Chapter 16.
Grynn's POV
"Hi, sir, para po ba sa girlfriend ninyo?" Sabi ng saleslady sa akin habang tumitingin ako ng mga kwintas na naka-display sa estante.
Nandito ako ngayon sa mall para bumili ng regalo na ibibigay ko mamaya kay Naya. Naisipan ko na lang na bilihan siya ng kwintas kahit na hindi naman siya mahilig sa mga alahas.
"Not really. May I see that one?" A simple and elegant sterling silver necklace with an embedded crescent moon charm and stars on sterling silver chain had caught my attention.
—————
A/N. See picture below para mas gets ninyo 'yung pinagsasasabi kong description noong necklace. Hahahaha.
—————
"'Illuminating the dark nights skies, the crescent moon and star necklace is a powerful symbol of light and hope,' 'yan po ang meaning ng necklace, sir." Paliwanag noong saleslady pagkabigay niya sa akin ng kwintas para matignan ko 'to ng maigi.
It really suits Naya. She illuminates my dark sky. She's my light and hope ever since I've become the Black Moon's leader.
"Sige, kukunin ko na 'yan." Ibinalik ko na ulit sa saleslady 'yung kwintas.
"Cash, credit, or installment po, sir?"
"Cash." Kinuha ko 'yung wallet ko sa likod na bulsa ng pants ko then kumuha ako ng pera at inabot 'yun sa kanya. "Keep the change."
Mga ilang minuto rin akong naghintay habang pino-process noong saleslady 'yung kwintas na binili ko.
"Ito na po, sir." Inabot sa akin ng saleslady ang isang maliit na paper bag. "Thank you po."
"Thanks as well." Kinuha ko na sa kanya 'yung paper bag at naglakad na ako palabas ng jewelry store.
After kong bumili ng kwintas, pumunta naman ako sa J.Co Donuts & Coffee. Bumili ako ng dalawang dosenang doughnut para kay Naya 'cause it's one of her favorite foods.
Ewan ko ba naman sa babaeng 'yun, napakahilig kumain ng matatamis. Type-2-diabetes-joined-the-group ang mangyayari sa kanya kapag hindi siya naghinay-hinay. Pero isa rin naman akong tanga dahil binilhan ko pa siya ng doughnut.
Yayayain ko lang talaga dapat siyang kumain ngayon kaso natsempuhan namang may nang-ambush sa amin kaya pina-cancel ko na lang 'yung reservation ko sa restaurant na pupuntahan dapat namin ngayon.
Malaman-laman ko lang talaga kung sino 'yung mga hayop na 'yun, papatayin ko talaga sila. Ang lakas ng loob nilang barilin 'yung kotse ko. Anong tingin nila sa pera ko, tinatae ko lang? Ang hirap-hirap magbenta ng illegal firearms e.
Tapos tinaon pa talaga nila na kasama ko si Naya. Kung alam ko lang na nakita na pala ni Naya 'yung pistol ko sa compartment ng kotse ko, e 'di sana, nakipagbarilan na rin ako sa kanila kanina.
Pero blessing in disguise na rin siguro talaga 'yun para ma-realize ko na wala dapat akong sayanging oras sa buhay ko. Time is gold ika nga nila.
Nakakatawa. Natatawa na lang talaga ako sa tuwing naiisip ko 'yung salitang 'blessing in disguise.' Akalain ninyo 'yun, may awa pa pala sa akin ang Diyos?
Sa akin na gumagawa ng mga ilegal na bagay? Sa akin na marami ng taong napapatay? Sa akin na masyado ng makasalanan? At sa akin na laging lumalabag sa isinulat Niyang kautusan? How ironic.
Pagkabili ko ng doughnut, binilihan ko rin si Naya ng Mango Bravo from Conti's Bakeshop.
Pagkatapos talaga nitong araw na 'to, sisitahin ko na talaga siya sa pagkain niya ng matatamis. Okay lang sana kung tumaba lang siya, e paano kung magkasakit pa siya? Syempre, ayoko namang mangyari 'yun sa kanya.
Nabili ko na ang lahat ng kailangan ko para kay Naya kaya umuwi agad ako ng diretso sa hideout namin.
Bago ako bumaba ng kotse ko, tinignan ko ulit 'yung kwintas na binili ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mag-reminisce.
It's been ten years simula nang pamunuan ko ang Black Moon. No, let me rephrase that. It's been ten years simula nang ipamana sa akin ng tatay ko ang pamumuno sa Black Moon.
Actually, Black Moon has been passed down from a previous generation to the next and I think I'm the 10th Black Moon boss. Or 11th? Yeah, whatever.
Pero ano nga bang alam ng isang tulad ko, na sampung taong gulang pa lang noon, sa pamumuno ng isang gang? Take note, hindi lang basta gang, it's one of the most powerful gang in the country.
At anong alam ng isang tulad ko, na sampung taong gulang pa lang noon, sa pag-assemble and disassemble ng mga baril? O kahit sa pagbaril man lang? Lalo na sa pagpatay ng tao?
But, yeah, I started to learn all the things that has something to do with Black Moon at the age of 10 at natutunan ko ang lahat ng 'yun sa loob ng sampung taon ko bilang leader nila.
Natutunan ko ang mga patakaran at kalakaran sa black market, natutunan ko ang pagpapatakbo at pamumuno sa Black Moon, natutunan ko ang paggamit ng iba't ibang klase ng mga baril, kung paano makipaglaban, ang mga iba't ibang klase ng martial arts, at kung paano pumatay ng kaaway.
And ever since that day ten years ago, ang dami ng nagbago at ang dami kong binago lalo na sa sarili ko. Nasanay na ako na laging poker face or emotionless ang mukha ko para katakutan ako ng mga kaaway ko. Pero sa tuwing nandyan na si Naya, I can't help myself from smiling secretly.
Lagi niyang nakukumpleto at lagi niyang napapasaya ang araw ko kahit na ang dami niyang alam na kalokohan sa mundo.
Ibinalik ko na sa box 'yung kwintas at inilagay 'yun sa paper bag. Bumaba na ako ng kotse ko saka pumasok sa loob ng hideout.
"Bro, where have you been? We've been waiting for you. Nga pala—" I cut Nix off.
"Si Naya?"
"Nasa kusina, nakikipagtsismisan kila Athena. Alam mo naman 'yung mga 'yun, mga dakilang tsismosa. Pero bro—" I cut him off again. Sorry, bro, importante lang talaga.
"Let's talk later."
"Teka lang, Grynn, patapusin mo muna kasi ako—"
"I said let's talk later." Iniwan ko na si Nix sa living room then pumunta na ako sa kusina.
Teka, nasaan 'yung ibang gago? Bakit si Nix lang ang nandito ngayon? Bahala sila sa mga buhay nila. Hindi sila makakakain nitong mga dala kong pagkain.
Nasa pintuan pa lang ako ng kusina ay rinig na rinig ko na agad 'yung malakas na tawanan at usapan nila Athena, Naya, Stella, at Leana. Bakit ba ang iingay nitong mga babaeng 'to? Ano bang pinagkakaguluhan nila? Parang may naririnig akong tumutugtog sa loob e.
🎶 Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa'king mundo
Sana ay panghabang-buhay na ito 🎶
Kinanta mo na naman, ano? Hahahaha.
Seriously, what the fuck was that?
"Ano ba naman 'yan, Stella?! Mali naman 'yung step mo e! Ganito, o!" I think that was Athena because she has the loudest voice among the girls.
"Nakakalito ka namang magturo, Ate Ena!" I'm sure that was Stella.
"Slow ka lang, bata. Panoorin mo akong mabuti, uulitin ko ulit." Mahinahong sabi ni Athena.
"Mali ka rin naman, Athena, e! Iiikot mo 'yung kamay mo tapos igaganito mo!" And yes, that was Naya. Ano bang pinaggagagawa nitong mga babaeng 'to? Bakit ang iingay nila? "Kaya naman pala nalilito sa'yo si Stella e. Tsk."
"Ulit nga, ulit nga. Ganito ba tapos ganito?"
Ano bang ganito-ganyan ang pinagsasasabi nila?
"Ang shunga mo naman, Athena! Ganito nga tapos ganito! Iiikot mo 'yung kamay mo pagkatapos mong i-ganito!"
"Ano ba 'yan, Ena? Kanina pa talaga kayo sa part na 'yan." Tatawa-tawa namang reaksyon ni Leana. "Look at Stella, medyo na-gegets niya na 'yung tinuro ni Naya."
"Kung sumasali ka rin kaya sa amin, ano? Hindi 'yung tinatawanan mo lang kami dyan." Reklamo naman ni Athena.
"Ayoko nga. Taga-video lang ako e."
"Taga-tawa kamo."
"Bilis na, Athena, para nakakapag-record na tayo." Mukhang naiinip na si Naya dahil kay Athena at Leana. "Uulitin ko ulit ha? Ganito muna tapos ganito saka mo iiikot 'yung kamay mo ng ganito. Gets?"
No, I don't get the fuck of it. I don't even understand what you are saying. Puro ganito-ganito ang naririnig ko sa inyo. Ano ba kasi 'yung 'ganito' na 'yun?
"Aah, okay, na-gets ko na siya. Igaganito mo muna tapos biglang ganoon? Tama ba?" That was Athena again. Bakit ba ang lakas lagi ng boses niya? Akala mo laging may kaaway siya e.
"Ako rin na-gets ko na. Ganoon lang pala kadali 'yun. Mali-mali kasi 'tong magturo si Ate Ena e." That was Stella. I really never thought na makikisali rin siya sa kung ano mang ginagawa nila Naya at Athena.
"Okay, from the start ulit tayo. Ate Leana, paki-play na ulit noong kanta." That was Naya again. Malamang ay siya na naman siguro ang promotor nito.
🎶 Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa'king mundo
Sana ay panghabang-buhay na ito 🎶
Tanginang kanta 'yan. Ang sakit talaga sa tenga. Nakakairita.
"Stop!" Sigaw ni Leana.
"Ano na naman ba 'yun, Ate Leana? Kanina ka pa ha." Iritableng sabi ni Athena.
"E kasi naman, hindi kayo sabay-sabay e. Nauuna ka masyado kay Naya at Stella."
"What? Ako na naman?" Reklamo ni Athena.
"Wala na, you're out na talaga, Athena." Pang-aasar ni Naya.
"Shut up, bitch."
"Hindi, wala, out ka na sa grupo. Kami na lang ni Stella. / Tumahimik ka nga dyan, Naya. Ayoko." Naya and Athena said in unison.
Fuck. Ang sakit nila sa tenga. Hindi talaga dapat pinagsasama 'yung dalawang 'yun e.
"Game na nga ulit. Para natatapos na tayo." Awat ni Stella sa kanilang dalawa.
"Ayan na, nagagalit na si bebe girl natin." Sabi ni Naya sabay hagalpak ng tawa.
Napapikit ako at napangiti nang marinig ko ang tawa niya. It's like a music to my ears. I really love hearing her laugh.
"Ate Naya naman e!"
"Oo na, oo na. O, siya, game na ulit tayo. Hoy, Athena, pumwesto ka na rito, bilisan mo."
"Sandali lang, iinom lang akong tubig."
"Ang bagal."
"Ito na nga e. O, game."
"Game, Ate Leana, paki-play na ulit. 5, 6, 7, go."
🎶 Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa'king mundo
Sana ay panghabang-buhay na ito 🎶
I really hate hearing that song.
Hindi na ako nakatiis kaya binuksan ko na 'yung pinto.
"What the hell are you all doing?"
Tumigil silang tatlo — Naya, Stella at Athena — sa pagsayaw at tumingin sa akin. Napatingin din sa akin si Leana na nakaupo sa sahig habang may hawak na cellphone sa kanang kamay niya.
"Alam mo, epal ka. Nag-TiTiktok kami e." Naya, that girl, made a face at me. Ano na naman ba ang problema nitong babaeng 'to? Mainit na naman ba ang dugo niya sa akin? O baka naman nireregla lang siya?
Tsaka anong Tiktok? Is that an app? Pero anong klaseng app naman 'yun?
"Problema mo? Nireregla ka ba kaya ganyan 'yang mukha mo?"
"Ang bastos talaga ng bunganga mo, 'no?" Konti na lang, iirapan niya na ako kaso nga lang ay pinipigilan niya lang 'yung sarili niya.
"Oh." Lumapit ako sa kanya at inabot ko 'yung paper bag ng doughnut. "Happy birthday."
—————
Photo Credit:
(https://www.amazon.com/Silver-necklace-Crescent-Necklace-Daughter/dp/B07BDM22DK)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top