Chapter 4

Ranch

My mind literally went blank in a full minute as I flew off the horse. My heart may be racing as fast as hell but my mind couldn't grasp any faster. Ni-hindi pa tuluyang pumapasok sa utak ko ang nangyari at literal akong naghintay na tumama sa matigas na puno.

Alam ko na ang mangyayari sa 'kin pero wala akong magawa, gulat pa ako at hindi gumana ang adrenaline rush sa katawan ko. I braced myself for the impact I'll get and probably some broken bones, but a strong pair of arms enveloped me instead. I curled into those arms like a scared little kitten, a whimper escaping my lips.

Mawawasak yata ang dibdib ko sa lakas ng kabog ng puso ko. Ikaw ba naman tumalsik sa kabayo. Saka ramdam ko nga ang lamig sa katawan ko dahil do'n, nalaglag ang libro at unti-unting tumigil ang kabayo. Ngayon pa tumigil! At maingay nang humarap sa akin.

I groaned in surprise because of that and a bit of fear and pain. Mabilis at malalim din ang paghinga ng nakahawak sa akin, pakiramdam ko pareho kaming parang sasabog ang dibdib ngayon.

"Muntik na 'yon. Kung hindi lang ako dumating agad..." Sa malalim at napapaos na boses, si Howl.

Nanlaki ulit ang mata ko at kung kanina gulat na ako, hindi ko na alam ngayon. My mind immediately speculated things, the possibilities and the reasons why he's here. I looked up at him abruptly with my lips apart and eyes growing bigger. What the friggin' hell?

Hindi ko na alam ngayon ang uunahin; ang hihinga, bababa o magtanong bakit siya nandito. Seryuso ang mukha niya at magkasalubong ang makapal na kilay, matalim ang tingin sa 'kin pero may ibang halo ro'n. Mas ikinagulat ko rin na sobrang nagkalapit kami at hawak-hawak niya ako. Gusto kong mahimatay sa hiya at mukhang nakita niya rin yata lahat. Nakita niya!

"P-Put me down," I ordered in low voice.

My hands are trembling cold and my knees are suddenly wobbling. I can't stand the awkwardness of it. Mabuti naman at binaba nga niya ako, muntik pa akong mapaluhod sa panghihina ng tuhod ko. Napapikit ako, naramdaman ko ang kamay niya sa aking baywang at siko para alalayan ako.

"Ayos ka lang? May...masakit ba sa 'yo? Sugat?"

Umiling ako at napalunok, sunod-sunod ang iling ko sa lahat ng tanong niya.

"Bali?"

"Wala."

Paano pa ko mababalian kung nasalo niya naman ako? I exhaled deeply, trying to calm my wild beating heart. The horse was completely tamed by the mere presence of Howl. As if the horse knew him too well, and maybe he is the owner of it. Hindi ko na ngayon alam.

"T-Thank you," I mumbled, swallowing hard.

Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kaniya, pero nakatitig din siya sa'kin at madilim ang mukha niya. His face is sunburned but it made him look more mature than his actual age. And maybe, defined more of his features. Maitim ang mata niya at bahagyang namumungay, salubong ang makapal na kilay. His lips in a grim line. Naisip kong baka galit siya?

"Anong ginagawa mo rito?" Malamig niyang tanong. "At bakit mo pinakialaman ang kabayo ko? Young miss, muntik ka ng mabalian."

Medyo nairita ako dahil sa pagalit niya, kahit na alam kong tama naman siya at mali ako. Pero kasi ang paraan ng pagsasalita niya parang galit na galit siya kasi pinakialaman ko ang kabayo.

His eyes in squint and jaw moving slowly. I was a bit intimidated but I hid it by frowning.

"This is our land, too."

He scowled at me as if my answer is a big nonsense.

"Bakit mo pinakialaman ang kabayo? Hindi 'yan kasing amo ng mga inaalagaan sa kwadra."

"Pero kasi maamo naman siya kanina."

"Hindi 'yan maamo," ulit niya na parang naiinis na sa'kin. "Sa'min lang 'yan maamo, hindi 'yan sanay sa ibang tao lalo na sa'yo na ngayon niya lang nakita."

I swallowed hard and looked away, realizing he's right. Kaya gano'n ang kabayo dahil hindi sanay sa iba, sa una lang pala maamo 'yon. Mabilis kong naintindihan kaya napapikit ako at pinulot na lang ang nahulog na libro.

"Okay," I said coldly.

Inayos ko ang damit at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri. Imbis kunin ang kabayo ay nanatili naman siya sa tabi ko. I looked at him to bid goodbye, at least. I'm not that rude anyway. But his cold eyes made me swallow all my words.

I got a glimpse of his dirtied boots, pants and brown sweet shirt. Mukhang kagagaling lang niya sa trabaho.

Nahihirapan akong lumunok at matapang siya ulit na tinignan. Nasa akin pa rin ang mata niya at hindi man lang kumukurap.

"Pasensiya na sa kabayo mo..." I glanced at the treacherous white horse. "Alis na ako."

Agad akong tumalikod at halos tumakbo na sa kahihiyan. Pero pinanatili kong normal ang lakad at mahigpit na lang na niyakap ang libro sa aking dibdib. Kinagat ko ang labi sa kahihiyan, para akong lalagnatin sa pagkapahiya. Nanginginig pa ang tuhod ko nang marating ang tulay. Huminga akong malalim at dinama ang lamig ng hangin mula sa sapa.

"Ingat sa pagtawid."

I stiffened when a baritone voice echoed from behind. Sumunod pa talaga siya! Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang. Para akong lumulutang habang mabagal na tumatawid, buti na lang may nakita akong kasambahay na palapit at mukhang hinahanap ako.

"Miss Sandra, hinahanap po kayo ng kuya niyo."

Tahimik ako nang makabalik sa mansion, naabutan ko si Creed na naghahandang pumunta sa planta. I squeezed my eyes when I saw the horse, I remembered what happened a while ago.

"Sandra, sasama ka ba ulit?" Si kuya at tinignan ako.

I shook my head and passed through him. Kaya lang hinawakan niya ako sa braso, kabado akong napahinto at gulat siyang tinignan. Seryuso naman ang mukha niya at mukhang nagtataka.

"Bakit?"

"Saan ka galing? Namumutla ka."

"Ha?"

"Are you sick?"

His hand flew to my forehead, I gulped and removed his hand.

"Hindi."

"Magpahinga ka, saan ka ba galing?"

"Sa sapa lang, nagbabasa ako. Hindi rin masama ang pakiramdam ko."

Mariin niya akong tinignan pero inilingan ko siya. He sighed and nodded.

"Alright, aalis ako. Gusto mo bang sumama?"

"H-Hindi na muna. Nagugutom ako, e."

"Okay. Kumain ka na."

Hinalikan niya ako sa sentido bago siya sumampa sa kabayo. Hindi ko na siya hinintay na makaalis, pumasok na ako at dumiritso sa kusina para uminom ng tubig. May kasambahay na naghain ng pagkain kaya kumain ako.

"Aalis na ako bukas. Creed, ang mga kapatid mo. Ikaw na ang bahala sa kanila. Tawagan niyo ako kapag may problema."

We had a peaceful dinner that night and the other day, mama flew back to Manila. Hindi na naulit ang nangyari sa sapa at hindi na rin muna ako pumunta ro'n. Palaging may iniimbitang kaibigan si kuya kaya hindi nababakanti ang mansion.

Hindi talaga ako mahilig sa party at hindi ko rin kaedaran ang mga kaibigan ni kuya kaya hindi ako nakikihalo sa kanila. But unlike me, Seraphine enjoys the company of Creed's friends. Maybe because she's so bored and making friends with Creed's circle of friends entertains her somehow.

"Gusto kong mapag-isa, h'wag mo na akong sundan," utos ko sa kasambahay na nakasunod sa'kin.

Tumango at iniwan na akong mag-isa. Pumunta ako sa kwadra at tinignan ang nakahanay na kabayo. Wala akong planong mangabayo pero nababagot din ako. Wala nga lang akong nagugustuhan sa mga kabayo namin. Gusto ko rin ng puting kabayo.

"Excuse me," tawag ko sa isang trabahante na nag-aalaga sa mga kabayo.

Agad naman itong lumapit sa'kin.

"Bakit po, miss Sandra?"

"Wala bang bagong kabayo?" Tanong ko kahit na alam kong wala naman, gusto ko lang kasing maghanap at iniisip kong baka magawan nila ng paraan.

"Wala po, miss. Pero may mga bagong binili at inaalagaan sa rancho. Pero ito pa lang po ang nandito?"

"Talaga? Mga batang kabayo pa ba 'yon?"

"Opo, miss Sandra."

"Gusto kong makita."

"Ho?" Mukhang nagulat ang lalaki kasi nanlaki ang mata niya. "Pero malayo po ang rancho rito at baka hindi po pumayag si sir Creed na dalhin kayo ro'n."

"Bakit hindi? Gusto ko ngang pumunta ro'n. Gusto kong mag-alaga rin ng kabayo na akin, gusto ko bata pa."

May ideya sa isip ko, noong isang araw ko pa 'to naiisip. Gusto ko rin ng kabayong sa akin lang susunod at mailap sa iba. Tulad ng...

"Sige po, miss. Pero baka pagalitan ako ni sir Creed."

"Hindi 'yan, bakit magagalit? Wala namang mali kung pupunta ako ro'n."

"Sasamahan ko po kayo, miss. Magagalit si sir kapag hinayaan namin kayong umalis ng mag-isa."

I sighed, a bit annoyed. But it's better that way. Tumango na lang ako at kumuha ng brown na kabayo para sakyan. Dumating si kuya kasama ng trabahante kanina at nakanguso na ito. Tinaasan niya ako ng kilay at sinipat ang kabayong napili ko.

"Ngayon ka talaga aalis? Bukas na lang, Sandra. Sasamahan pa kita. Sumali ka na lang muna sa'min sa pool. Malayo ang rancho rito."

Pwede namang ako na lang mag-isa. Hindi naman ako mapapahamak.

"Ayokong sumali sa inyo. I don't like your friends. Kung hindi maingay ay plastik naman."

"Hindi naman, iba 'tong mga inimbita ko. Makakasundo mo sila kung susubukan mo."

I groaned and readied the horse. Napabuntong-hininga siya at tinignan na lang ang trabahante dahil alam niyang hindi na magbabago ang isip ko.

"Bantayan mong mabuti, Alijandro. Tawagan mo ako kapag may aberya at h'wag na kayong magpagabi," mariing bilin niya sa trabahante.

Tumango ang binata at tinignan ako. I arched my brows at Alijandro. I don't really care about the names of our workers so I don't know him yet. He's young, probably around nineteen or twenty or so.

Matangkad pero mas matangkad pa rin si kuya, maganda rin ang pangangatawan at mukhang may ibubuga kapag nakipagkarera ako mamaya. May itsura rin naman.

"Opo, sir Creed."

"Thank you." Kuya then turned to me. "Ingat, Sandra. Tawagan mo ako. Sana kasi bukas na lang, ano ba kasing kabayo ang gusto mo at ako na ang maghahanap."

Umiling ako. "Ako na, gusto ko bata pa. Ako ang mag-aalaga hanggang lumaki."

"Tss bakit bigla kang nagka-interest sa mga kabayo?"

"Wala lang... Sige na, aalis na kami."

He patted the head of the horse and nodded at me. He looked at Alijandro again and told him few things before we leave. I maneuvered the horse skillfully into the gate and Alijandro tailed behind me.

Bandang alas tres na nang hapon kaya hindi na masyadong mainit. Marami ring puno sa daan at may baon naman akong sombrero. Katamtaman lang ang bilis ng kabayo at kung hindi ko bibilisan hapon na ako makakarating sa rancho.

So I signaled the horse to sprint, my body shook and my hold in the rope tightened. The gallop of Alijandro's horse enhanced to match mine. Napangisi ako dahil magaling din siya, nang lingunin ko seryuso siyang nakasunod sa'kin.

"Come on, you bitch," I whispered.

Ngayon mas mabilis na ako kaya humabol din siya, mas mabilis nga lang ako kaya naiwan siya nang lumiko ako sa shortcut. Akala ko hindi niya na ako masusundan pero nang lumingon ako ulit nakasunod na siya.

Hindi na tubuhan ang nadadaanan namin kung'di matatayog na puno, papunta na kami sa rancho pero bago 'yon may madadaanan pa kaming ilog. Tagos naman ang ilog na 'yon sa kabilang hacienda hanggang sa mas malaking tulay sa barangay.

"Miss Sandra!" Alijandro called when we drifted into another slope.

I smirked inwardly. What now, Alijandro?

"Dahan-dahan po, may batuhan diyan!"

Alam ko naman 'yon, nakita ko na ang batuhan kanina sa itaas pa lang. Binagalan ko ang kabayo nang dumaan na sa batuhan at pinatakbo na lang ulit ng mabilis sa patag. Unti-unti ng naging patag ang lupa at kumunti ang punong kahoy.

Malayo pa lang nakita ko na ang rancho at mga kabayong nando'n. May tatlong gwardiya na sumalubong sa'kin pero hindi naman ako pinigilan. Binagalan ko ulit nang nasa gitna na nang rancho at pinalibot ko ang tingin sa ilang hektaryang lupain.

The cabins are far from the stables, few cows were in different stables and there were many more horses. Nadatnan ako ni Alijandro na gano'n at paikot-ikot pa ang kabayo ko. May nagsilabasang tauhan mula sa kubo at tinignan kung sino ang dumating.

"Miss Sandra," si Alijandro sa napapaos na boses. "Masyado kayong mabilis. Delikado ang gano'n lalo na hindi gano'n kaganda ang daan."

"I'm fine. Are you?"

Binalingan ko siya at nginitian, seryuso pa rin ang mukha niya at bahagyang kumunot ang noo. His expression darkened and he looked handsomer at that.

"Sanay na po ako rito, kayo naman hindi."

"Sanay ako sa kabayo."

"Sisisantihin ako ng kapatid niyo kapag nabalian kayo."

"Hindi 'yan."

Ngumisi ako at bumaba ng kabayo. May lumapit na lalaki na mas matanda naman ngayon at kinuha ang kabayo sa'kin. They greeted me, Alijandro led me to the stables where the newborn horses are. Maraming bagong panganak, mayroong mas malaki na at may malapit manganak na kabayo rin.

I frowned when I see no white horse, or maybe because I haven't rounded the other stables yet. I sighed heavily.

"I want a white horse."

In my peripherals, Alijandro turned to me.

"Mayron sa dulong stable, miss Sandra."

"Talaga? Let's see then."

Agad akong pumunta sa huling stable, napangiti ako nang makita ang tatlong maliliit na kabayo at isa sa kanila ay puti.

"Great! I want that—"

"Bakit ka nandito?" Natigil ako nang marinig ang isang pamilyar na boses.

My eyes widened and I abruptly turned to Howl who was holding a pail of water. Darn, he's here?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top