12.
Purificacion
Tahimik ang buong silid at walang balak bumasag ng katahimikan na 'to. Magkaharap kaming apat na nakaupo sa isang lamesa habang hinihintay na dumating ang mga food samples ng Abulocion catering services.
Napagdesisyunan na ng dalawang partido na iisang venue lang ang kasal at reception. Palmon hotel ang pinakamalaking hotel ngayon na may halos tatlumpu't isang branch sa buong Pilipinas at nag-expand na rin sa ibang asian countries.
Kaya nga lang noong 2016 noong lumabas ang Okada Hotel bumaba ang sales nila pero agad din namang nakabawi nang humawak na ang apo ng may-ari na si Lucerio Palmon Jr. Pero kamakailan lang din ay binawian ng buhay dahil sa isang aksidente.
Ngayon naman, ang anak niyang si Victoria Palmon ang makakausap namin tungkol sa arrangement na gusto namin para sa kasal. Kung saan, papalapit na rin siya sa amin dala-dala ang cart na laman ang tray ng mga pagkain para sa taste testing.
Sinalubong niya kami ng medyo plastikadang ngiti. Hindi naman sa nagrereklamo ako, kung ako rin ay hindi magiging genuine ang ngiti kapag si Battalion ang makakaharap mo.
"Welcome to Palmon Hotel, Mrs. Arvante and Mr. Arvante. It's a pleasure to have you here," bungad pa niya sa amin at nilahad ang palad para sa pakikipagkamay. Tinanggap naman naming apat 'yon at nakangiti rin siyang binati. "What I have in front of me are the food samples Abolucion catering services made at your request. Shall we start the taste testing?"
Inikot ko ang tingin sa lamesa, tango lang sagot nila. Katabi ko si Mutya samantalang magkatabi naman si Cielo at Battalion. Nasa likod naman ni Battalion si Gon na tahimik lang ding nakamasid. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago tumulong sa paglipat ng mga pagkain sa lamesa namin.
Una kong tinikman ang kalderetang kambing na hinain sa harapan ko. Unang pagdikit pa lang ng kutsara sa dila ko ay sumabog na agad ang iba't-ibang lasa ng pagkain. Ramdam na ramdam ko sa loob ng bibig ko ang malambot na karne ng kambing, may pagka-spicy siya pero hindi sobra na hindi mo na kayang kainin nang tuluyan. One taste and this already made my day!
"I like this!" singhal ko pa na may ngiti sa labi.
"Ah, kalderetang kambing," pansin naman ni Cielo. Binigyan niya ng makahulugang tingin si Battalion na may tinatagong ngiti. "Paborito ng groom, siya ang nag-request niyan."
At dahil puno pa rin ako ng galit sa lalaking kaharap ko mabilis kong nilunok ang kinakain at inusog palayo sa akin ang kaldereta kahit na kumakalam ang tiyan ko sa kagustuhang ubusin ang isang buong plato no'n.
Pero syempre, hindi naman mapawi-pawi ang mga ngisi sa mukha ng dalawang lalaki na nasa harap ko. Nakasimangot akong inabot ang isang mango cream cake at 'yon na lang ang pinagtuunan.
"Mango cream cake, 'di ba 'yan lagi ang ino-order mo kapag nagpupunta tayo sa mga bakery?" May halo ng pang-aasar sa tono ni Cielo na nakangisi pa rin hanggang ngayon. "Tama ba ako, Tal?"
"It seems like we have the same taste, Wife."
Kumukulo ang dugo ko. Parang hindi ako makakahinga hangga't hindi dumadapo ang kamao ko sa pisngi ng dalawang 'to. Do I really have to live with them? Do I really have to live with the person who promised to make my life a living hell and another who broke my heart just a few days ago? Karma ko ba 'to dahil sa ginawa kong pagpasok kay Tatay sa shelter?
Naiiling ako. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko gamit ang napkin na nakahanda at uminom ng tubig bago tumayo. "Bakit ka tumatayo?" tanong ni Mutya na nakalimutan kong nandyan pala.
"Bakit bawal na ba tumayo ngayon?" sarkastiko kong tanong sa kaniya. Bahala na, masyado akong high blood sa dalawang 'to kaya kahit sino pang mangingialam sa akin ay matatarayan ko. Saka na lang ako manghihingi ng sorry kapag kumalma na lang ako. "Pagamit muna ng restroom."
"Baka naman layasan mo na naman ako?" taas-kilay na akusasyon pa ng gagong Battalion na 'yon. Nawala sa isip ko na nasa publiko kaming lugar kaya wala sa loob kong inangat ang kamay ko na naka-middle finger at inirapan siya bago sila tinalikuran.
Pagkalabas ko ng silid, agad na hinanap ng mga mata ko kung saan ang dapat na daan patungo sa c.r. dahil wala talaga akong kaalam-alam sa lugar na 'to pero nakakahiya namang bumalik doon na hindi pa kumakalma ang sitwasyon. Plus, I've been rude by showing them my middle finger even though it was only directed towards Battalion and Cielo.
Tatahakin ko na sana ang daan sa kaliwang hallway nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan sa likod ko. Natigilan ako nang makitang si Gonzalo iyon. Binigyan niya rin ako ng ngiti na agad ko namang sinuklian. Siguro, sa kanilang tatlo mas bearable na tumira sa iisang bahay kasama si Gonzalo.
Buti na nga lang nandyan siya, kasi kung hindi baka isang araw pa lang ako ay mababaliw na ako doon.
"Samahan na lang kita papunta roon, medyo kabisado ko na rin ang floor na 'to."
Pinanliitan ko siya ng mata, "paano mo naman kaya nakabisado, hmm?"
Mahina siyang natawa at marahang pinitik ang noo ko na napa-igik ako. "Tigilan mo nga 'yang iniisip mo." Napailing pa siya. "Lagi kasing dito ang napipiling lugar na pag meeting-an ng mga dating katrabaho ni Sir Battalion tapos nililibang ko na lang ang sarili ko sa pag-iikot dito."
"Okay... sabi mo eh," I shrugged, still acting like I'm not convinced.
Hindi na siya sumagot pa at nauna na sa akin sa paglalakad na ikinatawa ko. Ilang hakbang pa lang ang nilalakad namin noong napagtanto ko na ang dati kong nakasimangot na mukha ay may malapad na ngiti ngayon.
Pinanood kong maglakad si Gon sa harapan ko, punong-puno ng swabe ang bawat hakbang niya alam na alam mong sanay na sanay na sa tinatahak na daan. And I want that. I want to be like him, I want to be with him. Gusto ko ring magkaroon ng lakas na meron siyang maglakad sa isang magulong lugar na alam na alam mo ang tinatahak mong daan. And I felt like with Gon, I can do that without any errors.
Nakasunod lang ako sa kaniya habang inaaral ang daan kung paano ako makakabalik sa private room namin hanggang sa natigilan ako nang may nakitang pamilyar na mukha. Kinalabit ko muna si Gon para patigilin siya sa paglalakad.
"May kailangan ka?" tanong niya sa akin.
"Parang kilala ko 'yon," turo ko sa isang lalaking naglalakad papunta sa direksyon namin na may dalang isang puting folder. "Pamilyar kasi sa akin, eh. Wait lang tingnan ko lang."
Oras naman para si Gon ang matigilan dahil sa reckless na desisyon ko. Hindi siguro sanay na makasama ang isang tao na kagaya kong hindi muna pinag-iisipan kung dapat bang gawin ang isang bagay. Hindi kagaya ng boss niya, kalkulado talaga at dapat planado ang mga bagay.
Mabibilis ang hakbang kong nilapitan ang lalaki at napasinghap ako nang mapagtanto kung sino siya. Hindi ko inaasahang magkikita pa kami ulit, wala sa isip ko na makikilala ko ang pamilyar na mukha ni Lino lalo pa rito sa hotel.
"Lino, long time no see!" bati ko sa kaniya.
Bumadha naman ang pagkagulat sa mukha niya. "Wait tama ba ako sa nakikita ko? Nasa harapan ko ngayon si Puri?" Hindi makapaniwala niyang sambit.
'Di ko napigilan ang sarili ko at niyakap siya agad. "Tagal na noong huli kitang nakita! Ano pala ang ginagawa mo rito?"
Nakangiti siyang sumagot, "I'm courting someone that works here, nakalimutan niya sa office niya 'to kaya ihahatid ko lang sa kaniya."
"Wow!" mahina ko siyang nahampas sa braso. "Taray mo na ngayon, ha! Mas naging gentleman ka na may ligaw ka ng nalalaman dyan."
Tumawa na lang din siya nang hindi na makasagot. Magsasalita pa sana ako para kumustahin siya nang maramdaman ko sa likod ko ang presensya ni Gonzalo. "Hindi dito ang daan papunta sa banyo," ani pa niya.
Hindi ko naman agad pinansin ang harsh na tono sa boses niya at nilapat ang palad sa balikat ni Lino. "Kaibigan ko pala si Gonzalo, Lino. Ex ko naman 'tong mokong na 'to noong college."
"I'm sorry I don't remember putting a label on us before," biro pa ni Lino.
Kahit totoo naman, hindi kami nagkaroon ng usapan kung mags-stay kami sa iisang committed relationship but we still have exclusivity between us when we were sleeping together.
"Excuse me, sa ating dalawa ikaw ang nagmakaawa na bigyan ng label." Also true.
Sabay tuloy kaming nagtawanan sa alaala noong matapos naming magtalik ay nanahimik bigla si Lino na parang nag-iisip. He suddenly blurted out, "What if maging tayo na lang?" pero hindi ko naman tinake seriously ang tanong niya kaya tinawanan ko na lang. Late ko na na-realize na seryoso pala siya.
Inangat niya ang dalawang palad na tila sumusuko. "Alright, nadali mo na ako doon." Nailing-iling na lang tuloy si Lino samantalang tahimik naman sa gilid ko si Gon. "Ikaw pala ano ang ginagawa mo rito?"
Ibubuka ko pa sana ang bibig ko nang pangunahan na ako ni Gon. "Ikakasal na siya. Nandito kami para sa wedding planning. Meaning, taken na siya at hindi na available."
Puno ng pagtatakha kong tiningnan si Gon na walang emosyon ang mukha na sinagot ang tanong ni Lino. Ano na naman kaya ang pinapadyak nitong taong ito? Mood swings lang siguro talaga ang problema ni Gon.
"Ah, wait he's your husband?"
"Hindi, ah."
"Oo."
Muli ko na namang tiningnan na may katanungan si Gon. Hindi ko maintindihan, bakit naman siya magsisinungaling kay Lino at parang isang bull na nakakita ng kulay pula at handang sugurin ang mga tanong na binabato ni Lino.
Pinanliitan naman ako ng mata ni Lino, parang gusto niya sabihin sa akin na may tinatago ako na dapat niyang malaman. Pasimple naman akong umiling at inirapan siya. Natawa na lang tuloy siya.
"Good luck, mauna na lang muna ako. Baka kailangan na kasi ni Vic," paalam pa ni Lino. Sunod-sunod naman akong tumango. "Goodbye, Puri, it's nice seeing you again."
"Ikaw rin! I wish you well at good luck din diyan, ha." Kinindatan ko pa siya.
Walang salitang namutawi sa aming dalawa ni Gon habang hinihintay namin si Lino na makalayo-layo bago ko hinarap si Gonzalo. "Bakit mo sinabing ikaw ang asawa ko? Kaibigan ko si Lino, hindi ko naman kailangan mag-sinungaling. Saka napaka-confrontational naman ng mga way ng pagsagot mo."
"Baka kasi may balak pang makipag-balikan at mag-isip ng kung ano. Lalo na magkasama tayo at hindi si Sir Battalion."
"I can just deny, he's my friend. Matagal ko na siyang kilala at mas matagal niya rin akong kilala kaya maiintindihan niya ako. And if you're thinking na basta-basta lang akong tatalikod sa marriage na 'to at pumatol sa kung sino, ang baba naman ng tingin mo sa akin."
Hindi ko na napigilan ang bunganga ko. Kanina pa ako naiinis, lalo na kila Cielo at Battalion at ngayon naman ay gumatong itong si Gonzalo na akala ko ay naiintindihan din ako pero mukhang mali ang akala ko.
Natigilan siya saglit at lumipad ang tingin malayo sa akin. Parang may iniisip siyang memorya niya na gustong sabihin sa akin pero pinigilan niya at marahang tumango. "Sorry, Puri. Hindi na mauulit. Mali ang ginawa ko at pang-aakusa, sorry."
Bumuga naman ako nang malalim na hangin. "It's fine, dalhin mo na lang ako sa banyo."
Battalion
He's been awfully quiet.
After we got ourselves measured for our suits, when we got home, earlier when we got here. Tahimik lang si Cielo. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa kaniya but something must have definitely happened.
The last time I saw him like this was when I told him I am agreeing to the marriage. Dahil ba 'to sa naging away namin kahapon? Is that why he's giving me this cold treatment? Pero marami naman kaming naging ibang away na mas malala pa kaysa sa kahapon at hindi siya ganito katahimik no'n. Did I do something wrong?
I slowly closed my eyes, thinking about the things I did from yesterday until today. Wala akong ibang ginawa kahapon kun'di gawin ang morning routine ko, planning the wedding with our wedding coordinator and dad, had a disagreement with him last night and did my skin care routine before sleeping.
Ano na naman kaya ang problemang hindi sinasabi sa akin ni Cielo kaya nagkakaganito siya? I want to ask him, nangangati akong tanungin siya but I know he wouldn't answer me.
Waiting for him to calm down is the best option I have here. Hindi ko naman pwedeng pabayaan lang si Cielo na sarilinin ang mga bagay. Hindi siya magsasabi na kailangan na niya ng tulong unless you offer it to him, and God, do I hate that about him.
I want to know everything about him. I want to know what he's thinking about, what he feels, what he wants and needs. I want what we used to be, not long for it.
"Mabuti naman, nandito ka na," pilit ang ngiti kong pinanood na umupo sa harapan ko si Purificacion. "Magsisimula na tayong mag-taste test ng wine that we are going to serve for the wedding."
Purificacion shifted as if she's sitting uncomfortably. She gave a knowing glance towards Mutya's direction. Pinanliitan ko ng mata ang kilos nilang dalawa. Mahinang pinisil ni Mutya ang braso ni Purificacion na para bang pinapakalma niya.
"P'wede bang hindi ako sumali, hindi ko kasi gusto 'yong lasa ng a-alak," Purificacion excused.
Already irritated, I scoffed. "You, not participating in this taste test will just slow us down. Marami pa akong kailangang gawin pagkatapos nito. Hindi naman kasi lahat ng tao ay walang trabaho kagaya mo na umaasa lang sa pera ng mga magulang."
Nagtama ang mga mata namin ni Purificacion. At mula roon, ay kita ko ang mga galit sa likod ng namumula niyang mga mata. I swallowed a big chunk of saliva. I can feel the rage radiating inside her. I pushed her too hard, I supposed.
"Look, how about 'wag na lang tayo mag-serve ng alcoholic drinks sa kasal? I think it's better that way," she suggested.
But I won't back down. "No, we're going to serve wine and we are going to pick one of these. No one's going to leave this room until we choose one. Sit, Purificacion."
"Excuse me? I am not someone you can just order around and expect me to obey without questions."
"Yes, you will. You're my wife."
My father always taught me that a wife should be submissive to their husband. I've seen how he was with mom and she always listened to him. Their marriage is the only depiction of marriage I've seen and I believed that it was always like that in every relationship.
One should be submissive to the other without question. Just like how Cielo is to me, even though we couldn't call ourselves "married" but that's how our dynamics have always been.
I thought I was right. That what I said is common knowledge for everyone to know. But I knew I'd been wrong when Purificacion banged the table and took the glass with wine and tossed the liquor on my face.
Hindi ako nakagalaw at pinakinggan na lang ang pagsinghap ng iba naming kasama at ang pagtawa ng tao sa gilid ko na si Ms. Victoria. I think I even heard her mutter, "You deserved that." But it was quickly drowned out by Purificacion's words.
"Kung 'yan ang tingin mo sa asawa mo, I don't think this marriage will work!" she shouted then stormed out with Mutya tailing after her.
Well, shit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top