Chapter 7

Dirt

Ngumuso ako nang makita ang masamang tingin ni Howl. Kanina pang masama ang tingin niya sa'kin matapos niya ibigay sa'kin ang hose. He's not so far, actually he's near because he's cleaning the other horses. Habang ako binabanlawan ang anak ni Carmella.

Nang matapos ay kinuha niya sa'kin ang hose at mabilis na tinapos ang paliligo sa ibang kabayo. Tingin ko ito lang ang pinaliliguan niya dahil masyado pang maaga para maliguan niya ang lahat ng kabayo rito. Ang iba kanina pang tapos nang dumating kami, alas syete pa lang no'n. Unless he woke up really early.

"What's his name? And babae ba 'to o lalaki?" Hindi nakatinging tanong ko.

I smiled at the baby white horse, the hair's even shinier and whiter than the mother. Hanggang baywang ko siya at hindi siya malikot.

"Lalaki 'yan, wala pang pangalan," he answered coldly. "Ikaw naman ang may-ari kaya ikaw na ang magpangalan."

"Okay. Hmm, what name will better suit you, huh?" I played with the horse's hair.

Nagulat ako nang lumapit ito sa'kin, medyo takot ako dahil sa huling encounter ko kay Carmella at bumaling din siya sa'kin. In my peripherals, Howl glanced my way a bit quickly.

"Carmella is sensitive and protective of her offspring. Dahan-dahan ka lang, miss Sandra."

Napakagat labi ako nang lumapit siya at ngayon ilang pulgada na lang ang layo namin. Tinapik niya ang ulo ni Carmella at may binulong-bulong dito na hindi ko naman maintindihan kahit narinig ko.

Naka-shirt na siya ngayon, basa ang buhok at braso dahil sa ginagawa. Matangkad din siya ng sobra lalo na magkalapit kami. And because we're close, my petite body was defined because his is muscular although lean.

"Gusto kong amuhin ang anak niya, pwede 'tong ilabas?"

"Mamaya, at hindi gano'n kabilis magpaamo ng kabayo." Tinignan niya ako sabay dila sa labi niya.

"I'll come here everyday then, mapapaamo ko 'yan."

"It'll take time, miss Sandra."

"It's fine. May isang buwan pa ako para gawin 'yon bago kami bumalik ng Manila."

Bahagyang nagtagal ang titig niya bago muling tinignan ang kabayo. Umigting ang panga niya at tumango rin. May naisip akong ideya pero hindi ko susubukan, ayoko dahil sa iba't-ibang dahilan.

"Matatapos na ako, pwedeng sa labas ka na. Hindi ka ba nadudumihan dito?"

"Madumi ba? Hindi naman, ah." I chuckled without humor. "You think I think it's dirty here? You're cleaning the place. You think I'm a spoiled brat who can't step on a dirty ground?"

Ngumuso ako bago supladang napairap. Just because I came from the city doesn't mean I can't stand the ground. Tingin ba niya maarte ako tulad ng tipikal na taga-syudad?

Umiling siya ng hindi tumitingin sa'kin, nanatili ang titig ko sa kaniya na hindi niya natagalan kaya tinignan niya ako pabalik. He looked torn as he eyed me cautiously causing his brows to furrow a bit.

"Hindi gano'n..." He trailed off but I'd rolled my eyes on him.

"It's alright, I guess some people here are really judgemental. Well, we're rich so that explains it. Especially if you meet my sister, you'll be more convinced we're brats."

Ngayon lumalim na ang gitla sa noon niya at seryuso na nang umiling sa'kin.

"Hindi naman, mabait naman ang kapatid mo. At hindi judgemental ang mga tao rito, mayroong iba pero dahil lang sa maling paniniwala."

"I don't believe that, but I haven't encounter the other town people here so I won't judge the whole of you. Hope you do the same."

Tumingin ulit ako sa mga kabayo, para silang nakikinig sa pinag-uusapan namin. In my side vision, Howl shifted uncomfortably in his place. I threw a sideway glanced and caught him parting his lips for another rebuttal but didn't do it in the end.

Hindi na ulit siya nagsalita hanggang inilabas na namin ang kabayo para magpainit. Marami ring ibang kabayo na kumakain ng damo sa patag, ang ibang taga pangalaga ay nasa cabin at kubo lang. Alijandro stayed in the nipa house with the other older man.

"Wala ka bang sombrero o coat, miss Sandra? Mainit na."

It's eight in the morning and the heat is indeed painful, I'm only wearing a white t-shirt and pants so the heat directly hit my skin. Hinaplos ko ang balat at naramdaman ang init nito, mabilis akong mamula kaya siguro napuna niya agad.

"Nakalimutan ko."

"Mayron ako sa cabin, kukunin ko."

"Ayos lang naman, sisilong na lang ako."

He glanced at the near mango tree where my horse is. Tumango siya at nauna na. Doon lang kami hanggang alas dyes at masakit na talaga ang araw. Tinuruan niya ako paanong amuhin ang kabayo at ano ang dapat gawin para sumunod sa'kin. Una, dapat magdahan-dahan at h'wag maging agresibo. Siguro masyado akong agresibo kaya palaging ding aggressive sa'kin si Carmella.

"Nagsisimula dapat ang pagti-train kapag isa o dalawang taon na ang kabayo. Ito maga-apat na buwan pa lang kaya hindi pa talaga sasanayin," sabi niya. "Maybe you can just feed it, or play with it, talk with it. Pero hindi pa muna sasanayin."

I nodded, I don't even know about that. He knows a lot about horses since he's a keeper of them, so I'll listen to him.

"Mahabang proseso pa 'to, pero dahil ako naman ang nag-aalaga sasanayin ko lagi. Kapag pwede na, susubukan ko ng sakyan para masanay. Pero matagal pa naman 'yon."

"Won't it die because you're heavy?"

He chuckled amusingly and shook his head.

"Hindi naman, tuturuan ko rin paano tumalon 'to at patatakbuhin araw-araw para bumilis."

"I'll come here often then, I want to try, too."

"Hindi ba magagalit si sir Creed na palagi kang nandito? Saka hindi pa nga sasanayin, kaya kahit h'wag ka na muna pumunta rito. At sabi ni Alijandro mabilis ka raw magpatakbo, miss Sandra."

He eyed me seriously with his brows furrowed. I frowned. Why is Alijandro so talkative? Hindi niya 'yan sinabi kay kuya tapos sa kaniya? Damn Alijandro.

"And I saw you last time..." He added. "Mabilis ka nga magpatakbo, tapos sa short cut ka dumadaan. Madulas do'n kapag maulan, delikado ro'n kaya dapat sa ibang daan kayo dumaan lagi."

"I can handle it."

"Siguro nga, pero mamomoblema ang kuya mo kapag may nangyari sa'yo. Lalo na mahal na mahal ka niya, tiyak buong bayan ang mayayanig sakali."

"That's too much!" My face heated. "Bakit buong bayan? Do the town people even care if one of our family get hurt? Hindi nga siguro nila ako kilala."

"You don't know that. Mahal ng buong bayan ang pamilya niyo, maraming nagawa para sa mga tao ang pamilya niyo kaya gano'n."

Hindi ko inaasahang alam niya 'yan, siguro nga totoo 'yan. When Lolo was still alive, he gave jobs to the town people, said papa. Hindi ko pinagtuunan ng pansin dahil wala naman akong pakialam doon.

And also because half our of ancestors originated in this province so the people has grown love towards our family.

"Sa tamang daan kayo dumaan, mas maayos do'n at hindi delikado."

"Malayo."

"Makikita mo ang kabuuan ng planta at ang bundok. Kaya ro'n kayo dumaan."

We had lunch in the cabin. Isang tauhan na siyang nangangasiwa ang naghain para sa'min. Tumawag sa'kin si kuya kaya nagmadali kaming umuwi ni Alijandro. Pero sa short cut pa rin kami dumaan para mas mabilis.

Naabutan ko si Kuya at Seraphine na naghihintay sa garage nang dumating ako at handang-handa na silang umalis.

"Saan kayo?" Bungad ko nang makalapit.

Seraphine sighed dramatically and scanned me from head to toe.

"Ew Sandra! Maligo ka nga at magbihis. You look so dirty!" Eksaherado niyang sabi at pinaypayan ang sarili.

Tinignan ko ang maduming bota, maliban do'n malinis naman ako at hindi mabaho. Umiling si kuya at tinuro ang bahay.

"Sige na, magbihis ka na lang. Hihintayin ka namin."

"Where are we going?"

"Susunduin si tita at Kyo, ngayon ang dating nila."

"Let's just ask the driver to fetch them, and where's Tito?"

"Nasa meeting, at tayo na lang ang susundo para makalabas naman tayo. Pero kung pagod ka na, maiwan ka na lang."

Ngumuso ako, ngumiti lang siya at tinuro na ang bahay. I ran to my room and changed quickly into simple clothes. I was really quick that they were even shock I'd came back almost immediately. Seraphine occupied the front seat so I was alone at the backseat.

It took us almost an hour drive before we arrived at the Bacolod airport. Saka pa lang ulit ako nakakita ng matataas na buildings, malalaking hotel, malls at restaurants simula nang dumating kami rito.

"Let's go shopping, Sandra. Wala pa naman sila tita, hindi pa lumalapag ang eroplano nila," si Seraphine.

Pumasok kami sa loob at tinignan ang schedule ng arrival, nang may isang oras pa lumabas ulit kami at pumasok sa magarang mall hindi kalayuan.

"At last, huge malls! I'm so bored in the mansion, ngayon ako babawi!"

"Tss, h'wag kang lalayo. Hindi mo kabisado ang lugar dito, Seraphine. Baka mawala ka," paalala ni kuya na hindi niya pinansin.

Tumakbo siya papasok sa isang boutique kaya napilitan kaming pumasok. Marami siyang binili na bagong damit, ako naman wala dahil walang gusto. Si kuya mukhang bagot na bagot na kahihintay sa'min pero hindi nagrereklamo.

"Pwedeng kumain muna tayo? Nagugutom ako, mamaya na lang ulit tayo mamili."

Nauna na si kuya sa isang fast food, sumusunod lang ako sa kanila dahil wala rin akong alam sa lugar. Unlike Manila, Bacolod isn't so crowded but there are places that are really crowded, too. We go back to the airport an hour after, sakto lang ang balik namin dahil dumating na sina tita Darren at Kyo.

"Here, tita!" Seraphine called and ran to her.

Dalawang bags lang ang dala nila kaya si Kyo ang nagbibit ng lahat. Tita Darren is papa's only sister, and Kyo is an only child. Kaedad lamang siya ni kuya kaya halos sabay rin sila sa trabaho at eskwela.

"Seraphine, I miss you, hija. You're still the same beautiful girl. Nagustuhan mo ba rito?" Si tita bago ako tinignan.

"Ayos lang naman, boring," si Sera na tinawanan lang ni tita.

"Sandra, kamusta ka? Mukhang gusto mo naman dito."

"Ayos lang naman po."

"Syempre ayos lang kay Sandra, walang reklamo 'to, e!" Inakbayan ako ni Kyo at niyakap.

Ngumisi ako at hindi umimik, tinapik siya ni kuya sa balikat at nagtanguan silang dalawa. Nasa sasakyan na kami nang nagkwento si tita ng pangyayari sa Manila bago sila umuwi. Hindi ko rin pinagtuunan ng pansin, nakaidlip ako at nagising lang nang makarating na.

Sinalubong kami ni Tito at ng ilang kasambahay. They had their family reunion and I went on my room to take a snap. Sa hapunan lang ulit lumabas at gano'n pa rin ang usapan ng lahat. Tungkol sa trabaho sa Manila at dito at mga plano nila sa susunod na mga araw.

"Kyo will help you handling the azucarera, Creed. Tutulong pa rin ako pero uuwi muna kami ng Vista Alegre next week. Ikaw pa rin sa planta," si Tito kay kuya.

"Okay, no problem. We can always work together with it."

"How's the ranch and the farm anyway?" Tita asked. "And the trucking? May bagong trucks daw sabi ni Jianna?"

Kung ang ibang mayayaman sa negros may sariling trucking para sa tubo, syempre kami rin. Pero hindi gaya ng sa mga Echeverria, hindi gano'n karami ang amin. Hindi naman ako talagang mahilig sa negosyong 'to pero marami akong alam dahil nakikinig ako lagi.

"Ayos naman 'yon, may tatlong bago nga," si Tito.

The talk about businesses only ended when we have our dessert, it's averted to the usual things.

"Anyway, babalik ba kayo ng Manila sa August? O dito kayo mag-aaral?"

"No way," agad na sagot ni Seraphine kay tita. "Of course, babalik kami sa Manila. Ayoko ngang dito mag-aral. Nasa Manila ang mga kaibigan ko at anong mapapala namin dito? The schools here are of low standards."

"Hindi naman, Sera. Pareho lang, siguro nga mas mataas lang ang standards ng schools sa Manila pero ayos naman dito," si tita at tumawa. "You're scared to communicate with the other teenagers here?"

"Of course not, why would I be?"

"Then that's good. If you'll try befriending the girls your age here, you'll learn a lot."

"Paano e hindi nga ako pwedeng gumala, magagalit si mama."

"Grounded ka na naman?" Mas malakas na tumawa si tita. "Si Jianna talaga, masyado kang iniisip. Kung ako ang mama mo ay hahayaan lang kita. You're a Javier, you're wild, young, adventurous and hot. You're just like me. And the more she suppresses you, the more you will burn."

Tito Sandro groaned but tita only smirked at her husband.

"Right, Sandro?" She asked, amused. "And the only way to tame a burning Javier is to let her grow. Put water to us and we'll only smoke darkness. And a Javier trapped in darkness is dangerous."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top