10.


Gonzalo

Hindi pa rin maalis sa utak ko ang nakita ko noong engagement party nina Sir Battalion at Puri. Kahit anong wisik ko paalis no'n sa utak ko ay tandang-tanda ko pa rin kung paano kumislap ang mga mata ni Puri habang pinapaligaya ni Cielo. At parang kuto ring nais kumapit ang kindat na binigay sa akin ni Cielo noong mahuli niya akong nakatingin sa kaniya.

At kapag nagsasarili naman ako, silang dalawa agad ang naiisip ko. Lalong-lalo na ang pamumula ng mukha ni Puri at ang... kindat ni Cielo.

Tarantado! Manyak amputa!

Matagal ko ng alam na hindi lang nase-sentro sa babae tumitigas ang ari ko. Ako 'yong tao na tinatawag nilang bisexual. Sekswalidad kuno iyon na nagkakagusto sa dalawa o mas marami pang kasarian at gender.

Siyempre, noong una hindi ko agad tanggap na may gusto ako sa lalaki dahil sa natatanggap na bugbog nila kay Mojong pero noong makaalis ako sa poder niya at tinulungan ako ni Sir Battalion, napansin ko na nagkaroon ako ng maliit na pagkagusto kay Sir Battalion. Akala ko nga noon ay pagiging magiyak lang sa pagtulong na binigay niya ang naramdaman ko pero sa tuwing ako ang nagd-drive sa kaniya kapag may date siya nakakaramdam din ako ng kaunting selos.

Hanggang sa nabaling na rin ang pagkagusto ko sa ibang tao. Minsan, aaminin kong medyo napapatulala ako kay Cielo kapag nasa bahay siya, tapos meron naman itong naging fling kong si Abram na nagtagal ng tatlong buwan. At marami pang iba.

Marami-rami na rin ang taong nakasama ko sa kama at naka-fling pero hindi ko pa nararanasang makipag-kasintahan. Magaling naman ako sa kama, maintindihin din, at kayang maglaan ng oras pero walang nagtangkang ayain ako sa mga date na 'yan.

Siguro may mali sa akin o hindi kaya nababasa nila na hindi ako mabuting tao dahil sa mga nagawa ko noon sa poder ni Mojong kaya natatakot silang lapitan ako. Palibhasa, kahit ako rin naman natatakot lapitan ang sarili.

Mahina akong natawa at napailing saka sinuot ang puting polo na bumagay sa kayumanggi kong balat. Day off ko ngayon at plano ko sanang mag-ikot na lang muna sa mall saka bumili ng bagong cologne. Mga tig-thirty pesos lang na juicy cologne syempre.

Palabas na ako ng kwarto nang makarinig ng pagbukas ng pintuan. Hindi ko narinig na lumabas kanina si Sir Battalion kaya hindi siya rito. Agad akong nag posisyon na nakasilip sa may pintuan ko at naghanda sa maaaring magnanakaw.

Ngunit natigilan nang makita na si Puri ang pumasok sa pad na may dalang bagahe at mula sa likuran niya ay si Cielo. Tangina? Paano ko sila haharapin ngayon nito, hindi ko masalubong ang mga tingin ni Cielo gayong alam niyang nakita ko sila.

Tangina, tangina. Mawawalan pa ako ng trabaho nito, eh!

"Gonzalo," tawag pa sa akin ni Sir Battalion.

Napakamot na lang ako ng ulo na lumabas sa kwarto at pinilit ang sariling tumingin lang sa sahig. Dahan-dahan akong naglakad patungo kay Puri at walang tingin kong kinuha sa kaniya ang gamit at nilapag sa sala ng pad.

Panay iwas naman ako ng tingin sa tuwing nahuhuli kong tumitingin sa akin si Cielo. Mula sa peripheral vision ko ay nakikita ko ang minsan niyang pag-ngiti na parang natutuwa siya sa kinikilos ko ngayon. Tangina, mukha yatang masyadong halata na umiiwas ako.

"Okay ka lang ba, Gon?" tanong bigla ni Puri nang mapansin.

Humugot ako nang mabigat na hininga at tumango. Nang matapos na ang paglipat ng gamit ay lumabas na si Sir Battalion sa opisina niya at hinarap kaming tatlo. Napalunok ako nang bigla pumasok ulit sa isip ko ang nangyari.

Dapat ko nga bang sabihin kay sir ang nakita ko o hahayaan ko na lang dahil hindi naman big deal iyon lalo pa na arrangement lang naman ang kasal nila ni Puri?

Binasa ko ang labi ko at tumikhim. "Para saan pala ito, Sir?"

Bumaling sa akin si Sir Battalion. Sumikido naman ang puso ko nang lumitaw ang ngiti mula sa kaniya. "Dito na titira si Cielo."

Huh...?

"Temporarily," dugtong pa ni Cielo.

"Still, you're going to live here." At mukhang tuwang-tuwa naman si Sir Battalion sa sinabi dahil sa maluwag niyang ngiti. "He's going to occupy the room next to you."

"Ah..." puta, tama ba 'tong itatanong ko? "Paano si Ma'am Puri?"

Natigilan bigla si sir ngunit agad ding nakabawi at tumayo ng tuwid. "Sa kwarto ko."

Tangina?

Purificacion

Oookay. Inikot ko ang tingin ko sa buong silid, pinapanood ang mga reaksyon nila kung tama nga ba ang narinig ko. Titira ako dito kasama si Cielo at Battalion, matutulog ako sa kwarto ni Battalion kasama siya samantalang nasa kabilang kwarto lang sina Cielo at Gon?

Unang-una, ayaw sa akin ni Battalion kaya bakit naman siya magp-presenta na matulog kasama ako sa iisang kwarto. Pangalawa, kinakain pa rin ako ng konsensya sa nangyari sa aming dalawa ni Cielo.

Masarap ba ang nangyari? Malamang. Gusto ko bang maulit? Syempre. Handa ba akong makita ang disappointment sa mukha nila Mommy kapag nalaman nila ang ginawa ko? Hindi pa. At nanginginig din ang kalamnan ko sa iisipin kung ano ang magiging reaksyon ni Battalion sa nangyari.

Sure, hindi niya ako gusto pero kaibigan niya ako si Cielo at baka isipin niyang nag-traydor sa kaniya si Cielo. Hindi ko gustong maging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan nila lalo pa na wala ng ibang karamay si Cielo ngayon. Lalong-lalo na ngayon sa kinakaharap niyang problema.

"Seryoso ka ba?" tanong bigla ni Cielo na humila sa akin palayo sa malalim kong pag-iisip. "I mean, wala ka bang ibang guest room dito na p'wede kong tulugan para hindi kayo mahirapang dalawa na matulog sa iisang kwarto?"

Pilit akong ngumiti kahit na gusto kong sigawan si Cielo na masyado siyang halata. I mean, ano na lang pala ang iisipin ni Battalion na dahilan kung bakit ayaw niyang magtabi kami sa iisang higaan. Masyado siyang defensive at baka bigyan niya pa ng ideya si Battalion sa nangyari noong gabing 'yon.

Hindi naman agad sumagot si Battalion. Kinain ng katahimikan ang buong kwarto at awkward kaming nakatayong lahat doon. "Mag-asawa na kami, hindi naman siguro masamang magkatabi ka sa iisang kama?"

Bumalik ang tingin ko kay Cielo na nakatitig pa rin kay Battalion. Bilog ang mga kamao sa magkabilang gilid, tila pinipigilan ang nararamdaman sa oras na 'yon. Kahit ako rin, nararamdaman kong nag-iinit ang ulo ko sa iisipin kung ano ang tinatago ni Battalion sa likod ng kaniyang ngisi.

"Naging storage room na 'yong isa kong guest room kaya hindi na magagamit," paliwanag pa niya.

Tanga lang ang maniniwala roon. May balak ang lalaking ito at kahit hindi ko man alam, ramdam kong may pinaplano siyang hindi maganda.

"Lilinisin ko na lang at doon ako mags-stay," presenta ni Cielo.

Nangunot ng noo ni Battalion. "Hindi pwede."

"Paano kung lumipat na lang po ako ng bahay?" ani naman ni Gon.

Umiling lang si Battalion. "That's not an option, nangako ako sa 'yong tutulungan kita at kapag malapit ka sa akin, mas mamo-monitor kita."

"Eh, paano kung hindi na lang ako lumipat dito?"

Tumahimik ang mga lalaki sa sinuggest ko. Sabay-sabay silang umiling na akala mo ay maling-mali ang binigay kong suhestyon.

Nagkibit-balikat si Gon. "Kapag naging asawa mo na si Sir Battalion, kailangan mo ng bente-kwatrong security at mangyayari lang 'yon kapag nandito ka nakatira sa pad."

Tumango si Cielo bilang pagsang-ayon. "Hindi mangyayari 'yan. Lalo na kung dahil lang sa akin ang dahilan kung bakit hindi ka rito mags-stay."

Hindi naman nakigatong si Battalion sa dahilan ng pag-iling niya kaya nang bumaling ang mga mata namin sa direksyon niya ay napasimangot siya bigla at nag-iwas ng tingin. "Well, media. Masama sa mata ng media ang mag-asawa na hindi magkasama sa iisang bahay."

Are they all planning to trap me here? I cursed under my breath.

"So, what? Kung kailangang dito nga kaming lahat mags-stay, ano na talaga ang magiging arrangement?" tanong ko na lang dahil alam kong hindi ko kayang makipag-away sa kanila tungkol dito.

Lalo na hindi ko kayang tumira kila Mommy kapag kasal na ako. Sobrang nakakahiya 'yon, hindi ko na nga tinapos ang kolehiyo, wala pa akong trabaho tapos doon pa ako titira kahit may asawa na? Ang kapal naman ng mukha ko.

"I already told you, magkasama tayo sa iisang kwarto," sabi ulit ni Battalion.

Hindi ko siya pinansin at binalingan si Cielo. "Papayag ka talaga doon?"

Matagal bago ako nakatanggap ng sagot sa kaniya. Ngunit isang tango niya lang ay alam kong talo na ako.

Inis akong lumapit kay Battalion. "Akala ko ba ayaw mo sa akin? Bakit gusto mong magsama tayo sa iisang kwarto?"

He shrugged. "It is what it is."

"What do you mean by that?"

"Pakakasalan mo ako, 'di ba? Then you have to live with the consequences of living with me. I'm a control freak, Ms. Tejano, kahit gaano pa katigas ang ulo mo ay hahanap at hahanap pa rin ako ng paraan para mapasunod ka. That's just me and you're going to be marrying that kind of man, so deal with it."

Matapos niyon ay tinalikuran niya ako at pabagsak na sinara ang pintuan ng opisina niya saka nag-lock. Samantalang naiwan naman ako na laglag ang panga sa sahig na tiningnan ang dalawang lalaki sa likod ko.

"Ganyan ba talaga 'yan?" puno ng inis kong tanong.

Isang mahinang tawa lang ang natanggap ko kay Cielo at kibit-balikat naman ang sagot ni Gonzalo. Irita naman akong impit na napatili at binagsak ang dala kong gamit ni Cielo sa sahig bago nagmamadaling lumabas ng pad ng gagong Battalion na 'yon.

Nakakairita!

Cielo

Naiwan kaming dalawa ni Gonzalo na nakatayo lang sa sala ng pad ni Tal. I smirked, remembering the last time we saw each other. Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon niya at pinanood kung paano siyang nag-iwas ng tingin.

He's pretending to not remember what happened but I knew he was there. I knew he watched me with Puri and I also knew that he liked it.

"Kumusta?" bati ko. "Hindi kita masyadong nakita sa engagement party ni Tal, ah."

Gonzalo cleared his throat. "Oo nga, nandoon ako sa open bar nagpalipas ng oras pero wala naman akong alkohol na ininom. Hindi ko kasi masyadong kakilala ang mga tao roon eh."

Tumango ako. Hindi ko na alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang usapan hanggang sa madala ito sa nangyari noong gabing 'yon o pabayaan na lang. Hindi naman ako nabastusan sa ginawa niya, in fact, I actually find it hot. Knowing that someone's watching us, watching me pleasure Puri made my dick harder. Knowing that it was Tal's bodyguard who I knew had hots for him, made it the hardest.

I am not the kind of person to speculate one's sexuality but seeing how Gonzalo looks at Tal sometimes made me think that he's not so straight. Of course, sino nga ba naman ang hindi mahuhulog ang panga sa charm na dala ni Tal.

"Hindi naman ako magsusumbong, Cielo."

Natigilan ako sa narinig. Hindi ko inaasahang babanggitin niya ang nangyari noong gabing 'yon. Akala ko masyado siyang nahihiya para pag-usapan, but I thought wrong.

"Bakit naman hindi? You saw us making out behind Tal's back and you're too loyal to him to not tell this certain thing to him," pansin ko.

"Trabahador lang ako ni Sir Battalion, driver lang. Hindi ako dapat naghihimasok sa personal na buhay niya, lalo na't buhay asawa. Siguro sa ngayon, hindi ko pa sasabihin sa kaniya pero kung makikita kong nakakaapekto na sa kaniya 'tong ginagawa niyo, maasahan mo na kung ano'ng gagawin ko."

Pinanliitan ko siya ng mata. Mukha naman siyang sinsero sa mga sinasabi niya pero parang may tinatago rin siyang ibang dahilan kung bakit hindi niya gustong sabihin kay Tal kaagad ang nasaksihan.

But I did not let myself dwell on it for so long. I extended my arm and offered him a handshake. "Fine, pero masasabi kong hindi mangyayari 'yon ulit." Wala namang salitang tinanggap niya ang palad ko at inalog.

"Tulungan na lang kita rito sa paglalagay ng gamit mo sa kwarto," offer naman ni Gonzalo matapos. Tango lang ang sinagot ko at kinuha ang camera bag ko at maleta saka sinundan si Gonzalo papasok ng kwarto.

Ngunit hindi pa kami nakakapasok ng kwarto ay tumunog ang entrance ng pad at iniluwal no'n si Puri. Nayayamot ang ekspresyon sa mukha at halos kambal-tukong magkadikit ang makapal niyang kilay.

"Nakalimutan kong dalhin ang sasakyan ko, kailangan kong magpahatid." Nakapang-krus ang mga braso niyang anunsyo sa amin. Magsasalita na sana ako nang biglang umayos ng tayo si Gonzalo at lumapit sa kaniya.

"Ako na lang ang maghahatid sa 'yo."

Is it just me or he sounded too eager to chauffer her?

Agad namang ngumiti si Puri at hinila sa isang mahigpit na yakap si Gonzalo. Mas lalo ko silang pinanliitan ng mata. "Thank you, hulog ka ng langit!" Bibitaw na sana siya nang matigilan saglit si Puri. "Juicy cologne ba 'to?"

Napapahiya namang nag-iwas ng tingin si Gonzalo. Mas lalo tuloy lumalim ang iniisip ko. They're close, too close. Naalala ko rin noong magkasama silang dalawa sa open bar na malalapad ang mga ngiting nakatingin sa isa't-isa.

Is she playing us? The three of us or rather she's playing with Battalion using the two people that are close to him.

No, imposible. How could I think of her like that? But come to think of it, for someone who hates Battalion she's a bit too close to the people who've been around him. I mean, I made out with him and right now she's giggling with Gonzalo while talking about the cologne he used. Hindi naman sa minamasama ko si Puri, I liked her, of course. I just find it weird that we're all suddenly close with her.

Then it hit me, ang tinatagong rason ni Gonzalo kung bakit ayaw niyang ipaalam kay Battalion ang nakita. Is it because of... her? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top