Chapter 2

Truth

Jairus Zachary Amarillo

KASALUKUYAN akong nagbubungkal sa kalupaan dahil hindi ko na masyadong nabibisita ang aking hardin sa likod ng bahay.

Panay na ang pagtulo ng aking pawis kahit maaga pa lang. Malamig ang hangin at hindi pa sumisikat ang araw dahil alas singko pa lang ng umaga.

Naka-sando't shorts lang din ako't hindi alintana ang pagdikit ng lupa sa katawan.

Ilang araw na ang nakalipas simula no'ng umalis si Kuya Zarm at ang maging model sa resto, hindi ko na alam kung magiging normal pa ba ang buhay ko.

Nakaka-miss ang pang-aasar ng kuya kada umaga kasama sina Ate Reshell at Ate Rashelle. At higit sa lahat, lagi nang maingay ang Fazbook ko dahil sa sandamakmak na comments, messages and notifications.

Tuwing lumalabas ako ng bahay at nagtutungo sa palengke ay may mga taong kumukuha ng pictures ko. And I really hate it dahil matagal akong namamalagi sa palengke 'pag ka gano'n.

Masyado nang maraming pagbabagong nangyayari sa buhay ko. Kahit sa resto ay namamalagi na lang ako sa kusina dahil umaga pa lang ay may nag-aantay ng mga customer sa labas kahit hindi pa bukas ang resto.

Mabuti na lang at hindi na nagtatanong pa ang mga kasamahan ko't hinahayaan na lamang akong gumalaw sa kusina.

Marami mang pagbabagong nangyayari, hindi naman no'n nabago ang ugali ko. Hindi naman lumaki ang ulo ko at higit sa lahat, gano'n pa rin ang trato ng mga kasamahan ko sa akin.

Tinapos ko na lang ang pagbubungkal at namitas ng iilang gulay dahil magpa-Pakbet ako ngayong agahan. Matapos kong mamili ng lulutuin at nagkape muna ako bago niluto ang ulam. Maingay ang kusina dahil sa kawali't sandok na aking ginagamit. Hiniwa ang mga gulay at nagsimula nang magluto bago pa magising ang mga tao sa bahay.

Nang matapos akong magluto ay hindi ko namalayan na nagising na pala si Mama na panay ang pagpahid sa muta. I gave her a weak smile before I placed the plate on the table.

Alam kong malungkot pa rin si Mama kahit lumipas na ang ilang araw simula no'ng umalis si Kuya Zarm. I really can't understand kung bakit kailangan pang umalis ni Kuya na p'wede naman kaming magtulungan ang lahat para umangat kami sa buhay. Hindi 'yong ganito na lalayo pa siya para lang magkaroon ng magandang trabaho.

Lumabas na rin ang kambal sa kanilang k'warto na katulad ni Mama ay malungkot din. Ilang araw na silang ganito kaya wala na akong magawa kundi ang umakto na hindi ako naaapektuhan sa pag-alis ng kuya.

Tahimik kaming nag-agahan. Walang nagsasalita. At tanging ang pagkalansing lamang ng mga kubyertos ang maririnig sa bawat sulok ng bahay.

Matapos ang agahan ay nagpaalam na ako kina Mama't Ate bago pumasok sa trabaho.

Gano'n pa rin ang nangyari. Medyo punuan ang resto ta's alam kong ako ang hinahanap ng mga babaeng panay ang lingon sa counter. Medyo nakakainis na rin dahil parang naging limitado lang ang nagiging galaw ko.

Katatapos ko lang magpunas ng bowl nang lumapit si Dabid sa akin na parang matatawa na naawa.

"Zach, kaya pa?"

"Ewan. Sana kasi hindi niyo na lang ako kinuhang model. Ayan tuloy, hindi ko na alam kung aalis pa ba ako ng bahay o hindi na," I replied. Nagpunas akong muli ng mga plato.

"It's alright, bro. We got you," saad nito bago umalis sa aking gilid. They got me... they always got me.
I sighed for the last time before I took off my apron and hat.

Kung gusto kong makagalaw kung saan-saan.. kailangan kong gawin ang face your fear...

I took a deep breath before I did a chin up. Lumabas ako mula sa kusina at nagtungo sa counter. I stood beside Sarinna na nanatiling tahimik. She's busy counting coins and checking some papers.

At hindi ko nga inasahan ang dami ng customer sa resto. Kadalasan ay mga babae at halatang napipilitan lang na umorder dito. Puro drinks at hindi man lang ginagalaw ang pagkain na inorder nila.

Sincerely, I resent people sitting here pretending that they love our food while wasting money. Sayang ang pera... at higit sa lahat... ang taong nagtrabaho para sa perang 'yon.

Parang wala lang sa kanila. Wasting someone's time and effort is the most painful thing I don't want to see. Thing that I don't want to see, hindi na lang basta-basta napupulot ang pera kung saan-saan.

Binalingan ko ng tingin si Sarinna na halatang depress na sa mga nangyayari.

"Hey, Sari, is there a problem?"

"Wala naman."

"Sure ka? I'll help if you need me..."

She sighed, "Honestly, kulang tayo sa waiter. Si Dabid kanina na pa-chill-chill lang ay hindi na magkanda-ugaga kakalipat ng mesa. Ang kitchen staff din, kinulang na rin tayo. Ikaw kasi eh! Sana pala si Dabid na lang kinuha nating model!" May halong pagsisi't inis sa kanyang boses. Hindi ko alam kung matatawa o malulugkot ako sa sinabi niya.

When I was wearing the apron as a waiter, I shyly scratched my nape.

"Sige na. I'll be your waiter. Saang table ang bago pa lang?"

"Seryoso ka? Baka napipilitan ka lang?"

"Hello? You need a hand here."

"Okay. Punta ka lang sa table 5," I nodded and walked towards table 5. Lahat ay nagulat at na-supresa sa pagdating ko. Ewan ko ba? Para akong celebrity sa ganitong pangyayari. Wala namang ka-g'wapo-g'wapo sa akin.

Sa makailang beses kong paglipat-lipat ng table, lahat ay nagulat. May ilan na nagpapakuha ng larawan kahit pagpa-autograph ay ginawa ko na. Pero ang hindi ko talaga nagustuhan ay 'yong nagpapahalik sa pisnge na may kasamang bayad na agad kong inayawan.

Dahil sa pangyayari kanina, do'n ko lang napagtanto na iba-iba talaga ang katangian ng mga babae. May ilan na parang avid fan kung ituring ang mga lalakeng nagugustuhan nila. May ilan naman na parang na-aatract lang. At may ilan din na parang wala lang.

Matapos ang buong araw. Lahat kami ay pagod at parang lantang gulay lalo na si Dabid na kanina pa takbo nang takbo kakakuha ng order at delivery ng mga gulay at prutas. Kaya ngayon ay nakatulog ito sa kama sa may extension room. Mabuti na lang din at lahat ng mga customer namin kanina ay napakiusapan ko na ubusin o kahit tikman man lang ang pagkain naming inihahanda rito.

Patapos na si Sarinna sa pagpupunas at umupo na ito sa isa sa mga upuan.

"Grabe, 'no? Matapos ang photoshoot ni Zach no'ng isang araw, dagsa na ang mga customer. Sana pala noon pa natin ginawa," she said while staring at the floor.

"Yeah, right! Napaka-creative ni Ma'am nang sinabi niyang need niya ng model ta's isipin niyo. Si Zach ang unang pumasok sa isipan natin," Catherine said while leaning on the chair.

"Kaya pala. Ang hirap pa naman mag-po-pose roon. Ang gagaling niyo!" Isa-isa ko silang tiningnan ng masama.

"At alam niyo ba---"

Naputol ang sasabihin ni Sarinna nang biglang tumunog ang bell sa may pintuan dahilan para mapatingin kami rito. Pumasok si Miss Jennie habang may bitbit na paper bags kasunod niya ang isang babae na sobrang ganda. Kung titingnan ay magka-edad lamang sila ni Miss Jennie. Para ngang dyosa ang kagandahan ng babae. May dala rin itong paper bag.

Agad akong tumayo 'tsaka inalalayan ang babae dahil mas lalo itong nahirapan sa kanyang dala.

"Thank you..." Hindi ko inasahan ang mararamdaman ko nang sandaling sabihin niya iyon. Parang hinaplos ang akinh puso sa aking narinig.

"O, guys, kain na muna kayo bago umuwi. Alam kong pagod kayo..." Saad ni Miss Jennie sabay lapag ng paper bags sa table. "By the way, meet my bestie, Janellia Azul!"

"Hi, Jennie's cute staff. Good evening," I stared at her beauty for a while. It is impossible to deny that she has a goddess-like

"O, kain na muna kayo," Miss Jennie said.

Nagsimula na kaming kumain habang si Miss Jennie naman ay dinala ang kanyang kaibigan sa kanyang opisina.

Nagtaka ako nang dahan-dahang inilapit ni Sarinna ang kanyang upuan sa akin.

"Hoy, Zach, may tanong ako. Hindi mo ba nanay 'yon?"

"Alin? Si Miss Jennie?"

"Hindi, si Ma'am Janellia. Alam mo kasi, magkakamukha talaga kayo ni Ma'am Janellia. Parang carbon copy mo siya..." Saad nito na ikinakunot ng aking noo.

Lumapit na rin si Catherine sa gawi ko na waring makiki-tsismis.

"Tama si Sarinna. Pansin ko rin 'yon. She really looks like you. Para ngang anak ka niya. Hindi ka ba ampon?" Nagtatakang tanong nito.

"Magsitahimik nga kayo. Sa panahon ngayon, normal na may makakapareha ka ng mukha. Just looked at it, hindi na nakakagulat na may makita kang mga tao na magkakaparehas ng mukha. Hindi man 'yan magkadugo. Marami talagang ganyan!" Nagulat kami sa biglaang pagsingit ni Dabid. Halatang galing pa ito sa tulog dahil mugto pa ang mga mata nito.

Dabid is right. Marami naman talagang mga taong magkakamukha ngayon. Siguro lang kamukha ko lang talaga si Ma'am Janellia.

──●◎●──

"Guys, una na ako. Adios¡" Sarinna waved her hands as we parted our ways. Tanging kami na lamang ni Catherine ang natirang naglalakad.

Malapit na mag-alas onse ng gabi at mabuti na lang at may mga street lights sa daan. Sobrang tahimik ng paligid at tanging ang yabag ng aming paa lamang ang aking naririnig.

Napapayakap na rin ako sa aking sarili sa sobrang lamig.

"Zach, ang lalim ng iniisip natin, ah. Anong meron?" Catherine broke the silence.

"Wala naman. Hindi ko lang inasahan talaga ang malaking pagbabago sa akin simula no'ng ginawa akong model. Biruin mo, punuan na ang resto at higit sa lahat. Para ako naging instant celebrity," I said.

"Alam mo. Grabe rin 'yang alindog mo. Tiningnan mo ba 'yong Fazbook mo?" Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang tanong. Matagal na rin simula no'ng buksan ko ang Fazbook account ko. And it's really weird dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang nag-iisang comment na nagpagabag sa akin.

"Cath, buksan mo nga 'yong Fazbook account mo," utos ko rito na walang alinlangan niyang sinunod. May pinindot lang siyang mga button at makalipas lang ang ilang segundo ay nanlaki ang mga mata nito.

"Wow, ang dami mo ng friends and reactors. Lagpas isang daang libo ang likes sa loob ng apat na araw. Hanep, para ka ngang artista," manghang sabi nito sabay scroll sa kanyang cellphone.

"I-search mo nga 'tong name na babanggitin ko."

"Bakit?"

"Basta i-search mo lang."

"Sige ano 'yon?"

"I-type mo Jarvee Marcellius Real."

"Sino ba 'to? Crush mo? Teka ang hina ng signal! Peste!" Reklamo nito sabay taas ng cellphone habang naghahanap ng signal. "Ano ba yan? Wala na akong signal na mahanap. Sunod na lang, Zach. Malapit na rin kasi sa amin..."

Napatingin ako sa paligid at doon ko lang napansin na malapit na nga kami sa bahay ni Cath.

When she enters the gate, she waves her hands and says, "Sige, Zach, bukas na lang. Bye-bye!"

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nang marating ko ang makipot na daan patungong bahay, akmang magpapatuloy na sana ako nang bigla akong makarinig ng may nag-aaway sa unahan. Dahil sa kuryosidad ko, dahan-dahan akong lumapit sa pinaggalingan ng boses. Habang papalapit ako ay mas nagiging malinaw sa akin kung kaninong boses galing 'yon.

Kay Mama Lorren...

Sino namang kaaway niya?
Sumilip ako sa gitna ng mataas na damo at nakita ang pigura ni Mama. Nakahawak ang kanyang kamay sa kanyang tenga---hindi! May katawag siya.

Mas lalo pa akong lumapit para marinig ko ang sasabihin nito. Alam kong invading the privacy 'tong ginagawa ko pero curious talaga ako kung sinong kausap niya, eh..

"Ellia, hindi mo na kami mahahanap pa. Hindi mo na siya maagaw sa akin!" Ramdam kong nanggagalaiti na siya sa galet. Hindi ko sukat akalain na marinig si Mama sa ganitong sitwasyon. Sobra kasing bait nito na parang hindi na magagalit. Pero sino talaga ang kaaway niya?

Akmang lalapit pa sana ako ng kaunti nang marinig ang sinabi nito sa kanyang katawag. I froze for a moment and held my tears back.

No, that isn't true.

"Alam ko. Alam kong hindi siya sa akin galing... pero anak ko na siya kahit hindi kami magkadugo. Mahal ko siya, Ellia... Mahal na mahal ko si Zach kahit hindi ko siya tunay na anak..."

──●◎●──

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top