Chapter 11

Two of us.

Jairus Zachary Amarillo

SOBRANG sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung saang parte basta't ramdam kong parang mabibiyak ang bungo ko. Mahina akong napadaing sa sakit. I almost cried out in pain, but I managed to endure it.

Acckk!

I can't take the pain anymore. Para na akong sasabog sa sobrang sakit.

"Ma!" I shouted.

Nang imulat ko ang aking mata ay laking gulat ko nang tumambad sa akin ang puting kisame. May tunog pa ng makina akong naririnig, usok na mula pa sa isang makina at higit sa lahat ay ang baho ng kemikal sa paligid. Sa sitwasyon kong 'to, alam ko na kung saan ako nakahimlay ngayon.

I am in the hospital right now. Iginiya ko ang aking paningin sa buong paligid at nagulat nang mabungaran ang isang matandang babae na natutulog sa may sofa sa may kalayuan sa akin.

Pansin ko rin na mukhang mamahalin ang k'wartong nilalagian ko dahil sa kakaibang disenyo nito kumpara sa isang ordinaryong k'warto ng hospital.

This is really getting weirder---wait! Naaalala ko na!

From that masquerade party at kung anong nangyari sa amin... ng kamukha ko.

That Jarvee Marcelius Real! He's the reason why I am here. He's the reason I ended up here!

And all I need to do is get out here and find that stupid guy!

Akala ko ay makikita ko siya sa paggising ko pero mukhang mali yata ako ng hinala.

I was about to jump out of bed when the old woman moved her position on the bed. Mabilis akong nagtulog-tulugan nang mapansin ang pagkusot niya sa kanyang mga mata.

Pretending to be asleep, huh?

Ilang segundo lang nang marinig ko ang mahihinang yabag niya na papunta sa direksyon ko. Rinig ko rin ang pag-iyak nito na waring pinipigilan ang sarili na mapahagulgol.

Naramdaman ko ang ingay ng bangko sa aking tabi hudyat na umuupo siya rito.

"Sinugod ka pa lang dito, alam kong hindi ikaw ang inalagaan ko sa labing anim na taon. Alam kong hindi ikaw ang batang nag-ngangalang si Vee. Kung sino ka man, sana ikaw na nga ang taong hinihiling niyang maging kapatid. Sana ikaw na nga ang taong makakasama niya sa mansyong ginawa siyang preso," rinig kong wika nito.

Aaminin ko. Nagulat ako nang sabihin niyang hindi ako si Vee. Alam niya ang pagkakaiba namin at alam din niyang hindi anak ng dalawang Real ang nakahimlay ngayon sa kama ng ospital na 'to.

But wait, she said " Sana ikaw na nga ang taong makakasama niya sa mansyong ginawa siyang preso," does that mean that he's been locked in their house for almost two decades? That's insane!

How could these parents let their child suffer? But the real big question is why are they hiding their son?

Hindi naman siguro siya halimaw para itago ang anak nila, 'di ba? And lastly, hindi rin nakakatuwa ang ginagawa nila sa kamukha ko.

Like, paano naatim ng magulang niya na itago siya sa publiko for almost two decades?

This is really stressing me out.

Ang daming tanong na namuo sa isip ko at isa na roon ay paano nagkaroon ng Fazbook account si Vee or paano siya nakilala ng mga kababaihan? At 'eto pa, bakit hindi man lang nila ako hinanap kung alam ng magulang ni Vee na may kambal siya? Or else, ampon lamang siya ng mga Real?

Sasabog na ang utak ko sa dami ng tanong na namumuo sa isip ko. At hindi ko na alam kung saan pa ako hahanap ng sagot.

Hindi ko alam kung nasaaan si Vee. Maaring nagtatago siya ngayon kung saan dahil hindi sila dadalo sa ospital kung alam nilang ako si Vee.

This is getting worse for me. Kailanagan ko munang alamin kung nasaan si Vee and I'll try to ask him if siya ba ay real brother ko. If ever man na totoo 'yon, atleast may nangyari naman sa paglipat ko rito sa Maynila.

Alam kong hindi pa ako nangangalahati sa katotohanan sa pagkatao ko pero handa kong suongin ang lahat para lang mahanap kung sino ba talaga ako.

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang pagsara ng pintuan kasabay nito ay ang muling pag-ingay ng makina.

Nang idilat ko ang aking mga mata ay wala na ang nagsasalita kanina. Pansin ko rin na kita sa labas ang mga tao pero hindi ko alam kung gano'n din ba sa labas.

Mabilis akong bumangon pero napatigil din nang sumakit bigla ang batok ko. Pinalipas ko lang ang ilang segundo at nagmadali kong pinagtatanggal ang mga nakakabit sa ilong, daliri at likod ng aking palad.

It shouldn't be right here. I should be looking for someone right now.

Agad akong tumakbo papuntang pintuan at nandoon pa rin ang dalawang bantay.

Patay! Sa'n ba ako dadaan ngayon?

Napalingon-lingon ako sa aking palagid at natiyempuhan ang slide window na isang metro ang taas. I quickly grabbed the chair near my bed at doon tumuntong. Napatingin ako sa baba at gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nasa ikalawang palapag pala ako ng hospital. May kaharap akong puno at masyadong maliit ang sanga nito para doon tumawid at dahil dakilang unggoy ako, wala akong takot na tumalon at doon kumapit.

Pero hindi pa ro'n natatapos ang pagiging malas ko dahil bigla na lang tumunog ang sanga at dahan-dahan akong bumababa sa lupa.

"Guard, nakatakas ang pasiyente!"

Napatingin ako sa bintana nang mapansin ang lalakeng nakadungaw sa bintana kung saan ako galing.

Patay! Nahuli na ako.

At dahil sa pagmamadali ko, napabitaw ako sa sanga kahit hindi pa ako nakakalapag sa kalupaan. Dahilan para mauna ang likurang parte ng aking katawan na bumagsak sa lupa.

Ouch!

What a series of unfortunate events happening lately.

"Guard!"

Napadilat ako ng mata nang marinig ang boses na 'yon. Dali-dali na akong tumakbo na paika-ika. Hindi ko alam pero hindi na ako nakakaramdam ng sakit ng pangangatawan habang tumatakbo ako. Sobrang bilis kong tumakbo dahilan para medyo ko nailigaw ang mga humahabol sa akin.

Grabe! T-That was epic!

Kagigising ko lang sa pagkaka-himatay ta's tatakbo ako na parang nasa karera. Good thing na semento ang daan dito kaya hindi mahirap na tumakbo nang nakapaa. Napatigil ako sa harap ng cafe. Napadako ang tingin ko sa salamin dahilan para masipat ko ang aking kabuoan.

I still wear hospital clothes. And I even got bruises on my face. I have a bandage on my head and some band aids on my face. Grabe, kawawa naman ang mukha ko. Mukha akong nabugbog ng ilang buwan.

Dahil sa sobrang pagkainis ko ay walang pagdadalawang isip kong hinubad ang bandage sa ulo at iilang band aids sa mukha. Hindi naman ako nasaktan sa pagtanggal kaya wala akong problema.

Nang masigurado kong okay na ang hitsura ko, nagpatuloy na ako sa paglalakad. Mabuti na lang at wala na 'yong humahabol sa akin.

Grabe! Hiningal ako ro'n, ah. Ang tutulin tumakbo ng mga nurse.

And now that I am lost, hindi ko na alam kung saan ako tutungo. Mukha akong tupang walang mauuwian. Palakad-lakad ng ilang minuto na waring naglilibot kuno sa buong area.

Hindi ko talaga inaasahan na sa ganitong pagkakataon pa ako mapupunta. I was welcomed to the Pavilion family, and when I got to meet him, do'n naman nagkagulo. Ngayon, hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin.

Bakit ba kasi ang unfair ng buhay? Hihingi lang ng sagot hindi pa maibigay.

Now that I found Jarvee---mali! Nawawala na naman pala siya. Bakit ba kasi bigla na lang nanghina katawan ko nang gabing 'yon?

Napakamot na lang ako sa batok ko.

Habang nagpapatuloy sa paglalakad, pansin ko ang ilang taong nakatingin sa akin dahil sa suot ko na pang-ospital. 'Nak ng! Baka may magsumbong 'pag makita ako.

Napalingon-lingon ako sa paligid pero napatigil ako nang makita ang dalawang pamilyar na pigura na galing sa ospital.

Naman, oh! Andito na ang mga ulupong!

Dali-dali akong naglakad papalayo sa kanila pero huli na.

"Ayon siya!" Sigaw nila pareho. Napatingin lahat sa akin dahilan para mapatakbo na ako ng mabilis. Panay lang takbo ko at hindi na alam kung saan papunta.

Nakailang liko na rin ako pero nandiyan pa rin sila, nakasunod at wala ring tigil sa katatakbo.

Grabe, ipinaglihi ata silang dalawa kay Flash sa sobrang tulin nila tumakbo. Mahigit ilang minuto rin kaming naghabulan at hindi ako tumigil kahit na hinihingal ako. Sobramg lakas na ng kabog ng aking puso at tagaktak na rin ang pawis ko.

Napaliko ako sa isang eskinita at nang lumabas ako roon ay tumambad sa akin ang parke. Napailing na lang ako nang makita ang dalawa na nakabuntot pa rin sa akin.

B'wiset! Ang bibilis nilang tumakbo!

Wala na akong nagawa dahil open space ang parke ay malaya kaming makikipaghabulan at magtatago.

Sa kakalingon ko sa aking likuran hindi ko napansin na may nakabunggo na pala ako. Pareho kaming natumba at napaupo sa semento.

Dali-dali kong pinagpagan ang sarili ko at akmang tatakbo na sana ulit nang mapatingin ako sa lalakeng kaharap ko.

Shit! Is this real?!

Siya ba talaga 'tong kaharap ko?

Totoo ba 'to?

Nakatitig lang ako sa kanya na parang hindi makapaniwala sa nangyayari. Meski ako ay sobrang nagulat nang makita siya. Pareho kaming napatayo sa pagkakaupo.

"V-Vee?" I said stuttering. I really can't believe this. 'Yong hiniling ko lang kanina ay biglang nabigay sa akin nang hindi man lang ako nahirapan.

He's a bit confused and wondering what's going on around him.

"Wait, your---" He was cut off.

"Ayon!" Napatingin ako sa aking likuran at nakitang muli ang humahabol sa akin kanina. Oh come on, guys! Hindi ba sila napapagod kakahabol.

"Vee, let's run!" Sabi ko rito. I grabbed his wrist and pulled him away.

"Stranger Friend, I'll be back for you!" He shouted at the girl standing near the bench.

Wait a minute! That girl is familiar. Parang nakita ko na siya noon. Pero hindi ko alam kung saan.

Natigil ako sa pag-iisip at dali-daling tumakbo papalayo sa mga humahabol sa amin. Kanina pa ako hinihingal at mas lalo pa akong kinakabahan dahil dalawa kami ngayon ang tumatakbo. Malaki ang posibilidad na mahabol nila kami dahil masyado ring mabagal si Vee kung tumakbo.

Bakit ba kasi pinaglihi sa Temple Run 'yong dalawang 'yon. Ang pe-peste, ah!

Nang makaliko kami sa isang building, biglang may tinuro si Vee na isang estruktura.

"There! A mall!" Agad kong nakuha ang gusto niyang ipabatid. Tumakbo kami papasok ng mall. Nagulat pa ang guard nang makita ang suot ko pero mas lalo silang nagulat nang makita niyang parehas kami ng mukha.

Pinapasok kami nito pero halata pa rin ang kalituhan sa kanyang mukha. Nang makapasok kami sa loob ay nagtaka ako nang tila parang nasa bagong mundo si Vee. Waring bata na namangha sa kanyang nakikita. His eyes were filled with amazement and shock. Hindi ko alam kung isip bata ba 'to? O sadyang ngayon lang talaga siya nakapasok ng mall.

Dahan-dahan na kaming naglalakad dahil hindi na namin nakikita ang mga humahabol sa amin.

Napabitaw na rin ako sa palapulsuhan niya dahil sa awkward situation naming dalawa. Medyo nakakatakot din ang mukha niya mukha siyang cool kid na parang may papatayin sa kanto.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at binasag ko na ang katahimikan sa aming dalawa.

Nagdalawang isip pa ako kung ano ang sasabihin ko, "Hey, okay ka lang ba?" I asked.

"I-I am doing fine, I'm fine," he replied, still doubting his own words.

Pero ang awkward talaga ng atmosphere sa aming dalawa.

"This is really insane. Okay!" Pinatigil ko siya sa paglalakad at iniharap ang katawan sa akin. Ngayon ko lang nakita nang malapitan ang kanyang mukha. Same height, same face but he's whiter than me. We have a different style of speaking and a different personality. "Are you really my brother?" Diretsahan kong tanong rito. Napatulala na lang siya sa akin. Halatang nagulat sa pagtanong ko.

"I really don't know." He answered sadly. I averted my gaze.

"H-Hindi mo alam," pati ako nakakaramdam na rin ng lungkot. "I live in a province in Mindanao. I venture here seeking my real family. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap simula no'ng nalaman ko ang katotohan na ampon lang ako ng mga Amarillo. Now that I found you, parehas din pala tayo na hindi alam ang katotohanan. At may isa pa akong tanong na kailangan din ng kasagutan..."

"What is it?"

"Kung totoo ka rin kayang anak ng mga Real. Are you?"

As he glanced into my eyes with his cold stare, he uttered some words.

"Why don't we investigate? This is gonna be exciting..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top