Chapter 2

Visit

Napasinghap si ate sa sinabi ni mama, mukhang grounded na naman ang kapatid ko, ah. Sera's face creased in dismay and she evidently wanted to complain. It is written all over her face but our mother's menacing smile made her think twice.

"You learn how it's like to live lowkey and not too high maintenance. Stop being a playgirl."

"Mama..."

"Don't wait until your father got fed up of your habits and issues. Those boys you are playing with...one day they will get back on you."

"I am not playing with them, ma. They play along with me, we're just the same."

"Sera," Creed called. "That's enough. I agree to mama."

"Kuya?"

I smirked at the thought that even Creed cannot protect her this time. Creed can't be on her side, I'm such a bad sister for feeling a little amused. Natapos ang tanghalian na nakasimangot si ate, nagkulong siya sa kwarto pagkatapos habang ako ay naglakad-lakad.

Isang kasambahay ang nakasunod sa'kin sakaling may iuutos ako. I am wearing a simple white dress, with spaghetti straps and deep v-neck in the chest. Paired with my sandal and a wide-brim hat.

Mainit kaya sa portico na lamang ako, nang humupa ang init saka lang pumunta sa ilog sa likuran ng mansion. The water is clean and fresh, few pebbles are clearly seen under the water. Hindi gano'n kalalim ang sapa pero naliliguan naman, palaging naliligo si kuya rito dahil malinis naman ang tubig kahit na may pool naman sa mansion. Mula sa malapit na batuhan nanggagaling ang tubig at kami rin ang may ari no'n.

May iilang kasambahay na naglilinis sa bakuran at may hardenero rin. Pabalik na ako sa bahay nang makasalubong ko si kuya. He's wearing his brown boots, dark pants and shirt. Handang-handa umalis at mukhang sa kabayo sasakay.

"Where are you going?" I ambushed him.

"Lilibutin ko ang tubuhan at titignan ang mga trabahante, sabi ni mama nando'n si tito."

Sinundan ko siya sa stables, kumuha siya ng brown na kabayo na palagi niyang ginagamit kapag rumurunda sa hacienda noon. Inamo niya ito kahit na maamo naman talaga si Abaro, hinaplos ko rin ang pisngi ng kabayo.

Creed smiled and rode the horse's back smoothly, almost too perfectly that I was in awe. His forearms flexed the muscles on it.

"I want to come with you, kuya," saad ko at napanguso.

"H'wag na, baka matagalan ako. Lilibot ako sa hacienda, maiiwan ka lang sa kubo."

"I'll come with you then. Sige na, please. I can ride a horse, too. You know."

He sighed and scanned my dress, he immediately shook his head.

"You're wearing a dress."

"I'll change, I'll be quick. Please?" I begged sweetly. "I really want to come with you, Creed. Sige na, matagal na rin akong hindi nakasakay ng kabayo."

Mabagal niyang pinalakad ang kabayo kaya sumabay ako sa paglalakad ni Abaro. Umigting ang panga niya at namumungay ang matang tumango, nang sumagot ay napapaos na.

"Alright, get dressed properly then."

He sounded defeated. Napangiti ako at agad tumango, nagkukumahog akong pumasok sa bahay at sumunod naman ang kasambahay sa'kin para tulungan ako mag-ayos. Sobrang excited ko yata na sobrang bilis kong nakabihis. Pababa ako nang lumabas si Sera sa kwarto niya at nakangiwi akong tinignan.

"You're going to ride a horse?"

"I'll go with Creed, we're going to the plantation. Sama ka?"

"Ah, no," she said disgustingly.

Nagkibit-balikat ako at bumaba, nadatnan kong may hila-hila na bagong kabayo si Creed para sa'kin. Brown na kabayo rin pero mas maliit, inayos niya ang upuan at stirrup para sa'kin.

"Pasabi kay mama na aalis kami ni Sandra, Menda," bilin niya sa kasambahay. "Titignan namin ang ikaapat na tubuhan."

"Opo, sir Creed."

I smiled and approached my horse, I caressed its neck and hair for a while before lifting my booted feet to the stirrup. Creed gave me space so I can jump smoothly, I did push myself up and sat up comfortably. The horse moved a bit but he tapped it to stop.

"Dapat nagdala ka ng sombrero, Sandra. Medyo mainit pa."

"Ayos na 'to, ayoko mag-sombrero."

Kumunot ang noo niya pero wala na rin namang sinabi, sumampa rin siya kay Abaro at nauna sa'kin. Binuksan ng gwardiya ang gate para sa amin, mabagal lang ang takbo ng kabayo para mas makita ko ang dinadaanan naming bukid at tubuhan. Kita ang kabahayan sa ibaba dahil mataas ang pwesto ng mansion. Kapag gabi'y kita ang mga ilaw sa syudad.

The fresh wind dances my hair and brushes my face as the horse ran a little faster. My light brown curly hair waved smoothly behind me. The green forest at the end of the first sugarcane plantation was enchanting. At the end of the forest is another hacienda, it isn't ours, it's owned by the other family. But their plantation isn't as big as ours.

Nagsimulang dumulas ang lupa dahil sa maliliit na bato, nilingon ako ni Creed at hinintay kaya mas binilisan ko ang takbo ng kabayo. Nakikita ko ang tower ng watcher sa malayo, kung saan umaakayat ang iilang pinuno ng bawat trabahante na mula sa iba't-ibang lugar para magtrabaho sa hacienda.

Lagpas alas tres na ng hapon kaya tapos na ang trabaho ng manggagawa at nagpapahinga na nang dumating kami. I maneuvered the horse skillfully into a halt when we arrived at the barn house. I let out a harsh exhale and gasped for air, the horse moved but I tamed it quickly.

Maraming trabahante ang namamanghang tumingin sa'min, lalo na sa akin dahil sa gulat. Nagpapahinga na sila sa labas ng barn house at naghihintay ng susundong truck para ihatid sila sa kanilang mga lugar.

"Creed," tawag ni Tito Sandro na kalalabas lang ng barn house.

Wearing a dark boot that reaches his knees, white shirt, blue pants, and a brown straw hat, Tito Sandro looked clean and dominant. He is my father's brother in law and aunt Darren's husband.

Bumaba si Creed sa kabayo at sinalubong ito, bumaba rin ako at agad namang lumapit si Tito. Nakangiti niya akong binati at tinapik sa ulo.

"Sandra, sumama ka pala sa kuya mo. Kamusta? Hindi ko na kayo nasalubong kanina, alam kong ngayon ang dating niyo."

"Ayos lang po."

"Kagulat, marunong ka rin palang mangabayo sa murang edad."

I chuckled and let them talk about the plantation, we were greeted by few workers as we enter the barn. The inside of the barn is somehow neat and tidy, there's a table, chairs and few things for the snacks. Ang hangin ay tumatagos sa kawayang pader na ginawang ekis-ekis.

"Marami ang tao ngayon, pero hindi na magdadagdag ng bago pansamantala. Maliban sa mga nakapagsimula na noong nakaraang buwan."

Tahimik akong nakikinig sa kanilang usapan, hindi ako gano'n ka interesado sa plantation pero naaaliw naman ako. Isang binata ang pumasok sa barn na may dalang isang sako ng saging. May nakasunod pa sa kaniyang mas bata naman na nakayuko at tinitigan ang maduming bota nito.

Hindi ko sinasadyang humarang sa daraanan niya kaya nagkatinginan kami nang muntik niya na akong mabangga. Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan, e.

Nagulat siya at napahinto, napatingin siya sa'kin at mas lalong nanlaki ang mata niya. Napakunot naman ako ng noo at napasimangot, umatras ako at nagtakip ng bibig at ilong.

He arched his brows at me and smirked languidly.

"Mabaho ba ako? Amoy pawis?" Bahagya niyang inamoy ang sarili at ngumisi. "Hindi naman, ah. Teka, ngayon lang kita nakita rito, ah."

Pinasadahan niya ako ng mabilis na tingin, saglit siyang natigilan at napadila sa kaniyang labi. My face distorted with disgust, he looks dirty because of his dirtied clothes and boots. He is sweating hard and is still gasping for air, his hair looks longer because of his dripping sweat.

"Hindi ka mukhang trabahante, anong ginagawa ng isang batang tulad mo rito?"

My ears rang in irritation at his word, particularly when he called me a kid. A kid? Is he pissing me off? I look like a grown up in my outfit, what is he thinking?

"Howl," saway sa kaniya ng naunang lalaki.

Napatingin siya sa harapan, napatingin din ako kina kuya at Tito na ngayon ay nagtatakang napatingin sa amin.

"Sir," napapaos na anas ng lalaking nakausap ko. "Magandang hapon."

"Howl, halika. Ipakilala kita sa pamangkin ko," si Tito at tipid na ngumiti.

Naglakad ako palapit kay Creed na sininyasan akong maupo na lang sa kawayang upuan.

"Ito si Creed, pamangkin ko. Anak ng sir Dreven ninyo. Ito naman si Sandra, ang bunso."

Iminuwestra ako ni Tito sa dalawang binata, ang mas matanda ay mukhang hindi naman nagulat pero ang lalaking nakausap ko kanina ay bahagyang umawang ang labi. Ngumisi ako ng palihim at seryusong nag-iwas ng tingin para tumingin sa malawak na tubuhan sa labas.

Tungkol sa isang specific na trabaho ang pinag-usapan nila. Dumating ang truck na kumuha sa mga trabahante para ihatid ang mga ito habang ang dalawang binata naman ay naiwan. Nagkape sina kuya at ramdam na ramdan ko naman ang paninitig ng lalaking si Howl.

"Lilibutin muna namin ang tubuhan, Tito. Matagal ko ng hindi nagagawa at para na rin mas matagal makasakay sa kabayo si Sandra," Creed said that really made me happy.

I am bored while sitting in the chair and looking at nothing but at the hectares of sugarcane land. Creed tapped the other man's shoulder as he bid goodbye. Tinanguan niya lang si Howl bago ako binalingan para ayain. Isang huling malamig na tingin ang tinapon ko kay Howl bago kami sumampa sa kabayo.

Seryuso naman siyang nakatingin sa'kin, wala na ang bakas ng ngisi kanina pero bahagyang nakataas ang kilay. I shamelessly tore my eyes off him and maneuvered the horse more faster.

"Kaibigan mo 'yong isa?" I asked simply to my brother.

"Who? Howl?"

"No."

"Lethian?"

Hindi ako sumagot.

"Magkakilala kami, matagal na. Bata pa kami."

Naalala ko ngang may mga naging kaibigan siya rito noong umuwi kami ilang taon na ang lumipas. Nagtagal kami sa Manila dahil sa klase at ngayon lang ulit nakabalik.

Unlike me, he finds friends easily. It seems like the town people like him a lot. Because he resembles our father so much, he looks really like a Javier. And he works in the plantation, interacts with the workers, even to the people outside our state. He is friendly to them, so he gains a lot of friends.

Matapos libutin ang tubuhan ay umuwi rin kami, malawak ang sugarcane plantation namin dito at sa buong La Carlota. Mayroon din sa ibang syudad at municipality dahil nagkalat ang biniling lupain.

Sabay-sabay kami sa hapunan, nagkukwento si Tito at maraming tanong sa amin. His wife, aunt Darren, our father's only sister is in Manila with their son, Kyo. He went home just last month to help mama in the plantation.

"Babalik ako sa Manila sa katapusan ng buwan. Creed, ikaw na muna ang bahala rito sa mga kapatid mo. Ang bilin ko rin, Seraphine. No parties, no boys, you are grounded," mama said coldly.

Mahinang tumawa si Tito at nasisiyahang tinignan ang ate, alam bakit gano'n si mama. Sera can be hardheaded and stubborn almost most of the time, but she won't dare go against mama. Mama is the law, and she's scary.

"Uuwi rin dito ang tita Darren niyo kasama si Kyo, tutulungan ka niya sa pamamahala sa azucarera at planta, Creed. Ako naman, uuwing Vista Alegre. Baka sumama rin ang tita niyo."

The night went smoothly, just that I didn't expect for the next days to be a little upsetting. A week after, Creed invited few of his friends to our mansion. His usual girls are annoying.

"Sandra, sama ka sa paliligo namin. May malapit palang ilog dito," said one of Creed's girls, interrupting me from my peaceful painting. "Wow, is that a sea? Ang ganda naman!"

"Don't touch it!" Malamig kong pigil sa babae ni kuya nang hahawakan niya ang ipininta ko.

Medyo mataas ang boses ko kaya napairap siya, suplada siyang umirap at tinalikuran ako.

"Annoying kid!" I heard her murmured.

Uminit ang ulo ko pero hindi na siya pinansin at pumunta na lang sa portico. I was silent, trying to calm my heart down when I heard a few heavy steps and a giggle from another girl. Iritado kong binalingan ang pintuan at napakunot noo nang makita ang pamilyar na lalaki kasama ang kaibigan ni kuya.

"I heard you like slender girls, well I am," said Rebecca.

Howl chuckled sexily and licked the side of his lips, eyes playful and fiery. I was stunned to see him here so I literally went frozen while watching them.

"I like naughty girls, Becca. Hot and sexy naughty girls. Hindi maarte, game sa lahat."

Hindi maarte at game sa lahat, my mind echoed annoyingly.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top