Chapter 6

Annoyed

"Magtanghalian muna tayo, mamaya na tayo bumalik sa planta."

Creed pulled me to the kitchen and Howl is behind us, tailing us silently. Kumunot ang noo ni Seraphine nang makitang may kasama pa kami pero hindi naman siya kumibo.

"Manang, pakihanda po ng tanghalian namin," si kuya sa mayordoma. "Akyat lang ako sa taas, bihis lang. Howl, upo ka, h'wag kang mahiya."

"Oo." Howl nodded and took a seat across us. "Hi."

He greeted Seraphine, huli niya akong tinignan. Malakas ang loob kong salubungin ang tingin niya ngayon, kahit na mariin pa rin ang titig niya. Hindi na siya mukhang galit sa'kin. Actually, he looked kind and calm today. His hair is dark and a bit disheveled, his dark and thick eyebrows are in a straight line. He sits so straight, like an armorless knight in a royal meeting.

"Nagtatrabaho ka sa sugarcane plantation?" Tanong ni Seraphine.

Hinain ng mga kasambahay ang tanghalian sa mesa, patapos na kami ni Sera nang dumating kaya dessert na lang ngayon ang kinakain namin. Howl nodded before averting his eyes to her.

"Oo," tipid niyang sagot.

"Saan pa?"

"Sa azucarera at rancho ni'yo."

"Matagal na? Ilang taon ka na kung gano'n?"

"Oo, eighteen na ako."

Tumango-tango si Sera na para bang namamangha. Nagtaas ako ng kilay at uminom ng juice, hindi man lang tumitingin sa pagkain si Howl at matikas pa rin ang pagkakaupo.

"Grabe eighteen ka pa lang? Tapos nagtatrabaho ka na sa hacienda at azucarera? Ilang taon ka nagsimulang magtrabaho sa hacienda namin?" Si Seraphine ulit, ngayon mas namamangha.

Howl smiled at her and shrugged.

"Around sixteen or so. Tumulong ako sa kuya ko."

"You have a brother?"

"And a sister."

"Bakit, you don't have parents anymore?" Si ate at ngumuso.

Hindi na nakasagot si Howl dahil dumating na si kuya at kumain na sila. Tapos na naman ako pero ayoko pang umalis. Gano'n din naman si Seraphine na panay ang tanong.

"Sera, enough. Hindi na siya makakain," si kuya at binalingan si Howl. "Kain ka pa. Nga pala, sabi mo nanganak na si Carmella. Huling-huli ako sa balita."

Creed chuckled, Howl nodded and drink his juice. Pansin kong kunti lang ang kinain niya at mabilis din siya kumain, parang hinahabol sa pagmamadali. Tinignan niya muna ako bago sumagot kay kuya.

"Oo, tatlong buwan na ang anak niya. Nakalimutan ko ring sabihin."

"Ilan ang anak?" Si Seraphine.

"Isa lang syempre, ano ka ba?" Si kuya at tumawa. "Nga pala, puti si Carmella, baka naman pareho sila ng anak niya? Kasi itong kapatid ko, gusto ng puting kabayo."

Tinignan ako ni kuya, nahiya ako bigla. Bakit kailangan niya pang sabihin 'yon? Hindi nga pala niya alam na nagkausap na kami ni Howl nang isang araw, hindi yata sinabi ni Alijandro.

Parang mainit na magnet na bumalik sa'kin ang paningin ni Howl at pinaningkitan niya ako ng mata. I matched his scrutinizing stare with a cold glare, I don't care about what he'll think now but I hope he's not insulting me in his head.

"Oo, puting kabayo rin ang anak ni Carmella," sagot niya sa namamaos na boses at nagbaba ng tingin sa kaniyang pinggan.

Napalunok ako dahil alam ko na ang kasunod no'n. Tatlong batang kabayo ang nakita ko nang isang araw, akala ko lahat 'yon anak ni Carmella. Isa lang pala 'yong anak, baka iba rin 'yong dalawa.

"Nice, alam kong sa inyo na 'yon pero..." Creed chuckled and shrugged. "Bibilhin ko na lang, Howl. Gustong-gusto ni Sandra ng puting kabayo, kahit magkano pa bibilhin ko para sa kaniya."

"Ay wow!"

Tumawa si Seraphine kaya sa kaniya nabaling ang tingin ng lahat. Malakas ang tawa niya na kahit mga kasambahay napatigil. I groaned and finished my juice.

"Mahal na mahal ni Creed Javier, Sandra? Paborito ka talaga ng lahat, kahit magkano bibilhin para sa'yo, oh."

"Tss."

"Sera," tila naiiritang anas ni kuya at binalingan siya. "Stop it."

"Totoo naman, kuya. Natatawa lang ako, sige h'wag niyo na akong pansinin."

"Hindi ako paborito," sabi ko sa malamig na boses.

Nang humarap kay Howl, nahuli ko siyang nakangisi habang nakatingin sa'kin. Nawala lang agad nang humarap ako, para bang guni-guni ko lang 'yon. At anong nakakatawa ro'n?

"Wala pa naman sigurong may-ari? At kung mayron na, baka pwede ko pang pakiusapan," dugtong ni kuya sa seryusong boses.

Hindi pa rin naaalis sa'kin ang paningin ni Howl at hindi ko na gusto 'yon, tinitiis ko na lang kahit gustong-gusto ko ng mag-iwas dahil ayokong patalo.

Fortunately, he looked away before I could. He licked his lips and if it's possible, I think I saw a ghost of a smile on him. Mabilis lang talaga naging sobrang seryuso ng mukha niya. Dahil nakatagilid, napagmasdan kong mabuti ang kalahati ng mukha niya.

His nose is pointed and narrow, it has a beautiful curved, but not too high. Just really beautifully curved. His eyelashes are thick, curvy and long, they're hooding his dark eyes. Siguro kaya mukhang namumungay ang mata niya ay dahil do'n. His cheekbones are high, his jaw so define and his adam's apple is attractive.

Napakurap-kurap ako nang na-realize na masyado ko na siyang tinititigan.

"Ipagbibili ko na sa inyo kung gano'n," sabi niya na mas gumulat sa'kin. "Sa tamang halaga lang, pero siguro kapag mas matanda na ng kaunti. Ayokong mamatay."

"Oh, totoo? Hindi ko inaasahan, Howl, pero salamat," si kuya at tumawa.

Tinapik niya ang balikat ni Howl at tumingin sa'kin. Gulat pa ako dahil hindi naman ganiyan ang sinabi niya sa'kin nang isang araw!

"Hear that, Sandra? You're having a white horse now. You can pet it once it's settled," kuya added.

Umawang ang labi ko at malalaki ang matang tinignan si Howl. Sinalubong niya ang tingin ko, walang mabakas sa mukha niya dahil seryuso lang 'yon. Malamig din ang tingin niya sa'kin, ayaw ipakita ang totoong nararamdaman.

Baka naman napipilitan lang siya? Hindi 'yan ang sinabi niya sa'kin.

"H-Hindi ba mayroon ng may-ari 'yon?" Mahina kong anas.

Hindi naman pinansin 'yon ni kuya dahil may tumawag sa kaniyang cellphone. Si Seraphine kanina pang busy sa cellphone niya rin. Kaya kami na lang ni Howl ang nag-uusap ngayon.

His eyes dilated a bit and he sighed, I leaned on the table to see his reaction more but he just arched his brows. Hindi ko talaga inaasahan!

"Akala ko ba mayroon ng may-ari?" Ulit ko. "So you lied to get rid of me that day? Is that it?"

His brows furrowed and he shook his head, but didn't say anything. I gritted my teeth and felt something else, instead of feeling happy about it, I feel angry instead.

"What's your plan?"

"Wala. Ayaw mo ba? Ibebenta ko na nga sa'yo, miss Sandra. Akala ko ba gusto mo? Ayaw mo na?" Tanong niya at nagtaas ng kilay.

Umirap ako, gusto syempre.

"Sinong may-ari? Sabi mo mayron na? Pumayag ba 'yon?"

Hindi siya sumagot kaya dumiin ang titig ko sa kaniya. He looked away and finished his foods. Tumayo siya saktong bumalik si kuya .

"Salamat sa tanghalian, Creed. Sa labas lang ako, pahangin," paalam niya kay kuya.

"Ayaw mo ng dessert?"

"Hindi na."

"Oh, okay. Salamat."

Tumayo rin ako nang maupo si kuya, napatingin tuloy siya sa'kin.

"You done?"

"Kanina pa akong tapos, kuya."

Sinundan ko ng tingin si Howl. He disappeared through the veranda to the garden. Sinundan ko siya at naabutang nakatanaw sa syudad sa ibaba na kita lang mula sa mansion. Nakapamulsa siya ngayon at nakatalikod sa'kin.

Bumagal ang lakad ko at tinitigan siyang mabuti. I took note of his get up today; a plain white shirt, a faded jeans and pair of old shoes. His hair looks longer from behind and it's jet black. He brushed his fingers to it and each strands of his hair glided smoothly. He's tall, lean and muscular. I'm tall but he's just taller, perhaps because he's older.

"Who owned the horse first?" I muttered calmly.

His shoulders relaxed after a deep breathe and he looked at me over his left shoulder. My lips parted and my heart raced at how beautiful he is at that pose. His hooded eyes looked sleepier and deeper, his nose narrower and jaw more defined.

I swallowed when he slowly turned around and faced me, looking annoyed yet calm. My lips parted more to breathe more air because I'm starting to hyperventilate.

"Why do you wanna know? H'wag kang mag-alala, hindi magagalit 'yong may-ari."

Ngumuso ako, ilang minuto pa bago ako sumagot.

"Baka napipilitan ka lang kasi si kuya ang nagsabi, halata namang ayaw mong ipagbili nang nakaraan."

"Hindi gano'n," tipid niyang sagot at dinilaan ang ibabang labi. "Ang mahalaga ibebenta ko sa inyo, 'di ba?"

Hindi ako sumagot at tinignan lang siya, nagtaas siya ng kilay at dinilaan ulit ang ibabang labi niya kaya bumagsak ang mata ko ro'n. I swallowed when I saw him licking his lip again, very slowly and sensually. Or maybe I was just hallucinating that it was sensual.

I've read romance novel and in those books, I always fall to men licking their red lips, looking sexy and hot in my head even though I couldn't see them in actual motion. Especially that they are fictitious. But this man right here is like a living fictional character.

No, it's not because he looks good. He does but there's something in him I can't lay a finger on. I feel like he's different from the boys I've met. He's intense and mysterious in a way that's intriguing. He chuckled, his voice hoarse and deep.

Nag-init ang pisngi ko nang na-realize na nakatitig ulit sa kaniya.

"My sister was the owner. Pero hindi gaya mo, hindi siya gano'n ka-obsess sa puting kabayo."

Marahan akong tumango at yumuko, nahihiya ako ng sobra ngayon at pakiramdam ko ang bobo ko dahil sinundan pa siya rito. At tingin ko naiirita na siya sa'kin, gano'n kabilis.

"Tell her thank you-"

"It's annoying," he cut me off harshly.

Naglaho ang hiya ko at napalitan ng inis. He's annoyed of me just because I'm persistent? I glared at him, but then he looked calm and amused.

"What's annoying?"

"It's who is annoying, miss Sandra," he replied.

My face distorted in hatred. So I'm annoying?

"You're annoyed of me? Bakit? Ang ikli naman ng pasensiya mo, Howl. Wala pa nga akong ginagawa para mainis ka, inis ka na agad. Don't you think that's a little rude?"

Imbis sumagot mas umangat ang kilay niya. He pursed his lips and sighed heavily.

"And to think that you're annoyed of me, in our own state is just so wrong. You can't be annoyed of me and still comes here." Umirap ako at umambang tatalikod na. "Thanks for selling your horse to us. But I'd like you to know that you're free to cancel your agreement with my brother before it's too late."

I walked away, annoyed of the conversation, too. Hindi ko siya maintindihan pero naiinis na rin ako sa kaniya. Iniisip ko pang pwede siyang maging walking fictional character, how unacceptable!

Pero hindi niya kinancel ang pagbenta ng kabayo kaya nang sumunod na araw sa'kin na 'yon. Gustong-gusto kong makita kaya nagpasama ulit ako kay Alijandro sa rancho para tignan ang kabayo kahit na ayaw kong makita si Howl.

"Pwede namang dalhin sa mansion ang kabayo, 'di ba Alijandro?"

Mabagal lang ang takbo ng kabayo kaya napagmamasdan ko ng mabuti ang paligid. Matatayog na puno, malawak na tubuhan, malalaking batuhan at naririnig ko rin ang daloy ng tubig sa ilog habang palapit kami.

"Kapag pwede na, Miss Sandra. Kapag hindi pa ay baka mamatay, sa ina pa rin 'yon iinom ng gatas, e."

"So we'll have to come in the ranch everyday, huh."

"Kung tinatamad na kayo, pwede namang hindi na. May nag-aalaga naman do'n."

Si Howl. Napairap ako at hindi na sumagot. Sinalubong kami ng tatlong gwardiya nang pumasok sa malawak na rancho, agad akong bumaba sa kabayo at binigay sa namamahala ang lubid para matali ang kabayo sa puno.

I sighed deeply before entering the stables to look for the white horse. And just like the first time I went here, Howl was found cleaning the horses. He's topless as he soaps the horses, he's holding a hose in his other hand. His dark boots are dirty and his pants hanged loosely in his waist, showing a bit of his hip bones and the very top of his well-curved v-line due to his defined v cut abdomen.

For an eighteen years old, his body is quite well-structured. I can now turn red at that but I managed to remain stoic and calm. Alijandro greeted him so he was disturbed from his work.

At nang tumama ang mata niya sa'kin, ako pa ang nagulat at kinabahan imbis na siya. Napalunok ako, para talaga siyang naninindak. Tumagal ang titig niya sa'kin bago tumingin kay Alijandro at ngumisi.

"Nandito kayo para sa kabayo? Nililinis ko pa." Tumingin siya ulit sa'kin habang binabanlawan si Carmella at ang anak nito. "Saglit lang, sa kubo na lang muna kayo, Ali. Madumi pa rito."

I looked at the dirty ground, he should realize I'm not afraid to get dirty and I have boots.

"It's alright. I want to know how it's done so I can do it myself next time."

Nagulat siya nang naglakad ako palapit, agad siyang tumabi at binigyan ng malaking distansya sa pagitan namin. Iritado ko siyang tinaasan ng kilay.

"Hindi ako mabaho, okay? Stop being so annoying. Ang arte mo."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top