Chapter 18.

"Wala ka namang pasok 'di ba? Bakit nakabihis ka? Saan ka pupunta?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni Grynn at naupo lang ako sa couch sa living room. Bahala siya dyan sa buhay niya. Bigyan ko siya dyan ng piso e, tapos hanap siya ng kausap niya.

Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko dahil naiinis ako sa nakita ko kaninang madaling araw. Lalo tuloy akong hindi nakatulog dahil sa pagiging tsismosa ko.

Nag-uusap lang naman silang dalawa ni Akari sa living room kagabi so what's wrong with that? Ako lang naman ang may problema.

E ano kung masaya silang nag-uusap kagabi? E ano kung nagtatawanan sila? Ano naman ang pakelam ko? Buhay naman nila 'yun kaya bahala sila!

Bakit kasi ayaw mo na lang aminin? Ayaw mo na lang aminin na nagseselos ka. Ayaw mo na lang aminin na may gusto ka kay Grynn kaya gigil na gigil ka kay Akari.

Wait, what? Ako, nagseselos? Ako, may gusto kay Grynn?

Fuck. Fuck. Fuck. Fuck. Do I really like him? Do I? Kaya ba nagkakaganito ako? Imposible! Napaka-imposibleng mangyari noon!

"Hoy, nag-birthday ka lang, nabingi ka na. Kinakausap kita ng maayos kaya sumagot ka ng maayos. Saan ka pupunta? Tsaka sino ang kasama mo, e wala ka namang kaibigan?"

"Excuse me, for your information, si Stella, Athena, at Ate Leana ang friends ko."

"Tss. E saan ka nga pupunta?"

"Dyan lang." Tipid na sagot ko sa kanya.

"Ikaw lang mag-isa? Paano kung mapahamak ka?"

Neknek mo. Napapahamak lang naman ako kapag ikaw ang kasama ko.

"May kasama ako."

"Umayos ka nga. Para ka namang tanga sumagot." Salubong na ang mga kilay niya at halatang naiinis na siya sa akin.

Naiinis ka na niyan? Ako nga dapat ang mainis sa'yo dahil ang landi-landi mo! Nangako-ngako ka pa sa akin noon na pakakasalan mo ako pagtanda natin pareho! Pinaasa mo lang pala ako!

"Huy, umagang-umaga nagsisimula na naman kayo." Awat ni Kuya Uno sa aming dalawa ni Grynn. 'Yung ibang boys naman ay pinapanood lang kami at mukhang tuwang-tuwa pa sila sa nakikita nila ngayon.

Tinuro ako ni Grynn. "'Yan kasi e, ayaw sumagot ng maayos. Nakakapikon."

Siya pa talaga ang napikon sa akin ha? Wow. As in wow.

"Kasama ko 'yung pinsan mong Damon-yo, I mean, si Damon. Tsaka magkakape lang kaming dalawa. Masaya ka na? Nasagot ko na ba 'yung tanong mo ha?" Tinaasan ko siya ng isang kilay habang nakahalukipkip ako.

"What?! Tangina naman! Magkakape lang naman pala kayong dalawa, bakit kailangan ninyo pang lumabas?! Ayan, dyan sa kusina maraming kape! Maumay kayong pareho!" Tinuro niya 'yung daan papuntang kusina.

"Ayoko ng kape mo!" Tsaka kailangan kong i-gather ng mabuti 'yung thoughts ko about you!

Nagtitigan kaming pareho. Kulang na lang ng kidlat o kuryente sa pagitan ng mga titig namin.

"Hoy, tama na nga 'yan!" Awat ulit ni Kuya Uno sa aming dalawa ni Grynn. "Ano na naman ba ang problema ninyong dalawa ha? Parang kahapon lang magkasundo pa kayong dalawa e."

"Ito kasi e! / 'Yan kasi e!" Grynn and I both said in unison habang tinuturo namin ang isa't isa.

"Tss. / Hmph!" Sabay ulit naming sabi.

"Bahala nga kayo. Para kayong mga bata e."  Naaasar na sabi ni Kuya Uno.

"Naya, shall we?" Napukaw ni Damon, na kapapasok lang ng living room, ang atensyon naming lahat.

"Shall we, shall we ka dyan. Shall we-hin ko 'yang mukha mo e. Tss." Maangas na sabi ni Reaper.

Ano bang problema niya? Bakit ba ganyan siya sa pinsan niya?

"Chill, bro." Damon raised his two hands like he was surrendering to Grynn. "Problema mo? Aga-aga ang init na agad niyang ulo mo."

Hinila ko na si Damon sa braso niya. "Tara na. 'Wag mo ng pansinin 'yang panget na 'yan. Inggit lang 'yan dahil wala siyang ka-date."

Lumakad na kami ni Damon papalabas ng living room kaso epalogs na naman si Reaper. "Hoy! Umuwi ka bago mag-curfew!"

Nagtinginan sa kanya sila Kuya Uno, Jax, Nix at Blaize.

"Kailan pa tayo nagka-curfew?" Natatawang reaksyon ni Jax. 'Yung ibang boys naman ay halatang nagpipigil ng tawa nila.

"Ngayon lang. Tsaka bahay ko 'to. My house, my rules." Mayabang na sagot ni Grynn. "Kaya uuwi ka bago mag-curfew, 8 pm. Naiintindihan mo ba, Naya?"

"Oo na, oo na. Babush." Hinila ko na ulit si Damon para makaalis na kaming dalawa. Baka mamaya ay kung ano na naman ang sabihin ni Grynn Reaper e. My house, my rules niya mukha niya. It's my life so it's my rule!

Nakarating kami ni Damon sa Starbucks — ang dakilang tambayan ng mga social climber. Char lang. Baka ma-bash pa ako e.

"Anong sa'yo?" Tanong ni Damon na sounds like 'annyeonghaseyo' pagkapasok namin sa loob ng café.

"Kahit ano, basta 'yung naiinom." Iniwan ko na siya sa counter para maghanap ng magandang pwesto. Luckily, merong bakanteng upuan sa may bintana kaya doon na ako umupo.

"Walang kahit-ano-basta-'yung-naiinom sa menu nila." Sabi ni Damon pagkaupo niya sa tapat ko. Sumunod pala siya sa akin agad. "Pwede ba 'wag tayong generic? Gasgas na 'yang linyang 'yan e. Anong order mo?"

Hay nako, magpinsan nga sila ni Grynn. Pareho silang maangas na ewan.

"Kahit na anong may caramel." Nambibwisit lang talaga ako e. Bahala ka dyan, Damon-yo.

"Ang dami-daming may caramel doon. Ano, bibilhin ko 'yun lahat tapos uubusin mo? Ewan ko na lang kung hindi ka magtae."

Natawa ako sa sinabi niya. "Magpinsan nga kayo ni Grynn."

"I'll take that as a compliment. Ano nang order mo?"

"Iced Starbucks Blonde Caramel Cloud Macchiato tsaka Spinach, Feta and Cage-Free Egg White Wrap." Libre niya naman, e 'di susulitin ko na.

"Sure na 'yan ha?" Tumayo na siya saka pumunta sa counter para umorder.

Kaunti pa lang naman ang mga tao kaya nakabalik din siya agad sa pwesto namin, na dala-dala ang inorder niya na pagkain namin.

"Ito na inorder mo." Nilapag niya sa tapat ko 'yung pagkain at inumin ko saka umupo sa upuan niya ng naka-dekwatro. "For your information na rin, hindi ko libre 'yan, okay? KKB tayo."
(KKB — kanya-kanyang bayad)

Akala ko pa naman libre niya.

Inirapan ko siya. "Oo na, oo na. Ipadala mo na lang sa e-mail ni Grynn 'yung resibo. Bahala siyang magbayad niyan."

"Sure. Now, spill the beans. What's your hidden agenda? Hindi mo naman ako niyaya ngayong araw para lang magkape 'di ba?"

"Wow, straight to the point ha?" Sinimulan ko nang kumain.

Humigop muna siya sa kape niya. "Syempre, ayoko ng kukupad-kupad tulad ni Grynn. Trinigger ko na nga siya noong last game namin e, pero ang kupad pa rin talaga niya hanggang ngayon."

"What do you mean?" I looked at him while sipping my coffee.

"Didn't he mention it? I told him during our game last time na liligawan kita. That was just my strategy but I didn't expect na mapipikon siya. I mean, he totally lost his composure that time and he totally forgot na business ang nakataya sa laro namin. Anyway, thanks to you, nakalibre ako ng mga baril." Nakipag-cheers siya ng kape niya sa kape ko.

I just gave him a look na I-fucking-don't-know-what-you-mean-so-explain-everything.

"Are you stupid or what? Don't tell me you didn't know that selling illegal firearms is his business? Kapag nanalo siya, magbabayad ako. Kapag natalo siya, libre lahat. Luging-lugi siya last time dahil masyado siyang affected sa sinabi ko na liligawan kita."

Nagkibit-balikat lang ako sa sinabi ni Damon. Bakit naman magiging affected si Grynn? Bopols lang talaga 'yun magbasketball kaya natalo sila. Tsaka sinabi naman ni Grynn dati na ayaw niyang may liligawang pangit 'yung pinsan niya.

"What illegal firearms? I don't understand."

"Seriously? Why don't you just ask Grynn directly instead of me?"

"Hindi niya ako sasagutin kaya hindi ako nagtatanong sa kanya."

"Alam mo, bagay nga kayo. Pareho kayong obob." Kinuha niya 'yung last bite ng sandwich ko na isusubo ko na sana sa bibig ko. Anak ka naman ng tokwa, o!

"Mang-aagaw ka!"

Siya naman ngayon ang nagkibit-balikat lang. "Masamang uminom ng kape lalo na kapag acidic ka at walang laman ang tyan mo."

Binato ko siya ng crumpled tissue. "E 'di sana bumili ka ng pagkain mo. Hindi 'yung nang-aagaw ka dyan."

"Bakit? Hindi ko naman sinabi na acidic ako e."

Inirapan ko siya. Pusang-gala ka talaga, Damon!

Natapos ang pag-uusap namin nang hindi ko man lang siya natatanong kung alam niya ba ang dahilan ng paglipat nila Grynn ng school.

"Uuwi ka na ba ng diretso?" Tanong sa akin ni Damon pagkalabas namin ng café. "Ihahatid na kita sa hideout ng Black Moon kung wala ka namang iba pang pupuntahan."

"Sige, salamat."

Pumunta na kami sa parking area at sumakay sa magara niyang kotse.

"Hindi mo pa pala ako sinasagot kanina pa. Bakit mo nga ako niyaya ngayon? Don't tell me, may gusto ka sa akin?" Ang yabang din naman talaga nitong Damon na 'to e, 'no?

"Patayin na kaya natin 'yung aircon? Sapat na sapat na kasi 'yang kahanginan mo e."

"I'm sorry but I'm already engaged." Sus. Parang hindi naman e.

"E 'di congrats. Tsaka mag-drive ka na nga lang dyan."

Hanggang sa maihatid ako ni Damon sa mansyon, hindi ko pa rin siya natatanong. Nasayang lang ang araw ko. Ni wala man lang akong nakuhang information sa kanya.

Tanungin ko na lang kaya 'yung tatlong tsismosa sa library dati?

Pagkapasok ko ng mansyon ay hinanap ko agad si Grynn. It's better to talk to him directly dahil siya lang naman ang makakasagot ng mga tanong ko.

Halos malibot ko na ang buong mansyon pero hindi ko pa rin siya makita. Nasaan na naman ba kasi 'yung lalaking 'yun?

Lumabas ako ng mansyon at naglibot-libot naman ako sa garden. Where the hell are you, Grynn Reaper?

Paalis na sana ako ng garden pero may natapakan akong matigas sa lupa. Mali, hindi lupa ang tinatapakan ko ngayon. Para siyang pintuan na gawa sa bakal.

Ano naman 'to? Bakit may pintuan dito? Matagal-tagal na rin akong nakatira sa mansyon na 'to pero ngayon ko lang nakita 'to. Saan naman kaya patungo 'tong pintuan na 'to?

I tried to open the door. E? Hindi naka-lock?

Since hindi naman naka-lock 'yung pinto, binuksan ko na ito nang tuluyan at may nakita akong hagdan pababa.

Wait, daan ba 'to papuntang underground?

Huminga muna ako ng malalim bago ako bumaba ng hagdan. Tangina, nanginginig pa ako. Ano ba kasing meron dito? Dito ba nakatago ang nawawalang treasure ni Yamashita?

Pagkababa ko ng hagdan, hallway agad ang bumungad sa akin. At sa dulo ng hallway ay may isang pintuan.

Napalunok ako ng maraming beses. Shemay, I think I'm digging my own grave. I shouldn't be here right now.

Paakyat na sana ako ng hagdan nang biglang may magbukas ng pinto na nasa dulo ng hallway. Si Grynn, na masama ang tingin sa akin ngayon.

"What are you doing here?"

"Huh? Ano kasi..." Shit. Hindi ako makapagsalita ng maayos. Sobrang nakakatakot ang itsura niya ngayon at hindi rin maipinta ang mukha niya. "Nakita ko kasi 'yung pinto. Sorry."

Hindi siya sumagot. Nakatingin pa rin siya sa akin ngayon. Ano ba 'yan? Bakit ba ang sama ng tingin niya sa akin?

Ang tanga mo talaga, Naya. Syempre, pumunta ka rito sa underground without his permission. Natural, magagalit nga siya.

Napalunok na lang ulit ako ng maraming beses dahil sa sitwasyon ko ngayon. I really should get out of here right now. Masamang ginagalit ang gangster.

"Uhm, sige, ano, aalis na ako. Bye."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bigla na lang akong napaiyak nang wala sa oras dahil sa takot na nararamdaman ko sa kanya.

"Fuck." Dali-dali naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"S-sorry. P-pumunta ako r-rito ng w-walang p-paalam." I said while sobbing.

"Ssshh. Please, don't cry. It's okay. I'm sorry." Pag-alo niya sa akin habang hinihimas niya ang likod ko.

"E k-kasi... s-sobrang..."

"Ssshh. It's okay. Don't say anything." Hinimas-himas niya lang ang likod ko hanggang sa kumalma ako.

Kumalas na ako sa yakap niya at nagpunas na ako ng mukha ko. Nakakahiya. Baka puro sipon at uhog na ako.

"Grynn, can we talk?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top