14.

Temptine says: Hi, everyone! Sa mga mahilig ng little spoilers, you can follow me on my Twitter and Facebook account. 

Twitter: @/TemptineHeathe

Facebook: Bianca Anestine

Purificacion

Pagkatapos ng session ko with Dr. Garcia, natagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad papasok ng bahay paakyat sa kwarto nina Mom at Dad. Sarado ang pintuan pero nakakarinig ako ng ingay mula sa loob.

Kumatok muna ako bago pinihit pabukas ang pintuan. Natagpuan ko ro'n si Daddy Paul na nanonood ng Kdrama. Fifty-six years old na si Daddy pero minsan kung makaasta ay mas malala pa sa mga dalaga. Kinikilig sa Kdramas, nahihiligang maglaro ng mga fps games, o hindi kaya nanghihikayat sa akin maglaro ng The Sims. Hindi naman namin siya pinipigilan ni Mommy Merce, lagi kasing puyat si Daddy sa trabaho.

Kaya naman kapag may free time, binibigay namin sa kaniya 'yon o hindi kaya ginagamit namin para may bonding time ang pamilya. Maliit akong napangiti na dumiretso sa kama at naupo sa gilid niya.

"Bagong Kdrama na naman ba 'yan?" tanong ko sa kaniya.

Mahinang natawa si Daddy at pinatpat ang kabilang side ng kama upang doon ako maupo. "Tapos ko na panoorin 'yon, bago na 'to. Sixteen episodes lang palagi 'tong mga ito, nakakainis. Kung ano pa 'yong mga magaganda, 'yon pa ang kaunti lang ang mga episodes!" reklamo pa niya.

"Nasaan pala si Mommy? Akala ko sabay kayong manonood?"

"Umalis, alam mo naman ang mommy mo, may sariling mundo. Nag-shopping yata siya."

Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata. "Hindi ako sinama?!"

Tumawa na lang si Daddy Paul na mas ikinasimangot ko pa lalo. "May session ka pa kasi kasama si Dr. Rhyme, eh. 'Wag ka mag-alala, for sure may pasalubong 'yon para sa 'yo. Mas paborito ka na niya kaysa sa akin."

Nailing na lang ako sa kadramahan ni Dad at tahimik na nakinood ng T.V. pero hindi rin nagtagal ay binuka kong muli ang bibig ko.

"Dad," tawag ko pa.

"Hmm?"

"Kanina sa session ko with Dr. Garcia. Napagusapan namin kayo ni Mommy."

Natigilan bigla si Daddy sa panonood at nilipat ang atensyon sa akin. "Akala ko hindi ka pwedeng magsalita tungkol sa sessions niyo kapag wala kayo sa office niya?"

Kibit-balikat lang ang binigay ko sa kaniya. "But I really want to talk to you about this one, eh."

"Okay, hit me. Ano ba ang dapat kong marinig?"

"Tinanong kasi ako ni Dr. Garcia kung ano raw ba ang naramdaman ko noong nalaman kong tinanggap niyo 'yong proposal for marriage sa akin at Battalion. Sabi ko naman sa kaniya wala lang. Hindi ko naman iniisip na gusto niyo akong pabayaan, basta ang alam ko may reason kayo behind doon."

Binigyan ako ng munting ngiti ni Dad sa narinig.

"Pero curious lang ako. Bakit kayo pumayag ni Mommy sa proposal ng mga Arvante?"

Tumingin sa malayo si Daddy Paul, tila malalim ang iniisip niya kaya napatingin din ako sa tinitingnan niya. What the hell? Kailangan ba talagang may pa-dramatic effect, ito na ba ang dahilan kung bakit kailangan dahan-dahanin namin siya sa panonood ng mga drama?

Bumuntong-hininga pa siya nang malalim na mas lalo kong ipinagtakha. "Your mom and I... we're not getting any younger. Kapag nawala na kami or we're unable to take care of you, nababahala kami ng mommy mo kung sino'ng mag-aalaga sa 'yo rito?"

Kumunot ang noo ko. "I'm twenty-six years old, dad, bakit naman kailangang may mag-alaga sa akin?"

"Puri, wala kang trabaho at hindi ka rin nakapagtapos ng kolehiyo. Wala ka namang kikitain sa pag volunteer mo sa shelter. Sure, magkakaroon ka ng pera sa iiwanan naming shares sa 'yo sa mga kompanya, pero ano'ng gagawin mo kapag naubos na? We wanted to be assured that you'll be taken care of once we pass."

Hindi ako agad nakapagsalita. Kumirot ang puso ko sa narinig na aminado sila ni Mommy na wala silang tiwala sa akin na kaya kong tumayo mag-isa. Gano'n na ba ako ka unreliable sa mga mata nila at kailangan nilang umasa ng assurance sa iba dahil hindi na nila naiisip kaya kong mag mature para alagaan ang sarili ko?

Pained, I slowly lifted myself off the bed. Kabado naman si Dad na inalalayan ako sa pagbaba pero umiling lang ako sa kaniya. Is that what they think of me? Kaya sa bawat hakbang na ginagawa ko sa buhay, lagi nilang sinasabi nandyan lang sila na hindi ako iiwan. O hindi kaya kapag may ginagawa akong kasalanan, hindi nila ako pinagsasabihan at nililinis lang ang ginawa ko.

"Y-You think I'm fragile?" pigil ang galit sa tono ko.

I'm hurt. To think that my own parents whom I trust don't trust me the same way I do.

Umiling muli si Dad pero sarado na ang utak ko. "Tingin niyo hindi ako makaka-get over sa trauma ko sa kaniya. Iniisip niyo wala na akong chance mag-improve dahil sa pinapakita ko ngayon? Sa tingin niyo sino sa ating dalawa ang naghubog sa akin na ganito?"

"You were abused, Puri. Traumatized by what that bastard did to you, when you came into our lives, we knew we had to be careful with you."

"Me being abused doesn't stop me from making mistakes! If I did something wrong, I need to be disciplined for it. Gusto ko pagalitan niyo ako at hindi bine-baby dahil lang nakaranas ako ng abuso!"

Tears pooled in the corner of my eyes, my words slurred as my sobs erupted from my throat. Masakit sa puso na ganito kababa ang tingin nila sa akin. That I'm not capable of standing for myself! Kung nakita lang nila kung paano koa sagot-sagutin si Battalion, baka mapanganga na sila sa katapangan ko.

Humihikbing pinunasan ko ang mga luha kumakawala mula sa mata ko. I really need to work through bottling my emotion, ang hirap makipag-argumento kapag iyakin ka.

"Puri..."

"And now, if ang dahilan niyo kung bakit gusto niyong umurong na lang sa kasal dahil tingin niyo hindi ako fit sa buhay mag-asawa, then you're wrong." Sunod-sunod na umiling si Dad sa akin pero hindi ako nagpatalo. "I will call Tito Dante, sasabihin ko sa kaniya na tuloy ang kasal and I will prove you wrong. Titira ako sa pad ni Battalion, si Mutya ang maglalakad sa akin down the aisle, at hindi ako makikipag-usap sa inyo unless you admit that I'm capable of living on my own!"

Tatalikuran ko na sana si Dad nang tawagin niya ako. "Please, Puri anak, I-I admit that your mother and I were wrong about you... just don't leave, anak. We can talk about this."

Oras ko naman para umiling, "that's not my point, dad. Sa haba ng sinabi ko, hindi mo man lang binuhos ang oras para intindihin 'yon. See you at the wedding."

Battalion

My name is trending on social media in our local area. Magugulat pa ba ako? Purificacion had tainted my name just so she could have a reason to stop this fucking wedding. At ngayon ako ang nasisiraan ng ulo dahil walang ibang ginawa si Dad kundi linisin ang pangalan ko at bungangaan ako.

I locked myself inside my room, unable to face anyone I know. Not even Cielo. I felt like a failure, I failed dad, I failed Cielo, I failed myself. Hell, I maybe even failed Puri too!

At ngayon, mukhang hindi na rin ako magkakaroon ng tsansa na maupo sa mayor's office dahil dito. Hindi ko na rin matutulungan na mas mapalago pa ang bayan ng Panaraqa. Mapupunta sa wala ang sakripisyong ginawa ko para lang matuloy ang kasal ko.

Ang trabaho ko, kalayaan, at... ai Cielo.

Would he take me back? Gayong hindi na nga matutuloy ang kasal, tatanggapin na kaya niya ang offer ko na tumakas na lang? Napailing ako at mahinang natawa. Imposible.

He said no before, and he's going to say no again.

Cielo may not be the same control freak as I am but he knows how to keep his words. Hindi siya tumatalikod sa mga salitang binibitawan niya, sa mga pangakong binibitawan niya.

Nagsisisi tuloy ako na hindi ko siya pinilit na ipangako sa aking hindi niya ako iiwan. I smiled bitterly. He promised me that he would love me forever pero hindi ko naman inaasahan na mamahalin niya ako sa malayo.

Nakasalampak ako sa sahig katabi ng higaan ko. Tinanaw sa gilid ang bote ng red wine, I nonchalantly opened the bottle and downed it.

Hindi ko la nailalayo mula sa bibig ang wine nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Kunot ang noong pinanood ko ang taong pangahas na pumasok sa silid na sigurado akong ni-lock ko.

Sumilip mula sa awang ng pinto si Cielo. May bahid ng pagtatakha ang tingin niya sa akin bago tuluyan nang pumasok sa loob ng kwarto.

"Hey, white woman, kanina ka pa hindi lumalabas ng kwarto mo," bati pa niya.

"White woman?"

Cielo let out a chortle. "You're the one who likes to drink red wine," he explained.

Hindi naman ako nakisabay sa tawa niya at pinagpatuloy na lang ang pagtungga ng isang buong bote ng red wine. Nakaisang lugok pa lang ako ng wine nang biglang kuhanin mula sa akin ang bote.

Bumuntong-hininga si Cielo. "What are you trying to do, Tal? You're going to poison your liver until you die dahil hindi na matutuloy ang kasal?"

Wala akong nagawa kundi iburo ang mukha ko sa palad. "I fucked up, Tal. I'm sorry."

Cielo's forehead knotted. "What are you sorry for?"

"I left you for this shit and now... para din pala sa wala."

Hindi naman ako agad nakagalaw nang maramdaman ko ang pagpalo sa akin ni Cielo sa batok. "Sa ating dalawa, ako ang nang-iwan! Mangunguha ka pa ng credits."

Nailing ako sa biro niya at natawa siya sa sarili niyang biro. Pero natigilan ako nang makita ang makatotoong pagtawa ni Cielo, hindi ko na rin maiwasang mapangiti. It's been a while since we were intimate like this. Listening to each other's stories and problems, giving one another a shoulder to cry on.

"But really, I'm sorry. But maybe this is a blessing in disguise we can..." I stopped my words and cleared my throat. I don't think I'm ready for another rejection. Kung ano man ang iniisip ko, hindi ko na hinayaang tapusin ang sasabihin.

Nag-iwas ako agad ng tingin at kinuha pabalik ang bote ng wine. Cielo didn't open his mouth but somehow, I knew he understood why I didn't continue my sentence.

"Hindi pa naman tapos, Tal."

"What do you mean? Purificacion's family is pulling out from the deal, my reputation is tainted, and dad... he's disappointed and probably wants to disown me now. Tapos na, Cielo. There's no hope."

"Meron pa," he said with finality. "Acknowledge your mistakes and your actions, manghingi ka ng sorry kay Puri at sa pamilya niya. Communicate with her kung ano pang pwede niyong maayos na dalawa para maituloy ang kasal."

I grimaced. "Wala naman akong ginawang masama."

Cielo deadpanned me. "Wives should be submissive?"

"Oh, ano naman ang masama ro'n? You knew how mom and dad were. Mag-uutos si dad kay mom pero hindi naman siya magrereklamo. Women are born that way, to be submissive and to answer to men. Hindi ko alam bakit parang gulat na gulat kayo, 'yon naman talaga ang tama."

Sunod-sunod na umiling si Cielo. Of course, mali na naman ako. Hindi na siguro ako magugulat kung isampal niya sa mukha ko ang bote ng wine dahil mali ako. Bakit ba hindi sila naniniwala sa akin? Growing up, my father planted that mindset on me. Lagi niyang sinasabi sa akin na hindi ko dapat hinahayaan ang sarili kong magunaw ang mundo dahil sa mga babae na dapat ay lumuluhod para sa mga lalaki.

Hindi ako magpapatinag dahil lang sa hindi aprubado ni Cielo ang paniniwala ko. My belief has always been like that and never did anyone try to contradict it until Puri. Sure, I've never said my belief out loud pero napatunayan ko na rin namang tama ako dahil sa tuwing kakailanganin ng tulong ng isang tao, laging lalaki ang una nilang hinahanap.

Magbubuhat ng bangko? Boys. Be the leader of the group? Lalaki. Work for eighteen hours a day? Normal na sa mga lalaki 'yon. Kaya nga ang widely used ang quote na "The right man for the job" dahil lalaki naman talaga dapat ang pumapasan ng mabibigat na bagay.

"Why do you idolize Governor Trudy, then?" Natigilan ako bigla sa tanong ni Cielo.

"Huh?"

Nagkibit-balikat si Cielo. "If you do believe that women should be submissive to men, bakit bilib na bilib ka kay Governor Trudy kung dapat lalaki ang gumagawa ng mabigat na bagay?"

"Well..." I was speechless. Could it be? Was I wrong? No, I don't think so. "She's an exemption. Because unlike other women who are trying to be a politician, she's actually good at it. She can be compared to other men dahil magaling siya."

Muntik nang malaglag ang panga ni Cielo sa sahig sa narinig niyang hinaing ko. Ano naman kaya ang nakakagulat doon? "I've been hanging out with you for nineteen years, pero hindi ko alam na ganito ang pananaw mo sa ibang bagay?"

"Bakit ano ba ang pananaw mo?"

"That women and men are equal. They should be offered the same opportunity in this society. May it be a job or healthcare, they should receive equal chance to attain that."

"But wala naman akong sinabing hindi equal ang mga lalaki at—"

Hindi ako pinatapos ni Cielo. "But hindi ito ang dahilan kung bakit gusto kong makipag-usap sa 'yo. I want you to fix this, Tal. It has always been your dream to serve the people of Panaraqa and you can't just give up on that dahil lang bumaho ang pangalan mo sa media. Find a way to fix this, especially your marriage with Puri."

"I-I don't know how."

"Come on, you're Battalion Arvante! You always know what to do, you always have a plan."

"Well the plan is to not fuck up the plan. Now, I lose control and all of the other plans are fucked. Hindi ko naman inisip na aabot sa ganito, akala ko madali lang kausap si Puri dahil hindi naman siya graduate ng college at wala naman siyang trabaho rin."

Cielo sighed. "Tal, you were ready to give up our almost decade relationship just so you could marry a decent woman and serve this town. Tapos ngayon bibigyan ka lang ng isang pasakit, susuko ka na agad? Gano'n gano'n na lang ba ang relasyon natin sa 'yo?"

Umiling ako. No way in hell he's thinking that! "I proposed to you five times and you kept saying no tapos ikaw ang mag-iisip ng ganyan?"

"Then, compromise! Call Puri, talk to her and lay out your boundaries, set your goals straight and make this marriage work. I love you, Tal, and I know you more than anyone in this fucking world. So please don't let your sacrifice go to waste and just fix this."

Dahan-dahan din akong kumalma. Sunod-sunod akong tumango saka sumimsim ng wine.

Suddenly, I grinned. "Weh? You love me?"

"Forever," he replied.

Sa oras na 'yon, naapektuhan na ng alkohol ang utak ko. Marahan kong pinikit ang mga mata at nilapit ang mukha sa kaniya. I leaned in, wanting to capture his plump lips but for the nth time, Cielo refused and turned to look away.

"No, Tal. You have to fix this," he said and immediately left the room.

Of course, I'll fix this. I'll make this marriage work even though it'll make me miserable. What's love without being miserable? It's the two sides of a coin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top