Chapter 12

DNA test

Jairus Zachary Amarillo

NANATILI pa rin akong nakatitig sa kanyang mga mata na sobrang lamig kung makatingin. Napapatingin na rin ang mga lumalabay sa amin na waring namamangha nang makita kami.

"Talaga? You'll help me?" I asked. Then he smirked like an idiot.

"I'll find out the truth. Because I felt like an adopted son, too. By the way, I am Jarvee Marcelius Real. An heiress..." Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang huling sinabi.

Heiress? He meant taga-pagmana?

"Really? Heiress ng alin?" Nagtataka kong tanong.

"Hades Inc," sagot nito. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at bigla ko na lang naalala ang sagot ni Kuya Lino sa akin nitong nakaraang araw na patungkol sa mga Real. "Wait, you must change your clothes."

Napatingin ako sa suot ko kaya awkward akong napangiti sa harapan niya.

Napakamot ako sa aking batok, "Ah---eh---wala akong pera pambili."

"Don't worry. I have some spare clothes. But I think we need to get out of here. Their stares freak me out. Let's go!"

Hindi ko alam na ang bilis magbago ng mood niya. Kita ko kanina kung paano siya magsalita kasama ang babaeng 'yon, samantalang daig pa niya ang yelo sa sobrang lamig habang kausap ako.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at gano'n na nga ang napansin ko. Nakakailang ang paninitig ng mga mall-goer na parang may kasalanan kaming ginawa. This is really insane! Ang awkward na suot ko pa rin hanggang ngayon ang damit pang-ospital.

Napapalingon kami sa paligid dahil baka dumating na naman ang mga nurse na naghahabol sa amin. Nakalabas kami ng mall at laking pasalamat ko na wala sila.

Nagsimula na kaming maglakad habang nauuna si Vee. At kahit nasa labas na kami ay hindi pa rin kami ligtas sa paninitig ng mga tao. Para akong baliw na walang sapin sa paa at suot pa ang damit na pang-ospital. Nakakaramdam na rin ako ng init sa aking talampakan dahil sobrang nakakapaso ng semento at tindi ng sikat ng araw.

"Sa'n ba tayo pupunta, Vee?" I asked. Napapatalon na ako sa sobrang init.

"I need to meet my stranger friend. They might chase after her."

Stranger friend? May gano'n bang pangalan? O sadyang hindi lang talaga niya alam ang pangalan ng babaeng 'yon?

"By the way, I'm Jairus Zachary Amarillo. Taga-probinsya at naninirahan sa mga Pavillon," paglalahad ko at inilahad ang aking kamay pero hindi niya ito tinaggap. "Ah, you can call me Zach!" Saad kong muli bago sumabay sa kanya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang nakaabot kami sa parke kung saan ko siya nakita kanina. Nakatayo roon ang babae na pinagpaalaman niya kanina. Hawak nito ang fries na nilalantakan niya.

Muli akong napatitig sa babae at muling rumehistro sa isip ko ang hitsura niya. Teka---sa'n ko ba siya nakita noon. Napaka-pamilyar talaga ng hitsura niya, eh.

Nang mapansin nito ang presensya namin ay nagulat ito at napanganga nang makita kami.

"V-Vee?" she asked.

"Yeah," sagot ng katabi ko.

"Sino 'to?" Tukoy niya sa akin.

"Hi, I am Jairus Zachary Amarillo." Pagpapakilala ko rito. Akmang i-aabot ko na sana ang kamay ko nang hilahin itong muli ni Vee para itago.

"Don't shake hands with her. You just escaped the hospital, right?" He said coldly.

"Sorry naman. Hindi naman ako ma-o-ospital kung hindi dahil sa sumugod na 'yon sa party mo," pagpaparinig ko sa kanya. I really thought na makokonsensya siya pero mali pala ako ng iniisip.

"Mr. Amarillo, I didn't even ask for your help at that time," I said, napatingin ako sa kanya nang sabihin niya 'yon.

Teka lang! Ako na ang tumulong ta's parang mali ko pa? Pero sabagay desisyon ko pala 'yong tulungan siya. Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari, sana hindi ko na lang siya tinulungan. Napaka-lamig ng gago'ng 'to. Tsk!

"Okay. Sabi mo e----"

"Hi, Zachary! I am Anthonette Serenity Hillary. A nobody!" She exclaimed. Napatingin ako sa kanilang dalawa and then I realized something. These two have balance in their traits. Cold and hot. Serious and happy-go-lucky. Sa tingin pa lang, bagay na silang dalawa.

"I'm glad to meet you--but you seem so familiar to me. Nagkita na ba tayo?" Diretsa kong tanong dito.

"So, ikaw 'yong nakabangga ng sister ko sa pier?" Naningkit ang mga mata nito sa akin habang nagtatanong.

Nagulat na lang ako sa kanyang tinuran. So it means ay hindi siya ang nabangga ko no'n sa pier? Kaya pala siya pamilyar kasi----

"Wait, hindi ikaw 'yon?" Nalilito kong tanong rito.

"Yeah. That's not me. May twin sister din ako. Same as you guys. We're identical!"

Yeah. We have the same face but we both don't know if we're twins. Bakit ba kasi kamukha ko siya? Kailangan pa namin ng DNA test results para lang malaman na kapatid ko talaga siya sa dugo. Sa pagkaka-alam ko is mahal ang magpa-DNA test.

"No, we're not twins---"

"Teka, nandito ulit sila!" Napatingin kami sa paligid at nakita ang mga lalakeng nurse. Dali-dali kaming hinila ni Anthonette papasok sa isang restaurant. Kumalansing ang bell sa ibabaw nang pumasok kami dahilan para mapatingin ang mga tao sa amin.

Napakamot tuloy ako sa aking batok sa sobrang kahihiyan na ginawa ko buong araw.

Muli kaming hinila ni Anthonette sa papasok sa isang pintuan hanggang sa marating namin ang locker ng restaurant.

Teka, bakit niya kami dinala rito? Baka sabihin ng may-ari na magnanakaw kami?

Binuksan ni Anthonette ang isang locker at naglabas doon ng long sleeves na itim, Hawaiian shorts at tsinelas na kulay yellow.

Inabot niya ito sa akin, "Suotin mo 'yan. Madali kang mapapansin ng lahat kung ganyan ang kasuotan mo."

Agad akong nagtungo sa banyo na nakita ko at nagbihis. Mabuti na lang at maluwag damit kaya masyadong mahangin ang nararamdaman ko. At sa wakas! May sapin na rin ako sa paa. Lumabas na ako ng banyo at isinilid sa cellophane ang damit na pang-ospital. Agad ko itong itinapon sa basurahan bago bumalik sa p'westo ng dalawa.

Napatingin ako sa kanila dahil halatang may lihim sila na pinag-usapan na ayaw nilang sabihin sa akin.

Ewan ko ba. Sa tinginan pa lang nila ay parang may bagay silang tinatago sa akin.

"Can you wait for us? I can let you stay in my apartment," saad ni Anthonette dahilan para mapangiti ako.

"Really? Pero baka hindi na tayo magkasya roon," I said.

"Kasya tayo roon. Wait, invite ko na rin ang kapatid ko para mas masaya. Dito ka lang, ah. Mag-ta-trabaho lang kami... Take a rest, mukhang galing ka sa marathon," wika nito sabay tapik sa braso ko.

Oh, she's really lovely. She has these 'ate' vibes. She's caring, understanding and most of all... lovable. I wonder kung ano kaya ang katangian ng kambal niya.

They both left me in the long chair and continued about their business. Ako naman ay natulog lang dahil sa sobrang pagod.

***

KASALUKUYAN kaming naglalakad habang bitbit namin ang mga street foods gaya ng kwek-kwek, kikiam, fish balls, isaw at french fries. Makikitaan din ng ngiti sa mukha si Anthonette na waring may selebrasyon na gaganapin.

Ako na rin ang nagbibit ng mga gamit nila dahil alam kong pagod si Anthonette sa buong araw na pag-ta-trabaho. On our way to the bar for her concert, they performed their Forevermore song by Side A as a duet. At sobrang tuwa ko dahil nasaksihan ko ang duet nila. Lahat ng tao sa loob ay sobrang saya at pati ako ay namangha lalo na sa tuwing nag-ble-blending ang mga boses nila.

Sobrang saya ko kahit may nangyaring 'di kaaya-aya kanina sa akin. Sobrang bilis ng mga pangyayari, I escaped from the hospital, met my look-alike by chance and now, I'm with them, helping me to figure out this crazy mess.

I'm glad I was able to meet them in a day. My fortune seemed to be on my side today. I hope he'll continue to give his luck to me.

Agad kaming pumasok sa Room 020 ng apartment ni Anthonette. Pagpasok pa lang namin ay nagulat na ako sa structure ng loob, maliit lang ang space pero hindi naman gano'n kasikip para sa anim na katao. This is so good.

Papasok na sana kami nang mapansin namin ang pigurang nakaupo sa sofa. Keeping her legs crossed, she kept playing with the tips of her long hair and chewing bubble gum.

She is really a hot chic! Damn it!

"Hey there, twinny!" She exclaimed. Her voice is quite seductive. And it sounds a bit like a bitch in a club.

"Serene, ano na naman 'to?" Medyo galit na tanong ni Anthonette sa kakambal niya. Napangisi lamang ito at inilagay ang bubble gum sa pakete 'tsaka tinapon sa basurahan.

"Wala. Plano ko mag-artista. Bakit ba? By the way, papayag ka ba na pumunta ako sa isang audition?" Maangas na tanong ng kambal nito na may pangalang Serene.

"Edi, mag-audition ka. Hindi naman ako tulad nina Papa't Mama na pipigilan ka. Just make sure na makuha ka, ha." Sagot nito sabay kuha ng baso't nagsalin ng tubig mula sa pitsel.

"Salamat, ha---Wait! OMG! Kambal pala 'tong kasama mo? Hindi ko alam na double date---"

"Magtigil ka nga, Serene!" Suway nito sa kanyang kambal. "They got a big problem here. So, are you up to helping them?" She asked teasingly about her sister.

"Ano bang maitutulong ko? Kailangan ba ng pag-arte 'yan?" Serene asked.

"No, all we need is your brain!" May diin sa huling sinabi nito.

"Oh? So what's their case pala?"

"They are not twins. Not unless we let them take the DNA test... What's your plan, Actress Antoinette Serenely Hilary?" Her sister was shocked as her sister explained it to her.

"Ang galing. Magkamukha talaga kayo. Sige, paano ba natin 'to masusulusyonan?" Serene asked.

Agad inihain ni Anthonette ang dinala namin at nilabas ang canned soda. Parehong nakaupo sila sa kabilang parte ng mesa at kami rin ni Vee na magkatabi lang din.

Kumuha agad ng isaw si Serene at nilantakan ito. Nagbukas naman ng soda si Vee habang french fries at nagsimula ngumuya. Unang subo pa lang, nawala na ang panlasa ko.

"We can't just sneak into the hospital just to DNA test us two," pagbasag ni Vee sa katahimikan.

"But we can let someone do the DNA test," segunda ni Anthonette.

Someone? Wait, p'wedeng-p'wede si Renz or Miss Reign!

"I know someone!"

"May kilala ako!"

Sabay naming usal. Nagkatinginan pa kami ni Vee at agad ding inalis ang tingin dahil naging awkward ang atmophere ang namagitan sa amin.

"I can call Manang Rosalie. I think she already knows that Zach exists. And I let her lend us some cash for this test," Vee said as he took a sip of his soda.

"What about you, Zach?" Serene asked.

"P'wede kong tawagan si Renz. Or si Miss Reign para ipa-DNA test tayo. Sabi kasi ni Miss Reign ay p'wede raw akong humingi ng kahit anong bagay since niligtas ko ang anak niya noong nagkagulo," sagot ko sa kanila. Napatango na lang ang kambal habang umiinom pa rin si Vee at nagsimula na nitong tikman ang kwek-kwek.

"Mas agree ako kung kay Zach na plano na lang ang gagawin natin---"

"What the hell!" Napalingon kami kay Vee na sobrang gulat. "This is just a hard-boiled egg coated with orange flour? So ridiculous! Pinagloloko lang tayo nito!" Nanlaki ang mga mata ko dahil ito ang unang beses na narinig ko ang tuwid niyang pananagalog.

Napalingon ako kina Serene at Anthonette na halatang nagpipigil lang ng tawa. Kalaunan ay humagalpak na silang dalawa ng tawa dahil sa sinabi ni Vee. Meski ako ay nakitawa na rin dahil nito ko lang din nalamam na hindi pala nakakalabas ng bahay si Vee at wala rin siyang alam patungkol sa street foods.

Napuno ng tawanan ang buong silid. Saglit namin nakalimutan ang problema patungkol sa DNA test.

We cracked corny jokes. We watched horror films and I slept beside Vee.

Dahil sa sandaling 'to... ito na pala ang huling beses na makakatawa ako kasama siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top