Chapter 22

Found

Johanson Treyton Vasquez

KANINA pa ako palakad-lakad sa harap ng emergency room.

Fuck! What just happened this night?!

I finally found my stalker who wants me dead and now I'm having trouble with this guy? Ano bang kamalasan meron ako kaya sunod-sunod na problema ang nangyayari sa akin? Damn!

I rushed him to the hospital right after I hit him. Buti na lang at walang dugo ang kumalat since naka-helmet siya pero ang hindi sigurado ay baka may bali siya sa kanyang katawan.

Ramdam ko na naman ang kaba sa aking dibdib. I kept scratching my nose out of fear.

Grabe, parang hindi man lang ako binigyan ng isang araw ng kas'wertehan. After ng pagkakahuli do'n sa stalker may nabangga na naman akong bago. Gusto ko na tuloy magpalamon sa kalupaan hanggang sa wala na ako rito sa mundong 'to.

Matapos ang hindi matapos-tapos kong paglalakad sa labas ng ER, lumabas na roon ang doctor na nag-asikaso sa nabangga ko.

"Kamusta siya, doc?" Kinakabahan kong tanong.

"Actually wala naman siyang head injury or internal bleeding. Bigyan lang natin siya ng ilang oras o baka araw ay magising na siya. Good thing, sir, nasugod niyo 'yong kapatid niyo bago lumalala ang lahat..." The doctor tapped my shoulder before he walked away.

Napatulala ako sa kanyang sinabi. Did I really understand him?

Kapatid?

What does he mean?

Dahil sa kuryosidad ay napatingin ako sa salamin sa may pintuan at mariiing tiningnan ang taong nasa loob nito.

When I saw his face, I was stunned for a moment.

Fuck! It was my brother!

Oh my gosh! Kapatid ko 'yong nabangga ko?

Napapaypay ako sa aking sarili nang malaman ang katangahang nagawa ko. I'm bullshit! Bakit ba kasi hindi ako naghinay-hinay no'ng time na 'yon?

Ayan tuloy, nabangga ko 'yong kapatid ko. Napatingin muli ako sa loob at kita ko ang galos sa mukha nito. Kawawang brother ko, parang binugbog sa kanto.

That explains the weird feeling ko kanina. While I hit him with my car, pagkababa ko kanina ay biglang kumirot ang aking braso't parang may umaalog sa aking tiyan. I really felt a connection with him.

"Kapatid ko..." Bulong ko sa hangin sabay ngiti. Atlast, hindi ko na kailangan hanapin ang isa. Ang kailangan ko na lang gawin ay hanapin si Jairus.

Habang tumatagal ang paninitig ko rito, hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

I slid my hand into my pocket and dialed numbers on my phone. Ilang ring lang nang biglang sumagot na sa kabilang linya.

"Hello, M-Mami?" Naiiyak kong tanong sa kabilang linya.

"Hello, son? Is there a problem? Does it seem like you're crying?" I just smiled as she asked. Mami really knows me well. Hindi naman nag-crack boses ko at hindi naman maingay 'yong pag-iyak ko.

"Mami, I found him..." Sagot ko rito.

"Sino? May jowa ka na? Pakilala mo sa akin 'yan," rinig kong sabi niya at ramdam ko ang pagiging excited nito.

"Nah, I mean my family. I found my brother..."

"R-Really? Wait, nasa'n ka ngayon? Pupuntahan kita." Ramdam ko 'yong excitement sa boses niya.

"Nasa ospital po ako ng St. Mary," simple kong sagot bago binaba ang tawag. As tears streamed down my cheeks, I leaned against the door and wiped them away.

Ewan ko ba, pero sobrang saya ko lang talaga ngayon. I really find happiness no'ng makita ko ang hitsura niya.

Hope as days pass, hindi lang kapatid ang mahanap ko kundi pati na ang mga magulang ko.

Sana.

***

Jeremiah Dashielle Narvaez

KITA ko ang galit sa mata ng aking ama na parang dragon. Nasa loob ako ng aking k'warto habang pilit hindi gumawa ng ingay sa loob ng aparador.

Nanatiling nakatikom ang bibig at pilit pinipigilan ang paghikbi.

"Dash! Lumabas ka riyan! Papatayin kitang gago ka!" Nakakakilabot ang boses nito na parang anumang oras ay handa nito akong patayin. Nagtungo ito sa aking kama at marahas na hinila ang kumot at iwinaksi ang mga unan 'tsaka tinumba ang aking kama dahilan para magitla ako sa aking kinalalagyan.

Walang tigil ang aking pagpipigil sa aking hininga at pagtulo ng aking luha.

Gusto ko nang magsumbong kay Mama ngunit hindi ko na siya makikita pang muli dahil sa akin.

"Putangina'ng bata ka! Namatay ang asawa ko dahil sa'yo! Lumabas ka, Dash!" Muli nitong sigaw para mas lalo pa akong magsusumiksik sa aking tinataguan.

Nakakapanlamig habang inisa-isa nito ang p'wede kong pagtaguan. Naninikip ang aking dibdib sa aking iniisip na p'wede niya akong mapatay sa oras na mahanap niya ako.

Nang sandaling mapatingin ako sa siwang ng aparador ay pansin kong wala nang masyadong maingay at nahinto na rin ang pagdadabog.

Mas lalo ko pang nilakihan ang siwang ng pinto nang bigla itong bumukas. Nagulat na lang ako nang isang malaking kamay ang humila ng aking damit at parang magaan lamang ako ma bagay sa kanya nang iangat ako nito.

Dito na bumuhos ang aking luha't walang tigil ang aking paghikbi.

"Papa!" Sigaw ko. Kasunod nito ay ang marahas niyang pagtapon sa akin sa pader dahilan para tumama ang likod ko rito at biglang nanlalabo ang paningin ko.

"Papatayin kitang kuto ka!" Sigaw ng aking ama bago ako mawalan ng malay.

BIGLA kong naimulat ang aking mga mata nang bigla kong naalala ang bangungot na gusto ko nang kalimutan. Punyeta! Umaatake na naman ang sakit ko.

Napahimas ako sa aking ulo nang bigla akong nakaramdam ng kirot dito. Napa-ungol pa ako sa sakit no'ng mas lalong sumakit ito. Nang sandaling tumigil ang kirot ay doon lang ako natauhan nang maramdaman ang ilang nakatusok sa likod ng aking palad.

Napatingin ako rito nang mapansin na dextrose ito. Napabangon ako nang wala sa oras. Ramdam ko pa ang kirot sa aking ulo nang sandaling igalaw ko ito. Fuck!

Habol ko ang aking paghinga, namamawis ang aking noo at sinusuntok ang aking dibdib sa pagkirot.

Tangina! Bakit ba kasi binangungot na naman ako?!

Ilang segundo lang nang umayos na ang aking pakiramdam. Unti-unti nang bumabalik ang aking paghinga at kumakalma na rin ang aking pakiramdam.

Napapikit ako sa inis at patuloy na inaayos ang aking sarili.

Hindi ko alam kung anong gagawin kung hindi ako nagising sa loob ng hospital.

Grabe! Muntik ko nang ikinamatay 'yon!

Muli akong napabalik sa paghinga at pilit iwinawaksi sa aking isipan ang nakaraang gusto ko nang ilimot pero mukhang malabo na mangyari.

Natigil ako sa aking pag-iisip nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n ang isang lalake na parang kamukha ko---wait! Kamukha ko?

Gulat akong napatingin muli rito at sinipat siya mula paa hanggang ulo.

Punyemas! Kamukha ko nga ang gagong nasa harap ko!

Sino ba 'to?

Mula sa suot nitong shorts, long sleeves at may salamin pa. Pucha, mukhang yamanin ang gago! Sarap kilkilan ng pera. Napangiti na lang ako habang tinitingnan ang kabuoan nito. Tae! Parang bakla ang gago.

"Ano? Makikipagtitigan ka na lang?" Tanong ko rito dahilan para lumapit siya sabay lapag ng mga prutas na nasa basket sa side table.

"Hi," awkward nitong bati sabay gawa ng maliit ng kaway sa akin. Napangisi na lang ako sa pagiging pabebe ng gago.

"Bakla ka ba?" Direktang tanong ko rito nang mapansin ang kalambotan ng kamukha ko.

"Hindi po. Tanga po ako," pambabara nito sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para matakot ito sa akin. "Asking for what's obvious, huh?"

"Sa totoo lang, ayoko sa katulad mo. Masyadong nakakairita ang presensya," muli kong sambit sabay tingin sa kawalan.

"Kaka-meet ko pa lang sa'yo ganyan ka na. Hoy, kapatid mo ako, oh. Tanga!" Sigaw nito dahilan para lingunin ko siya ulit.

Kapatid? Sinong tanga inuuto niya?

"Talaga ba? Kapatid? Wala akong balak na maging kapatid ang tulad mo!"

"Ayan!" Nagulat ako nang may bigla siyang tinapong papel sa direksyon ko. Agad ko 'yong binasa at kahit hindi ko maintindihan ang kabuoan nito, alam kong papel ito ng DNA test. Pero ang ikinagulat ko ay positibo ang resulta kaya kapatid ko siya.

"Peke ba 'to?" Pag-angal ko rito.

Mariin itong umiling sabay ngisi sa akin.

"Bobo ka ba? What's the use of faking a DNA test? I'm looking for my family. Kaya hinding-hindi ko magagawa ang mameke ng dokumento. What's the point?" Galit nitong sabi.

Nanginig ang kamay ko habang nilalakbay ng aking mata bawat letra sa papel. Muli akong napatingin sa taong kamukha ko at hindi mapigilan ang halo-halong emosyon sa loob ko. Gusto ko siyang yakapin at bigyan ng walang hanggang halik sa pisnge bilang kapatid pero ayaw kong matanggal ang angas na meron ako.

Binigyan ko na lang siya ng pekeng ngiti.

"Kung kapatid kita? Aampunin mo ba ako?" Malungkot kong tanong dito. Alam kong wala pa siyang alam sa buhay na kinagisnan ko. Hindi niya alam na minsan nang naging ibang tao ang kaharap niya ngayon.

"'Eto, ah. Real talk lang tayo. Hindi man naging maganda 'tong nararamdaman ko sa'yo bilang kapatid. I know for a reason na hindi ka ganyan. But still, yes! You can come with me if you want. Desisyon mo pa rin 'yon. So, willing ka bang sumama sa akin?" Taas kilay niyang tanong sa akin.

'Di bale nang ganito. Pareho pala kami na parang hindi gusto ang isa't-isa bilang magkapatid. Pero sa ngalan na magkadugo kami, pakikisamahan ko siya sa abot ng makakaya ko. May oras man na demonyo ako sa mata ng ilan, gagawa ako ng paraan para maayos ang pakikitungo ko sa kapatid kong 'to.

Itinaas ko ang aking palad at agad naman niya itong tinanggap sabay handshake sa akin.

"So that means, that handshake means yes?" Kunot noo niyang tanong. Tumango na lang ako bilang sagot. "Yes!" Muli nitong sambit sabay yakap sa akin ng mahigpit. Napadaing na lang ako sa sakit nang maramdaman ang pagkirot sa katawan ko.

"Aray! Ang sakit! Gago ka ba?!" Inis kong tanong dito. Maarte itong lumayo sa akin sabay tapik sa balikat ko nang mahina.

"Sorry, brother. It's just that... finally! May brother na rin ako. Matagal ko kasing inantay 'to." Ramdam ko ang pagka-excite sa boses niya. "By the way, Yohan Jung is an actor."

"Jeremiah Dashielle, isang gago," saad ko rito dahilan para mangunot ang kanyang noo. "Nakatira sa isang eskwater area, tambay lang at basagulero." Pag-amin ko.

Kalahati pa lang ng katotohanan ang sinabi ko. Hindi pa ang buo. Pero kahit 'yon man lang, nalaman niya kung anong meron sa pagkatao ko.

"Really? Sa isang iskwater area ka nakatira?"

"Oo. 'Tsaka maganda kaya ro'n. Mababait ang mga kapitbahay namin. Sigurado ako, sa pag-aartista mo. Marami ka nang naging kaibigan," ani ko.

Agad siyang umiling, "Ang dami ko ngang kalaban. But still, they can't let the queen down," saad nito sabay suot ng korona sa kanyang ulo na gawa ng kanyang imahinasyon.

"Gano'n pala 'yon. O siya, sige na. Magpapahinga pa ako. Umalis ka na. Masyado mo na akong ginagambala," pagpapaalis ko rito pero nanatili lang siyang nakatayo sa aking harapan.

Ngumiti ito, "After almost two decades. Nahanap din kita. I'm just so happy you're by my side. And now, I'll do everything to protect you. I won't lose another one of you... Jeremiah."

'Yon ang mga salita niya bago niya lisanin ang k'wartong nilalagian ko.

Muli akong nahiga dahil sa pag-uusap namin ng kapatid ko. Aaminin ko, natakot ako nang sandaling nabangga niya ako. Hindi dahil sa kung anong p'wedeng mangyari sa akin. Kundi sa kung anong kayang gawin ng lokong 'yon sa kapatid ko.

Bawat pasa at bugbog ay makakaya ko pang tisiin pero sa sandaling may mangyari sa chikiting na 'yon, baka hindi ko matantsa ang ama ko sa kaya kong gawin.

Dali-dali akong napalingon sa aking paligid at napansin ko ang basket ng prutas at may naiwan pang nakatuping jeans, simpleng plain green shirt, skinny jeans at isang pares ng sandals.

Kailangan kong makaalis dito. Nanganganib ang kapatid ko.

Agad akong kong tinaggal ang dextrose sa likod ng aking palad. Sinuot ang nakalagay na damit sa upuan.

Hindi p'wedeng madamay na naman si Paslit sa kagagawan ko. Kahit masakit ang katawan ay ininda ko na lamang ito.

May pasa pa sa mukha ko no'ng napatingin ako sa salamin sa may pintuan.

Aalis na sana ako nang maalala ko ang bag na dala ko kanina. Napatingin ako sa upuan nang makita iyon.

Paslit, uuwi na si Kuya. Antay ka lang...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top