May band aid pa sa bridge ng kanyang ilong. And it adds coolness to his aura. The hairstyle he got is a clean cut whereas mine is a student cut. Well that's our director's required cut for me for our movie.
Dadalhin namin ang nakasanayan ko ng van. Isang hindi man magarang brand pero matagal nang sa akin. My black Mercedes Sprinter.
Si Dash na rin ang nag-drive. He's in the driving seat while I'm in the shotgun seat.
I didn't expect how good he is at driving. All I knew is that he knew how to drive a racing car... but not a van.
We also did a sound trip because silence really brought awkwardness between us. Among my favorite songs are those by Secondhand Serenade, FM Static, Firehouse, Faber Drive, etc. As long as it's a pop rock band from the 90's and 2000's.
A short time later, we had already arrived at the venue.
Maingay agad ang papaparazzi sa labas pa lang ng red carpet. There are even field reporters covering the entire program this night.
Tumabi sa akin si Dash pagkababa namin ng sasakyan. Nasa may parking lot kami ngayon at maglalakad na lang ako nang mag-isa dahil hindi makakasama sa lakad ang mga guwardiya.
"Hey," pagbasag ko ng katahimikan sa aming dalawa. Nang lingunin ko ito ay pansin kong nasang isang direksyon ang kanyang mata kaya't napatingin ako rito.
Wala naman akong nakitang kung ano sa tinitingnan niya kaya minabuti ko na lang na tapikin ang kanyang braso.
"Hoy! Kanina pa kita tinatawag. Ano bang tinitingnan mo riyan?" Tanong ko rito.
Nabalik sa akin ang kanyang atensyon. Nagulat pa ito nang lumingon sa akin.
"Ah? W-Wala naman. Halika na," pag-anyaya nito na agad ko namang pinigilan.
"Wait. Here's your ticket if ever hanapan ka ng guwardiya sa dadaanan mo. Nasa likod ka nakaupo habang nasa unahan kaming mga artista. Gets mo?"
"G, bro!" He exclaimed. He gave me a thumbs up and I gladly replied to him.
Then we headed to the venue separately.
Since marami rin akong artista na nakakagaanan ko ng loob pero hindi ko kaibigan. Lumapit ang mga ito sa akin para makipagplastikan.
Mahihinang tawa sa mga biro ng reporters. Kaway-kaway sa mga fans namin. At higit sa lahat ang dahan-dahang paglalakad sa red carpet.
Kanya-kanya rin kami ng tungo sa aming upuan. Buti na lang at katabi ko si Charles na sobrang laki ng ngiti nang tumabi ako sa kanya.
"Hi there, Rose!" He teased. The rose was sent to me by the psycho fan.
"Charles, stop it! That really gave me a trauma," saad ko rito kaya itinaas nito ang kanyang kamay na waring sumu-surrender. Natawa na lang kami pareho at umupo ng maayos.
So the program started with the emcee introducing the cast of that program. He shares the highlights and the things that we should be excited about in this film.
The seats were filled with the cast and crew, media, friends and families and some fans for this premiere.
All of us are so excited about the outcome of the movie. It's because it's not the typical rom-com that we always watch on the big screen.
Lahat kami ay natuwa, kinilig at nalungkot. Even Charles jabbed my arm just to annoy me with the scene.
Pareho kaming natatawa tuwing lumalabas ang mga mukha namin sa screen.
But things are not what they seem to be when I receive a message after the premiere.
That there's a bomb inside the theater... and the next thing we know was... there's a loud bang echoing around us.
Bang!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top