Chapter 9.

Nalibot ko na ang buong mansyon pero wala pa rin akong makita na kahit sino. Mukhang ako lang ata ang mag-isa ngayon dito.

Saan naman kaya sila pumunta? Bakit naman nila ako iniwanang mag-isa rito nang wala man lang pasabi? Sana ginising man lang nila ako kung aalis pala sila.

"Hail Mary, Full of Grace, The Lord is with thee. Blessed art thou among women..."

Paulit-ulit kong binuksan at isinara ang pinto ng refrigerator habang nagsasaulo ako. Bukas dito, sara doon. Bukas ulit dito, sara ulit doon. Ang dami-dami namang pagkain sa loob ng ref pero wala pa rin akong mapili na pwede kong kainin.

Dumiretso na lang agad ako sa kusina pagkatapos kong maglibot kanina dahil wala rin naman akong makitang tao sa buong mansyon. Pinagod ko lang ang sarili ko na maghanap sa mga taong wala naman dito ngayon. Tsaka nagugutom na talaga ako at na-drain pa lalo ang energy ko sa paghahanap at paglilibot sa buong mansyon.

"Saan na nga ba ako ulit natapos? A, naalala ko na. Blessed art thou among women, and blessed is the fruit of thy womb, Jesus- putangina!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat. Tangina lang talaga. Kung hindi man ako patayin ni Grynn, baka heart attack naman ang ikamatay ko.

Ano ba ang trip ng mga tao rito? Bakit ba ang hilig nilang manggulat at sumulpot na lang bigla galing sa kung saan?

Tsaka sino naman 'tong lalaking 'to? Bigla na lang siyang sumulpot sa likod ng pinto ng ref pagkasara ko nito.

"Sorry. I didn't mean to scare you." The guy said while he was smirking. Scare? Kill kamo. Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa kanya. Tsaka ang yabang naman nitong lalaking 'to. Nagawa niya pa talagang ngumisi.

Kairita talaga siya. Ni walang katao-tao sa paligid kanina kaya sinong hindi magugulat sa kanya? Tapos may gana pa talaga siyang ngumisi? Ang yabang. Ang yabang niya talaga, nakakairita siya.

"Ikaw siguro si Naya? Hindi ka naman pala kagandahan e." Pahabol niya.

Aba, ang yabang talaga ng lalaking 'to, a. Makapanlait siya, akala mo kung sino siyang gwapo.

Well, aaminin ko, gwapo naman talaga siya at matangkad pa. Matangos ang ilong niya at medyo singkit pa ang mga mata niya. But it doesn't mean na pwede niya na akong laitin porket gwapo siya.

Pero, teka, bakit parang pamilyar ata siya sa akin? Nagkita na ba kami dati? O nakita ko lang siya sa kung saan? Hindi ko maalala pero parang may something sa lalaking 'to na hindi ko mahinuha kung ano.

"E ano naman ngayon sa'yo kung hindi naman ako kagandahan? Hinihingi ko ba ang opinyon mo? Tsaka ikaw, sino ka ba? Sino ka para laitin ako ha?" Pagtataray ko sa kanya.

Naku, kuya, nanggigigil ako sa'yo. Ngayon pa lang tayo nagkita pero ang lakas mo na agad manlait.

"I'm Damon Grey Adams, Grynn's cousin." Pagpapakilala niya sa akin.

Ayuuun. Kaya naman pala e. Kaya naman pala the-moon-new din ang isang 'to dahil magpinsan pala silang dalawa ni Grynn Reaper. Now I know, it's nice to know.

Tsaka kaya pala parang pamilyar siya sa akin dahil medyo magkahawig din sila ni Grynn. No doubt, magpinsan nga silang dalawa. Pareho na ang hilatsa ng pagmumukha, pareho pang the-moon-new ang pag-uugali.

Inirapan ko siya at bumulong. "Damon nga, Damon-yo. Magsama kayo ng pinsan mong kampon din ni Satanas."

"May sinasabi ka ba?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

Tinignan ko lang siya ng masama. Tingin mo ba sasabihin ko sa'yo 'yung binubulong-bulong ko? Syempre hindi, 'no. Ano ako, tanga?

"Damon, nandito ka lang pala-" Biglang napatingin sa akin si Grynn na dire-diretsong pumasok ng kusina. "Buti naman at gising ka na. I-cheer mo kami sa basketball court para naman may magawa kang matino sa buhay mo."

"Huh?" I was dumbfounded. Nag-iinit ang ulo ko sa magpinsan na 'to. 'Yung kagigising ko lang at nagugutom ako tapos ganitong mga tao pa ang makakausap ko?

Walang sabi-sabi na lumabas ng kusina si Grynn. Sumunod din naman agad sa kanya 'yung pinsan niyang Damon-yo rin.

Bahala sila sa mga buhay nila. Kumuha muna ako ng mga chichirya sa pantry bago ako sumunod sa kanilang dalawa palabas ng kusina.

Lumiko sila palabas ng entrance door pero lumiko ako papunta sa hagdan. Bahala sila dyan kung saan man sila pupunta pero hindi ako sasama sa kanila. Doon na lang ako tatambay sa kwarto ko.

"Hey, where do you think you're going?" Sigaw sa akin ni Reaper kaya napatigil ako sa pag-akyat ko ng hagdan. "Bumaba ka rito. Sasama ka sa akin sa ayaw mo at sa ayaw mo."

Sabi ko nga wala akong choice e.

Napilitan na akong bumaba ng hagdan at sumunod sa kanilang dalawa.

"Makakarma ka ring lalaki ka, kayo ng pinsan mo." Bulong ko habang nakatitig ng masama sa mga likod nila. Nauuna lang kasi sila sa akin na maglakad ng ilang metro.

Nakarating kami sa basketball court sa likod-bahay. Kaya naman pala wala akong makitang tao sa mansyon kanina ay dahil nandito silang lahat sa court.

Anong meron? Bakit nandito silang lahat? Parang NBA at PBA lang ang dating, a.

"Naya!" Lumingon ako kay Athena na kumakaway sa akin. "Dito ka na umupo sa tabi namin!"

Hindi na ako nagpaalam doon sa dalawang magpinsan. Nag-iinit ang ulo ko sa kanila kaya iniwan ko na lang sila nang basta-basta na lang at pumunta sa pwesto nila Athena.

"Ano naman ang gagawin ko rito?" Nagtatakang tanong ko kay Athena. Binigyan niya kasi ako ng pompoms pagkaupo ko sa tabi niya.

"Duhh! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa pompoms? Syempre mag-chicheer tayo sa Black Moon!"

Tinaasan ko lang siya ng isang kilay. "Bakit naman ako mag-chicheer sa Black Moon, e hindi ninyo naman ako ka-member?"

"E 'di mag-cheer ka as friend ni Boss. Magkababata naman kayo 'di ba? Alam mo ewan ko sa'yo, ang dami mong tanong. Mag-cheer ka na lang dyan, okay? O, ayan na, nagsisimula na sila." Tumayo si Athena para mag-cheer at iwinagayway pa sa ere ang pompoms na hawak niya. "Go, Lei!"

Halos mapaos na siya sa pag-cheer niya kay Blaize, e jump ball pa lang naman. Pero infairness, ang taas tumalon ni Blaize kaya nakuha ng Black Moon ang bola.

"Hoy, Athena!" Pagtawag atensyon ko sa kanya dahil masyado na siyang nilamon ng sistema niya sa panonood niya ng basketball.

Tumigil naman siya sa pag-cheer niya at umupo ulit sa tabi ko. "Bakit?"

"Sino ba 'yung kalaban nila?"

"Sila 'yung Phoenix na pinag-uusapan namin kanina."

Tumango-tango lang ako sa kanya at inalala ko ang mga nangyari kanina. Bakit nga ba hindi ko agad napagtanto na sila 'yung Phoenix?

Normal lang akong nanonood ng laro nila. Wala akong pake kung sino man ang manalo o kung sino man ang matalo sa kanila.

"Yes!!" Sabay-sabay na sigaw nina Athena, Leana, at Stella nang makuha ng Black Moon ang first score. Kuntodo cheer naman sila. Bahala silang mapaos dyan. Basta ako ay chill lang ako rito.

Binuksan ko ang isang chichirya na dala ko at nagsimulang kainin ito habang ang iba ay abala sa pag-chicheer nila.

Nasa Black Moon ngayon ang momentum ng laro dahil ginalingan masyado ni Jax ang pag-shoot niya kanina ng three points kaya nakuha nila ang first score.

Kasisimula pa lang ng laro nila pero nakikita ko na na magaling magdala ng laro si Nix. Sa kanila kasing lima, siya ang pinakamaliit kaya siya ang point guard. Sa tantya ko, siya lang ang nasa 5 feet ang height kumpara doon sa apat na boys. Siguro mga 5'8" or 5'7" ang height niya.

"Ang galing mo talaga, Jax!" First half pa lang ng laro pero palaban na agad ang boses ni Athena.

Goodluck na lang sa'yo mamaya, girl. Ewan ko na lang kung hindi ka mapaos niyan mamaya pagkatapos nitong laro nila.

And yes, another three-point shot from Jax. Dahil yayabangin si Grynn Reaper kaya inexpect ko na siya ang shooting guard ng Black Moon. Pero mali ako dahil kay Jax pala na trabaho 'yun at hindi kay Grynn.

Si Nix ang point guard nila dahil obvious naman na siya ang pinakamaliit sa kanilang lima.

Si Jax ang shooting guard kaya masyado niyang ginagalingan sa pag-shoshoot niya ng bola sa ring.

Si Uno naman ang nasa center position at siya rin ang bahala sa rebounds. Sabi nga ni Hanamichi, 'who controls the rebound, controls the game.' Kaya sa kanya nakasalalay ang lahat.

Si Grynn naman ang power forward, samantalang si Blaize naman ang small forward. Supporters sila ni Jax sa pag-shoshoot ng bola sa ring. And so far, so good, hindi pa naman sumasablay ang mga shoot nila. Kaya lamang sila ng 16 points sa Phoenix.

Actually, nagkaroon lang talaga ako ng idea sa line-up positions ng basketball dahil sa Slam Dunk. Kung mababasa ninyo ng buo ang manga ng Slam Dunk, magkakaroon din kayo ng idea kahit papaano. And no doubt na si Sakuragi Hanamichi ang bida. The best sports manga and anime.

"Kalma ka nga lang, Athena." Naririndi na kasi ako sa kanya. Kulang na lang ay maglupasay siya kapag si Blaize ang may hawak ng bola. "Kung makapag-cheer ka kay Blaize ay akala mo namang jowa ka niya."

Umupo siya sa tabi ko. Tinignan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Sinasabi mo lang ba 'yan sa akin dahil hindi mo lang talaga alam? O sadyang manhid ka lang?"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Bakit naman ako naging manhid, aber?"

"So sinabi mo 'yun sa akin dahil hindi mo talaga alam?"

"Ang alin ang hindi ko alam?" Naguguluhan na ako sa babaeng 'to. Ang dami niyang pasakalye.

"Wow, Naya, ibang klase ka talaga! Unang tingin pa lang ng iba ay halata at pansin na nila na mag-jowa kami ni Blaize. Ikaw lang ang bukod-tanging hindi nakapansin agad." Natatawa niyang reaksyon.

E 'di siya na ang may jowa at ako na 'yung single. Kasi naman ay napakatagal dumating noong jowa ko e. Baka sa EDSA pa dumaan 'yun kaya na-trapik pa. Tanga-tanga.

"Mag-jowa pala kayo, ngayon ko lang nalaman. E si Leana at Uno, magkaano-ano?"

She had this are-you-fucking-serious-you-really-don't-know look on her face.

"What's with that face of yours? I swear, I really don't know."

"Mag-asawa silang dalawa." Seryosong sabi niya pero hindi ako makapaniwala kaya tumingin ako kay Leana na nakikinig din pala ng usapan namin ni Athena.

Tumango si Leana bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Athena at ipinakita sa akin ang wedding ring nila. "Uno is my husband. Limang taon na kaming kasal."

Itinuro ko si Athena, "Jowa mo si Blaize," itinuro ko naman si Leana, "Ikaw, asawa mo naman si Kuya Uno," tapos itinuro ko naman si Stella, "Ibig sabihin si Stella..."

"Hindi. Hindi niya pa jowa si Nix." Pagputol sa akin ni Athena. Diniinan niya talaga ang pagbigkas sa 'pa' na para bang magiging mag-jowa talaga si Stella at Nix.

"Ate Ena!" Naiinis na sigaw ni Stella. "Anong 'hindi pa' ka dyan? Walang 'pa' dahil hindi pwede!"

Bakit naman kaya hindi pwede? Ano namang masama kung maging jowa niya si Nix?

Ako nga walang jowa e.

"Ang arte mo, Stella! Kunwari ka pa, e gusto mo rin naman si Nix!" Naiirita namang sagot ni Athena.

"Ate Ena naman e!"

"Bakit nagagalit ka, e totoo naman 'di ba? May gusto ka naman talaga kay Nix e. Ikaw lang naman 'to ang in-denial dyan."

Mapapabuntong-hininga ka na lang talaga sa dalawang babaeng 'to na ayaw magpaawat sa isa't isa.

"Tama na nga 'yan. Manood na lang ulit tayo ng laro nila." Sita sa kanila ni Leana.

Agad namang tumahimik 'yung dalawa at nanood ulit kami ng laro ng Black Moon at Phoenix, pero isang nakakabinging pagpito ng referee ang nagpatigil sa aming lahat.

"Boss!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top