27.
Purificacion
"What?!"
Sunod-sunod na tango lang ang binigay ko kay Mutya nang marinig ang malakas niyang pagsinghap at panlalaki ng mga mata nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari kanina lang.
Alam na alam ko ang nararamdaman niya. The fact that I was informed about their past so late and his connection with Gon too while he wanted to push me away so badly just hurt me like a bitch.
"Oh my g ka, girl! So you mean to say na 'yong pinagseselosan mong kinai-in love-an ni Cielo is your soon to be husband na muntikan mo ng maka-sex?!"
I rolled my eyes. "You make me sound like a whore."
"That's because you are, slut!" Pagbibiro pa niya bago naglabas nang mahinang pagtawa. "I never imagined you to be in that complicated situation. Like, what will happen kaya kapag hindi ka nag-walk out doon? Tapos nag-usap lang kayo ng maayos, mago-orgy na ba kayo after?"
"Gaga!"
Pero napaisip din ako sa sinabi ni Mutya. Ano nga ba ang mangyayari kung hindi ako umalis doon? Kung hindi inamin ni Cielo ang mga tinatago niya sa akin? Ngunit bigla namang pumasok sa isipan ko ang tanong na kung hindi niya aamin sa oras na 'yon ay kailan pa?
Hanggang kailan ako ilalagay ni Cielo sa posisyong punong-puno ng konsensya at kirot sa puso sa pagtago niya ng katotohanan sa akin?
I released a sigh and Mutya seemed to notice. She gently bumped her arm to mine and said, "Pero alam mo, naiintindihan ko naman si Cielo, eh. I think stuck din siya sa situation na hindi niya alam ang gagawin. I mean come to think about it, 'yong lalaking mahal niya ikakasal sa ibang tao then it turned out to be the woman he made out with."
"He made out with me at Tal and I's engagement party, Mutya. Maybe he should've started with that before making me come?"
Umiling naman si Mutya na ikinakunot ang noo ko. Is she seriously not getting my point here?
"I think he was hurt, Puri. Alam mo 'yon, akala mo makaka-move on ka na sa taong matagal mo ng minamahal dahil nakaramdam ka ng feelings sa ibang tao tapos nalaman mo na 'yong tao na 'yon eh connected doon sa gusto mo ng kalimutan.
"I think the thought of not having Battalion then finding out he couldn't have you too broke him that night of the engagement party. Siguro sabi niya "fuck it!" wala na siyang pake kung hindi ka man niya makakasama nang matagal at least makasama ka niya ng saglit na 'yon."
Natigilan ako sa sinabi niya. I never actually looked at the situation at that angle. Ang akala ko he purposely left out that information from me so he could fuck with me and let me carry the guilt myself for playing around with Tal's best friend when in fact they also had played around long before I came into the picture.
Or maybe he decided to play around with me as a revenge on Tal for leaving him to marry me? Pero malabo. Hindi ganoong klaseng tao si Cielo. He may be many things but a person who's capable of intending to hurt other people is not him.
"You have to talk to him, Puri. Lalo pa kung matagal pa siyang mags-stay sa inyo, you need to sort this out bago ang kasal at magkagulo-gulo kayo," dagdag na abiso pa ni Mutya.
Like I haven't thought of that? Gusto ko naman talagang makausap ng maayos si Cielo at linawin ang problema namin pero parang hindi ko pa yata kayang makita ang mukha niya ng hindi nakakaramdam ng kirot sa puso.
"Enough of me," I said, changing the subject. "Kumusta ka naman? I heard from Tal galing ka raw sa mansion ni Tito Dante tapos you cursed him out daw?" Pigil ang tawa kong tanong kay Mutya na napabusangot na nang marinig ang pangalan ng father-in-law ko.
"Eh paano kasi, I talked to the bridal shop tapos ang sabi sa akin hindi raw pinayagan ng Tatay ng Battalion mo 'yong design ko na dark purple wedding dress kaya pinuntahan ko doon. Tapos ang gago ba naman, Puri! Sabi niya hindi raw niya papayagan na magmukha kang si Sofia the First sa kasal?!"
Sa sunod-sunod na rant ni Mutya ay nakalimutan ko na ang problemang nakatatak sa utak ko kanina pa at napahalkhak nang malakas sa kwento niya.
"Tama ka nga! Gago si Battalion at alam mo kung saan niya nakuha 'yong pagiging gago niya?"
"Saan?" tanong ko pa even when it was obvious.
Mutya scoffed. "Sa tatay niya! Naku, dapat talaga hindi ka um-oo na siya 'yong magplano ng wedding niyo, eh. Nakakairita talaga! Nasira na lahat ng plano ko, hmp! Bitter kasi halatang may kabit 'yong asawa kaya dapat 'yong ibang tao hindi rin masaya. Bwesit siya!"
"I'm sorry, Mutya," tahan ko pa sa matalik kong kaibigan habang pigil na pigil ang tawa ko. "But you know, we couldn't really push for some things. What Tito Dante is doing is good for the optics. Even the wedding is just for the optics, you know?"
Mutya purses her lips and takes my hand to entangle it with hers. "I know. I just... you know? Want you to have the best wedding you could ever wish for because you're my best friend, Puri, and I want you to have the greatest things ever."
"Aww, Mutya." Ang kaninang mga luha ko na para sa pagtawa ay napalitan ng haplos ng mainit na yakap sa aking puso. I pulled my best friend in for a long, tight hug. "Thank you so much, I couldn't have asked for more. I really don't deserve this."
"I love you so much, Puri." She tapped my back. "And after everything you have endured, I think walang bagay sa mundo na hindi mo deserve. Lahat deserve mo, girl! Kahit tatlong lalaki pa 'yan na sabay-sabay, deserve na deserve mo 'yan!"
Gonzalo
Thwack!
Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang pari mula sa ibinagsak kong folder na puno ng litratong nakuha na starring siya at isang kilalang lawyer na si Jewel Elias.
Hindi ko maintindihan kung bakit pinapagawa sa akin ni Sir Battalion ito basta binigay niya lang sa akin ang folder at inutusan akong puntahan sa rectory ang pari at ihatid sa kaniya ang folder.
"Ano 'to?" kunot ang noo niyang tanong, halata ang kaguluhan mula sa kaniyang mata na nagtatago sa likod ng reading glasses na suot.
Tangina, 'di ko rin alam, eh.
Nagkibit-balikat na lamang ako. "Halata naman kung ano 'yan, hindi ba?" Please 'wag ka na magtanong, please 'wag ka na magtanong...
"Are you threatening me? Saan nanggaling 'tong mga litratong ito?"
Tarantado, nagtanong pa nga!
"Pinapabigay ni Sir Battalion." Binigyan ko siya ng makahulugang tingin kahit na hindi ko alam kung ano rin ang kahulugan no'n pero nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ang realisasyon sa mukha niya pagkatapos marinig ang pangalan ni Sir Battalion.
"This is about me being against the wedding ceremony being held in our church?" Mahinang natawa si Father Quirino, woah, bakit attractive pakinggan? Okay, what the fuck. "That guy plays dirty, no wonder he's in politics." Naiiling-iling pa niyang sabi bago kinuha ang folder at pinasok ang kumalat na pictures muli sa loob no'n.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ako pinadala ni Sir dito. Gusto niyang takutin ko ang pari para ipapayag silang idaraos ang kasal sa loob ng simbahan.
Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang dulo ng lamesa ng pari at tiningnan siya nang madiin sa mata at nag lean forward.
"Ano'ng masasabi mo, Father Quirino?" tanong ko sa mahinang boses na may halong pagbabanta sa tono.
"Walang kinalaman si Jewel dito, hindi ko hahayaang sirain niyo ang buhay niyang pinaghirapan na buoin."
Tumaas ang dulo ng labi ko sa isang ngisi. "Hindi na namin kailangan sirain kung siya naman mismo ang sumisira."
Umigting ang panga ng pari, bumaba naman ang tingin ko sa mga kamao niyang halos bola na sa sobrang panggigigil. Tumatakbo na sa isip ko ang pagputol ng kaniyang pasensya at inaasahan ko ng makatanggap ng suntok sa aking pisngi.
Ngunit hindi 'yon nangyari. Pumikit lang ang pari at nagbitaw ng malalim na hininga at kalmadong binuksan iyon kasabay ng pagbukas nito sa isang kaha ng study table.
Nilabas ni Father Quirino ang isang puting sobre. "This is my letter of support for his candidacy," ani pa niya bago naglabas muli ng isa pang puting sobre. "This will be the pre-marriage counseling certificate. Ito lang ang mabibigay ko at ang pagiging pari sa kasal pero pagkatapos nito ay wala na. Maliwanag?"
"Hmm." Pinanliitan ko siya ng mata. "Tingnan na lang natin. Pero sa ngayon, good choice, Father," papuri ko pa bago binuksan ang pintuan ng rectory at iniwan sa loob ang pari.
Nakahinga ako ng maluwag nang malakabas na ng simbahan. Simula pa noong bata ako, hindi na talaga ako relihiyoso. Mula pa lang sa malayo ay dama ko na ang mabigat na pakiramdam sa loob nito. Pero mas naging malala ng pakiramdam ko sa lumang dingding at salaming kristal bilang bintana ng malaking gusali nang kuhanin ako ng grupo nila Mojong.
Kahit gaano pa iyon katagal ay sariwa pa rin sa akin ang araw-araw na paggising namin ng maaga upang magbenta ng mga sampaguita. Tapos kapag hindi namin nauubos ang binigay na batch sa amin ay gugutumin kami o hindi kaya ay makakatanggap ng suntok mula sa mga kaibigan ni Mojong.
Pasakay na ako sa motorsiklo ko nang biglang tumunog ang telepono ko sa bulsa. Dali-dali ko iyong kinuha at pinanood ang pag-flash ng pangalan ng aking amo.
Sir Battalion is calling...
"Hello, sir?" kalmado kong tanong.
Pero walang kalmado sa kabilang linya. Mabigat ang hininga ni Sir Battalion at tila ba nagmamadali ang kaniyang pananalita habang iba't-iba ang tunog na naririnig ko sa likod niya. "Meet me at the St. Hale's Hospital now!"
"Sir?"
"...She's... come here... sho—"
Hindi ko na pinatapos si Sir Battalion at pinatay ang tawag at sumakay sa aking motorsiklo. Pero bago pa ako makaalis ay napukaw ng atensyon ko ang isang lalaki na nakatanaw sa direksyon ko. Hindi ko siya kilala ngunit binigyan niya ako ng ngising ramdam ko ang kilabot sa buo kong katawan. Tila ba may nais siyang sabihin sa akin na gusto niyang hulaan ko kung ano.
Tangina, ano ba ang nangyayari ngayon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top