Chapter 7.

Ilang minuto na akong nakatanga lang dito sa labas ng kusina, nag-aalangan kung babalik pa ba ako sa loob o uuwi na lang.

Pustahan, galit na galit na sa akin ngayon si Grynn Reaper. At nandito pa ako sa teritoryo niya so he can do whatever he wants to me. Baka hindi na ako makalabas dito ng buhay. Mukhang nakatakda na talaga ata na mamatay akong virgin.

Lord, kahit siya lang po ang matikman ko, okay na po ako. Solve na solve na po ako, promise.

"Hi! You must be Naya, right?" Napatingin ako doon sa babae na bumati sa akin. Ang ganda niya at ang puti niya pa. Bilugan ang mga mata niya at may manipis siyang labi. "I'm Leana. Leana Arcega... Ocampo."

Inabot niya sa akin ang kanang kamay niya kaya nakipag-shakehands naman ako sa kanya. Grabe, pati ang kamay niya, malambot din. Nahiya naman ang kamay ko na namamawis pa ata.

"Anong ginagawa mo rito sa labas?" Sabi naman noong isa pang babae na... wow, nag-abala pa siyang magsuot ng damit, e sobrang revealing naman. Naka-short shorts siya at sexy tank top. Sana naghubad na lang siya, ano? Charot.

Kainis. Sana all sexy. Hindi man lang ako biniyayaan ng ganyang kaganda at sexy na katawan. But anyway, kuntento naman na ako sa kung anong meron ako. At least, hindi ako sobrang taba o sobrang payat. Katamtaman lang na pangangatawan para sa height kong hindi rin naman katangkaran.

"Ow, sorry. I'm Athena Imperial." Pagpapatuloy niya at nakipag-shakehands din ako sa kanya. Infairness, tugma ang pangalan niya sa angking ganda at sexy niya.

"Hi sa inyo. Ako naman si Naya Oda." Pakilala ko sa kanilang dalawa.

Medyo nakaka-ilang. Maliban kay Stella, meron din palang iba pang babae na myembro ang Black Moon.

"Tara, pasok na tayo sa loob?" Hinawakan ni Leana ang kamay ko upang isama ako papasok sa kusina ngunit pinigilan ko siya.

"Wait, sandali lang, ano kasi, gusto ko na kasing umuwi e." Nag-aalangan kong sabi dahil hindi ko alam ang idadahilan ko sa kanya.

Gusto ko na talagang umuwi. Uuwi na ako para maiwasan ko si Reaper. Nakakatakot kaya siya. Hindi bale na kung paano ako makakauwi basta uuwi na ako ngayon.

"Uuwi ka na agad? Pero kararating mo lang 'di ba?" Tanong naman ni Athena sa akin.

Oo, girl, uuwi na talaga ako kaysa naman mapatay pa ako ni Grynn ngayon. Pag-jowain niya muna ako bago niya ako patayin.

Sasagot na sana ako ngunit biglang may nagbukas ng pinto ng kusina at iniluwa nito si Uno.

"Hi, babe." Bati niya kay Leana na may kasama pang kiss sa labi.

Muntik na akong mapangiwi. Eew. Dito ninyo pa talaga nagawang mag-kiss sa harap ko, 'no? Nakakainggit, I mean, nakakadiri kayo. Mga PDA.

"Babe, gusto na raw umuwi ni Naya. Pwede mo kaya siyang ihatid sa kanila?"

"Sorry, babe, but I can't answer that dahil may lakad kami mamaya." Bumaling sa akin si Uno. "May nangyari ba? Kanina ka pa niya hinihintay sa loob. Pinapasundo ka na nga niya sa akin ngayon e."

"Kuya Uno, balik ka na doon sa loob. Kami na ang bahala sa kanya." Singit ni Athena. Pumayag naman si Uno kaya pumasok na ito sa kusina.

"May nangyari ba sa inyo ni Boss? Bakit parang iniiwasan mo ata siya?" Concerned na tanong ni Leana sa akin.

"Nangyari like what?" Pagmamaang-maangan ko.

Hello? Masyado pang maaga para isuko ko kay Grynn Reaper ang Bataan.

Wait a minute, kapeng mainit! Bakit ko naman isusuko 'yun sa kanya, aber? Ni wala nga kaming label e!

"Huy, girl, ikaw ha, bakit parang iba ata 'yang iniisip mo sa tanong ni Ate Leana?" Mapang-asar na tanong ni Athena sa akin.

"Ha? Hindi, ano kasi..." Ayoko lang mamatay ng virgin. Sana bago ako patayin ni Grynn, e patayin niya muna ako sa sarap.

Pero ayun na nga po, wala na akong nagawa kung hindi ang sabihin sa kanila ang totoo. Kinuwento ko ang nangyari kanina at kung paano ko nagalit si Grynn.

"I think he's not mad at you." Panimula ni Athena pagkatapos kong ikwento sa kanila ang nangyari sa amin ni Grynn kanina. "I think he just can't find the right words to explain himself. I mean, maybe because he's afraid you wouldn't understand him."

"Athena's right." Segunda naman ni Leana. "Hindi naman sa sinasabi ko na tama ang pagpatay nila o deserve mamatay noong kaaway nila since masama silang tao, pero it's their only way to survive. Our world is different from yours, Naya. Dangerous, chaos, death — those are the words you could describe it. It's survival of the fittest. If you cannot pull the trigger, you're dead. If you cannot fight back with your bare fist, you're dead. Ikaw ang mamamatay kung hindi mo kayang pumatay. That's our sad reality."

There's a hint of sadness in her eyes. Speechless ako sa sinabi niya. Hindi naman sa hindi ko sila naiintindihan pero bakit kailangan pa nilang ma-involve sa ganitong klaseng trabaho?

"Hanggang kailan ninyo balak manatili rito sa labas?"

"Ay, pusang kalabaw!" Sapo-sapo ko ang dibdib ko dahil sa sobrang gulat.

Teka, kailan pa siya dyan? Ngayon lang ba o kanina pa? Narinig niya kaya ang pinag-uusapan namin?

"Pasok na kami sa loob." Bulong ni Athena sa akin at pumasok na silang dalawa ni Leana sa kusina. Mga traydor kayo! Bakit ninyo ako iniwang mag-isa rito?!

Hindi ako makatingin nang diretso kay Grynn. Natatakot pa rin kasi ako sa kanya at baka narinig niya rin kami kanina.

He cleared his throat. Nakatayo lang siya sa may pinto ng kusina at nakapamulsa na naman ang mga kamay niya. "Sabi ni Uno, gusto mo na raw umuwi?"

"A, e, oo sana... kung pwede..."

"Can't you..." He paused. "Why are you stuttering? Can't you just talk properly? I'm not gonna eat you alive."

Hindi raw, e 'yung aura niya pa lang, para niya na akong kakainin ng buhay.

"Ano, nakain mo na ba 'yang dila mo ha?" Naiinip niyang tanong.

"E kasi naman..." Iiripan ko sana siya pero hindi ito ang tamang oras para magmaldita ako. Baka dukutin niya na talaga ang mga mata ko. Ayoko pang mabulag at mawalan ng mata.

"'Yang tinginan mong 'yan, iirapan mo ba ako?"

Paano niya naman kaya nasabi na iirapan ko nga siya?

"Hindi, 'no! Bakit ko naman 'yun gagawin sa'yo? Anyway, pwede na ba akong umuwi? Baka magalit sila Mama kapag nalaman nilang nandito ako." Pag-iiba ko ng topic.

Charot lang 'yun syempre. Baka nga matuwa pa ang mga 'yun kapag nalaman nilang nagkita na ulit kami ni Grynn.

"Hindi pwede. May lakad kami mamaya kaya hindi kita maihahatid sa inyo. Dito ka na lang muna mag-stay ngayong gabi, then I will drive you home tomorrow. Besides, hindi pa ba kayo nagkakausap ni Tita Janine?"

"Ni Mama? Hindi pa, bakit? Anong meron?" Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. I can't even remember when was the last time I talked to her.

"She asked me if I could let you stay here with me. Anyway, just ask her."

Idinial ko ang number ni Mama upang tanungin siya, since ayaw sabihin sa akin noong isang lalaki dito na ubod ng sungit pero gwapo naman.

[Moshi moshi, Naya-chan?] Masayang bati niya sa akin sa kabilang linya.
(Moshi moshi, Naya-chan? — Hello, Naya?)

"Nee, okaasan..." Medyo lumayo-layo ako kay Grynn upang hindi niya kami marinig. "Kailan pa kayo nagkakausap ni Grynn?"
(Nee, okaasan... — Hey, mom...)

[Matagal-tagal na rin. Bakit?]

"Kailan 'yung huling beses? Tsaka ano 'yung sinasabi niya na you asked him daw if he could let me stay here with him?" Halos pabulong kong tanong.

[Yes, I asked him to visit you sa bahay since wala kami dyan sa Pilipinas. Baka mamaya, kung ano nang nangyayari sa'yo dyan e. It turned out na may lalaking umaali-aligid dyan sa bahay natin kaya nakiusap ako sa kanya na ampunin ka muna pansamantala habang wala kami. Tsaka anong 'here?' Bakit, nasaan ka ba ngayon?]

Sino naman kayang lalaki 'yun? Wait lang, ayun ba 'yung lalaking binugbog ni Reaper kahapon?

"I'll call you later. Bye." Ibinaba ko na ang tawag at hinarap ko ulit si Grynn. "Sino 'yung lalaki kahapon na nabanggit ni Mama? Ayun ba 'yung binugbog mo?"

"'Wag mo nang alamin. Naasikaso na 'yan ni Lei."

Hay nako, ito na naman po kami. Bakit ba kasi ayaw niya na lang sabihin sa akin?

"Sino nga?" Naiinis kong tanong. Medyo naiirita na naman ako sa kanya.

"Stalker mo. Okay na? Ayoko sanang sabihin sa'yo dahil baka lumaki 'yang ulo mo." Itinuro niya pa talaga ang ulo ko.

"Stalker? Bakit naman ako magkaka-stalker? Hindi naman ako kagandahan."

"Kahit ako sa sarili ko, hindi ko rin alam ang sagot, kaya 'wag mo akong tanungin. Stalker, my ass. Tss. Ang pangit-pangit mo kaya. May problema siguro sa mata ang lalaking 'yun."

Hindi talaga kumpleto ang pag-uusap namin nang hindi niya ako nilalait, ano?

"Bwisit. Makapag-saulo na nga ng Hail Mary. Baka makapatay na talaga ako ng tao rito." Bulong ko habang nakatingin sa kanya ng masama.

Kumunot naman ang noo niya. "Ano 'yang binubulong-bulong mo dyan?"

"Wala! Tabi nga dyan!" Hinawi ko siya ng malakas paalis sa may pinto ng kusina. "Paharang-harang kasi e!"

Pagkapasok ko, isinara ko ng padabog ang pinto. Punyemas siya! Porket gwapo at macho siya, lalait-laitin niya na ako? Aba, hindi naman ata tama 'yun!

Pantay-pantay lang kami na nilikha ng Diyos kaya wala siyang karapatan na lait-laitin ako. Malapit na talaga siyang makatikim sa akin e. Konti na lang talaga.

Tumabi ako kay Nix. Pumasok din naman agad si Reaper at tumabi siya sa kabilang side ko.

"Pagkatapos ninyong kumain, i-ready ninyo na ang lahat ng mga dadalhin natin." Sabi niya kina Jax, Nix, Blaize at Uno.

"Roger that, Boss." Sagot ni Jax habang kumakain ng meryenda na inihanda ni Stella.

"Huy..." Kinalabit ko si Nix sa braso niya at bumulong lang. O, 'di ba, feeling close din ako sa kanya? "Saan ba kayo pupunta?"

"Secret. Si Boss na lang ang tanungin mo." Bulong niya lang din sa akin.

"Hindi niya ako sasagutin, kahit na tanungin ko pa siya dyan ng ilang bilyong beses." Bulong ko ulit sa kanya. "Baka patay na ako sa katatanong ko sa kanya pero hindi niya pa rin ako sinasagot."

"Hindi ko rin pwedeng sabihin e. It's confidential." He winked at me. Hay nako, mukhang wala rin akong mapipigang sagot dito kay Nix. Masyado siyang loyal sa boss niyang kampon ni Kamatayan.

"Ano naman 'yang binubulong-bulong mo dyan kay Nix?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Grynn sa akin.

"Wala ka na doon, epalogs. Napaka tsismoso mo."

Bumaling siya sa akin at tinignan ako ng matalim. "Anong sabi mo? Ako? Tsismoso?"

"Oo, ang tsismoso mo tapos ang epal mo rin. Nakikisali ka sa usapan nang may usapan."

"Tss. Bahala ka nga dyan. Let's go." Tumayo siya agad at dire-diretsong lumabas ng kusina. Nagsunuran din naman agad sa kanya 'yung apat na boys.

Sinundan ko sila ng tingin na lumalabas ng kusina isa-isa. Sana naman ay hindi delikado ang gagawin nila at pupuntahan nila.

Mga ilang minuto rin akong nakatingin lang sa pinto ng kusina and still wondering kung saan ba sila pupunta at kung bakit ayaw sabihin ni Grynn sa akin. Ano ba ang itinatago niya? May sikreto ba siya na hindi ko dapat malaman?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top