23.


Temptine says: Merry Christmas! <3


Cielo

Something's changed. It's either because I haven't heard Tal and Puri arguing all morning or because I kept hearing both of them using each other's nickname.

From the looks of it, hindi pa rin sila magkasundo sa ibang usapan minsan pero hindi na sa puntong umaabot ng sigawan kagaya ng dati. What changed? Sinabi ba ni Tal ang napag-usapan namin at on board ba si Puri doon?

Or maybe something happened when Tal walked out of the rehearsal and Puri followed after him.

I don't know, nobody knows.

Kahit si Gonzalo ay naguguluhan din sa biglaang pagbago ng attitude ng dalawa sa isa't-isa. Pansin naming dalawa na mas nagiging marahan na at maingat si Tal sa mga binibitawang salita kay Puri habang si Puri naman ay iniiwasan ng painitin pa ang ull ni Tal.

And now, both of them are getting ready for their first couple therapy session.

It's weird but Tal seems excited. Naalala ko tuloy noong nasa U.K. pa kami, Tito used to schedule him therapy session every once a week and he absolutely hated every part of it. Parang kailangan na nga niya ng therapy dahil sa therapy.

It's not that I want to stomp on his excitement but I'm scared that this therapy might have the same effect on him.

Purificacion

Hindi ko naman masasabi na close na kami ni Tal pero ngayon ay nagkakaroon na kami ng usapan tungkol sa mga bagay kagaya ng progress ng pagtakbo niya o kung paano ang magiging takbo ng kasal na hindi kami nagsisigawan sa isa't-isa.

This feels nice. Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil wala na akong taong kinagagalitan o kinaiinisan. Minsan kasi nakakapagod na magtanim ng galit sa puso, kaya most of the time I end up forgiving the people who did me wrong.

Yes, even my father.

Siguro, hindi pa fully forgiven but I don't see myself wanting to strangle him and fantasize about shooting his head like I did before.

Hanging out with Tal and actually taking my time to get to know him made me realize na napakaraming bagay pala akong na-misunderstand sa kaniya. Not that he wasn't an asshole, he kind of still is but I don't think that he was the kind of person to be oppressive against women. Pinakinggan ko nang mabuti ang pananalita niya lalo na kapag babae ang pinag-uusapan. I notice him making misogynistic remarks but I don't think he realizes that it sounded bad.

Kung ako ang tatanungin, nanggaling pa sa mga matatanda sa paligid niya ang ganoong kaisipan at hindi bagay na siya mismo ang makakabuo. I'm not saying that Tal is someone who isn't capable of making his own decisions and opinions pero malamang dahil paulit-ulit niyang naririnig ang mga sinasabi na 'yon ay tumatak na sa isip niya.

Hindi nagtagal ay nawala rin sa isipan ko si Tal nang biglang magbukas ang pintuan ng kwarto. I was expecting Tal pero naalala kong hindi pala siya pumapasok ng kwarto kapag nandito ako. Kapag umaga at wala ako, saka na lang siya pumapasok para gawin ang lahat na kailangan niyang gawin o hindi kaya may kailangan siyang kuhanin at lalabas din.

"Sinabi sa akin ni S-Sir Battalion na aalis kayo, ako ang magd-drive. May dadalhin ka bang kailangan ng assistance ko?"

Umiling ako. "Wala namang kailangan, kailangan ko lang hintayin si Tal na matapos mag-plantsa ng damit niya sa labas then we're ready to go."

Tumango si Gon at tumalikod na. Bubuksan niya sana ang pintuan palabas nagbalik tingin sa direksyon ko. "Sabi ko sa 'yo maayos naman si Sir Battalion. Siguro kailangan niya lang ng kaunting oras at pasensya dahil bago pa sa kaniya ang sitwasyon ninyo at hindi pa siya nakakapag-adjust."

"Tama ka nga. I mean may pagka-asshole pa rin naman siya minsan pero alam mo 'yong the more I listen to him, the more ko na nare-realize na hindi naman talaga siya masama? Siguro ang problema sa kaniya ay ang pagiging ignorante niya sa mga bagay-bagay."

"Paanong ignorante?" Kunot ang noong tanong ni Gon sa akin na para bang offended siya sa sinabi ko. He's his boss after all.

I shrugged. "You know he seems... inexperienced about the real world. Parang kapag tinanong mo siya kung alam niya ba ang palengke, wala siyang maibibigay na sagot sa 'yo." Mahina pa akong natawa sa sinabi ko na sinabayan naman ni Gonzalo.

"Siguro nga sa galing ni Sir Battalion, experience na lang sa buhay ng mga taong walang kaya ang kulang sa kaniya. Magaling naman siya mag manage ng mga bagay, pinapanood ko siya noon no'ng siya pa ang nagpapalakad sa isang kompanya nila at kapag may problema lagi siyang may naiisip na solusyon para malutas 'yon."

"Do you think dapat ko ba siyang isama kapag magv-volunteer ako sa projects sa Asociacion ng Kababaihan at hayaan ko siyang pakinggan ang mga kwento ng mga VAWC survivors? Or maybe I could ask Governor Trudy to let him be involved in one of her poverty projects para mas maintindihan niya, ano?"

"Sandali lang, Puri, 'wag mo munang biglain si sir sa ideya mong 'yan. Hindi kasi mahilig 'yon makinig sa iba..." Napakamot ng batok si Gonzalo sa sinabi. "Siguro dahan-dahanin mo lang na ilatag sa kaniya 'yong ideya mo hanggang sa isipin niyang sarili niya 'yong ideya para hindi labag sa loob niyang gawin 'yon."

Natigilan ako. "Are you saying that he doesn't listen to anyone other than himself?"

"H-Hind naman pero—"

"He's a bad leader then? Ang totoong lider ay marunong makinig sa taong pinamumunuan niya, kung hindi niya pala kayang makinig sa suggestion ko papaano na lang kung ang mga mamamayan ng Panaraqa ang magbigay sa kaniya ng suhestyon tapos tanggihan niya dahil hindi galing sa kaniya ang ideya? Complete bullshit. That's the most self-absurd, narcissistic behavior I've ever heard!"

Natahimik sa tabi si Gonzalo at parang wala na siyang masabi pagkatapos ng sunod-sunod kong satsat.

Napatayo ako at huminga nang malalim. "Sorry, noong nakaraan pa kita halos nasisigawan."

Nakaraan. Shit, I totally forgot about that. Nagtama ang mga mata namin ni Gonzalo. Kita ko ang marahang pagtaas-baba ng adam's apple niya habang iniisip niya rin kung ano ang nangyari noong huli ko siyang nasigawan.

Hindi kami nagkaroon ng oras para pag-usapan 'yon, masyado akong busy at lagi siyang wala sa pad.

"About that... p'wede ba nating pag-usapan 'yon after nito? At ayokong marinig mula sa 'yo na wala tayong dapat pag-usapan dahil meron. Mahalaga ito lalo pa kung susubok kaming dalawa ni Tal na mas ayusin ang relasyon namin bilang mag-asawa."

Kita ko ang pagtango niya at ang pasimpleng pag-iwas ng tingin. "Gon, gusto ko marinig ang boses mong sinasabi sa akin na tinatanggap mong dapat tayo mag-usap."

He swallowed once again and opened his mouth. "Oo, tinatanggap ko."

"Thank you. Labas na tayo baka magtakha pa sila ang tagal natin dito," ani ko pa bago siya nilampasan at lumabas na ng kwarto.

Battalion

I watched the trees and cars that passed us as we drove to the doctor's office for our couple's therapy appointment. No one dared to speak while we're in the car. I'm not saying that Puri and I's relationship is good but we're on our way to fixing it. Hindi nga lang 'yong klase na nag-uusap kami tungkol sa mga random na bagay.

We just have a civil relationship. Hindi kami mag-uusap hangga't kailangan namin mag-usap. In that way, maiiwasan namin ang pag-aaway. After that heartful talk we had two days ago, all I can think about is to be careful of her feelings and be considerate with the words that are coming out of my mouth.

Halos masuka ako at napapaikot ang utak ko kapag iniisip ko si Puri na mangiyak-ngiyak sa ilalim ng isang abusadong lalaki. I can't believe I've been an asshole to her and extended that assholeness when I couldn't even tell her what my problem was after she just laid out half of her life to me in that car.

But I couldn't do that to Cielo, can I? Hindi ko p'wedeng basta-basta na lang ipagsabi kung kanino lang ang mayroon sa aming dalawa ni Cielo lalo na kung hindi alam ng ibang tao ang sekswalidad niya. Hindi ko siya p'wedeng i-out.

I just couldn't disrespect him like that.

"Sir Battalion, Puri, nandito na tayo," I heard Gonzalo announce.

My eyebrows creased. "This is not the Doctor's office. We don't have any wedding rehearsals today, why are we at the cathedral?" I asked.

"Ah sinabi po kasi ni Sir Dante na unahin na lang daw po muna ang appointment niyo para sa counselling kasama si Father Quirino bago ang session niyo kay Dr. Polina. Mahigpit daw kasi ngayon ang schedule ni Father dahil sunod-sunod ang mga binyag at kasal."

I just nod even though I can feel my blood boiling at the mention of my father.

"Nasabihan na ba si Dr. Polina tungkol dito?" tanong ni Puri.

Tango lang ang sinagot ni Gonzalo bago kami hinintay na lumabas ng sasakyan at tinungo ang malapad na entrada ng simbahan.

"Do you have any idea what are we going to do for this pre-marital counseling?" I whispered in Puri's ear. She looked taken aback by my question; her eyes slightly widening, her shoulders leaning away from me as if she did not expect my action.

To be fair, our dynamic was never like this where one of us is comfortable enough to whisper to one another so I get her reaction but then it piqued in my mind that this might be a trauma response from what had happened to her before.

But I was proven wrong when she asked, "Kausap mo 'ko?" Tanong pa niya habang nakaturo sa sarili na may suot na pabirong ngiti. Ah, of course. "Himala, ah," asik pa niya bago mahinang natawa.

I playfully rolled my eyes and jokingly walked faster than her making it hard for her to catch up as my father's stylist made her wear five-inch Louboutin heels. I chortled seeing her struggle and pant.

I blinked. Shit, nasa simbahan pala ako.

"Bastos ka, masyado ka namang nagmamadali alam mo namang ang taas-taas ng heels ko, ano!" Mahina niya akong hinampas sa braso habang sinusubukang masahiin ang nananakit na ankle. "Ang bukong-bukong ko, letse ka! Mababali yata."

Natatawa akong nanghingi ng tawad sa kaniya hanggang sa lapitan kami ng isa sa mga tauhan ng simbahan. He brought us in front of Father Quirino's office, we thanked the guy and we were left standing in front of the closed door.

"So, have any idea what we are going to do for this counseling thing?" I inquired yet again.

"Wala, 'di naman kasi ako malapit sa simbahan noong kabataan ko."

"Ah," was the only thing I could say before turning to the door and knocking on it. "Father Quirino, it's Battalion Arvante."

"Oh, shit! Sandali lang!" He half-shouted behind the closed door and the next sounds we could hear was just rambling of things as if someone is nervously fixing a thing they broke that aren't theirs. A minute later it stopped and the door was opened.

We were welcomed by an attractive, tall man wearing a nervous smile with his priest collar loosely buttoned. Fuck, this is Father Quirino? I expected a balding, melting man but goddamn being able to see this view everyday might make me a religious maniac.

"Welcome to my o-office," he welcomed us awkwardly. And that's when my eyes dropped to the other person occupying the room.

A woman, her neck was sweaty, her hair was roughly fixed and her baby blue dress was slightly lifted near her thighs. My eyes squinted, she looked familiar.

"Ah, baka kilala mo, Mr. Arvante. Ms. Jewel Elias, nandito siya ngayon p-para sa counseling din nila ng fiance niya but unfortunately hindi siya makarating kaya kaming dalawa na lang ang nagsimula ng s-session."

I held back a smirk. Interesting...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top