11. The Wedding


Purificacion

"Sinasabi mo bang hindi mo gustong tumira sa isang bachelor pad kasama ang tatlong bachelors?" Taas ang kaliwang kilay ni Mutya sa akin. "Hoy, nasa heaven na ako no'n kung ako ang nasa sitwasyon mo, 'Day!"

"Heaven? You call living with three guys with whom I have complicated relationships heaven?" Hindi ko tuloy napigilang makipag-argumento sa kaibigan. "I mean, magpapasalamat pa siguro ako sa itaas kung uulan ng lalaki pero kung titira kasama ang mga 'yon? Kainin na lang sana ako ng lupa!"

Nangunot naman ang noo ni Mutya sa akin. "Complicated relationship, huh? Gaano mo na ba kakilala ang mga tao na 'yon, aber?"

"First off, paulit-ulit ko ng sinasabi sa 'yo na kahit gaano pa ka-hot o ka-sexy si Battalion, napakalaki pa ring gago. Then, there's Cielo whom I made out with tapos si—"

"Teka, you made out with Cielo the photographer? The best man? The best friend of the groom? Seryoso ka tapos hindi mo sinabi sa akin!" singhal pa ni Mutya sa akin.

Oras ko naman para mangunot ang noo. "Hindi ko ba nakwento sa 'yo na nakipag-make out ako sa kaniya sa engagement party tapos noong una muntik pa kaming mahuli ni Battalion."

Napasinghap si Mutya. "Kaya ba hindi kita mahanap sa time na 'yon? Gaga ka!"

I deplated on my seat and buried my attention on my phone. Kanina pa nakabukas ang phone habang nags-scroll ako sa shopping app nang biglang pumasok sa loob ng kwarto ko si Mutya.

Scrolling through the app was my time of relaxation but right now I'm using it to avoid her.

Kinalabit akong muli ni Mutya na mas lalo kong iniiwas sa kaniya ang katawan. "Hoy, lagi akong nagk-kwento sa 'yo tapos ito ngayon hindi mo man lang naikwento sa akin? Fake friend!"

"Kasi naman! Hindi ko pa siya nakakausap tungkol doon tapos tinakbuhan ko lang siya tapos nandito na kami sa sitwasyon na titira kami sa iisang bahay?"

"Tell me more!"

And knowing Mutya, hindi niya ako titigilan hanggat hindi nauungkat ang lahat ng bagay.

Kinwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari mula sa simula hanggang sa huling engkwentro ko sa tatlo. Natagalan din dahil mahilig mang-interrupt si gaga para bigyan kuno siya ng oras para makatili sa kilig.

"So, itong parang bad boy na si Gonzalo, makakasama mo rin, 'di ba? Hala, 'te pwede ka ng mag audtion bilang Shan Cai!" tili pa niya saka mahina akong tinapik sa braso.

Natawa naman ako sa sinabi niya ngunit hindi rin nagtagal 'yon ng makatanggap ako ng mensahe sa taong inaasahan ko. Nakasimangot akong binuksan ang messages na sinend sa akin ni Battalion kanina lang.

Battalion: Later tonight, meet you

at this address for your

dress fitting.

wedding dress fitting? : Puri

Battalion : Malamang, ano pa

ba sa tingin mo?

I scrunch my nose. Asshole prick!

bakit mamayang gabi? : Puri

gabi na talaga agad?

Battalion : I'm not the one

planning this damn

wedding. My dad is.

Hindi na ako sumagot ulit dahil alam ko namang kahit ano pang sigaw at pagpadyak ko riyan ay wala naman akong magiging say sa sitwasyon. I've met Mr. Arvante, sobrang commanding ng demeanour niya at kahit nakatayo lang sa isang tabi alam mo na agad na nasa kaniya ang authority ng buong lugar. Like his son, he's also intimidating.

Siya siguro ang dahilan kung bakit walang simpatyang kinilala ang anak niya.

Nakanguso kong binalingan si Mutya at pinakita sa kaniya ang messages na in-exchange ko kay Battalion. Agad niyang kinuha mula sa akin cellphone at nagmamadaling mag-type. Nailing na lang ako nang makita ang ngisi ni Mutya habang nagt-type. Malamang ay kung ano na namang kabalastugan 'yon.

But I couldn't care less, bahala na si Battalion kung ano ang iisipin niya sa messages na "ako" ang nag-send. He already villainized me the first time we met. Kahit nga siguro aminin ko sa kaniya ang nangyari sa amin ni Cielo, wala na rin siyang pakialam at in-expect na rin siguro niya.

Hindi rin nagtagal ay binalik sa akin ni Mutya ang cellphone na nakangiti.

HOY!!! Akala mo ba : Puri

kung sino lang ako

para utusan mo??

Battalion : Mutya, get off her

phone.

PANO MO NAMAN : Puri

NASABE NA SI

MUTYA TO????

Battalion : Purificacion doesn't

use uppercase letters

when she texts.

Naiiling na binalingan ko na lang si Mutya na inikutan ako ng mata.

"Masyado namang smartass 'yang bwisit na 'yan!" singhal niya na ikinagulat ko.

"Oh, akala ko ba, hot na hot pa rin siya?"

Umarteng tila nasusuka si Mutya. "I changed my mind, yuck! Napakagago pala talaga pagkatapos ng mga kinwento mo, hindi ko nga alam kung bakit ako na-hot-an diyan. Wala ka namang ginagawang masama akala mo pinaglihi sa poot eh."

Sabay pa kaming natawa sa sinabi niya.

Battalion

Binaba ko na ang cellphone ko at pinanood ang pagbukas ng pintuan ng pad. Niluwal no'n si Cielo na dala ang camera kit niya at mukhang katatapos lang mula sa isang gig. Natigilan naman siya nang mapansing may mga hindi pamilyar na tao sa loob ng bahay.

"Nandito sila ngayon para ayusin ang storage room," paliwanag ko.

"Pero akala ko—"

Umiling ako agad. Shutting down his assumption almost immediately. "You thought wrong, I am not making the storage room into another bedroom. That'll be your darkroom."

Kita ko ang paninigas ng buong katawan ni Cielo sa narinig. "What do you mean darkroom para sa akin? I mean, I already have one at my studio, you don't need to—"

"But you do need one at your home. End of story."

"Akala ko ba temporary lang ako?"

Hindi ako agad nagsalita at tumigil sa panonood. Binaba ko ang hawak na remote control ng t.v. at binigyan ng mariin na tingin si Cielo. Agad niyang naiintindihan ang nais kong iparating. Sarado na ang utak ko at hindi na magbabago pa ang desisyon. Kahit pa sabihin na irrational ang plano, walang makakapigil sa akin na gawin ang bagay na determinado akong gawin. At alam na alam ni Cielo 'yon.

Kaya naman hindi na ako nagtaka na napabuga siya nang mabigat na hangin at binagsak na lang ang sarili sa mahabang couch sa gilid.

"How long are you gonna keep this charade up, man?" tanong bigla ni Cielo.

Nagkibit-balikat ako. "As long as you get to stay with me for a long time."

Nag-obserba muna sa paligid si Cielo bago pasimpleng umupo sa tabi ko. Naupo ako ng tuwid sa ginawa niya para hindi kami mahalata ng mga nagta-trabaho sa loob. "You're getting married, Tal."

"So?"

"So, you'd have to act like you're married. We can't fuck in secret, we can't profess our love to each other, we can't do anything together that may suspiciously end up in a gossip site or social media. You have to act like you're in love with your wife."

I shook my head. No fucking way. "Kakausapin ko si Purificacion, I'll give her an arrangement that she cannot refuse and then we can live that happily fucking after we've been wanting since U.K."

It was then Cielo's turn to shake his head. "Hindi p'wede. Hindi tayo patatahimikin ng tao sa gusto mong mangyari, Tal. I cannot just fly to the U.K. with you, I already said no before and I am still saying no right now. Hindi ko p'wedeng iwan si mama rito."

"Bring her with us, then. Isama mo siya at doon tayo maninirahan. Mas maganda pa nga ang services ng hospital nila doon at mas advance kaysa rito."

"Pilipino rin ang mga nurses doon, Tal, baka nakakalimutan mo."

I scoffed. "That's not the point."

"Alam ko. I know your point, you want me to run away with you. But that's something I can't give you," he said. "Paano na ang pangarap mo na mas paigihan pa ang pagpapaayos sa bayan na 'to? O hindi kaya ang makapag-serbisyo sa mga tao rito. 'Wag mo sabihing kakalimutan mo lang lahat ng 'yon, huh?"

"I will if it means I get to be with you."

Pero hindi ko nakuha ang sagot na nais ko. I got the same response nine years ago.

"No, Tal. I can't."

I hung my head low and sighed. Kung 'yon ang palagi niyang sagot sa akin, wala na akong magagawa. Tumayo ako sa kinauupuan at nilapag na lang sa lamesa ang remote control. Tatalikod na sana ako mula sa kaniya nang natigilan ako.

"Samahan mo na lang ako mamayang gabi, sumabay ka na rin sa pagpapasukat ng mga suits na tin." Hindi na nagsalita pa si Cielo at tumango na lang bago ako inunahang lisanin ang sala.

Puno ng inis, kinuha kong muli ang remote control. Hindi man lang marunong magpatay ng t.v. tsk!

Purificacion

Bumungad sa amin ni Mutya ang isang attendant na may malapad na ngiti sa labi. Tinulungan niya kaming hubarin ang suot na coat at isampay sa coat rack na nakahanda.

"Welcome, Mrs. Arvante," bati niya pa saka pinagbuksan kami ng pintuan sa loob.

"Hindi pa kami kasal," tanggi ko pa.

Mahina lang na natawa ang attendant at pinapasok na kami. Nakahanda na sa loob ng silid ang measuring tape, rack na puno ng wedding dresses, at magazines na nakalatag sa lamesa.

Saka ko na lang tuloy napagtanto. I'm getting married. In a month, hindi na ako dalaga. Isang buwan na lang at may nakakabit ng "Mrs" sa pangalan ko gamit ang hindi ko apelyido.

Wow. Ang bilis ng panahon. I remember blinking and I was in shelter, sharing smiles and stories with other people. Another blink and I see myself being adopted by Mom and Dad. One last blink, I see myself in a wedding dress walking down the aisle.

"Good evening, Mrs. Arvante, mayroon po kaming magazine dito sa mga natitipuhan po ninyong wedding dress at meron naman po kaming custom made na gawa ng pinakasikat naming designer na si Ofelia Yllano."

Isang sketch pad at mga magazines ang agad na binigay sa akin. Binigay ko kay Mutya ang isang magazine at sabay kaming naghanap ng magagandang designs. Hindi rin nagtagal ay palipat-lipat ako ng pages nang may ma-realize ako.

"Miss, bakit parang puro ball gown ang dresses na nandito? Wala ba 'yong boho style or something? Hindi kasi ako mahilig magsuot ng mga ganito eh," paliwanag ko pa.

"Oh, we were notified po kasi na dance ball po ang theme ng kasal kaya nag-focus po kami solely sa ball gown dresses. Pero kung gusto niyo po pwede ko naman pong tanungin si Mr. Arvante sa approval po niya kung pwedeng hindi maging ball gown ang suot niyo."

Nagkatinginan kami bigla ni Mutya. Wala akong alam tungkol doon. I didn't even know the theme of our wedding! I was told na I don't have anything to worry about but no way in hell I'll be wearing that bland white wedding dress. Kaya naman, through telepathy nagtanguan kami ni Mutya na parang may napagkasunduan.

Nagulat naman ang attendant nang sabay kaming tumayo. I already expected this, hindi kung ano 'yong tema kun'di ang hindi ko pagkagusto sa mga wedding dress na pine-presenta. That's why Mutya and I came prepared.

Walang sabing binuksan niya ang dalang bag at nilabas doon ang kaniyang sketch pad. Binuklat ang pad hanggang sa tumigil sa page na gustong ipakita sa mga attendant. May ngiti sa labi kaming pinakita sa kanila ang laman no'n.

"Ayoko ng wedding dresses na nasa magazine, ayoko rin ng mga custom made ni Ofelia. Ang custom lang na gusto ko ay ang gawa ng kaibigan kong si Mutya!" Nilahad ko pa ang braso sa direksyon niya. "Years ago, napagkasunduan naming kami ang magd-design ng wedding dress ng isa't-isa kaya naman ito ang gusto ko."

"This is a tulle corset wedding dress with long train and puffy sleeves that will truly showcase Puri's stance. And we want this made with dark purple, not lilac and not just a purple. Dark purple!" dugtong pa ni Mutya.

Matagal bago kami nakatanggap na sagot mula sa kanila. "Uh, Ma'am, purple po ba talaga ang kulay ng dress niyo?"

Sunod-sunod akong tumango. "Ye—"

"Nuh-uh, dark purple!" sabad ulit ni Mutya.

"Yes, noted po. Dark purple pero kailangan lang po naming konsultahin si Mr. Arvante sa changes na ito dahil pinaalam niya po sa amin na kailangan may approval po niya bago po tayo mag-proceed sa kasal."

I sighed. Of course, it may be my wedding but it's still not my wedding. Hindi pala ako pwedeng magpaka-bridezilla, hindi rin pala ako pwedeng umarte na parang this wedding is the most important day of my life dahil hindi. I didn't plan this wedding, I didn't anticipate it.

Marahan na lang kaming tumango ni Mutya at pasalampak na naupo sa nakalaang couch. Pareho na tuloy kaming nakasimangot. Nawala na ang kaibigan kong dati ay masyadong excited sa kasalang magaganap pero mukhang nasagap na rin ang enerhiya ko at hindi na rin excited na makita akong maglakad sa aisle.

Napabuga ako nang malalim na hininga. Ngunit hindi rin nagtagal ay naisipan ko ring tumayo.

"Punta lang akong cr," paalam ko at hindi na hinintay pang makatanggap ng sagot mula kay Mutya at nagmamadaling lumabas.

Confident pa akong lumabas ng silid hanggang sa pumasok sa akin ang realisasyon na naliligaw na ako. Malaki pala ang boutique at may limang floors. Natagpuan ko na lang tuloy ang sarili ko na pabalik-balik sa elevator.

Handa na sana akong magtanong sa bagong salta sa elevator nang matigilan ako kung sino ang taong bumungad sa akin. Napalunok ako sabay basa ng aking labi.

Seryoso ba 'to?

Hindi kami masyadong nagkausap ni Cielo pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa noong engagement party. Pasalamat na lang talaga ako na hindi niya pa rin sinasabi kay Battalion ang nangyari, otherwise, I'll never see the sun rise ever again.

"H-Hi," bati niya.

"Sinusukatan ba kayo ngayon?" I tried so hard to sound casual but I know for a fact that my voice shivered delivering that question.

Hindi siya nagsalita at tumango na lang bilang sagot. Walang salitang namutawi sa aming dalawa hanggang sa sumara na ang elevator.

Nakakabingi ang katahimikan sa oras na 'yon. Pero walang nagtangkang magsalita at hinayaan na lang ang kakulangan ng ingay na bumalot sa aming dalawa.

Pero sa huli ay naalibadbaran na rin ako sa katahimikan at hinarap si Cielo.

"Pag-uusapan ba natin ang nangyari o itatapon na lang natin sa nakaraan?" bigla kong sabi.

Napabuntong-hininga muna si Cielo bago ako hinarap. "I provoked you, and I'm so sorry for doing that. Hindi ko na uulitin 'yon."

Should I be offended?

"Bakit hindi naman mauulit, hindi mo ba nagustuhan 'yong nangyari?" Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa utak ko at humarurot na lang 'yon palabas ng bibig ko.

Hindi na tuloy ako nagtaka noong binigyan ako ng side eye ni Cielo.

"Of course, I liked it!" singhal pa niya. "Which is the reason why we should not talk about it or even bring it up. Hindi na natin kailangan pag-usapan 'yon dahil hindi na 'yon mahalaga. Let's just pretend it was a one night stand with a stranger. And I don't think we should be as close as we used to be."

"Why?" Kahit ngayon ay hindi ako nagpatinag. "Bakit hindi na lang natin sabihin kay Battalion para malinis ang mga konsensya natin? Bakit kailangan pa nating magtago ng ganito? Hindi kita maintindihan."

Natigilan naman ako nang tumawa si Cielo nang mahina. Ginulo niya ang buhok at sinandal ang likod sa dingding ng elevator. "You sound like him," sabi pa niya.

Him?

Gulong-gulo ako na pinanood siyang tila namomroblema. Now, knowing myself lagi kong tatanungin ang isang tao kung okay lang ba siya. Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang ugali ko but Dr. Rhyme told me that it might be me projecting to other people what I didn't get to experience when I was under my father's grasp.

She also told me that it might also be one of the reasons why I am volunteering at the shelter. And I agree. Growing up, walang masyadong taong nagtatanong sa akin kung maayos ba ang kalagayan ko, kung tinatrato ba akong mabuti, o okay lang ba ako? Kaya naman lagi kon mini-make sure na tinatanong ko ang isang mukhang problemadong tao kung maayos lang ba sila para kahit walang tumulong sa akin noon, makatulong naman ako ngayon.

Pero bago pa ako makapagsalita ay mas nauna na si Cielo na buksan ang bibig. "Remember that someone I told you about? The one that I'm in love with?"

Natatakot ako kung saang direksyon darating itong usapan na 'to. "Yeah," I squeaked.

"I still love them."

Oh.

Malamang. Hindi naman kasi talaga madaling mawala ang pagmamahal mo sa isang tao. Kaya normal lang na hindi pa talaga nakaka-move on si Cielo sa taong 'yon. Pero bakit gano'n? Nakakaramdam pa rin ako ng kirot.

Kahit paulit-ulit kong isaksak sa utak ko na hindi naman ako kasing-kahalaga sa ibang tao para kay Cielo dahil hindi pa naman namin lubos na kilala ang isa't-isa pero mas lumalala pa yata ang dagundong ng sakit sa puso ko sa iisiping 'yon. Pigil na pigil ang luha, ngumiti ako at bumaling sa direksyon niya.

"You like them more than me?" I boldly asked even fully knowing the answer.

He didn't answer—verbally, I mean. It was as if something was stuck in his throat that the only answer Cielo could give me was a nod.

"Oh," I exhaled. "Right."

The first time I felt comfortable with a person after years and I'm hearing them saying this. Ano ba namang klaseng buhay 'to? Ginagago ba ako ni tadhana?

Nang tumunog na ang signal ng elevator ay nagmamadali akong lumabas habang pilit na pinipigilang umapaw ang mga luha sa gilid ng aking mga mata at pakiramdaman ang kirot ng pinipiga sa sakit na puso. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top