Chapter 10
Home
Hapon na kami nakauwi ni Alijandro at naabutan kong may kausap si kuya na tauhan. Hindi ko narinig ang usapan nila pero mukhang may problema siya sa planta.
"Nasa Vista Alegre sina Mama, pwede namang tawagan kung may itatanong ka, Creed," si Kyo habang naghahapunan kaming apat.
Tahimik lang akong kumakain, hindi ako nagpalit kanina dahil natuyo rin naman ang damit ko.
"H'wag na, maaayos ko 'to. Maliit na problema."
"Anong mayron?" I asked, but kuya just shrugged.
"Nothing. Don't mind it, nga pala, uuwi si papa at mama sa susunod na buwan."
"Babalik na tayo no'n sa Manila, ah. Ano, dito na silang dalawa habang tayo sa Manila?" Si Seraphine na mukhang excited na umuwi.
"Halatang excited ka, Sera. Si Alessandria hinihintay ka na ring bumalik, wala raw siyang makausap na kasing suplada mo," biro ni Kyo.
Seraphine laughed and drink her juice.
"Birthday niya sa September, baka naghahanda lang siya para sa party at walang makausap para sa plano niya."
"You can't join her anyway, you're grounded, remember?" Si kuya. "It's not yet lifted. Magagalit si mama."
"But it's Alessandria's birthday!"
"Dadalo naman tayo sa party niya, pero hindi ka makakawala."
Seraphine kept whining about it until the next days. Ako naman araw-araw bumabalik sa rancho para amuhin si Cassian. Nagpapakain ako ng carrot sa kaniya at nasa sapa kami para magpalamig. Wala si Alijandro at nasa kubo kasama ng ibang tauhan habang si Howl umalis para kumuha ng prutas.
"Ano, Cassian? Masarap? Mauubos ang carrots sa bahay nito," pagkausap ko sa kabayo. "Dapat try mo rin ang damo, wala na kaming carrots."
The horse whined, as if he can understand me. I chuckled and caressed its back gently, slowly, the horse started to like me. When I'm giving him foods, particularly apples and now carrots.
Napatingin ako sa sapa, malinis ang tubig at may parteng malalim na pwedeng liguan. May nakita akong sagwan at bangka kaya napatigil ako sa paghagod sa likod ng kabayo.
I didn't know there's a canoe behind the huge rock, tied in the tree's root. Namamangha akong lumuhod sa damuhan at tinignan ang malawak na sapa, malalim pala sa likuran ng puno at mayroon pang parang kweba. Kailangan pumasok do'n gamit ang bangka at sa kabila no'n ay batuhan. Hindi ko alam na may ganito rito! I should explore.
"Sandra."
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang tinawag ako ni Howl. I cursed in my head and glared at him but he was peeking on the canoe, too. May dala siyang libro, luma at may saktong laki. May dala rin siyang supot at maliit na tela.
"Ano ba? Ginugulat mo ako," I complained.
Mula sa bangka, nalipat ang tingin niya sa'kin. Bahagyang umigting ang panga niya at naningkit ang mata sa'kin, para bang may ginawa na naman ako.
"Delikado rito, baka mahulog ka. Marunong ka man lang bang lumangoy?"
"You think so weak of me." Inirapan ko siya. "Hindi naman siguro ako mamamatay kung mahulog ako, at babagsak ako sa bangka."
Dumiin ang titig niya sa'kin at hinila ako patayo, nanlaki ang mata ko. Ngayon lang niya ako hinawakan ng ganito kabilis at hinigit, siguro natakot dahil siya nga naman ang masisisi dahil nandito siya at hindi ako nabantayan.
"Teka, Howl." I groaned and chuckled, he glared at me. "May tunnel pala ro'n, hindi ko alam. Ang ganda. Nasubukan mo na bang mamangka ro'n?"
Hindi siya sumagot at binitawan ako nang nasa tapat na ng kabayo ko. I pursed my lips and looked at the tree again. It's a huge tree, the roots are breaking through the surface of the land. Kaya mayroong nakaangat, naka-elevate rin ang puno.
"Magbasa ka na lang, h'wag na ro'n sa tunnel."
Binigay niya sa'kin ang libro, hindi ko alam saan niya 'yon kinuha pero nang tignan ko, namangha ako sa nabasa.
"Jane Austen 'to ah." Napatingin ako sa kaniya, nangingiti. "Saan mo nakuha? Binili mo? Mukhang luma na, hindi ko pa 'to nababasa kasi wala sa library namin. At hindi ako makahanap sa bookstore o online Ebooks."
Maybe it was the excitement or my love of books that my mood suddenly boosted. I suddenly took note of our surrounding and realized how perfect it is to read. He got me a book I could read, he got me snacks and we're in the lake. The trees are huge, there's a canoe somewhere, the wind isn't that cold but it's cool. The white horse was behaving. And just us alone. Peaceful and tranquil.
Tuluyan akong napangiti at niyakap ang libro, tahimik lamang siyang nanunuod sa'kin at hindi man nakangiti, may pinipigilan namang ngisi. Nakikita ko 'yon dahil paminsan-minsang umaangat ang gilid ng labi niya at kumikinang ang namumungay na mata.
I got that maybe it's an exaggeration, saying that his eyes are gleaming. But perhaps it's the sun's reflection on the water and it reflected in his eyes, too. The wind danced his hair on his forehead. If he didn't simply look away I was certain I'd see what's hidden behind his hooded eyes.
Mas naintriga ako ro'n kaysa sa libro, sa unang pagkakataon may ibang bagay na nakaagaw ng atensyon ko habang may hawak na libro. Napakurap-kurap ako dahil hindi ko maintindihan...ang sayang naramdaman at kabang kasalo no'n.
"Thank you," I croaked.
Tumango lang siya at pinilit h'wag tumingin sa'kin. Umigting ang panga niya at mariin siyang napapikit saka malalim na suminghap.
"Magbasa ka na lang, kapag nagutom ka may kakanin dito. May tubig din kung uhawin ka. Maglalatag ako ng picnic blanket para sa'yo."
Sinundan ko siya ng tingin nang lumapit siya sa ilalim ng puno at pinalipad sa ere ang tela. It's a red and white stripe picnic blanket wide enough for us, pwede pa nga siguro akong matulog do'n. Dala ang supot, libro at kabayo ay lumapit ako sa kaniya.
"Itatali ko muna ang kabayo, magbasa ka na o kumain muna. Akin na si Cassian."
"Okay..."
Kinuha niya ang lubid sa'kin, naupo ako sa picnic blanket at namangha na malambot ang inuupuan ko. I took my boots off and folded my knees together, hindi ko muna binuklat ang libro at pinanuod siyang itali sa malapit na puno ang kabayo ko. Napanguso ako nang kinakausap niya pa ito habang nakangisi, isang haplos sa ulo nito ay humarap na siya sa'kin.
I can't ignore the air that's too intense around him, his movements are precise, brisk but graceful. It's ironic because he's of low status, not that it matters, it doesn't really matter. But those description suits to the rich men that I know of, or at least that's what I know. Maybe, he has mastered how to move with grace and elegance, too.
Lalo na at may dugong Cristobal pala siya, at pinsan nina kuya Rafa at Lilian Claveria. Maybe as he hangs out with them, he got influenced by them, or perhaps he's just really like that. Proud and intense, his dark complexion added to that kind of air. Almost domineering.
The previous encounters made me realize he's also quite popular with girls, no matter the ages and status. He's got enough muscles and hair jet black, making him darker and dull. Somehow.
Nag-iwas agad ako nang tingin nang makalapit siya at tinignan na lang ang laman ng supot.
"Ano 'to?"
Tinuro ko ang kakanin na nababalot sa dahon ng niyog. Marami 'yon at mayroon ding naka-plastic, mayroon pang kulay ube. I'm certain I haven't tasted any of those yet.
Naupo siya sa kabilang gilid, tinanggal din ang tsinelas at tinupi ang manggas ng itim na polo long sleeves.
"Puto bumbong ang kulay ube, Cassava cake at Biko naman ang parihaba. The ones in coconut leaves are called Ibos," paliwanag niya at kumuha ng isang Ibos. "Watch how to unwrap it."
Pinanuod ko siya pero masyadong komplekado pala ang pagkakasupot no'n. Nakuha ko naman paano, kumuha siya ng plastic para gawing sapin do'n bago binigay sa'kin. Tinignan ko siya bago 'yon tinanggap.
"Tikman mo, masarap 'yan."
Tinikman ko at napatango-tango nang masarap nga, medyo matamis at malagkit.
"Sinong gumawa? Masarap, itong iba?"
He peeled the Cassava cake for me, I took and ate it immediately. Impressed, I gave him a thumbs up. Hindi pa ako nakakatikim ng mga 'to pero alam kong masarap talaga.
He chuckled and opened the bottle of water for me. Hindi pa ako nauuhaw pero kinuha ko rin at uminom ng kaunti.
"Kami ni kuya ang gumawa, tinitinda kasi namin."
"Oh, I should buy these then."
"Hindi na kailangan, dinala ko 'to para sa'yo para matikman mo at may makain ka habang nandito ka." He smirked. "Basta maubos mo, hindi kita sisingilin."
Nagtaas ako ng kilay.
"Kapag hindi?"
Ngumuso siya at umiling. "Ubusin mo. Hanggang hapon ka naman dito, e."
"Kumain ka rin."
"Mamaya."
"Hindi ba kayo malulugi nito? Ang dami nito, e."
Tumawa siya at umiling lang, sumandal siya sa puno ng kahoy at namumungay ang matang pinanuod ako.
"Kina Tito 'yang libro, hiniram ko lang."
"Para sa'kin?"
Napangisi ako nang napagtanto 'yon, his eyebrows arched and he licked his lips, shaking his head very slowly. Para bang napipilitan umiling o pinipilit ang sarili. Lumapad ang ngisi ko at kumain ulit, biko naman ngayon habang paminsan-minsang nakatingin sa kaniya.
Kaya lang ay pumikit siya ng mariin, napagmasdan ko ang mahaba niyang pilikmata. Napakurap-kurap ako at marahang suminghap, ang ganda ng pilikmata niya! Bigla nga lang siyang dumilat kaya mabilis ulit akong nagbaba ng tingin. Kinabahan ako ro'n pero hindi ko pinahalata, nakakahiya pala.
"Babasahin mo naman, kaya ayos lang," napapaos niyang sinabi.
Hindi ko agad naintindihan 'yon dahil sa mabilis na tahip ng dibdib ko. Sinubukan ko ulit siyang kumbinsihin na ipasyal ako sa tunnel sakay ng bangka, buong hapon gano'n ang request ko.
"Bakit ayaw mo akong ipasyal do'n? I'm curious of the tunnel, I want to try, Howl."
He sighed deeply, losing his patience to me but I'm losing my patience, too. Why not, 'di ba? Bakit ayaw niya? Wala namang masama ro'n. Gusot na ang noo niya at naiiling na pumikit, sinusubukang matulog para hindi na ako magpumilit.
"Howl naman!" I sighed dramatically and glanced to the canoe. "Kung ayaw mo, edi ako na lang mag-isa. Kaya ko naman 'yon, rowing a boat is simple, anyway."
Binagsak ko ang Pride and Prejudice at padabog na tumayo, pero hindi pa ako nakakahakbang nahuli niya na agad ang pulsuhan ko. Para akong spring na tumilapon sa kandungan niya nang hilahon niya ako pabalik. Impit akong napatili at bumagsak ang ulo at palad ko sa kaniyang matigas na dibdib.
My lower body fell in between his parted thighs, my knees hurt at the impact and my heart hammered violently inside my chest. Malalim at halos marahas ang singhap ko, nanlaki ang mata ko sa gulat at hindi ko alam paano magre-react doon. His hand snaked behind me, touching the small of my back gently and he growled.
Galit na mga mata ang dumapo sa'kin at nakaramdam ako ng hiya, lalo na sa posisyon naming wala naman yata siyang pakialam dahil tinitigan niya pa ako.
"Howl!" I argued.
But his hold of my pulse is firm, his hand behind me tightened. Inangat niya ako kasabay ng munting mura niya kaya napaluhod ako sa gitna niya. Tinukod ko ang dalawang kamay sa kaniyang dibdib para lumayo sa kaniya. Gustong-gusto kong kumawala dahil nagwawala rin ang puso ko. Pinakawalan niya rin ako nang natantong masyado kaming malapit.
His jaw moved and his shoulders tensed, he sat straight and glared at me.
"Don't be impulsive. The tunnel is not just a tunnel." His voice echoed deeply. "Bilin ni sir na h'wag lalapitan ang tunnel, eklusibong lugar iyon."
Hindi ko alam 'yon ay hindi niya rin naman sinabi! I was just real curious, now even more curious. Hindi siguro matago ng mata ko 'yon kaya lalong naningkit ang mata niya at madilim na ngayon ang tingin sa'kin.
"Hindi siguro pinaalam sa inyo ni sir Dreven, pero sa mga ninuno niyo ang tunnel. Tanging mga tauhan lang ang nakakapunta ro'n, bawal ka ro'n."
"Why didn't you tell me immediately then? Akala ko lang naman tinatamad ka kaya ayaw mo," maktol ko, iritado.
Umayos ako ng upo, malayo sa kaniya. He sighed and licked his lips, I rolled my eyes.
"You're curious, now you're more curious. See?" He said matter-of-factly. "Ngayon alam mo na, titigil ka na."
"Mamamangka lang naman, e."
He groaned halfway of my sentence. I pursed my lips and looked away, kung hindi lang namin narinig ang hiyaw ng kabayo hindi pa kami madi-distract.
Hindi na ulit namin 'yon napag-usapan at hindi na rin ako nakabalik sa rancho ng ilang araw.
August came and we'd expected we'll finally go home. Kaya nang dumating sina mama sa mansion kasama ang ibang pamilya, at sinabing hindi na kami babalik ng Manila sa pasukan ay talagang nagpaguho sa mundo ng kapatid ko.
Seraphine disagreed so much, especially when mama said we will study in La Granja instead.
"Mama, hindi ako papayag diyan!" Naiiyak na sigaw ng kapatid ko.
The anger, hatred and disappointment in her eyes looks surreal. Kailanman hindi siya sumalungat kay mama ng ganito. We just had dinner and now they're arguing about it in the living room. I can't relate to my sister while watching her so livid and angry, tears brimming her eyes.
"Ayoko rito, ma! Ayoko rito! Gusto ko a Manila mag-aral. My friends are there, my life is there. This province will not make me happy!"
"I don't care if the province will not make you happy, Seraphine!" Mama yelled in a controlled voice.
Pumasok si papa para awatin sila. My sister gritted her teeth, pabalik-balik siya sa harapan ni mama habang naiiyak. Nanatiling kalmado si mama, matapang at nanghahamon siyang tinitignan.
"I will not learn here, ma. I will not learn here! I will reveal more if you will insist this!"
"Seraphine, your voice," nagbabantang anas ni papa.
For a moment, I don't understand why my sister dislikes the idea so much. Why she's eager to go back...she cried and ran to her room, leaving us all speechless.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top