2.

Purificacion

“Taray, kung ako lang asawa mo, kanina pa tayo nasa kama.”

Sabay kaming natawa ni Mutya sa mga biro niya. Kanina pa kami narito sa kwarto ko, tinutulungan ako sa damit na susuotin para sa supposed dinner kasama ang supposed Fiance ko.

“Hindi ko maintindihan, halos linggo-linggo kang nags-shopping pero sa huli wala kang damit na maisuot?”reklamo ni Mutya, sinimangutan ko naman siya. “Ano ba kasing gusto mong first impression sa ‘yo?”

“Hindi ko alam, hindi naman yata ako p’wede magsuot ng slutty outfit kahit pa ora-mismo diretso kami sa hotel.” Kinindatan ko siya na napatawa na lang kami. “But I think wearing a classy bodycon will do.”

Tumango naman siya. “How about itong maroon bodycon dress na ‘to and beige trench coat? Basta ‘wag mo lang itago buong katawan mo rito sa trench, magmumukha kang pervert.”

“Ang sama naman ng tingin mo sa akin, kapag pala tinakpan katawan ko, mukha na akong pervert!”

“Gaga ang tinutukoy ko—”

Natigilan kaming dalawa nang mag-ring ang cellphone ko. I exchanged confused looks with Mutya before allowing myself to reach for the phone at the bedside table.

Nang mabasa ko kung sino ang nasa kabilang linya ay hindi ko sinasadyang mabitawan ang cellphone sa gulat at panginginig ng kamay.

Samantalang si Mutya naman ay alalang-alala na naglakad patungo sa direksyon at kinuha ang cellphone. Binigyan niya ako ng mapag-simpatyang tingin pero wala ang atensyon ko kay Mutya.

Matagal na, matagal na noong makatanggap ako ng tawag mula rito. Akala ko makakalimutan ko na lahat ng pangyayaring ‘yon pero binabalik lang naman pala ulit.

Pinapaulit-ulit sa utak ko na temporary lang ang kasiyahan.
Na kahit saan ako magpunta, babalik at babalik pa rin ako sa kanila.

“Hello, this is the National Elderly care of Panaraqa, si Ms. Tejano po ba itong kausap ko?” Naka-loud speaker na sinagot ni Mutya ang tawag. Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa kaniyang mukha bago sumagot.

“No, she’s not available right now, I’m sorry.”

“Ah, ganoon po ba? Please let her know that we called, we have an update about her father,” paliwanag pa ng tao sa kabilang linya.

Nakatingin naman sa akin si Mutya na akmang sasagot at ibababa ang tawag nang tumayo ako mula sa kama at inagaw sa kaniya ang cellphone ko.

“Hello, this is Ms. Tejano speaking, ano’ng update po ba ang mayroon tungkol sa kaniya? Pasensya ka na, I was in the bathroom when you called kaya ang kaibigan ko na lang ang sumagot.”

Sunod-sunod kong pinunasan ang namumuong luha sa gilid ng aking mga mata habang pinipigilan kong pumalahaw ng iyak sa mga oras na ‘yon at sa pagkakarinig tungkol sa aking ama.

“Nag-relapse po ang tatay niyo.”

Dumagundong ang buong paligid at halos masawak na muli ang buo kong mundo sa narinig.

Napapantig ang tainga ko na hindi ko na marinig ang mga sumunod na sinasabi ng tao sa kabilang linya.

Mariin akong napapikit. Bumabalik ang sakit na dinanas ko mula sa nakaraan. Pinipinta ng utak ko ang kulay abong tahanan dahil sa mga hollow blocks na sira-sira at hindi pa tapos ayusin.

Isang batang punong-puno ng luha at pawis na walang nagawa kun’di mapaupo na lang sa sahig at isang amang hawak-hawak ang alak na mas mahal pa kaysa sa sariling anak.

Akala ko wala na, akala ko tapos na ang pahina na ‘yon sa buhay ko. Pero bakit ako binabalik? Ano bang nagawa kong mali at inuulit-ulit nitong balikan ako?

“Stop! Please stop!” sigaw ko nang maramdaman ang mahahapdi na pagdaan ng matalim na bagay sa aking maputing balat. “‘Wag, please, tama na!”

Pero hindi tumitigil ang sakit, dumanak ang dugo at nagpatuloy ang kasamaan.

“Puri!”

“Puri!”

Dalawang boses na nagsasalo ang naririnig ko. Hindi ko alam kung sino ba dapat ang pakikinggan. Napasapo ako sa aking ulo at umiling-iling.

Naglakad papalayo sa taong kasama sa kwarto at dinikit ang aking sarili sa pinakamalapit na masasandalan.

Tagaktak ang luha sa aking pisngi, kirot nang kirot ang puso ko.

Nanginginig sa takot ang buo kong katawan at hindi ko mapigilan ang pagtago ng aking sarili sa pilit na binabaong sakit.
Natigil lang ako sa pag-atras nang higitin ni Mutya ang aking kamay at hubugin ako sa isang mahigpit na yakap.

Ramdam ko ang paunti-unting pagkalma ng aking puso at utak. Ramdam ko na paunti-unti ko nang naiintindihan na wala na ako roon, narito na ako sa magandang buhay.

“It's okay, I'm here.”

Dahan-dahan na ang pagtaas-baba ng aking dibdib, kumalma na rin ang tibok ng aking puso.

Dumilat ako wala na ako sa bahay na nakagisnan. Wala na rin ang aking ama na hawak-hawak ang isang bote ng alak.

Wala na… wala na…
“Masaya na ako,” awit ko.

“Masaya na ako.”

Battalion

Mula paggising ko hanggang ngayon, hindi ko binitawan ang cellphone ko. Alam kong mukha akong tanga o adik sa cellphone, pero hindi ko binaba ang cellphone dahil nage-expect ako.

Nage-expect na makatanggap ng tawag mula kay Cielo na sasabihin sa akin na hindi ko kailangang pumunta sa date na ‘yon, hindi ko kailangang sirain ang relasyon namin para lang magkaroon ng magandang imahe sa tao.

Pero masakit umasa, lalo na kung alam mong wala kang aasahan pero nagpaka-martyr ka pa rin.

Fuck knows how much I want to leave my place right now and drive to his exhibit and give him the kiss he deserves. To tell him I love him back that he has nothing to worry about this marriage.

But I would be lying if I did.

He has everything to worry about in this marriage. Mahal ko si Cielo pero mahal ko rin ang mga tao sa bayan ng Panaraqa.

Hindi ko magagawang pag-serbisyuhan ang lahat ng tao sa bayang ito kung wala ako sa posisyon.

Lalo na kung ibibigay ko ang posisyon sa isang buwaya kagaya ni Marchion. A corrupt government official re-running for his position as the Mayor.

A dog for the known syndicate but people refuse to acknowledge it.

Hahayaan ko ba siyang mangurakot pa? Fuck no. I’ll run against him and I will win. Siguradong-sigurado ako roon.

But in order to do that, kailangan kong tanggalin sa balikat ko ang mga bagay na nagpapabigat sa akin.

Pero hindi pabigat si Cielo. Kung sa tutuusin, siya ang nagpapagaan ng mga bagay para sa akin. Wala siya sa balikat ko kun’di nasa puso.

Siya at siya lang ang ipagkakasya ko sa punong-puno ko ng puso.

Cielo

I found myself laughing at my own idiocracy.

Of course lagi niyang uunahin ang pagmamahal sa bayan.

Kailan ba hindi? Sa pagkakaalam ko, walang araw na pinalampas si Tal para sa mga tao ng Panaraqa.

I’m not complaining, it was one of the reasons I fell in love with him. His burning passion to serve the people of this town.

Pero kung minsan, kung itrato niya ako sa pagbibigay ng oras niya parang hindi ako isa sa mga taong dapat niyang pagsilbihan sa bayang ito.

Tangina. I’m a patient man but when it comes to him, patience is nothing but a meaningless word.

Halos isang oras na akong nakatanaw sa digital clock na nakapaskil sa opisina ko.

Binibilang ang oras na lumilipas na hindi nakikita ang pagdating niya.

“Sir,” tawag ng assistant ko pagkatapos kumatok sa pintuan.

“It's open, come inside.”

Pamela hesitated, sensing that I wasn't in the mood. It's one thing I like about my assistant.

I'm moody as fuck, I'm not demying that. And out of all my assistant being a self-employed photographer, siya lang ang tumagal.

No one can handle my moods better than her and Tal. And now, the two of them are being stolen from me.

Tal is getting married, Pamela turned in her resignation earlier.

“The elderly care called, sir, may nangyari daw po kay Ma'am Judith doon at kailangan po kayo.”

“Ano?” Mas lalong lumalim ang ngunot ng noo ko sa narinig. Napahilamos ako ng mukha at nagmamadaling tumayo sa kinauupuan.

Fuck, my first exhibit after three years and I'll be late, this is just great. So fucking great.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top