Chapter 19

Chapter 19

Actor

Johanson Treyton Vasquez

WALANG tigil ng putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid. Para akong nabibingi sa tunog at makailang beses na napapalingon sa aking paligid dahil sa takot at pangamba. Wala akong takas sa sitwasyong 'to. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

I keep looking for something to protect myself, but there's nothing I can do. It's really traumatizing and it's killing me inside. I want to escape this violent world... but I don't know how...

Loud gunshots are becoming more unnerving for me now. I can hear people laughing. Hindi ko na alam kung anong nangyayari! Fuck it!

Napatingin ako muli sa aking paligid and to my surprise, nasa walang hanggang dilim na ang aking nakikita. Nakakatataranta. Nakakakaba. At higit sa lahat, nakakatakot...

"Sir! Sir Yohan, okay lang po kayo?" Mukha agad ng ni Yaya Meling ang bumungad sa akin. Napatingin ako sa paligid at napagtantong nakatulog pala ako sa sofa.

"Uhm, yaya, where's Mami?" I asked habang kinukusot ang aking mga mata.

"Ahh, may pinuntahan, sir, na doctor. Babalik din po siya pagkatapos."

Luckily, nakauwi ako ng bahay at mabuti na lang din ay nahanap na ako ni Mami bago pa siya magsumbong sa mga pulis. Pero hindi pa rin nawaglit sa isip ko ang nangyari kasama si Jai. I wish na sana walang nangyari sa kanya. I wish na sana hindi siya napuruhan. I wish na sana nasa mabuti pa siyang kalagayan ngayon.

Wala man akong kasiguraduhan na tuluyan na nga niyang nilisan ang mundo pero sana hindi talaga siya tuluyang napatay ng narinig kong putok ng baril.

In response, I nod to her and quickly get up from the sofa and take a bath. Nagbabad ako sa ma-yelong tubig dahil sa pasa at sakit ng katawan ko. After a bath, nagbihis ako ng long sleeves na pink at maong with matching sneakers pa.

I get my keys and head to our parking lot.

***

Nang makarating ako sa shooting area, hindi ko inaasahan ang bubungad sa aking pagbaba. Mga media na nakakatuon ang atensyon sa akin. Pansin nila ang gasgas sa aking mukha dulot ng kahapon. Mga reporter na handa nang isulat ang magiging head line ng kanilang news.

Agad akong bumababa ng sasakyan at dali-daling nagtungo sa isang tent para hindi matanungan ng media. Bigla ring sumugod ang ilang staff para umawat at ipagtanggol ako.

The moment I stepped inside, naabutan ko agad si Maggie Paez na nag-me-make-up. Nanlaki ang mga mata nito nang mapatingin sa akin. Gulat na gulat siya na parang naiiyak.

"My god, Yohan! What happened?!" she may sound overreacting pero alam kong totoong emosyon ang pinapakita niya sa akin. Sadyang OA lang talaga siya kung magsalita.

"I'm fine, sissy. I just got into a fight yesterday with some idiots!" may diin kong sabi.

"What? How can you enter into a fight---"

"Yohan!" bigla kaming napatingin sa may entrada nang lumabas dito si Direk na halatang nag-aalala. "Ano bang nangyari sa'yo kahapon? Bakit hindi ka na mahagilap ng camera?" medyo naiinis na tanong neto

"I"m sorry, direk. May nangyari lang kahapon na hindi inaasahan..." nahihiya kong tugon dito. Napatingin ako sa paligid dahil pumasok na ang ilang staff na halatang nakiki-usyoso lang.

"So, anong pangyayari na hindi inaasahan kahapon?" nakapa-mewang niyang tanong.

"I was k-kidnapped..." I answered hesitantly. Hinintay kong makarinig ng tawa pero wala akong narinig. Everybody was shocked at what happened to me yesterday, and their faces told me they couldn't believe it.

"What?" they asked me in unison.

"I'm not lying. I was kidnapped yesterday. Akala ko driver ko yong kasama ko kahapon and it turned out na kidnapper na pala yon..." I said while shaking. "And yesterday, may nakilala pa akong na-kidnapped... " I still remember his hug that I've miss. Bigla na lang uminit ang gilid ng aking mga mata't hindi ko na rin ma-kontrol ang aking emosyon.

"Sino? Artista rin?" Direk asked.

"No, sir. It's my twin brother. N-Nakasama ko siya k-kahapon and bigla na lang akong nakarinig ng p-putok ng b-baril..." bigla na lang nanikip ang dibdib ko habang nag-ku-k'wento sa kanila.

Shit! I just realized that I told them my life story yesterday. Hindi ako ganito ka-vocal when it comes to my personal issues sa kanila. Ngayon ko lang ata 'to ginawa.

Besides sa pagsabi ko sa nangyari kahapon, mas lamang sa akin ang sakit at patuloy pa rin neto akong kinukurot sa katotohanang makakasama ko pa kaya siya sa susunod na araw?

OA man pakinggan pero nakaramdam ako ng kalinga ng kapatid sa kanya sa maikling panahon.

Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong umiyak nang umiyak habang hinahagod ni Maggie ang aking likod. Gusto kong isigaw ang sakit na nararamdaman ko pero nakakapanghina ng loob.

Bakit? Bakit sa akin pa 'to nangyari?

***

After my revelation, I was inside the tent. Tinulungan ako ni Direk at ng buong cast na huwag ipaaalam sa publiko ang nangyari. Pinauwi na muna ako ni Direk dahil halatang nagdadalamhati ako sa nangyari kahapon. Mas naging mapag-matiyag na rin ako sa aking paligid dahil baka maulit muli ang pangi-ngidnap sa akin.

After my tiring morning, I spent my whole afternoon sleeping in my room. Nang magising ako ay agad akong naligo muli kumain ng hapunan. I usually have one whole tomato and cucumber with rice, and my favorite sinabawang budlisan with lettuce.

Nagtungo rin ako agad sa sala para manood ng TV.

Pagbungad pa lang ng panood ko ay hindi na ako mapakali nang biglang lumitaw ang imahe ng Magallanes Slaughter House!

Napatitig na lang ako rito't namangha nang makita ang ilang patay na katawan ng kalalakihan na nakahikera sa labas ng slaughter house.

Reporter: Tinatayang halos sampong katao ang namatay sa nangayaring insidente rito sa slaughter house ng Magallanes. At sanhi ng ikinamatay nila ay ang tama ng baril sa iba't-ibang parte ng kanilang katawan. Ayon sa mga residente na nakatira malapit rito, pansin daw nila na may mga lalakeng nagtatakbuhan at nagpuputukan ng baril habol-habul ang dalawang kalalakihan. Antayabayanan ang susunod na balita sa pagbabalik ng TV News!

Bagsak ang balikat ko habang nanonood ng telebisyon. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Parang mababaliw na ako kung kasama pa siya sa nakahilerang bangkay na 'yon.

Agad akong napatayo at dali-daling nagbihis.

I need to know kung kaninong mga bangkay ang nandoon sa site na 'yon. Fuck! Kinakabahan ako sa nga nangyayari.

Mabilis akong bumaba ng hagdan pero napatigil ako nang mapansin ang pigura ng taong hinahanap ko kanina pa.

"Mami?" I murmured, and she just smiled.

I ran towards her and hugged her tightly. I can't control my emotions right now. I cried so much while she patted my back.

"Johanson, you're not okay..." She whispered and hugged me tightly. "Just cry it out. Mami is here..."

"M-Mami..." humihikbi kong sabi.

***

"Sir, can I know kung sino-sinu ang bangkay na nandito?" I asked the policeman who've been doing forensic in the site. Alas sais na ng gabi at hanggang ngayon ay nandito pa rin ang mga kapulisan para mag-imbestiga.

Maraming aso't pulis na naglilibot-libot sa buong slaughter house at may iba rin na nililipat na ang mga bangkay sa ambulance.

"Sorry, Sir. Sa police station na lang po kayo magtanong. Unless---"

Pinigilan ko siya sa kanyang mga sasabihin .

"Sir, isa po ako sa nakasaksi sa mga nangyari rito! Isa po kami sa dahilan kaya may nangyaring gulo rito---"

"Men!" tawag niya sa ibang police. "Sorry, Sir, pero kailangan niyong sumama sa amin para sa interrogation." saad niya kaya napatango na lang ako. Sumunod kami sa pulis pero habang papalayo kami sa lugar na 'yon ay parang napako na ang paningin ko sa mga katawang kinakarga sa ambulansya.

I want to open those bags and see for myself if one of the bodies there is Jai.

I want confirmation.

After arriving at the police station, we proceeded directly to the interrogation room. The set-up ay parang nasa isang crime suspense thriller series ako. A table and two chairs with a light above us. I sat on one of the chairs and waited for the policeman to arrive.

The moment that he entered, wala akong kaba at takot na naramdaman dahil gusto kong malaman ang katotohanan.

He asked questions about the case and I answered honestly. No confusion and doubts. Just pure honesty.

The police are satisfied with my answers. He let me see what I wanted to see. After a thorough investigation, they let me examine the bodies at the morgue.

Inisa-isa ng tagabantay ng morgue ang mga telang tumatakip sa kanilang mga katawan. Hinayaan niya lamang na makita ko ang mga pagmumukha nila. Habang inisa-isa namin ang mga nakahilerang katawan sa morgue ay sobrang lakas din ng kabog ng aking damdamin. Walang humpay na pagtibok ng aking puso na parang mauuwi pa sa heart attack.

Nasa pang-walong katawan na kami at napa-iling-iling na lang ako. Kadalasan sa nandito ay 'yong mga lalakeng humabol sa amin sa slaughter house.

Sobrang puti na nang kanilang mga pagmumukha at may ilan pa sa kanila na may sugat-sugat pa sa mukha. At may isa pang may tama ng baril sa kanyang noo.

Nang nasa huling bangkay na kami. Napapikit na lang ako't napadasal na sana hindi si Jai 'to.

The moment na hinawi ni Kuya ang telang nakabalot sa huling bangkay ay biglang nawala ang kabang nadarama ko at pangangatog ng aking tuhod nang makitang hindi ko kamukha ang taong nakikita ko.

Napahawak pa ako sa aking dibdib... that was a relief. Wala siya rito. Edi kung gano'n, 'asa'n siya?

Posible pa kayang buhay si Jai? Posible kayang hindi siya namatay sa putok ng baril na 'yon?

Matapos kong makalabas ng morgue ay agad akong nagtungo sa police desk.

"Sir." bungad ko rito.

"Nakita niyo ba, Sir, 'yong hinahanap niyo?" he asked.

"Wala, Sir. Ni isang bangkay ay hindi nagtugma sa hinahanap ko. Sir, can I ask for a favor?"

"Ano 'yon, Sir?"

"Sir, if ever may balita pa kayo sa nangyari sa Magallanes Slaughter House and if ever man po na may nakita kayong kamukha ko. Eh, p'wede niyo po ba akong tawagan," hinablot ko ang aking calling card at inabot sa kanya. "Tawagan niyo po ako, please." pagmamaka-awa ko rito.

Akala ko hindi niya ito tatanggapin ngunit tinanggap niya ang papel na inabot ko. I smiled at him sincerely.

"Thank you, Sir!" I said.

Akmang aalis na sana ako nang bigla na lang akong narinig na sumigaw.

"Jairus!"

Gulat akong napatingin sa bilangguan at bumungad sa akin ang kambal na babae naka-damit pampreso. Naka-ponytail ang isa habang nakalugay naman ang buhok ng isa.

Dahan-dahan akong napalapit dito at sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan sa ikinikilos ng dalawa.

"Jai, natawagan mo na ba si Jarvee?" saad no'ng babaeng naka-ponytail.

"Jai? Did you just call me Jai?" Tanong ko sa dalawa.

"Yes? Bakit, hindi ka ba si Jai? Malabong si Jarvee ka, eh?" saad no'ng babaeng nakalugay ang buhok?

"Just confirmation. Who's Jai are you talking about?" takang tanong ko rito dahil hindi ko na alam kung tama pa ba 'tong naririnig ko. O produkto na naman 'to ng guni-guni.

"Jairus Zachary Amarill---" natigil ito sa kanyang sasabihin. She looks as though she just realized something.

"You're not Jai? You're not Jarvee also?" nanlaki ang kanilang mga mata sa gulat at parang ayaw maniwala sa kanilang nakikita.

"Yeah! Bakit niyo kilala ang kambal kong ai Jai?" I asked.

"Kasi nakasama namin si Jairus at 'yong kamukha niyang si Jarvee nang ilang araw bago kami makulong at magkahiwalay-hiwalay!" the girl in ponytail hair answered.

Fuck! Things became clear to me with these girls' statements.

Does it mean that we are triplets? Jairus, Johanson and Jarvee? We are triplets?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top