Chapter 24.
Grynn's POV
April, 2010
Adams Mansion
"Grynn!" Tumatakbo si Naya papalapit sa akin habang may hawak-hawak siyang bulaklak. She really has a beautiful angelic face. 'Wag nga lang talaga siyang magsasalita.
"You're so loud and noisy." Sabi ko sa kanya pagkalapit niya sa akin. "No need to shout, okay? I'm not deaf."
Inirapan niya ako. "Ang arte mo. Tsaka hindi bagay sa'yo ang mag-inarte. Para kang bakla."
"Parang lang pero hindi naman talaga ako bakla."
"Weh, 'di nga? Ni wala ka ngang crush e." Pang-aasar niya sa akin.
"Meron kaya." Ikaw.
"Talaga meron? Sino naman? Kilala ko ba?" Namimilog pa ang mga mata niya sa sobrang pagka-curious niya.
"Bakit ko naman sasabihin sa'yo kung sino ang crush ko? Ni ayaw mo ngang sabihin sa akin kung sino rin ang crush mo e."
Inirapan niya na naman ako. "Nagbago na ang isip ko, hindi ko na pala siya crush."
"Bakit? Sino ba 'yun?" Mas gwapo ba 'yun sa akin? Mas matalino? Mas mayaman?
"Hindi ko sasabihin sa'yo."
"O, e bakit naman hindi mo na siya crush?"
"Kasi may iba siyang crush."
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Para kaming mga tanga sa pinag-uusapan namin. Aral muna dapat bago lumandi kay crush.
"'Wag na nga natin 'yang pag-usapan. Tignan mo na lang 'tong dala ko ngayon." Pinakita niya sa akin 'yung mga bulaklak na hawak niya. "Namitas ako ng mga carnation sa garden ninyo."
"Na naman? Lagi ka na lang namimitas niyan tuwing pumupunta ka rito, e ang pangit-pangit naman niyan." Isinara ko na 'yung libro na binabasa ko kanina. A Guide to Growing Carnations.
"Alam mo, ang sama talaga ng ugali mo. Ano ba 'yang binabasa mo?" Sinilip niya 'yung libro na hawak ko pero iniwas ko agad 'yun sa kanya. Hindi niya pwedeng malaman kung anong klaseng libro 'to.
"Wala, pang-matatalino lang 'to."
"Excuse me, beauty with brains kaya ako." Sabi niya at nagpa-cute pa siya sa akin.
Cute ka na, Naya. Hindi mo na kailangan pang magpa-cute sa akin. 'Yan tuloy, lalo kang naging cute dahil sa ginawa mo.
Pinisil ko ng madiin ang magkabila niyang pisngi. "Ang cute mo. Para kang chihuahua."
"Okay lang. Mukha ka rin namang bulldog e. Bleh." Tumakbo na siya papasok sa loob ng bahay namin kaya sumunod na rin ako sa kanya.
"Ma, namitas na naman po si Naya ng carnation sa garden." Umupo na ako sa dining table katabi si Naya.
"Hayaan mo nga siya, Grynn. Pinaparami ko talaga 'yun para sa kanya." Nilapag ni Mama 'yung baked mac sa mesa. "Nga pala, Naya, last week na namin dito sa Pilipinas. Sinabi na ba sa'yo ni Grynn?"
A, oo nga pala. Nakalimutan ko ng sabihin kay Naya na pupunta na kaming England next week.
Umiling si Naya sa sinabi ni Mama. "Hindi pa po. Saan po ba kayo pupunta?"
Sinalukan na kami ni Mama ng baked mac sa plato namin. "Sa Cambridge, England. Doon na kasi mag-aaral si Grynn. Preparation niya na rin sa pag-takeover niya kay George."
Balak na kasi ni Papa na ipamana sa akin ang pamumuno sa Black Moon. Maigi raw na malaman ko na agad ang pasikot-sikot sa business namin habang bata pa ako.
"Pero babalik pa naman po kayo rito 'di ba?" Sinimulan na ni Naya ang pagkain ng baked mac.
"Syempre naman. Mag-aaral lang naman ako doon e." Kumuha ako ng garlic bread at sinimulan ko na ring kumain. "Ma, aalis po kami ni Naya pagkatapos po naming kumain."
"Okay, sige. Pasasamahan ko na lang kayo kay Uno." Nakangiting wika ni Mama.
"Sino siya?" Bulong ni Naya sa akin. Nakaupo kami sa backseat ng kotse papunta doon sa bahay na nakita ko dati.
"Si Uno, bago kong bodyguard. Aray, masakit!" Hinampas niya lang naman ako ng malakas sa braso ko.
"Bakit Uno lang ang tawag mo sa kanya, e mas matanda siya sa'yo? Matuto ka ngang gumalang." Tss. Ang hilig talagang mangaral ng babaeng 'to.
"Bakit ka nanghahampas?!" Asar na sabi ko sa kanya. Hinimas ko ang braso ko dahil sa sobrang sakit ng hampas niya. Grabe, ang gaan talaga ng kamay nitong babaeng 'to. May latay tuloy ng kamay niya 'yung braso ko.
Inirapan niya ako. "Pasalamat ka nga hindi 'yung bibig mo ang hinampas ko e."
"Thank you." I sarcastically said to her.
"Walang anuman." Tumikhim siya at halatang nagpipigil siya ng tawa niya.
"Ano na naman ba 'yan?"
"May joke kasi akong naisip."
Sinasabi ko na nga ba e.
"Anong joke naman 'yan?"
"Anong tawag... pfft... Wait lang, natatawa talaga ako."
"Ano nga? Bilisan mo." Naiinip kong sabi dahil hindi siya makapagsalita ng maayos sa pagpipigil niya ng tawa niya.
"Anong tawag sa... pfft... teka lang..."
"Puta. Inuuna kasi ang tawa— Aray! Kanina ka pa ha!" Sinabunutan niya naman ako ngayon. Napakamapanakit talaga nitong babaeng 'to e.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit kailangang magmura ha?"
"Oo na, hindi na ako magmumura. Ano na 'yung corny mong joke? Hindi ka na natapos-tapos sa pagtawa mo e."
"Sasabihin ko pa ba o hindi na?"
"Sabihin mo na nga kasi. Ang bagal e, kanina pa."
Tumikhim ulit siya. "Anong tawag sa half Bumbay at half Japanese?"
"Ano?"
"E 'di Bumpanese." Bigla siyang humagalpak ng tawa sa sarili niyang joke.
Bigla naman akong napatingin kay Uno na nagpipigil ng tawa niya. Nakikinig pala siya sa usapan namin ni Naya.
"A, okay." Walang gana kong reaksyon sa joke ni Naya.
She pouted her lips. "Ang corny mo. Nakakatawa kaya 'yung joke ko."
"'Yung joke mo ang corny, hindi ako."
Isang oras din kaming nag-asaran at nagbarahan ni Naya bago namin narating ang bahay na gusto kong ipakita sa kanya.
"Wow!" She gazed in awe at the old-fashioned country style mansion. "Ang ganda naman niyan. Kaninong bahay 'yan, Grynn?"
I put my hands inside my pocket. "Hindi ko alam pero plano kong bilhin 'yan kapag matanda na ako. Dyan tayo titira tapos magtatanim tayo ng maraming carnation sa garden."
"Talaga?" I didn't expect she'd be excited and happy.
"Yeah, I like beautiful girls with brains. Since sinabi mo kanina na beauty with brains ka, e 'di ikaw na lang ang pakakasalan ko pagtanda ko."
"Promise?"
"Promise."
Then we locked our pinkies to seal that promise.
October, 2020
Wakayama, Japan
"Jax, mauna na kayo. May dadaanan lang ako." Humiwalay na ako sa kanila at sumakay ng taxi papunta sa ospital na pagmamay-ari ng mga Oda.
Pagkarating ko sa ospital, dumiretso agad ako sa reception area.
"Excuse me, miss, may I know where Dr. Janine Oda is?" Sana naman nakakaintindi ng English 'tong receptionist nila. Patay na kapag hindi dahil hindi ako marunong mag-Japanese.
"Good afternoon, sir. Dr. Oda is doing her rounds on the third floor."
Buti naman nagkaintindihan kaming dalawa.
"Thanks."
Dumiretso agad ako sa elevator at pumuntang third floor. Luckily, nakita ko agad siya na kalalabas lang galing sa isang room.
"Tita!" I waved my hands to her.
"Grynn!" Excited niyang bati sa akin. "Long time no see! Grabe, ang gwapo-gwapo mo na lalo! Ikaw lang bang mag-isa? O kasama mo sila Katherine at George?"
"Ako lang po. Nasa England pa po sila Mama at Papa. May deal lang po kasi kami mamaya malapit dito kaya naisipan ko pong dumaan muna."
"Sou ka. So I guess hindi pala tayo makakapag-chikahan ng matagal. Anyway, may plano ka ba na bumalik ng Pilipinas?"
(Sou ka. — I see.)
Umupo kami sa bench na nasa gilid lang.
"Nakabalik na po ako nitong May lang. Doon ko po kasi balak magtapos ng college. Is this about Naya, Tita?"
"Yes. Mag-isa lang kasi 'yun ngayon sa bahay namin since nandito kaming pareho ni Akihiro sa Japan. Pwede mo ba siyang dalawin minsan?"
"Uhmm... Actually, Tita... kasi po..." Hinimas-himas ko pa ang batok ko. Nahihiya ako na ewan. Para lang akong tanga ngayon dahil sa inaakto ko. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ba sa kanya 'yung totoo o 'wag na lang kaya? "About that, Tita... kasi po..."
Pabiro niya akong hinampas sa braso ko. "Ano ka ba, 'wag ka ng mahiya sa akin! Ikaw pa ba, e alam mo namang botong-boto na ako sa'yo dati pa."
She said that na para bang alam niya na 'yung sasabihin ko at 'yung ginagawa ko, na matagal ko ng binabantayan si Naya.
May, 2020
Laguna, Philippines
Dumiretso agad ako sa bahay nila Naya pagkagaling ko ng NAIA. Hindi uso ang jet lag sa akin e. Wala 'yun sa bokabularyo ko.
Buti na lang at dito pa rin sila nakatira kaya hindi na ako mahihirapan pang maghanap sa kanya. Tinandaan ko talaga ng mabuti ang address nila para kapag dumating na 'yung araw na bumalik ako ng Pilipinas ay mapupuntahan ko agad siya. At ngayon na nga ang araw na 'yun.
Nakita ko siyang nakatambay sa balcony nila - nakahiga sa sofa habang nakataas pa ang dalawang paa sa sandalan ng sofa, may suot na earphones, tutok ang mga mata sa cellphone, at tumatawa nang mag-isa. Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya sa cellphone niya ngayon?
I just stayed inside my car and watched her from afar. Mukha akong stalker sa ginagawa ko. Well, ang gwapo ko namang stalker.
Lumipas ang maraming buwan na ganoon lang lagi ang ginagawa ko. Pinapanood ko lang siya sa malayo at binabantayan lang din siya sa malayo.
Masaya na ako na makita ko lang siya lagi araw-araw kahit hindi niya alam na nakabalik na ako ng Pilipinas.
Masaya na ako na nakatingin lang ako lagi sa kanya sa malayo at pinapanood siya. Ang importante, nakikita ko siya lagi.
Masaya na ako na ganoon lang lagi ang ginagawa ko kahit hindi niya alam na nasa paligid niya lang ako...
Dahil ayoko siyang madamay sa gulo ng Black Moon at Red Sun.
November, 2020
Laguna, Philippines
Magkasama kami ngayon ni Jax na pumunta sa bahay nila Naya. Pinakiusapan kasi ako ni Tita Janine, via Skype, kung pwede ko raw bisitahin ang unica hija nila. Hindi naman ako makatanggi sa request niya kaya mapipilitan na tuloy akong magpakita kay Naya ngayon.
Kaso kanina pa ako doorbell nang doorbell pero wala namang lumalabas na Naya ngayon. Ano naman kaya ang ginagawa ng babaeng 'yun?
"Jen, kanina pa nakasilip 'yung lalaking 'yun. Nakita mo? Sa may bandang 8 o'clock mo." Bulong sa akin ni Jax.
Hindi na ako nag-atubili pa kaya pinuntahan ko agad 'yung lalaking sinasabi ni Jax.
Kinwelyuhan ko 'yung lalaki. "Who are you? What are you doing here?"
Nginisian niya ako. "Hindi mo na kailangang malaman dahil damay na si Naya Oda."
"What do you mean?" Nag-iinit na ang ulo ko sa lalaking 'to. Sa halos araw-araw na pagpunta ko rito, ngayon ko lang siya nakita. Sino ba 'to? Stalker ba 'to ni Naya?
"Malapit nang mamatay ang babaeng 'yan."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na suntukin siya ng malakas sa mukha niya. Ilang beses ko pa siyang sinuntok pero hindi man lang siya nanlaban.
"Putangina!" Binuhos ko talaga ang lahat ng lakas ko sa suntok ko sa mukha nitong hayop na 'to. Babasagin ko talaga ang bungo niya. Nagawa niya pa talagang tumawa ha?!
"You asshole! I'm gonna kill you!" Hinatak ko siya sa kwelyo niya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Subukan mo lang talaga na galawin si Naya, ako mismo ang magke-cremate ng bangkay mo."
Hinawi niya ang kamay ko sa kwelyo niya at ngumiti siya sa akin ng nakakatarantado. "Wala ka ng magagawa pa."
"Fuck! You still have some strength, huh?!" Sinuntok ko lang siya ng sinuntok sa mukha niya. Wala akong pakelam kung may mga tsismoso't tsismosa na sa paligid namin. "Sumagot ka! Sinong nag-utos sa'yo ha?! Sagot! Tangina mong hayop ka! Nagdidilim na talaga ang paningin ko sa'yo!"
Puta. Malapit ko na talagang mapatay sa bugbog 'tong hayop na 'to. Konting-konti na lang talaga, dead on the spot na siya.
Susuntukin ko pa sana siya pero may biglang pumigil ng braso ko. To my surprise, it was Naya.
And that was how we met again after 10 years.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top