13.

Random Fact: Kung hindi pa rin halata, this story is inspired by the Folklore love triangle by Taylor Swift and today we're celebrating its two year anniversary! Hurray!

I have songs dedicated sa mga bida ng storyang 'to:

Puri - August & Seven
Battalion - Betty
Cielo - Cardigan
Gonzalo - Illicit Affairs

Happy two years anniversary Folklore! Enjoy this update!

Gonzalo

"Can you explain to me, kung bakit nagdadalawang isip na ang mga Tejano sa kasal na 'to?"

Nakayuko si Sir Battalion kay Sir Dante. Nakakatakot ang tono ng boses ni Sir sa mga salitang binibitawan niya. Nagtatanong pa lang siya pero nagtataasan na ang mga balahibo ko sa takot at kaba.

Hindi na bago sa harapan ko ang ganitong klase ng pagtatagpo. Sa apat na taon kong pagta-trabaho sa ilalim ni Sir Battalion, madalas nangyayari ito kapag may nagawang mali si Sir o hindi kaya wala sa mood si Sir Dante at palaging si Sir Battalion ang napagbubuntungan.

"Dad, it's not my fault. Sa simula pa lang, ayaw niya naman talaga ng kasal. It's no question na mag-back out sila ngayon," paliwanag ni Sir Battalion.

"Fine, but let me read this latest article for you first." Binuksan ni Sir Dante ang dalang laptop at hinarap sa direksyon namin.

Entitled spoiled brat? Fiancé of the rumored political candidate Battalion Arvante found being rude to the CEO of Palmon Hotel.

Mariing napapikit si Sir Battalion samantalang hindi ko naman mapigilang bilugin ang sarili kong kamao. Hindi totoo ang nasa article, ginagawa lang nilang masama sa mata ng tao si Puri.

Hindi pa nagsisimula ang eleksyon pero may ganito na sila agad na paandar. Binuksan ko ang sariling cellphone at hinanap ang article.

Wala na akong gulat na naramdaman nang mahanap ko ang gumawa ng article at malaman na kakilala ni Marchion Tamillo, ang pinakamatinding kalaban ni Sir Battalion sa pagtakbo niya.

Eh, tuta naman ng mga sindikato 'yang tarantadong Marchion na 'yan. Nagkaroon na ng imbestigasyon sa kaniya noon pero "namatay" raw ang lead na imbestigador ng kaso niya kaya hindi na naituloy.

Hinanap ko pa sa ibang social media platform ang gumawa ng article na si Archie Mendez. Kilala siyang journalist na laging nalalapit sa politiko ang mga pinapaskil sa social media pero noong napag-usapan ang isyu ni Marchion sa sindikato ay wala siyang ginawang article o post kahit isa lang.

Napailing ako. Tangina, gumawa pa nga siya ng article tungkol sa pakikipagkita ni Marchion kay Governor Trudy. Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng wall niya.

Marami siyang picture na kasama ang iba ring kilala na journalist, celebrities, at mga influencers din. Post tungkol sa pamilya niya at kaibigan hanggang sa... jackpot!

Kita sa likod ng isang litrato nila ang bagong biling bahay. Napangisi ako, mukhang may kailangan akong bisitahin ngayon.

Purificacion

"Why do you feel like you're indebted to your parents that you have to do something you don't want even though they're not forcing you to?"

Ang dati kong mabungangang bibig ay napipilan nang marinig ang tanong sa akin ng therapist kong si Dr. Garcia o Rhyme sa gusto niyang tawag ko sa kaniya. Thirty minutes in on our therapy session at ngayon ko lang natagpuan ang sarili kong hindi makasagot sa tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, ang ekspresyon sa mukha ni Dr. Garcia ay parang in-expect akong alam ko na agad ang sagot. Napalunok ako, bakit nga ba? Ano ba naman 'to, nag-drop out nga ako sa college kasi hindi ko kaya tapos ngayon may pa self-reflection?

Mahina akong natawa sa iniisip ko. Sa sobrang tagal ko ring nakasama si Mutya mula sa kolehiyo ay na-pick up ko na ang iba niyang nakagawian. Ang pagiging kalog niya, sometimes ang reckless decision ay nanggaling din sa kaniya, o hindi naman kaya ang pagl-let go ko sa impulsive thoughts.

Bata kasi ako ay hindi ko talaga nagawa ang mga bagay na pambata. Hindi ako pwedeng maglaro sa labas, hindi ako pwedeng maglaro ng mga laruan nang hindi nakakatikim ng sapak sa tiyan at mukha. Bawal ding magtanong at maging curious. But when I was in Mommy Mercedes and Daddy Paul's care, I learned that it's okay to be like that.

Hinayaan nila ako sa mga desisyon ko, reckless man o matalino. Gano'n din si Mutya noong college. Kaya nga siguro naidala ko hanggang pagtanda and they're all just trying to live with it dahil iniisip nilang may sala rin sila doon.

"Puri, kaya mo bang masagot ang tanong?" Hinila ako ng boses ni Dr. Garcia mula sa malalim na pag-iisip. I shrugged, not that I can't answer it, I'm scared that my answer would be wrong.

Sa kinalakihan ko kasi, kapag nagkamali ako ng pagsagot ay mababato ng bote ng alak at paaapakin sa mga bubog kapag sa pangalawang sagot ay mali pa rin. Tumikhim ako, feeling ko kasi ay nararamdaman ko pa rin sa talampakan ko ang mga maliliit na bubog at ang masakit na pakiramdam ng pagpasok nila sa balat ko.

Bakit ko ba iniisip ang mga ito ngayon? Nandito nga ako para mawala at makalimutan ko. I've been in therapy since I was in high school but why do these memories keep haunting me? Hindi pa ba sapat na na-torment ako buong pagkabata ko at hanggang pagtanda ay dala-dala ko pa rin 'yon?

"S-Siguro..." napahikbi ako bigla at pinuno ng luha ang gilid ng mga mata ko. "I'm..."

"It's okay, take your time, Puri."

Humugot ako nang malalim na hininga. "I'm so fucking thankful for them, Dr. Garcia. I-I mean kung wala sila, do you think I'll be in front of you right now? It's not that I feel indebted to them but I actually owe them. Utang ko sa kanila ang buhay ko dahil hindi naman ako mabubuhay kung hindi dahil sa kanila."

Tumango si Dr. Garcia at may kung ano-ano na namang pinagsusulat sa notepad na dala niya sa tuwing may sessions kami.

"Before we end this session, let's talk about this wedding. Now, na-mention mo sa akin na ayaw mong gawin ito pero dahil parents mo ang nag-propose sa 'yo ng usapang ito, tinanggap mo, tama?"

"Yes."

"How do you feel about that?" tanong niya, catching me off guard.

Kunot ang noo akong nagtanong, "What do you mean by that, Doc?"

"I mean, hindi ba nagkaroon ng shift ang pagtingin mo sa parents mo knowing that they are willing to marry you to this someone as you described as... ano nga ulit 'yon?" She looked down on her notepad. "Ah, you described your husband as insufferable, asshole, rude, and judgemental. How do you feel about that? Na hinayaan ka ng parents mo na ipakasal sa isang taong kagaya no'n?"

I sighed. "If you think I'm capable of being mad at my parents for this, then you're wrong. They saved me, gave me the life I needed to survive. Wala naman yata akong karapatan magsabi na ayaw kong gawin ang isang bagay sa kanila."

"Ah... so you think as a human being you think you don't have the capacity to say no just because you owe this person so much?"

"Kung marunong akong tumanaw ng magandang loob, oo!"

Tumango-tango si Dr. Garcia. "Do you think that belief has something to do with your father? Kasi, you know, you grew up thinking that saying no is a bad thing."

My breath was cut short. I didn't expect her to attack me with this question about my father. It's been three sessions long since the last time we talked about him. Akala ko wala na, pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, pumapasok sa utak ko ang itsura niya na nakangisi hawak-hawak ang basag na bote ng alak.

"Puri, are you okay? If you think you're having a panic attack, you have to tell the nearest person about what you feel." Malumanay ang explanation ni Dr. Garcia kaya naman dahan-dahan akong huminga nang maayos.

Ayon sa napapansin ko, mas lumalala ang panic attacks ko kapag nagpapanik din ang tao sa paligid ko. O hindi naman kaya maingay at magulo ang paligid. Napansin naman ni Dr. Garcia iyon kaya agad na ipinaalam sa akin na dapat ko raw sabihin sa parents at kaibigan ko.

Kaya naman malaki ang tinulong ni Dr. Garcia sa development ko. Magaling na doktor si Dr. Garcia, iniintindi niya talaga ang problema ng mga clients niya at magaling magbigay ng advice sa mga problema. Kaya nga bukod kay Mutya, si Dr. Garcia lang din ang nakakaalam ng halos lahat ng pangyayari sa buhay ko.

"I'm okay," I blurted. "And I think you're kind of right. I mean, nasabi ko na sa 'yo na hindi maayos ang way ng pagpapalaki sa akin. Siguro tama ka, siguro doon nanggaling 'yon. Tingin mo ba, Dok, maaayos ko pa 'to?"

"That's actually a great question. Thank you for communicating with me, Puri. It's good to see you trying to work out other things now than the past conversations we have about your father and your panic attacks. This is an improvement."

Napangiti ako sa narinig.

"As per your question, I don't see why not. Hindi naman siya natural na pag-uugali mo, you're not born with that mindset. It just so happens that you had that instilled in your brain for a very long time that it became the norm."

"So, pwede pa akong magbago?"

"People don't change, they improve. Pwede mo pang mapa-improve ang sarili mo kung hindi ka pa kontento, pero hindi mo mababago."

Hindi na ako nakasagot muli dahil tumunog ang timer na nakalaan para timing-an ang sessions namin.

"Pag-usapan natin 'yan sa next session natin. How to say no to the people I owe, magandang title 'yon for self help books ah!" suhestyon pa niya.

"Tingin mo, Dok, p'wede kaya akong manghingi ng advice sa mga nangungutang na mas galit pa sa naniningil?"

Napahalakhak naman kaming dalawa sa birit ko.

Cielo

Tal locked himself in his office. Hindi siya lumabas pagkatapos ng nangyari sa hotel pati na rin kaninang umaga sa tagpo nila ni Tito.

He's upset. I know it. But I also know that he's not upset with Tito Dante, he's upset with himself. He's punishing himself inside that room and I'm just here, doing nothing.

It's not like I can do anything about it. He's mad at me for saying no, and he for sure thinks I'm also mad at him. Which is not the case.

I feel guilty. Dahil sa isa sa dahilan kung bakit ako umayaw sa gusto niya. I admit I was tempted. Running away with the man who fulfilled my heart, being together with the rainbows and sunshine. Looking at the beach, watching the waves crash onto the shore.

Goddammit, why didn't I just say yes? But then, whenever I close my eyes the familiar face of a goddess flashes across my mind.

Hindi ko makalimutan kung paano siya umungol sa ilalim ko habang pinaparamdam sa kaniya ang namumukol kong harap. Kung paano gumiling ang katawan ni Puri habang sinisipsip ko ang kaniyang dibdib. Mahirap baliwalain ang bagay na bumabaliw sa akin araw-gabi.

I just sometimes find myself jacking off to the memory of her. To her feminine scent of lavender and lilies, her soft tanned skin, and her fucking taste. I'm salivating for another taste of her. That salty and sweet taste of her fucking skin.

I want her. I want Puri so much that I'm willing to live the happily fucking ever after with the man I love just to be able to see her. I'm addicted, obsessed, in need of her.

It's unhealthy, I know. Pero paano nga ba naman malalaman ang totoong kasiyahan kung walang ka-toxic-an na mararanasan?

Kinuha ko ang isang kaha ng mighty green mula sa kwarto ko at tumungo sa balcony ng pad. Sinindihan ko ang sigarilyo at naupo. Minsan lang ako mag sigarilyo, hindi ako nahilig dito pero noong tumungtong ako ng college ay natuto akong gumamit nito to make myself stay awake.

Medyo nahirapan ako sa college. Lalo pa na nasa U.K. kaming dalawa ni Tal. The only reason I survived there was because of him. Siya palagi ang nandyan kapag may kailangan ako, siya ang nandyan para gabayan ako.

I shook my head. Pero ngayon, hindi ko man lang magawa na tulungan siya sa problema. Hindi pa ako nakakahithit sa sigarilyo nang bumukas ang pintuan ng balcony.

"Gonzalo, nawala ka kanina," bungad ko sa kaniya.

"M-May binisita lang," he replied quickly. "May isa ka pa bang sigarilyo dyan?"

Kinuha ko mula sa bulsa ang kaha at kumuha ng isang sigarilyo. Binigay ko sa kaniya 'yon. He didn't hesitate to take it from me.

Ipapasok na sana ni Gonzalo ang sigarilyo sa bibig nang tumigil. "May posporo ka ba dyan?" He asked.

I smirked. Instead of giving him the lighter, I wrapped my hand around his neck and pulled him closer. Lighting his cigarette using my own.

Pagkabitaw ko kay Gonzalo ay hindi siya agad nakagalaw. Namumula ang mukha patungo sa kaniyang tainga at leeg. Mahina naman akong natawa sa reaksyon niya.

"I have to go," I said, tapping his shoulder before leaving.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top