Chapter 13

Meet

Jairus Zachary Amarillo

NAGISING akong sobrang bigat ng ulo ko. Mahimbing pa ring natutulog si Vee at nahiya ako kasi kung paano siya natulog kagabi ay gano'n pa rin ang kanyang posisyon. Hindi rin siya humihilik at walang bahid ng laway sa kanyang mukha.

Mabuti na lang at malaki ang kama at kasya kaming dalawa sadyang lagpas lang talaga ang paa namin. At namaluktok na ako dahil sa liit ng kumot ko.

Good thing that Serene and Anthonette were here to help us kahit estranghero kami sa kanilang dalawa.

Agad kong tinupi ang aking kumot bago mapagpasyahan na lumabas. Nagmumog ng malamig ng tubig bago uminom ng isang baso. Napatingin ako sa orasan at halos mag-aalas sais pa lang ng umaga.

Pansin ko ang pinagkainan namin kagabi. We stayed up until 3 in the morning having a good time and didn't mind our problems.

Nag-inat-inat ako bago nilinis ang kalat sa sala. Agad din akong nagtungo sa kitchen at nagsimulang magluto ng agahan.

Nagluto lang ako ng itlog na may kamatis at sinabawang dahon ng malunggay at sayote dahil 'yon lang ang meron dito.

Pakulo pa lang ang tubig sa pot nang biglang bumukas ang pintuan at lumabas doon ang isa sa kambal.

But then I realized that it was Serene dahil sa suot niya kagabi. The black pajamas she was wearing had plain black long sleeves. Habang 'yong kapatid naman niya ay naka-pink ng upper.

'Hey, there--Sino ka nga ulit?' She asked, drinking cold water from a glass.

"Zach. Palatandaan lang siguro is mas maputi lang sa akin si Vee," I explained. Napatango na lang siya't muling nagbukas ng refrigirator.

"What are you cooking?" she asked.

"Uhm, itlog na may kamatis 'tsaka sinabawang gulay---" I was cut off when she pointed her finger.

"Wait, gulay? Vegetable soup?" Maarteng pagkabigkas nito sabay taray nito sa akin.

"Yeah? What's wrong with gulay?"

He rolled his eyes and sat on the chair as he said, "Ugh! I hate gulay!" Nakapangulumbaba ito sa mesa't malalim ang buntong hininga.

"Just don't eat them. Hindi ka naman pinipilit." Saad ko bago nilapag ang prinitong itlog na may kamatis sa kanyang harapan. Nagsalin na rin ako ng kanin at naghanda ng plato't kubyertos sa lamesa.

"By the way, ikaw ba 'yong nakabangga ko sa pier noong isang araw?" Pag-iiba ko ng topic.

Gulat siyang napatingin sa akin na nanlalaki ang mga mata.

"O...M...G! Ikaw 'yon?!" She exclaimed. "Oh my god! Ikaw nga 'yon! Naalala ko na! Ikaw nga 'yong guy na nakabangga ko!" She said excitedly. Para siyang bata na nakita ang kalaro niya noon.

"Simula talaga noong nabangga kita, tingin ko sa mga taga-Maynila ay sobrang masasama nang dahil lang sa'yo."

"Sorry naman. Alam ko naman na nabangga kita. Pero no'ng time na 'yon kasi is nagmamadali kami. Ayaw kong mahuli kasi kasama ko si Ate that time."

Napakunot ang noo sa kanyang sinabi.

"Huh?"

"Ganito kasi 'yon. Pinalayas nina Mama't Papa si Ate Serenity dahil malapit na akong ma-rape dahil sa kagagagala namin noon. Kaya ngayon ay mag-isa na lang siya habang ako naman ay nasa puder nina Mama't Papa nakatira." She explained.

"That doesn't make sense. Kung may kasalanan man si Anthonette noon ay hindi naman 'yon 'yong rason para palayasin siya."

"'Yon na nga. Sina Mama't Papa kasi ay parehong perfectionist. Gusto nila na kami ni Ate ay sumunod sa gusto nila. Ayaw nila no'ng nagmumukha kaming rebelde sa harap ng lahat. Kailangan namin magdamit ng maayos, no tattoos, no piercing and lastly bawal kaming makipag-relasyon kahit kanino noon. And lahat ng 'yon ay sinuway ni Ate liban na lang sa piercing. Nag-boyfriend si Ate tapos nahuli ni Papa kaya ayon, pinalayas siya. Pinutol ang koneksyon niya sa amin."

"Kawawa naman si Anthonette. Eh, teka nga. Bakit ka pa nakakagala kung bawal, 'di ba?" Puno ng kuryosidad kong tanong.

"Atleast ako kaya kong proteksyonan ang sarili ko. Pinag-aral ako nina Mama't Papa ng karate and self-defense. And ngayon lang nila ako binigyan ng kalayaan. Tingnan mo, pag-uwi ko ng bahay. Magiging pormal ako na parang birhen," pabiro niyang saad pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses.

Sa sinabi ni Serene, doon ko lang na-realize na hindi rin pala lahat ng mayayamang tao ay puro chill at relax lang ang buhay. Si Vee noong nasa mall kami ay parang bago lang nakapasok ng mall. Ta's 'eto pa lang sina Serene at Anthonette ay hindi rin maganda ang sitwasyon nila sa kanilang mga magulang. I thought wealthy people were just able to get anything they wanted.

I really thought that wealthy people don't have any problem but I think sa pera lang sila walang problema.

Nakakalungkot lang dahil lang sa isang kasalanan ay parang hindi na siya kayang patawarin ng kanyang magulang. Sounds pathetic!

Now I just get the concept of everyone's life. Hindi lahat ng mayaman ay wala nang pinoproblema at hindi lahat ng mahihirap ay pera lang ang problema. Dahil mas lamang talaga ang kasiyahan kaysa luho. Sabi nga sa isang kanta, "Money can't buy happiness..." dahil ang kaligayahan ng tao ay hindi lang nakadepende sa halaga ng pera na hawak natin.... dahil ang kaligayahan ay nasa kung paano natin ini-enjoy ang bawat oras ng buhay natin...

Kasama ang mga taong nakakapagsaya sa atin... mga kaibigan, pamilya at kabiyak.

Nagsimula na kaming kumain nang sandaling nagsilabasan na sina Vee at Anthonette.

Sobrang tahimik namin na kumain dahil parang may hangover sina Vee, Serene at Anthonette dahil sa sobrang pag-inom ng canned soda. Napadami tuloy ang kanilang kain at mabuti na lang at naging maayos na ang kanilang nararamdaman after namin mag-breakfast. Matapos naming mag-agahan ay naghanda na kami sa aming gagawin.

Pinahiram lang ako ni Vee ng damit at bumili ng bagong set ng brief sa laban.

Natawagan na namin si Renz kagabi na magpapadala kami ng DNA test sa malapit na laboratoryo sa kanila at si Miss Reign ang magbabayad sa amin. While si Vee naman ay tatagpuin si Manang Rosalie dala ang ikalawang sample namin para masiguro ang result. While si Serene naman ay sasamahan ako kasi hindi ko kabisado ang pasikot-sikot dito habang sina Vee at Anthonette naman ang magkasamang haharap kay Manang Rosalie.

Matapos namin mag-ayos lumabas na kami ng apartment at nang makatapak kami sa labas gano'n na lang ang atensyon na naagaaw namin dahil sa magkamukha kami ni Vee at kambal pa ang kasama namin. May ilan pa na nakakatagpo namin na pasimple kaming kinukuhanan ng litrato at video waring namamangha sa kanilang nakikita.

"We're just like celebrities here. Someone just randomly took pictures without our consent," Vee said in embarrassment.

"Masanay ka na. Minsan lang sila makakakita ng kambal na katulad natin. Just don't mind them," maarteng saad ni Serene sabay labas ng kanyang shades at sinuot ito. Napakamot tuloy ako sa aking batok habang napapakamot naman si Vee sa kanyang sintido.

Naglalakad kami papuntang parking lot dahil nandoon ang sasakyan ni Serene na gagamitin namin. Pareho kaming nasa likuran ni Vee habang nasa harapan naman ang dalawa na panay ang chikahan sa mga moments na na-miss nila.

I must say these two really missed her each other, kanina pa sila nag-chi-chikahan na parang sila lang ang taong nasa loob ng sasakyan. Habang kami ni Vee naman ay nagkakahiyaan pa rin pero hindi naman ako na-o-akward-dan sa kanya.

"Hey, guys, ihahatid ko kayo sa may harap ng restaurant," saad ni Serene kina Vee at Anthonette. Napatango na lang ang dalawa.

Habang nasa biyahe ay hindi maiwasan ang Question and Answer portion. Sina Serene at Anthonette ang nagtatanong habang kami naman ang sumasagot. Doon ko lang din nalaman na tagapag-mana pala si Vee and never siyang lumabas ng bahay kaya pala sobrang mangha niya no'ng nakapasok kami ng mall. He's shy when meeting new people dahil nga hindi pa siya nakaka-encounter sa iba-ibang tao. At nakakatikim lang siya mga putahe sa labas dahil naman kay Manang Rosalie niya. Binibilhan siya nito or minsan ay pinagluluto. At paminsan-minsa ay sa internet lang niya nalalakbay ang buong mundo. Titigan ang mga larawan hanggang sa magsawa siya rito kakatitig. Buong buhay niya ay umiikot lang sa loob at labas ng bahay nila. He has tutors in different subject kaya parang nag-aaral lang din siya.

I must say, he was locked in a cage. As if he had been locked up for years, now that he is free he will do and try everything.

And now I understand kung bakit na lang siya umalis matapos mag-collapse namin ng kanyang ama. Natakot siya... natakot siyang makulong muli sa mundong alam niyang magiging isa na naman siyang naka-kadenang ibon.

Ang hipokrito ko kung hindi ako nagalit no'ng basta na lang siyang umalis no'ng oras na 'yon. Pero no'ng nalaman ko ang k'wento niya ay parang naglaho ang galit sa puso ko. For years this guy was caged and never experienced the beauty and cruelty of the world.

Natigil ako sa aking pag-iisip nang mapansin na malapit na kami sa restaurant na kung saan kami mag-mi-meet up. Nang tumigil na ito ay agad kaming bumabang apat at napatingin sa kabuoan ng restaurant. Agad nahagip ng mga mata ko si Renz na nakasandal sa kanyang mamahaling sasakyan pero halata rin ang kaba sa kanyang hitsura.

"Guys, ayon siya!" Sigaw ko dahilan para lingunin nila ang direksyong tinuro ko. Agad kong iwinagayway ang aking kamay kay Renz na agad din niyang napansin.

"Zach!" Buong lakas niyang sigaw at dali-daling napatakbo papunta sa akin. Inulit pa niya ang pagtawag sa pangalan ko at tumakbo papunta sa akin. Nang makalapit na siya sa akin ay napatigil ito't pabalik-balik ang tingin sa akin at kay Vee. Tila naguguluhan kung sino ang yayakapin.

"Renz!" I cried excitedly and hugged him tightly. I really miss this gago.

"Punyeta ka! Alam mo bang nag-aalala kami sa'yo. Halos libutin na namin ang buong Pasig kakahanap sa'yo, gago ka!" Saad niya sabay tapik sa likod ko hanggang sa lumakas ang kanyang paghampas dito. Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay napatingin siya sa mga kasamahan ko.

"Nga pala, si Jarvee. Kamukha ko, hindi pa lang confirm na kambal dahil wala pang DNA test na nangyari. And here are Serenity and Serenely. Sila 'yong legit na kambal. Nakilala lang namin sila at sinamahan kami rito," pagpapakilala ko sa kanila. Isa-isa siyang nakipagkamay sa kanila na may kasama pang ngiti. Nagpakilala na rin si Renz sa kanila.

"Grabe, 'no? Ang galing lang. Nagmukha kayong quadruplets sa set-up niyo. Kamukha niyo rin kasi 'tong kambal na 'to. But I'm pretty sure na kambal mo 'tong si Jarvee. "Like, he has a mole on his neck, while you have a mole on your forehead," he said, pointing at me. And he's right, may nunal nga ako sa noo at natatabunan lang ng mahaba kong buhok ang nunal na 'yon.

"Kaya nga kailangan namin ng DNA test para makasigurado," wika ko bago binalingan ng tingin sina Anthonette at Vee. "You can head out now, guys. Kita na lang tayo sa apartment."

"Bye, guys! I'm heading to get your car, sissy. Talk well!" Anthonette said while walking towards the driver's side. Umalis din sila at tanging pagkaway lamang ang ginawa ko.

Pumasok kami sa loob ng restaurant at napagpasyahang mag-usap. Si Anthonette ang umorder lalo na't mas galamay niya ang lugar nila kaysa sa amin ni Renz na parang bago lang dito.

"So, what did you feel when you saw him?" Renz asked and yawned.

"Actually, nagulat talaga ako no'ng time na 'yon. The only thing that I don't like about him is sobrang lamig niya minsan makitungo sa akin," I replied.

"Zach, just understand his situation. Nakakagulat naman talaga kasi na malaman ang bagay na 'yon. Both of you are still clueless if magkapatid ba talaga kayo. Maybe one of these days ay makukuha na natin ang result since kakilala ni Mama 'yong nasa may laboratory na 'yon. Makakaasa ka na mabilis lang 'to. By the way, would you like to go to the mall after this?" Naniningkit ang mga mata niyang sabi at binalingan niya ng tingin si Serenely na umoorder pa rin hanggang ngayon.

Napaisip ako sa kanyang sinabi. Dapat pala ay inimbitahan ko si Vee na mag-mall at maglibot-libot dito since hindi niya masyadong galamay ang buong lugar. And atleast, we bond together kung hindi man siya ang totoo kong kapatid.

Nag-usap pa kami ng ilang minuto hanggang sa dumating na si Serenely dala ang isang tray kasunod niya ang isang waiter na may dalang dalawamg tray. Matapos nitong ilapag ang pagkain ay nagsipag-kainan kaming lahat. Nag-kwentuhan, tawanan at kaunting asaran. Pareho namin na nakagaan ng loob si Anthonette dahil sa pagiging kengkoy nito. Even si Renz ay sobrang tuwa habang nakikinig sa mga jokes ni Serenely.

Pero ang tawanang 'yon ay natigil nang makarinig kami ng phone ring kay Serenely. Nang sagutin niya ang tawag ay labis ang gulat at panlalamig ko sa aking narinig mula kay Anthonette mula sa kabilang linya.

"Zach, si Vee nabugbog!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top