Chapter 18

Run and Gone

Johanson Treyton Vasquez

"BAKIT? Bakit hindi mo 'ko kayang mahalin?"

"Dahil hindi ikaw ang gusto ko! I'm inlove with your bestfriend, Josh!" Sigaw sa akin ng babaeng kaharap ko. Namumuo na rin ang luha sa gilid ng aking mata.

Sobrang sakit... it makes my heart hurt.

Kasunod nito ay walang humpay na pagbuhos ng aking luha.

"Cindy..." Mas lalo akong nasaktan nang sandaling tinalikuran niya ako't tumakbo na siya habang ako ay nakatulala sa kawalan. My vision became blurry until her figure was no longer visible.

"And cut!" The director's voice echoed around the whole set. Everyone was clapping their hands in amusement habang ako naman ay pinupunasan ang aking pisnge dahil sa pekeng luha.

I gave them a wide smile and bowed to the cast and crew on the set. Salamat at nairaos ko rin ang huling scene for this day.

This is my life. Facing the cameras and acting like I was some other person. I'm just new to this industry pero nakahakot na rin ako ng ilang awards simula no'ng pinasok ko 'to. Good thing for me dahil mas mabilis kong nasasaulo ang mga scripts na ibinigay sa akin. Mabilis din akong nakaka-project ng mga emotions and act naturally in front of the cameras. Napunta lang naman ako sa industriyang 'to dahil sa nag-ampon sa akin ay isang model na gusto ng anak na aktor. Ipinasok na lang niya ako sa isang workshop at hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Buti na lang at agad kong nakuha kung bakit niya yon ginawa.

I must confess, the thing I want most is to become a famous actor and to do acting on a regular basis.

"Good take, Yohan, Maggie!" Pagpuri ng director. "That's the last take for today. Tomorrow will be another day. Good job everyone!" Dagdag pa ni Direk.

I'm having a movie where Maggie and I are supporting roles pero nabigyan naman kami ng exposure sa movie. Alam din ng lahat na hindi ako lalake. Pero sa pagkakataong 'to ay nagkaroon ako ng partner slash ka-love team dahil kay Mama na ipinilit ako.

Nahirapan man sila na hanapan ako ng pares pero 'Di nagtagal ay nahanapan din nila dahil no'ng unang meet ko kay Maggie ay wala akong awkward na naramdaman. Mabuti na lang at siya ang na-partner compare roon sa naunang dalawa na sobrang arte akala mo naman maganda.

Humarap ako sa director, "Thank you, guys!" Sabay yuko ko't bilang pagbibigay galang na rin. Hindi ko na kinausap ang nakatambal ko kaya dumiretso na ako ng labas. Agad akong umalis sa set at nagtungo sa van ko para makapagpahinga.

Ramdam ko pa ang nakakailang na paninitig ng ilang tao sa set bago ako pumasok sa loob ng sasakyan.

'Eto ako minsan. Ayokong makipaghalubilo sa ilan dahil nakakairita kasi sila. Like dzuh! Sometimes, ang hirap kaya makipag-plastikan sa mga taong alam mong inggitero. Halatang kinakausap lang ako para sa fame. Like, gosh! They really irritate me.

From the moment I stepped into this world, I knew my life would be filled with lies and hatred once I met other artists and staff. There were many bashers who came out of nowhere, but there were also a lot of fans defending me against certain accusations.

Pero sa lahat ng pinagdaanan ko, kahit anong iwas ang aking gawin ay palagi pa rin akong iniipit ng ilan. Marami silang handang gawin para lang pabagsakin ako. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo ng nakakarami sa akin.

Bahala sila mainggit sa achievements ko.

'Pag inggit, pikit!

Matapos ang malalim kong pag-iisip sa loob ng sasakyan ay ramdam ko na ang pagod buhat ng buong araw na taping at ramdam ko na rin ang antok na kanina ko pa pinipigilan. Wala pa si Manong Carding na inutusan kong bumili ng maiinom.

Ang tagal naman niya.

Ilang minuto lang ang lumipas ay bumibigat na ang takulap ng aking mata hanggang sa makatulog ako.

***

I can't believe this. There will be chaos as a result of my long sleep. Fuck!

Akala ko ay nasa loob pa rin ako ng van. But look what happened! We're both crawling into this stupid hole trying to escape those kidnappers.

Buti na lang at nandito si Mang Loro na tinulungan kaming maka-alis sa lugar na 'to. I wonder kung magtatagumpay kaya siya sa plano niya.

Nakakahingal din gawin 'to lalo na't nasisira ng surface ang fragile kong skin. I want to scream loudly because this shit is ruining my skin routine.

Nakailang gapang pa kami ng kapatid ko nang matanaw ko na ang liwanag sa unahan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Para kasing may mali 'pag lumabas kami sa daang ginapangan namin.

Nang sandaling maramdaman ko na ang lamig ng hangin ay nakaramdam din ako ng kaginhawaan. Mas lalo akong nagbigay effort hanggang sa tuluyan na nga kaming nakalabas sa makipot na daan. Agad kong hinila si Jai at nagpagpag ng aking sarili.

Pero pareho kaming napatigil nang sandaling may mapansin kami sa paligid namin. Iginiya ng aking paningin sa buong paligid at doon napansin ang dalawang lalakeng nakatalikod sa amin na may hawak din ng... baril?

Oh, fuck! Nanlamig bigla ang aking pakiramdam kasabay nito ang panginginig ng aking mga tuhod sa kaba.

Bakit ba kasi kami nandito?

Dahan-dahan akong napatingin sa aking likuran. Agad nilapit ni Jai ang kanyang hintuturo sa kanyang labi't sumenyas na huwag gumawa ng ingay.

He took a step back slowly. Ginawa ko rin ang kanyang ginagawa. Napapatingin din ako sa buong paligid at pilit na huwag gumawa ng ingay sa oras na 'to. Ultimo paghinga ko ay todo pigil din. Para kaming nasa life and death situation. Sa oras lang talaga na makagawa kami ng ingay ay maari na kaming ipadala sa kung saang lugar man ako nararapat.

Nasa may dulong bahagi na kami ng building nang bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na sigaw mula sa kalayuan.

"Ang mga bilanggo! Nakatakas!" Sigaw ng isang bantay sa may tower ilang metrong layo sa amin.

Nag-panic kaming dalawa at hindi na alam anong gagawin.

Bang!

Gunshots from different directions echoed around. Nakakabinging tunog na parang nasa action movie ako. I felt like I was in a movie... filming a climax scene.

Hindi ako makagalaw... at habang nakatulala, may bigla na lang marahas na kamay ang humila sa braso ko dahilan para mabalik ukit ako sa ulirat. Bigla kong naalala na may kasama pa pala ako.

Mabibilis na hakbang ang ginawa namin habang iniilagan ang mga bala. Makailang beses na yumuko't tumigil para lang hindi kami taman. Napapasigaw na rin ako sa gulat at kaba habang patuloy niya pa rin ako sa paghila.

"Fuck!" Buong lakas kong sigaw.

Mga pader na nagkabutas-butas at balang nagtalsikan. Nakakabingi. Nakaka-nerbiyos. At higit sa lahat... nakakatakot. Takot na baka ito na ang huling sandali ko kasama ang 'kapatid' ko.

"Takbo, Yohan!" Pagsigaw ni Jai. Tumigil ito sa pagtakbo habang ako naman ay nagpatuloy. Rinig ko ang pagsigaw niya. As soon as I glanced at him, he was shooting the guys like a pro.

One shot at a time.

I continued running towards the main gate and luckily found it open. Nang marating ko ito ay muli akong napasulyap sa aking likuran at napansin na wala na akong naririnig na ingay ng putok ng baril.

Parang pinipiga ang puso ko sa kaiisip kung ano na ang nangyari sa kanya. Nag-iinit na rin ang gilid ng aking mga mata dahil baka natadtad na siya ng bala ng mga kalaban.

'Lord, bakit naman ganito? Kung kailan masasabi kong nakita ko na ang pamilya ko 'tsaka niyo naman siya babawiin sa akin. Lord, bigyan niyo naman kami ng tyansang magkasama oh, please. Kahit ngayon lang sana mapagbigyan niyo po ako.'

Pagdasal ko sa aking isipan. Nararamdaman ko na ang pagtulo ng aking luha. Nasasaktan na ako sa mga mangyayari. 'Pag si Jai hindi magpapakita sa akin minutes after, babalikan ko talaga siya at sasamahan ko sa kamatayan. Ngayon ko nga lang nakasama ang taong 'yon, mawawala pa. Sana naman mali 'tong iniisip ko.

"Jairus!" I shouted at the top of my lungs. "Jai!"

Fuck naman, oh!

"Takbo!" Nabuhayan ako ng loob nang makita siyang tumatakbo papunta sa direksyon ko. "Bilis! Mauna ka na!" Muli niyang sigaw kaya napatakbo na rin ako palabas ng gate. Mabibilis na hakbang ang ginawa ko dahil naririnig ko na naman ang malakas na putok ng baril.

Tinahak namin ang daan papalayo sa slaughter house.

Habang tumatakbo kami ay sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid. Sigawan ng mga kalalakihan sa aming likuran. At ang mas nagulat kami nang makarinig kami ng tunog ng makina ng sasakyan na papalapit sa aming direksyon.

Para kaming naglalaro ng online games. Sana man lang may respawn nito 'pag namatay kami para masaya 'tong habulan namin.

Habang tumatakbo pansin ko ang kagubatan sa unahan namin. Nagkatinginan kaming dalawa at parehas tumango. Hudyat na parehas kami ng iniisip. Dali-dali kaming sumuong sa kagubatan nang walang alinlangan.

Mabuti na lang at nag-gy-gym ako kaya hindi gaano kahingal ang pagtakbo naming 'to.

Napapatingin ako sa kambal ko dahil makailang beses itong napapadulas sa mabasang damo't malumot na mga ugat ng naglalakihang kahoy. Malalakas din ang huni ng mga ibon at ingay ng malamig na hangin.

Sa mga sandaling 'to ay gusto ko na lang umiyak. I want to breakdown and have my drama in this stupid forest. Time should stop and those idiots chasing us should be punched.

Nang pansin kong nakalayo na kami ay pareho kaming nagtungo sa isang malaking puno. Pareho kaming napaupo sa damuhan at nakasandal sa puno habang habol ang aming mga hininga. Rinig ko ang bigat ng kanyang hininga habang napapapikit pa sa inis.

"O-Okay ka lang?" Hinihingal kong tanong rito.

"A-Actual---ahhh!" He shouted in pain. Napaayos ako ng upo't biglang napatingin sa kabuoan niya. Do'n ko lang napansin ang masaganang pagtulo ng dugo sa kanyang braso. Nataranta ako bigla at bahagyang nanlamig sa nakita.

"J-Jai... your bleeding..." Bigla akong nakaramdam ng awa habang tinitingnan ang braso at bandang tagiliran niyang nagdurugo. Dali-dali kong sinira ang damit ko't dahan-dahang tinalian ang kanyang braso para maiwasan ang pagsirit ng marami pang dugo. At gano'n din ang ginawa ko sa natitirang piraso ng aking damit at tinali rin sa kanyang tiyan. "D-Don't worry. Ako m-magpapa-hospital sa'yo... Ako ang m-maghahatid sa'yo sa h-hospital..."

"Shhh... Don't cry brother... Hindi pa ako m-mamatay..." The moment he touched my cheeks and wiped my tears broke my heart. Hindi ko alam pero parang may mangyayaring kakaiba. Sa hindi ring malamang dahilan, mas lalong bumuhos ang aking luha't naninikip na rin ang aking dibdib sa sobrang sakit.

"H-Halika ka na. Kailangan na nating m-makaalis dito. We n-need to go..."

"H-Here..." inabot niya sa akin ang phone. "Wala na 'yang password kaya wala ka nang m-magiging problema..." hindi na talaga maganda ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

"Halika ka na. Aakayin ki---" napatigil ako sa aking ginagawa nang makarinig ako ng putok ng baril sa 'di kalayuan sa amin.

"H-Hindi. We should part ways..." Nahihirapan niyang saad. "Huwag ka nang makipagtigasan ng ulo. Do'n ka sa kanan at kakaliwa ako para lituhin sila. Kailangan may mabuhay sa 'tin..."

"Paano ka?"

"I'm alright. Okay, let's go," he forced a smile and hid the pain. Tinulungan ko siyang tumayo at nagsimula na kaming maglakad.

His plan is a 50/50 situation. Isa sa amin ang p'wedeng mahuli at ang isa sa amin ay makakatakas. And he's giving me the chance to escape those idiots. Grabe, ngayon lang ako nakakilala ng tao na handang isakripisyo ang buhay niya para sa akin.

"Yohan, hahanapin kita kahit anong mangyari. I'll always be with you..."

Those are his last words that really shattered my heart into pieces. As we hugged each other for the last time, we cried together.

Because from the moment we parted ways, I can still feel his presence from afar. However, what really shattered me the most was... the gunshot I heard before I got help.

Both of us ran together, but now he's gone.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top