3.


Cielo

I was scrolling through my phone, reading the messages my friends sent to me. They were congratulating me for the exhibit—the same exhibit that I am going to be late for.

Napabuntong-hininga ako at pinatay ang cellphone. I keep expecting a message from him pero sa loob-loob alam kong hindi siya pupunta.

Fucking shit. I hate our situation.

Kung p'wede ko lang talagang ipagsigawan sa mundo ang pagsasama namin ni Tal but I was told that it would ruin his life.

One small wrong move and his career will end before starting.

Napailing na lang ako at binuksan muli ang cellphone ko. Ipinaalam sa akin ni Pamela na nagsisimula nang magsidatingan ang mga tao sa venue.

Mas lalo pang lumakas ang pagbuga ko ng hininga sa mga problemang dumadagdag sa akin. Kailan ba kasi matatapos ito? Kanina pa ako nakaupo sa waiting seat ng elderly care kung saan naka-admit si Mama.

I pinch the bridge of my nose, wincing as my migraine from yesterday worsens today.

"Uhm, sorry pero okay ka lang ba?"

Kunot pa rin ang noo ay humarap ako sa taong kumalabit sa akin. Natigilan ako at tumuon ang mga mata ko sa mapangusap niyang kulay tsokolateng mga mata.

Mababasa roon ang paga-alala hindi ko maintindihan pero may kasiyahang nanalaytay sa dugo ko noong oras na 'yon. Lalo na sa iisiping may isang taong nagtatanong kung kumusta na ang kalagayan ko. Masarap sa pakiramdam, refreshing.

"Yes, I am, thank you for asking." Dry, I know. Pero kahit kagaano pa kaganda ang babaeng nasa harap ko ngayon at gaano pa ako ka-thankful sa paga-alala niya, I was still in the bad mood.

Mas mabuti na nga lang na hindi ko siya pansinin kaysa naman sumabog pa ang galit ko sa kaniya. Binalik ko ang tingin sa cellphone ko na kung saan tumatawag na ngayon ang assistant ko.

Sasagutin ko na sana ang tawag nang makarinig ako ng panibagong pagring. Lumipad ang tingin ko sa babaeng nanglabit sa akin kanina na nagkukumahog sagutin ang tawag bago maka-istorbo ng iba.

"Hello, Mommy? It's okay, nandito na ako and I won't be late." Tumahimik siyang sandali, pinapakinggan yata ang kabilang linya. "Wala 'yon, nagulat lang talaga ako. No, it's not a panic attack. Mommy, I'm okay, may schedule kami ni Dr. Rhyme next week. I'll consult with her."

Pamilyar ang doktor na binanggit niya. Dr. Rhyme, iisa lang naman ang Dr. Rhyme dito sa Panaraqa. At isa ako sa kliyente niya. This woman must've be one of the high class family living in Panaraqa if she was able to be a client for Dr. Rhyme.

I'm not the one to incite small talk with strangers but there's something mysterious about this woman that makes me want to dig more about her. Hinintay ko munang matapos ang tawag niya bago nagsalita.

"You know Dr. Rhyme?" I ask.

Sandali siyang natigilan bago napagtanto na siya ang tinatanong ko. "If si Dr. Marianne Rhyme Garcia ang tinutukoy mo, then yes. She's my therapist. Are you one of her clients too?"

Inayos ko ang upo ko at humarap sa kaniya. "I'm Cielo," pagpapakilala ko matapos ilahad ang kamay sa kaniya.

Kinuha naman niya 'yon at kinamayan din ako na may ngiti sa mukha. "Puri," sagot niya.

Puri. Napakagandang pangalan, Ganito 'yong klase ng pangalan na hindi basta-basta maririnig sa gilid-gilid kaya tatatak sa utak pero hindi dahil sa kakaibang pangalan niya ang dahilan kung bakit tumatatak siya sa utak ko.

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga labi. Fucking plump covered with matte red lipstick. A sign of a powerful woman, a queen that deserves to have a knight like me. A small smile spread across my lips. I liked that thought.

"So, Cielo." Fuuuucking hell, I like the sound of my name on her lips. "If it's not too personal, bakit ka nandito? You don't look like you're about to retire."

I chortled before looking down at myself and said, "Not too shabby myself."

Sinabayan naman 'yon ni Puri nang mahinang tawa na parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa utak ko.

"Naka-admit dito si Mama, she has dementia and the past few years has been hard for both of us hanggang sa hindi na kinaya ng schedule ko dahil sa trabaho. Kaya nag-desisyon na lang ako na i-admit siya rito," paliwanag ko pa.

Tatango-tango naman si Puri. "I understand, mahirap nga 'yon lalo na kung wala kang mapagkakatiwalaang tao na magl-look after sa kaniya kapag wala ka."

"That is true. Although maraming nagalit sa akin na kamag-anak namin na pinabayaan ko lang daw siya dito o hindi kaya tinapon ko lang siya sa retirement house kaysa alagaan but sometimes they just don't get it."

"Gano'n talaga ang mga tao kapag hindi nila alam ang sitwasyon mo." Lumayo ang tingin niya. "Mas magaling pa sila sa mga taong nakakaranas."

Something must have happened to her. Kung ano man 'yon, she's definitely still not over it. At that thought, I realized I have to change the topic.

"How about you? Sino'ng binibisita mo rito?"

Bumalik ang tingin niya sa akin pero ang mga mata niya ay walang ekspresyon. Bumaba ang tingin niya sa suot ko at napansin ang dala kong camera bag. Nanliliit ang mga matang pinanood ko ang paglikot ng kaniyang mga mata.

"Ano pala ang trabaho mo?" Mas lalo akong pinagtakhan.

Is she avoiding my question? Why?

Nagtama ang mga mata namin at may hindi maipaliwanag na emosyong nakakubli roon. Parang nangangausap sa akin na 'wag i-push ang tanong na sinimulan ko. Napalunok ako at tipid na tumango sa kaniya.

Kita ko naman ang paghugot niya nang malalim na hininga bago muling binalik ang nakakahipnotismo nitong ngiti.

"I'm a photographer, freelance photographer to be exact. Karamihan ng tinatanggap ko na trabaho ay event at fashion photography. Pero tumatanggap din ako minsan ng portrait at family photographs kapag wala akong naka-schedule."

"Wow! I mean, being a freelance photographer must be hard. Ikaw ang maghahanap ng client mo at hindi lang iaassign sa 'yo."

Tumango ako. "Pero it works naman na marami akong koneksyon. Have I told you my last name? I'm an Arqueza, siyempre marami akong kakilala na kailangan ng mga photographers sa event at malalaki ang bayad."

Kumunot ang noo niya sa narinig. "As in the old money family Arqueza?" Tanging tango lang ang sagot ko at hinayaan siyang iproseso sa utak ang kaalaman. "Sooobrang yaman ng mga Arqueza, bakit hindi ka gumawa ng photography company or something 'di ba?"

Shit, how did I forget to mention that one thing?

"They disowned us pagkatapos mamatay ni Papa at noong ilagay ko rito si Mama."

"Oh God, Cielo... I'm sorry."

Nawala na siguro sa isip ni Puri na kakakilala lang namin at hinila ako agad sa mahigpit na yakap. Hindi naman sa nagrereklamo ako.

It was quite comforting actually. Now my mind brought me back to that someone where I always find my comfort.

One small wrong move and suddenly my mind rejected all the feelings succumbing to me.

Sa oras na pumasok sa isip ko si Tal pumasok sa akin ang pagkadisgusto. Sa iisipin na nakaramdam ako ng ganito sa ibang tao maliban kay Tal ay parang... niloloko ko siya.

But he's getting married.

Tama. Bakit ko pagbabawalan ang sarili kong makahanap ng ganitong pakiramdam sa iba kung ang taong inaasahan kong sa akin lang dapat ay nasa piling na rin ng iba?

But even with that mindset, my body rejected it. Bago ko pa namalayan, bahagyang naitulak ko na palayo si Puri.

"Yeah, it's okay ayoko rin namang ma-link pa sa kanila," ani ko pa.

Tahimik na nagdadasal na sana ay hindi ako nagmukhang asshole para sa kaniya.

"Sorry din, masyado akong naging feeling close." Dinugtungan niya pa 'yon ng mahinang tawa. And there I found myself enjoying the melody of her laugh again.

Battalion

Hindi ako mapakali. Paikot-ikot ako sa pad ko at balik nang balik ng tingin sa orasan na nakapaskil sa dingding.

It's only eight.

Nangangati ang buong katawan ko na umalis sa pad at tunguhin ang sasakyan ko para pumunta sa exhibit. Napahilamos ako ng mukha. Fuck, why did I even agree with this marriage?

Maya-maya lang ay tumunog ang activation bell ng elevator. I have the whole floor for myself, I don't have to worry for noisy neighbors or people prying in my business. Especially when this is where Cielo and I spent our dates.

"Sir, pinatawag niyo po ako?" Boses ni Gonzalo ang pumuno ng tahimik kong pad.

I looked up to him and motioned him to come closer. "Ihatid mo ako sa studio ni Cielo."

"Sir?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Pero may date po kayo ngayon 'di ba?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Just get the car ready, no questions asked."

Matagal bago napagdesisyunan ni Gonzalo na tumango. Nagpaalam siya at dumiretso na pababa.

We stopped by a flower shop and it took me almost a fucking hour to find the best bouquet that Cielo would like.

He likes the color blue and white combined.

A forget-me-not and chrysanthemum combined with dried gypsophila and white daisy bouquet.

I smiled to myself, imagining his shock at seeing me there. Bahala na si Batman, ma-late na kung ma-late ang importante nakasama ko siya kahit sa sandaling lang na 'to.

Gonzalo pulled up at Cielo's studio's parking lot. Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan at pumasok ng elevator.

Marami akong nakisabay at may mga dala ring bulaklak kagaya ko. May pakialam pa ba ako sa kanila? Fuck no. Basta ang mahalaga makikita ni Cielo ang presensya ko.

May malapad na ngiti sa mukha ay bumungad sa akin ang pinaka-malaking litratong kinuha ng mahal ko.

Cielo wasn't a landscape photographer but the place in this subject meant something to us.

Christ, I almost shed a tear just looking at it.

It was a silhouette picture of us sitting on a field of white daisy flowers in the UK. The sun was shining above us while we were looking at the blue sky. Our hearts filled with joy and contentment. Oh, how I wish I could go back to that time where we had nothing to worry about other than how the other feels for the other.

That moment was special to us. Sa oras na 'yon inamin namin sa isa't-isa na hindi lang basta casual ang namamagitan sa amin ngunit may mas malalim pa kaming nararamdaman.

Was I ready to lose something this special just to serve this country? Was I ready to give up this kind of happiness?

Ang tanga ko. Sobrang tanga.

I braced myself for whatever comes behind the big landscape photo. I imagined Cielo being shocked seeing me, him being happy, or him being mad that I was late. Ready to huff and puff to lecture me.

But none of what I expected happened. I didn't see a shocked Cielo nor a happy and a mad one. I didn't see any of that because he's not here. Cielo Arqueza, for a man so passionate with photography he was late.

Hinanap ng mga mata ko ang assistant niyang si Pamela. Naglakad ako palapit sa kaniya, hindi iniisip na may kausap pa ang babae.

"Hey, nasa office niya ba si Cielo?" I asked her.

"Oh, Sir Tal!" Muntik na siyang mapalundag nang mapansin ang presensya ko. "Uhm, wala pa po si Sir dito."

Nangunot ang noo ko. "He's not here?"

Tumango naman siya. "Wala pa po, eh. May kailangan lang po siyang asikasuhin. Hintayin niyo na lang siguro si sir sa office niya."

"Sure, thank you."

I had Gonzalo station himself outside the main entrance of the studio so that he can report to me if Cielo comes.

Naupo ako sa swivel chair niya at maliit na napangiti nang maliit nang maalala ang oras na ginugugol namin dito.

The way he kisses me, the way his feverish hot body hovers over mine. His longing touch, kisses and cuddles.

Fuck, I miss him.

Hindi ko yata kayang dumiretso sa kasal na 'to. If I see him now, and see the same longing stare he held when he found out my father's decision, I would change my mind.

Iiwan ko ang tungkulin ko bilang anak at pamilya para lang sa kaniya. Fuck, I love him so much.

Tumunog bigla ang cellphone ko. "Sir, nandito na po ang sasakyan niya," ulat pa ni Gonzalo.

"Thank you, 'wag kang magpakita. Ako na ang bahala sa kaniya."

"Uhm, sir?"

Kumunot ang noo ko. "Yes?"

Hindi agad sumagot si Gonzalo na mas lalong nagpangunot ng noo ko. "Gonzalo?" I called. Nang hindi makatanggap ng sagot ay nagtungo ako sa balcony ng opisina ni Cielo at dumungaw mula roon.

Natigilan ako sa nakita. Humigpit ang hawak ko sa bouquet, sobrang higpit na maaari nang bumaon ang stem ng mga bulaklak at magdugo. Pero hindi ko maikukumpara ang sakit na dinaranas ng puso ko sa oras na 'yon.

Ito ba ang dahilan kung bakit siya na-late sa sarili niyang exhibit? Para sumundo ng isang babae bilang date niya?

"Sir, nandiyan pa po ba kayo?"

Nagtagis ang bagang ko, pigil na pigil ang sarili na ibato kay Cielo at sa babaeng kayakap niya ang hawak kong mga bulaklak. Dinikit ko ang cellphone sa aking tainga at nagsalita.

"Ready the car, mal-late na ako sa date ko," utos ko pa.

Muling bumalik ang tingin ko sa kanila at sa misteryosong babaeng kasama niya. Mas lalong sumama ang timpla ko nang makita ang paghalik ng babae sa pisngi niya. Tinanaw ko ang hawak na bouquet at ang trashcan sa gilid ng lamesa niya.

Fuck him. Here I was being miserable, drowning myself with this fucking guilt he implimented and here he was having fun with a random woman?

Fuck him and fuck whoever that woman is. I'm going to get married.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top