16.
Purificacion
Puno ng inis kong pinatay ang cellphone ko matapos ang tawag ko kasama si Gonzalo. Wala akong mapagpipilian, sasakay at sasakay pa rin talaga ako sa iisang sasakyan kasama si Battalion.
Nakasimangot akong naupo sa couch ng bachelor pad ni Battalion habang hinihintay ko siyang mag-ayos. I just want to roll my eyes at men who keep saying that it takes women too long to prepare pero itong si Battalion eh halos isang linggo na nasa loob ng banyo, hindi pa rin tapos!
Nakapang-krus ang braso ko sa harap ng dibdib ko habang nakasalampak ang likod ko sa couch habang nakatuon ang mga mata sa T.V. sa pinapalabas na Kdrama, hindi ko tuloy maiwasan na maalala sila Daddy.
May simangot sa mukha akong nanood ng mga sunod-sunod na sampalan na pinapakawalan ng mga karakter sa palabas. Hindi rin nagtagal naramdaman kong lumalim ang espasyo ng couch sa gilid ko. Hindi na ako nagtaka na si Cielo 'yon. Kalalabas niya lang ng kwarto niya at dala ang isang kaha ng sigarilyo. Huh, I didn't peg him for someone who smokes.
Binigyan niya ako nang maliit na ngiti na sinagot ko naman ng pilit na ngiti. Masama pa rin ang loob ko sa kaniya noon sa hotel dahil sa pakikipag-tawanan niya kay Battalion kahit halata nang naiinis ako. Dapat pala mas inakit ko na lang 'tong walang hiyang 'to para sa akin kumampi kapag nag-aaway kami ni Battalion!
"Hey, Puri, gusto ko lang mag-sorry sa 'yo sa nangyari noong nakaraan. Especially for pushing you too hard," paghingi pa niya ng patawad.
Hindi ako sumagot at tumango na lang na parang balewala ang mga sinasabi niya. But in reality, I actually appreciate him asking for forgiveness. Although si Battalion naman talaga ang dahilan kung bakit ako napuno, marunong pa rin mag-take ng accountability si Cielo.
Binalik ko muli ang tingin sa T.V. at hindi na siya pinansin sa mga sumunod na minuto.
"Narinig ko, itutuloy niyo raw ang kasal? That's good, ang kailangan niyo lang sigurong ayusin ay 'yong sa article. Hindi naman mahirap 'yon dahil ang alam ko—"
"Why are you talking to me like we're friends?"
Natigilan si Cielo sa sinabi ko pero hindi ko na dinugtungan pa ang sinabi ko at pinagpatuloy ang panonood. Hindi naman tumagal ang katahimikan na bumalot sa amin nang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Battalion at iluwal siya no'n na dala ang naka-hanger na damit at plantsa.
Kunot ang noo kong pinanood siyang buklatin ang iron board o plantsang kabayo sabi ni Mutya dati. Nilagay niya roon ang mga malalambot na kumot at bedsheets saka pinatong sa taas ang damit na dala.
"Ano'ng ginagawa mo?" puno ng inis kong tanong sa kaniya.
Paano naman kasi, kung kailan paalis na kami saka na lang siya magp-plantsa ng damit niya? Ginagago ba ako ng lalaking ito?
Inikutan niya ako ng mata na ikinasinghap ko. Ang kapal talaga ng mukha! "Ironing my clothes, bulag ka ba?"
"Alam ko! May mata ako, 'no!" Tinuro ko gamit ang dalawang daliri ang mga mata. "Tinatanong ko kung sino'ng tanga ang magpa-plantsa ng damit bago umalis!"
"I don't like wrinkles on my clothes! It's messy at hindi magandang tingnan, alam mo na dapat 'yan lalo pa na magiging asawa na kita."
Pinanliitan ko siya ng mata. "Are you implying that if I were to marry you, magp-plantsa ako ng damit mo araw-araw?!"
"Yes, as a wife should always do!" sabat pa niya.
Talagang may lakas pa 'tong sumagot sa akin? High blood na ako mula kahapon dahil sa usapan namin ni Daddy at ngayon gumagatong na naman 'tong lalaking 'to!
Kung wala lang talaga akong gustong patunayan kayla Mom at Dad, kanina ko pa sana sinapak 'tong si Battalion at lumabas ng pad. Pero dahil gusto kong magpakabait ngayon, nilimitahannko na lang ang galit ko.
Binato ko sa kaniya ang remote at sumigaw nang malakas.
"You are so misogynistic! Napakababa ng tingin mo nga sa babae! E 'di sana nanay na lang hinanap mo at hindi asawa kung ganyan lang din pala ang hinahanap mo, bwesit!"
"Oh, ano mali na naman ako? I'm always wrong in your eyes," he chortled without humor. "Tell me, ano na namang mali sa sinabi ko?"
"Mali na ipinanganak ka ng nanay mo, tse!"
Doon naman nakialam si Cielo na hinawakan ang braso ko pero hindi ako nagpatinag. Namumuro na sa akin 'tong lalaking ito, eh! He's the most entitled little shit I've ever met, sa lahat siguro ng sinabi ni Governor Trudy wala siyang naintindihan!
He isn't even aware that he was privileged, God! Sobra niya talagang ignorante and to think he's running for the position of Mayor? I doubt may alam ang gagong 'yon tungkol sa politiko o mga tao lang under sa kaniya ang pagaggawin niya ng mga bagay!
"You can't even explain why I'm wrong and you're already resorting to—"
Cielo cut him off. Buti nga sa kaniya. "Stop fighting with each other, kailangan niyo ng bilisan mahuhuli na kayo sa meeting! Tal, for the love of God, stop that."
"Are you siding with her right now?" Hindi makapaniwalang tanong ni Battalion na mahina kong ikinatawa at umiling naman si Cielo.
"Paulit-ulit na nating pinag-usapan 'yan, wala ka pa rin bang nakuha mula roon?"
Battalion shrugged, being ignorant as he is. "There's nothing really wrong about what I said."
"What do you mean wala?!" I intervened. "Wala ka talagang nakikitang mali roon?"
"Puri, calm down," Cielo stated.
"You're asking me to calm down?! Eh bakit hindi 'yang gagong 'yan ang ipakalma mo! Hindi ko naman kasalanan na kinulang sa aruga ng nanay 'yan, kaya naghahanap ng asawa para makaramdam na magkaroon ng nanay!"
Kumunot bigla ang noo ni Battalion at halatang naiinis na. "Need I remind you that you're also going to benefit from this marriage? I mean, what was it...?" he then smirked, "Perhaps Daddy's money isn't enough to spoil you?"
With the mention of my father who I just had a bad blood with, my fist balled. Handa na sana akong sapakin siya at ilapit ang distansya namin nang hindi siya ang natamaan ng kamao ko.
"Cielo!"
"Cielo?"
Sabay kaming lumapit ni Battalion kay Cielo at hindi na inalala ang naging away namin kanina at mas nanguna ang pagaalala namin sa kaniya. Nakahawak si Cielo sa mata niya habang umuungol sa sakit na tinamasa.
Binigyan ako nang masamang tingin ni Battalion na siyang inirapan ko naman. Hindi ko naman kasalanan na lumapit bigla si Cielo dahil siya naman target ko! Sa aming dalawa siya dapat ang sisihin! Puno ng inis naming inalalayan si Cielo na ibalik sa pagkakaupo sa couch.
Tumayo ako at dumiretso sa kusina para sana kumuha ng yelo nang makitang walang kalaman-laman ang refrigerator ni Battalion. Ano pa nga bang inaasahan ko sa isang taong kailangan ng babae na pagsilbihan siya para makagalaw sa pang-araw-araw na buhay?
I know you're not talking. Hindi ba't umaasa ka lang din naman sa Mommy at Daddy mo?
Napalunok ako. I should stop comparing myself to him. Battalion and I are two different people with different perspectives in life. Right, we're too different to be compared to one another. Humugot na lang ako nang malalim na hininga at kinuha ang frozen na hotdogs sa ref at nagmamadaling bumalik kay Cielo.
May hawak ng tela si Battalion na nakadampi sa ilong ni Cielo na naglabas ng kaunting dugo dahil sa lakas ng pagsapak ko.
"I'm sorry, Cielo, hindi ko sinasadya. Saan pa ba masakit?"
Sunod-sunod na umiling si Cielo. "I'm okay, kailangan niyo nang umalis at baka magalit pa si Tito Dante."
"Fucker, we won't leave you here alone!" ani naman ni Battalion na papansin.
"I'm not going to be alone, Gonzalo will be home any minute now."
Oras ko naman para umiling. "I think we need to go to the hospital, baka mamaya may natamaan akong parte sa utak mo or something!"
Cielo sighed. "Stop panicking, I'm okay. Mas lalo lang lalala ang sitwasyon ko kung hindi kayo aalis ngayon. I can manage, alright?" Halata na ang inis sa boses niya, napakagat naman ako ng pang-ibabang labi habang nararamdaman ko ng konsensya na kumakalat sa buo kong katawan.
"Sorry talaga, Cielo. I didn't mean it."
"I know," he looked at me. "It's okay, I deserved it."
Hindi niya inalis ang tingin sa akin, tahimik na sinasabi sa akin ang nais niyang iparating. Tumango ako at tumikhim. Binigay ko kay Battalion ang frozen hotdog bago tinungo ang bag ko. Kasabay no'n ay ang pagbukas ng pintuan.
Gusot-gusot ang damit na suot ni Gonzalo, punong-puno rin siya ng pawis, at magulo ang buhok. I winced when I smelled the remnants of his cigarette. Saan na naman kaya nanggaling ang isang 'to?
"Nandito na si Gonzalo, I'm okay. Leave now or you'll make Tito Dante more mad."
"Ano'ng nangyari?" tanong naman ni Gon.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Battalion. Masasama nag tingin sa isa't-isa.
"Puri happened."
"Kasalanan ni Battalion."
Napaawang ang bibig ng fiance ko. "You're the one who punched him!"
"Eh, para sana sa 'yo 'yon, ano!"
"So that makes it better?!" Hindi niya makapaniwalang sabi.
I shrugged. "Oo."
He scoffed. "I can't believe I'm going to marry you."
"And I can't believe that I'm going to sleep next to you," I exclaimed and rolled my eyes.
Natahimik naman ang dalawa naming mga kasama. Gumalaw naman si Gon sa kinatatayuan at nilapitan si Cielo. Kinuha niya ang frozen hotdog mula kay Battalion at siya na ang nag-dampi no'n sa ilong ni Cielo.
Humugot nang malalim na hininga si Gon. "Ako na po ang bahala rito kay Cielo, Sir Battalion." Mabilis lang ang pagkakasabi ni Gon no'n, parang hindi siya. Parang tahimik niyang hinihiling na gusto niyang mapag-isa? Saan naman kaya siya galing at bakit ganito ang mood niya ngayon?
Hindi pa ako tapos kakaisip nang hilahin na ni Battalion ang braso ko. Tiningnan ko ang gusot-gusot niyang damit na hindi na niya na-plantsa pero hindi ko na pinuna dahil baka matandaan naman niya at tumagal pa kami.
"We have to go," masungit niyang singhal bago ako inunahan palabas. Asshole talaga kahit kailan!
Battalion
"Pumunta kayo rito para sabihin sa akin na gusto niyong ituloy ang kasal?"
I silently nodded while Purificacion answered, "Yes po."
Sunod-sunod na tumango si Dad while I listen to him attentively. Binaba niya ang
iniinom na whiskey sa lamesa at tumayo. Sinensyasan niya ang guwardyang nakatayo malapit sa pintuan and enter the bitchiest bitch of all the fucking time. Fiona walked inside the study room grinning from ear to ear. Another unfamiliar woman sauntered to our place wearing a tight smile.
"This is Ms. Legaspi, she's a freelance public relation officer and she will help you for your campaign and to maintain your image before the election," Dad announced. "I don't want to hear any of you being against hiring her dahil hindi kayo titinong dalawa hangga't walang nakabantay sa inyo."
"May I ask kung susundan niya ba kami kung saan-saan?" Naive Purificacion asked. Dad chuckled, Fiona's smile widened. Bitch.
Umiling si Dad. "No, but you need security, that's for sure. Hindi enough na si Gonzalo lang ang magbabantay sa inyo kapag umaalis kayo. I'll contact the security company, hindi niyo na kailangang mag-alala para doon. All you have to worry about is your wedding and your image."
Sabay kaming tumango ni Purificacion. "P'wede po ba kaming makialam sa plans ng wedding? Most preferably makausap ko lang ang wedding coordinator about this." Pinanliitan ko ng mata si Purificacion, ano'ng kaguluhan na naman ang dadalhin ng babaengi ito?
"I think you can talk to my wife, Fiona, about that. She recommended the wedding coordinator. He's a friend of hers in high school." Friend. Fiona's not fooling anyone, she was probably shagging him.
Ngumiti sa amin si Fiona at nilapitan si Purificacion. Oh no, now she's going to poison my wife too? "Do you have any request for the wedding? Just tell me, kakausapin ko siya para sa 'yo. I'll also give you his contact number later."
"Ayoko sanang parents ko ang maglakad sa akin sa altar," Purificacion declared.
What the fuck? Is she trying to ruin our wedding?
"Absolutely not!" I exclaimed. "We're trying to maintain a good image here and not letting your parents walk you down the aisle is the exact opposite of what we're trying to do."
"I have to agree with my son, Ms. Tejano, this should be a traditional wedding with church as our venue, with your parents walking you down the aisle, and a reception that'll include speeches. And I am emphasizing sa church part dahil tataas ang approval rating niyong mag-asawa sa mga konserbatibong botante sa Panaraqa. Am I right, Ms. Legaspi?"
"That's right, Sir."
Natigilan sa tabi ko si Purificacion. "Wait pati ba ako may approval rating?" tanong niya.
"Yes, Ms. Puri, kahit naman po hindi kayo tatakbo kailangan pa rin namin malaman kung ano ang tingin sa inyo ng tao at kanino ka mas natitimbang para maayos natin ang kailangang ma-improve. And right now..." she looked down on her ipad, "ang pinakamababa mo pong approval rating ay sa mga devoted christians na nagc-consist sila ng sixty-one percent sa buong populasyon ng Panaraqa. You got ten percent from them dahil sa naging isyu mo."
Napakagat ng pang-ibabang labi si Purificacion and it did something to my system. What the fuck? I'm in front of my father and bitch of a stepmother and all I'm feeling is hot and bothered just because how sexily Purificacion bit her lower lip? That's not normal.
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. I straightened on my chair and listened more to their conversation while avoiding the fact that my hormones are stirring inside me.
"At pinakamataas naman po kayo ngayon sa mga babae na nagr-range sa age na fifteen to thirty-one dahil sa paniniwala nilang wala namang masama sa pagmumura ng isang babae," dugtong pa ni Ms. Legaspi.
"Look, Ms. Tejano, we need to please the church dahil sila ang may pinakamalaking sakop dito sa buong Panaraqa. And we cannot do that if we're not going to do a traditional church wedding," Dad added.
I looked back to Purificacion. She looked conflicted, something must've happened between her and her parents. "Okay, I understand. Uhm, but can I request something?"
"About the wedding?"
"No, my relationship with Battalion."
Kumunot ang noo ko sa narinig, what does she need this time?
"As you can see, nakatulong talaga sa akin ang therapy. It helped get over my trauma and I got rid of my nightmares. Battalion and I are not a big fan of each other pero kung gusto niyong maipanatili ang maayos na image namin, I think it's best to work on with our relationship first."
My frown deepened. "What are you trying to say?"
"I want us to go to couples therapy."
"What?"
"I think it will help us grow. Hindi lang sa relationship natin but it'll also help ourselves heal and grow. Look, therapy is not as bad as you think if you just find the right therapist to help you, okay? Please consider this."
I looked at my father, he slowly nodded: looking amused. "That's a great idea, Ms. Tejano. What do you think?"
Binasa ko ang labi ko. I tried therapy before but it didn't work. My father forced me to get therapy when I was in college to maintain my mental health but all it did was worsen my condition. After I graduated college and returned to the Philippines, I straight up said no to therapy. And now... I'm not sure.
I'm scared that like my old therapist, they'll push something about my relationship with Cielo and my sexuality. I don't want to say yes but everyone's looking at me and expecting me not to say no. How can I disappoint them?
So I answered, "Yes."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top