Chapter 14.
Naya's POV
Pagkapasok ko pa lang ng gate, dahan-dahan akong naglakad papuntang mansyon. Lingon sa kanan at lingon sa kaliwa ang ginagawa ko habang naglalakad ako.
Obviously, nagtatago kasi ako kay Grynn. Baka mamaya kasi ay nasa tabi-tabi lang 'yun e, nagpapakalat-kalat lang sa kung saan. At baka dalhin na rin ako noon nang tuluyan sa impyerno dahil sa ginawa kong kasalanan sa cellphone niya.
Buti na lang kamo ay iniwan niya na ako kanina sa simbahan. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na maiwasan siya kahit papaano.
Nakakatakot kasi talaga 'yung expression niya kapag nagagalit siya. Ang dilim ng mukha niya tapos parang kakainin ka pa niya ng buhay.
Jusme. Nagtaka pa ako. Itapon ko ba naman kasi 'yung iPhone 11 Pro Max niya sa kalsada e, sino ba naman ang hindi magagalit 'di ba?
Lumuwag ang paghinga ko nang makita ko na wala pa sa parking area 'yung kotse niya. Safe! Wala pa 'yung kotse niya. Ibig sabihin, wala pa siya at hindi pa siya umuuwi.
Anyway, wala rin naman akong pake kung saan man siya magpunta. Buhay niya naman 'yun e. Masyado na akong maraming problema para isipin pa siya.
Tulad na lang ngayon. Iniisip ko kung ano na ang mangyayari sa akin nito. Ito na ba ang takdang araw ng kamatayan ko? Dapat na ba akong maglista at magsulat ng death wish ko?
As usual, dahan-dahan pa rin ang pagbukas ko ng entrance door papasok ng mansyon. Shutang caramel! Daig ko pa ang teenager na naabutan ng curfew sa labas na natatakot masermonan at mapalo sa puwet.
Pagkapasok ko ng mansyon, may naririnig akong boses ng mga lalaki sa living room. Wala na akong panahon para pakinggan pa 'yung pinag-uusapan nila. Dahil tulad nga ng sinabi ko kanina, masyado na akong maraming problema para maging tsismosa pa.
'Yung sarili ko lang at 'yung sitwasyon ko ngayon ang dapat ko munang problemahin bago ang ibang bagay. Kaya kung ano man ang pinag-uusapan nila, labas na ako doon. Wala na akong pakelam.
Ngayon, paano ako makakapunta sa hagdanan nang hindi ako napapansin ng mga tao sa living room? Kailangan hindi nila ako makita para walang makapag-sabi mamaya kay Grynn kung nakauwi na ba ako o hindi.
A, alam ko na! Ang talino mo talaga, Naya!
Gumapang ako sa sahig mula sa entrance door hanggang sa makalagpas ako sa pintuan ng living room.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil walang nakapansin sa akin nang dumaan ako sa living room.
Tumayo na ako. Pinagpagan ko muna ang slacks ko at dahan-dahan ulit akong naglakad papuntang hagdanan.
"What the hell are you doing?"
Napapikit ako ng madiin habang sapo-sapo ko ang dibdib ko. Bwisit! Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa sobrang gulat! Punyeta ka talaga kahit kailan, Reaper!
Teka nga lang, bakit nandito na siya? Wala naman sa parking area 'yung kotse niya e. Kaya anong ginagawa niya rito ngayon?
"Ano, nakain mo na ba 'yang dila mo? Buti naman kung ganoon." Malapit na akong sipunin at ubuhin dahil sa sobrang cold niya. Konti na lang din talaga ay magiging yelo na ako at magkakaroon na ako ng hypothermia.
So, ano na ngayon? Sasagutin ko ba siya? Lilingunin ko ba siya? Hindi pwede! Wanted pa rin ako sa kanya dahil sa ginawa ko sa cellphone niya.
"Tss. Ano, na-karma ka na ba agad kaya hindi ka na makapagsalita?"
Napabuntong-hininga na lang ako sa mga pinagsasasabi niya sa akin. Hindi lang ako nagsasalita, na-karma na ako agad? Aba'y malupit talaga, 'no?
"Naya, mamaya nga pala..." Nararamdaman kong papalapit siya sa akin. Shuta. Escape route! Kailangan ko ng escape route! "...kung okay lang sa'yo—"
May daan sa kusina palabas ng mansyon kaya kumaripas na agad ako ng takbo papunta doon. Sorry na, Reaper, kung hindi na naman kita pinatapos na magsalita. Sadyang priority ko lang talaga ngayon ang kaligtasan ko.
"Hoy! Walanghiya naman! Hindi ka pa rin ba tapos dyan sa habulan gaming mo?!" Sigaw niya sa akin habang hinahabol ako.
"Waaahhh! Bakit mo ako hinahabol?!"
"Bobo ka ba o sadyang tanga ka lang talaga?! Sana kasi pinatapos mo muna akong magsalita bago ka tumakbo!"
"E bakit mo nga kasi ako hinahabol?" Nililingon ko siya habang tumatakbo ako. Shemay! Malapit niya na akong maabutan!
"Malamang hinahabol kita dahil may sasabihin ako sa'yo!"
Wait, may sasabihin lang siya sa akin kaya niya ako hinahabol? Baka naman mamaya click bait lang siya dyan e.
Pero sa pagkakaalala ko nga, tinatanong niya ako kanina kung okay lang daw sa akin. Ang ano? Ano 'yung okay lang sa akin?
"O, siya, tumigil ka muna! Titigil din ako, promise!" Itinaas ko pa 'yung kanang kamay ko as a sign.
And as I've said, tumigil nga siya sa pagtakbo niya kaya tumigil na rin ako sa pagtakbo ko. Nakakapagod din kaya, 'no. Feeling ko maraming calories na ang nabawas sa akin ngayong araw.
"Ano 'yung sasabihin mo?" Naku po, baka mamaya pabayaran niya sa akin 'yung iPhone niya ha! Wala akong pambayad doon. Ang mahal-mahal noon e.
Ayun naman pala, self. Wala ka naman palang pambayad, so bakit mo pa kasi ibinato 'yung cellphone niya sa kalsada? Ang tanga mo rin e, 'no? You're digging your own grave.
"Sumama ka sa akin, may pupuntahan tayo." Tumalikod na siya sa akin at nagsimulang maglakad papuntang parking area.
"Huy, wait lang! Saan ba tayo pupunta ha?" Nakabuntot lang ako sa kanya pero may sapat na distansya pa rin. Better to be safe than sorry.
"'Wag ka na ngang maraming tanong. Sumakay ka na lang." Sumakay na siya sa kotse niya.
Syempre, ano pa nga ba ang ineexpect ko? Wala sa katawan niya ang pagiging gentleman kaya ako na ang nagbukas ng pinto ng kotse niya at sumakay sa passenger seat.
Ano ba kasi ang trip ng lalaking 'to? Saan ba kasi kami pupunta?
Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe which is okay kasi ayokong uminit ang ulo ko. Alam ninyo naman ni isang beses ay hindi man lang kami nagkaroon ng matinong pag-uusap.
Tignan ninyo na lang kanina. Tinatanong ko siya kung saan ba kami pupunta pero hindi man lang niya ako sinagot. Napakatino niyang kausap 'di ba?
"Fuck!" Bulong niya lang pero rinig ko naman. He's looking back and forth at the rear view mirror. Anong problema nito?
Dahil may pagka-tsismosa rin ako, tinignan ko rin kung ano ba 'yung tinitignan niya. Wala naman akong kakaibang makita dahil puro kotse lang din naman ang nasa paligid namin.
Bigla niyang binilisan ang takbo namin kaya napakapit ako ng mahigpit sa seatbelt ko. Hay nako, ano na naman po ba 'to?
"Hoy, bakit ba ang bilis natin ha? Time is gold ba? Hindi naman natin kailangang magmadali e." Jusko po. Mahal ko pa ang buhay ko.
"Someone's following us. Shit!" Bigla niyang kinabig pa-kaliwa 'yung manibela kaya nauntog ako sa bintana.
Aruy! Wala na ba talagang magandang mangyayari ngayong araw na 'to? Tsk. Hinimas-himas ko 'yung ulo ko. Fota ang sakit. Malamang magkakabukol 'to.
Pero, teka, ano raw? May sumusunod daw sa amin? Pero bakit naman?
*Bang! Bang!*
Into the room, I know you want it
Bang bang all over you, I'll let you have it
Wait a minute let me take you there
Wait a minute 'til you ~~
Charot lang. Napakanta ka 'no? Hahahaha.
Hala, ano 'yun? Gunshot 'yun 'di ba?
Tumingin ulit ako sa rear view mirror at nakita ko ang isang kotse na may sakay na dalawang lalaki. 'Yung isang lalaki ay nagmamaneho samantalang 'yung isang lalaki naman ay may hawak na pistol at pinagbababaril niya kami.
"Grynn! Bilisan mo! Bilisan mo! May baril sila! Parang awa mo na, bilisan mo! Gusto ko pang mabuhay!" Nag-papanic na ako dahil malapit na kaming maabutan noong kotse na sumusunod sa amin.
Well, sino ba naman ang hindi mag-papanic 'di ba, e may baril sila? Tsaka ano bang problema nila? Bakit ba sila may baril? At bakit ba nila kami binabaril?
"'Wag ka ngang maingay dyan! Nakaka-distract 'yang bibig mo! Tsaka sumandal ka nga ng mabuti! Hindi ko makita 'yung side mirror e!" Sigaw niya sa akin pero chill pa rin siya habang nag-didrive.
I laughed in disbelief. Paano niya nagagawang maging chill lang sa sitwasyon namin ngayon?
"Paanong hindi ako mag-iingay ha?! For whoever's sake, Grynn, may baril sila! May! Baril! Sila!" I exclaimed. 'Yung dapat na romance genre namin, turned to action genre na.
Wait, wala nga palang 'kami' kaya walang romance genre in the first place. Ni hindi nga kami nagkakaroon ng matinong pag-uusap e, tapos romance genre pa kaya? As if naman.
"Ang gulo mo! Hindi ko sabi makita 'yung side mirror e!" Bigla niyang dinakma 'yung mukha ko ng kanan niyang kamay at pilit na isinandal 'yung ulo ko sa upuan.
Eeeww! Nalasahan ko 'yung palad niya! Ang alat, kadiri! Pwe, pwe, pwe! Napakabalahura talaga ng lalaki 'to! Tsk!
"Ano ba? Alisin mo nga 'yang kamay mo!" Singhal ko sa kanya. "Nakakadiri ka, alam mo 'yun?"
"Pwede ba tumahimik ka naman kahit ngayon lang? Nakaka-distract masyado 'yang sigaw mo e!"
Okay. Sabi ko nga, shut up na lang muna ako e. Baka hindi siya makapag-concentrate sa pagmamaneho niya dahil sa akin at baka maaksidente rin kami nang dahil ulit sa akin.
Pero kingina lang talaga! Hindi pa rin sila tumitigil sa pagbaril sa amin! Takte! Ano bang trip ng mga 'to?! Bakit ba sila nang-aambush?!
Hinigpitan ko lalo ang kapit ko sa hawakan ng pinto ng kotse at nagsimulang magdasal sa lahat ng santo.
Bakit naman ganito, Lord?! Hahayaan ninyo talaga na mamatay akong virgin? Sige kayo, magpapagala-gala 'yung kaluluwa ko sa Earth!
Nanganganib na nga ang buhay namin tapos puro kalandian pa rin ang nasa isip ko. Kasi naman e! Hindi man lang ako pinag-boyfriend bago man lang ako mamatay! Tsk!
Patuloy pa rin sila sa pagbaril nila sa amin.
Ano na?! Hindi pa ba sila nauubusan ng bala?! Hindi ba napapagod 'yung mga kamay nila?!
Mas lalo pang binilisan ni Grynn ang pagmamaneho niya. Fota naman! Pwede bang mag-Space Shuttle na lang kami? O kahit Anchors Away na lang? Kung gusto ninyo, EKstreme Tower pa e! 'Wag lang 'yung ganito!
Nahihilo at nasusuka na talaga ako dahil napaka-unsteady ng takbo namin ngayon. Masyado nang naaalog ang utak ko. Lagi ring nag-oovertake si Grynn sa mga kotse na paharang-harang sa dinaraanan namin.
"Hoy, Grynn Jenneth! Sino ba kasi 'yang mga 'yan ha?!" Sigaw ko sa kanya dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon.
"I don't know. Maybe just some random gang na may galit siguro sa Black Moon." Aba't chill pa rin talaga siya ha? Ibang klase naman talaga 'tong lalaking 'to, o. Mapapa-sana all ka na lang talaga e. Tsk.
"Anong 'may galit siguro' ka dyan? Talagang may galit sila sa inyo! Ambushin ka ba naman e! Saan ba kasi dapat tayo pupunta ha?!" Mangiyak-ngiyak na talaga ako ngayon, promise. First time in my life kong ma-experience 'yung ganito.
"Just shut the fuck up and trust me, okay? As long as I'm here, walang mangyayari sa'yong masama."
Wait, what? Parang baliktad ata? Hindi ba dapat as long as he's with me, parang laging may mangyayari sa aking masama?
Bigla niyang kinabig pa-kanan ang manibela kaya sumubsob ako sa braso niya na...
Na...
Na...
Na siksik sa muscles! Shemaaay! Yummers! Ping, ping, ping!
"Aray naman!" Tinitigan ko siya ng masama. Bigla niya kasi akong tinulak palayo sa yummers niyang muscles. Napakadamot niya naman! Hmph!
"Nakuha mo pa talaga akong manyakin ngayon ha?" He said while smirking at me.
"Excuse me, kanino kayang kasalanan, aber?" Luhh, para namang sinabi ko na minamanyak ko nga talaga siya.
"Baka sa kotse?"
Napaka-pilosopo talaga ng lalaking 'to kahit kailan.
"Baka doon sa mga humahabol sa atin?" Pero mas pilosopo ako. Ako pa ba, e pagdating sa mga kalokohan, napakatalino ko ata.
Hindi niya na ako pinansin ulit. O, 'di ba? Tameme siya ngayon.
Pero iba 'yung itsura niya ngayon e. Parang ang lalim ng iniisip niya at parang may binabalak siyang gawin. O baka imagination ko lang?
Tumingin na lang ulit ako sa labas ng bintana na para bang walang nangyayari ngayon na ambushan.
"Grynn! Anong gagawin mo?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top