Chapter 10.
"Boss!"
Aligaga ang lahat ng member ng Black Moon dahil sa leader nila na kampon ni Kamatayan. Na-foul siya ni Damon-yo, na the-moon-new din ang ugali.
Nasagi siya ni Damon sa katawan niya nang sinubukan niyang pumasok sa free throw lane kaya tumumba siya sa sahig.
"Psh. Ang OA naman ng mga 'to. Normal lang naman sa basketball ang ma-foul." Bulong ko lang 'yun pero shookt ako dahil nagtinginan sa akin ang lahat ng member ng Black Moon na malapit sa pwesto namin nila Athena. 'Yung tingin nila ay para nila akong papatayin any moment dahil binadmouth ko ang leader nila.
"Peace. Hehehe." Nag-peace sign pa ako sa kanila para tumigil na sila sa pamatay nilang tingin sa akin. Akala mo namang ginawaan ko ng masama 'yung leader nila e.
"Ang daya-daya talaga niyang Damon na 'yan!" Reklamo ni Athena.
Girl, hindi mo ata alam na tactics din minsan sa basketball ang pagalingan sa pag-foul.
Pumukaw ng pansin namin si Jax na may kung anong sinesenyas sa amin, na mukhang naiintindihan din naman ni Athena dahil nagsesenyasan silang dalawa.
"I-cheer mo raw si Boss, Naya." Sabi ni Athena sa akin.
Hay nako, paulit-ulit naman kami. Sinabi ko na nga kanina pa na ayaw ko siyang i-cheer o mag-cheer e. Bakit ba gustong-gusto nila na i-cheer ko siya?
First of all, member ako ng arts club sa school, not cheerleading club. Kaya no-no sa akin 'yang pinapagawa nila. Kung gusto nila ay sila na lang ang mag-cheer sa kanya.
"Sabi ni Jax." Itinuro ni Athena si Jax kaya napatingin ako sa napakagwapong nilalang na nasa loob ng court. Haay, ang pogi pa rin talaga niya kahit pawis na pawis na siya.
Pumwesto na si Grynn sa free throw lane para i-shoot ang free throws niya. Ang lahat naman ay nakaabang para sa rebound.
Biglang may nag-pop up na kalokohan sa isip ko. Ang galing mo talaga, Naya, pagdating sa mga kalokohan, ano? Tsk.
Tumikhim muna ako bago kumanta.
"Do, do, do, do... Bakit ganoon, parang ang garalgal ata ng boses ko?" Tumikhim ulit ako ng mga limang beses pa. "Do, do, do, do, re, mi, fa, sol, la, ti..."
"Anong ginagawa mo?" Magkasalubong ang mga kilay ni Athena habang nakatingin siya sa akin at nagtataka sa ginagawa ko.
"Ano pa nga ba, e 'di nag-vovocalize ako." Tumikhim ulit ako. "Do, re, mi, fa, sol, la, ti..."
"Oo nga, alam ko. E bakit ka naman nag-vovocalize?"
"Hindi ba obvious, girl? Syempre, ikinokondisyon ko ang boses ko para sa pag-cheer ko dyan sa leader ninyong bulok ang ugali."
Bigla na namang nagtinginan sa akin ang mga member ng Black Moon na malapit sa amin. Ang sasama na naman ng tingin nila sa akin ngayon.
Tsk. Ang lalakas naman ng pandinig ng mga 'to. Lagi na lang nila akong sinasamaan ng tingin sa tuwing bina-badmouth ko ang leader nila.
Trained din ba sila na lumakas ang pandinig nila? Or one of the requirements ng Black Moon ang malakas na pandinig bago ka makasali sa gang nila?
"Peace." And again, nag-peace sign ulit ako sa kanila. Tumigil din naman sila sa pagtingin nila sa akin ng masama at bumaling na ulit sa court.
"Pagpasensyahan mo na 'yang mga 'yan. Masyado kasi nilang love si Boss." Bulong sa akin ni Athena. "Pero infairness sa'yo ha, ang sweet mo. Ang dami mo pang hanash kanina, e i-chicheer mo rin naman pala si Boss."
"Sweet revenge kamo." Tumikhim ulit ako at tumayo. Get ready, Grynn Reaper, ito na ang cheer ko. "I-shoot mo, i-shoot mo, i-shoot mo na ang ball, i-shoot mo na ang ball, ang sarap mag-basketball. I-shoot mo, i-shoot mo, i-shoot mo na ang ball, i-shoot mo na ang ball, ang sarap mag-basketball."
Hindi naman sa pagmamayabang pero palaban din ang boses ko. Kung kontesera lang ako, malamang, marami na akong naiuwing trophies galing sa singing contests.
Tumigil ang lahat ng mga tao sa kanya-kanya nilang ginagawa at tumingin sa akin. Tumigil din si Grynn Reaper sa pagdidribble niya ng bola at ang sama ng tingin niya sa akin ngayon. If looks really could kill, I'd definitely be dead right now.
O, ano, gusto mo ng cheer 'di ba? Hahahaha! Have some taste of your own medicine, asshole!
"I-shoot mo, i-shoot mo, i-shoot mo na ang ball, i-shoot mo na ang ball, ang sarap mag-basketball. I-shoot mo, i-shoot mo, i-shoot mo na ang ball, i-shoot mo na ang ball, ang sarap mag-basketball."
Pumapalakpak pa ako at sumasayaw kasabay ng pagkanta ko habang hawak ko ang pompoms na ibinigay sa akin ni Athena kanina.
Napuno ng tawanan at halakhakan ng members ng Phoenix ang buong court.
Ano ka ngayon, Grynn Reaper? Revenge is mine! Lagi mo kasi akong nilalait e.
"Stop it, bitch! Nakakahiya ka!" Pinipigilan ako ni Athena sa pagchicheer ko kay Grynn. "Itigil mo na sabi 'yan e!"
"Ayoko nga. Gusto ko pa siyang i-cheer e. Tsaka sabi ninyo i-cheer ko siya 'di ba? O, ito na, chinicheer ko na siya." Angal ko.
"Oo nga, sinabi nga namin sa'yo na i-cheer mo siya pero hindi naman 'yung ganito na nakakahiya!" Asik niya sa akin at pinipilit ako na umupo sa tabi niya.
"Ano ba, girl, bitawan mo nga 'yung t-shirt ko." Inaalis ko ang kamay niya na hawak ang t-shirt ko. "Oo na, titigil na ako kaya bitawan mo na ang t-shirt ko. Baka mapunit pa 'yan e."
"What the fuck are you doing right now, you stupid woman?!" Sigaw ni Grynn Reaper sa akin mula sa court.
"Tapos na 'yung ten seconds mo!" Nag-belat pa ako sa kanya. Akala mo ha! Ubos na ngayon ang oras mo kaya hindi ka na makaka-shoot.
Pumito na ulit ang referee. Isang free throw na lang ang pwedeng i-shoot ni Grynn dahil natapos ang ten seconds niya kanina nang hindi siya nakaka-shoot.
Ten seconds lang kasi ang time limit ng free throw at masyado pang agaw-atensyon ang pag-cheer ko sa kanya kaya naubos ang oras niya.
"Fuck!" Hindi niya naipasok ang second free throw niya kaya dismayado ang lahat ng Black Moon.
After ng free throw ni Reaper, mukhang distracted na siya dahil sablay lagi ang shoot niya.
Ramdam din namin ang tension between him and Damon. Parang konti na lang ay magsusuntukan na silang dalawa. Guys, laro lang, walang suntukan.
Hanggang sa matapos ang laro nila, hindi na nakabawi ang Black Moon kaya nanalo ang Phoenix na may dalawang puntos na lamang.
Mabuti na lang kamo ay laging pasok ang shoot nila Jax at Blaize kaya hindi gaanong malaki ang lamang nila Damon sa Black Moon.
"Malas kasi 'yung kinanta mo e, kaya tayo natalo!" Reklamo ni Athena sa akin.
"Bakit ako? Kasalanan ko bang ugok 'yang boss ninyo?"
Puro sablay kasi ang mga shoot ni Grynn kaya ang daming nasayang na puntos. Well, I don't care. Napilitan lang naman akong manood ng laro nila e.
"Jen, kanina ka pa iritable. Bakit ba?" Panimula ni Jax kay Grynn. Wala kasing umiimik sa kanilang lima pagkatapos noong laro nila. Masyado siguro nilang dinibdib ang pagkatalo nila.
"Oo nga, bro. Hindi ka focused sa game kanina." Sabi naman ni Nix na nag-aayos ng sapatos niya.
Ewan ko ba naman sa mga 'to at nagawa pa nilang tumambay dito sa court pagkatapos nilang maglaro. Haler, gabi na po kaya, 'no! Hindi ba sila napapagod ha? Tsaka ang babaho na nila! Mga amoy pawis sila! Hindi excuse na mabaho sila porket ang gagwapo nila! Mga kadiri!
"It's because of some stupid woman." Seryoso at iritableng sagot ni Grynn habang nakatingin siya sa akin.
Tumingin din silang lahat sa akin dahil sa sinabi ni Grynn. Luhh, bakit ako? 'Pag stupid woman, ako agad?
"Ano na naman ba ang ginawa ko ha? Bakit, gawa ba noong cheer ko? Feeling mo natalo kayo dahil doon? Aba, nag-effort ako doon kaya dapat matuwa ka! Pasalamat ka nga chineer pa kita e!" Ready na sana akong irapan siya pero naalala ko na naman 'yung banta niya sa akin na dudukutin niya raw ang mata ko kapag inirapan ko siya. Kaya minabuti ko na lang na hindi siya irapan.
"Dapat ba akong matuwa at magpasalamat sa ginawa mo, e napahiya mo nga ako dahil doon?" Hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin.
"So doon ka nga naiirita?" Medyo tumataas na ang boses ko dahil sa pagkabwisit ko sa Grynn Reaper na 'to. Nakakainis na siya masyado.
"Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa akin ha? Ganoon ba ako kababaw sa'yo para isipin mo na doon ako naiirita ha?" Bakas na sa mukha niya ang pagka-irita niya sa akin.
"Chill lang, Jen." Hinawakan ni Jax si Grynn sa balikat upang pakalmahin.
First time siguro ni Grynn na may makasagutang babae. At malas siya dahil ako ang babaeng 'yun. Akala niya naman ay magpapatalo ako sa kanya porket nasa teritoryo niya ako ngayon. No way in hell!
"E bakit ka nga kasi naiirita ha?!" I shouted at him. And this time, tumayo na ako kaharap siya.
Kung hindi man niya ako patayin o kung hindi man ako mamatay dahil sa heart attack, baka mamatay naman ako dahil sa sama ng loob.
"Nang dahil sa ginawa mo, napansin ka ng pinsan ko! Sinabi niya sa akin kanina na liligawan ka niya!" Tumayo na rin siya at sinabi niya 'yun sa akin habang dinuduro niya ako.
Processing...
Loading...
"Pfft. Ayun lang?" Tumawa ako nang malakas dahil sa sinabi niya. Omo, ang ganda ko talaga, grabe! Hindi na ako magtataka kung may gustong manligaw sa akin. "Naiinis ka sa akin dahil doon? Patawa ka, alam mo 'yun? E ano naman kung manligaw siya? E 'di manligaw siya 'di ba?"
"Are you out of your mind? You really have no idea, haven't you?" Sabi ni Athena sa akin. Isa pa 'tong babaeng 'to. Kanina pa 'to maraming pasakalye e. Bakit ba kasi ayaw niya na lang akong deretsahin? Nai-stress ang beauty ko sa kanya e.
"Ano na naman ba?" Reklamo ko sa kanya.
"Ang sa Black Moon ay sa Black Moon. Ang sa Phoenix ay sa Phoenix." Makahulugang sagot niya.
Ano raw?
"Stop it, Ena." Huminga ng malalim si Grynn upang pakalmahin ang sarili niya.
"Bakit? Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Para kasing may meaning 'yung tingin sa akin ni Grynn e. Hindi ko lang mawari kung ano 'yun.
"'E ano naman kung manligaw siya?' That's exactly my point! Naiinis ako dahil sa dinami-dami ng babae sa mundo, ikaw pa ang gusto niyang ligawan! He said that to me knowing na..." He paused. Knowing na ano? Bilis, sabihin mo na. Lagi ka na lang si pabitin effect e. "Knowing na... ang pangit-pangit mo. Syempre, pinsan ko 'yun 'di ba? Hindi naman ako pabor na manligaw siya ng pangit na katulad mo."
What. The. Fuck. What the hell in the world did he just say again? Did I hear it correctly? Pangit daw ako? Did he just say na pangit ako?
"Ang galing! Hindi talaga nakukumpleto ang pag-uusap natin ng hindi mo ako nilalait, ano?"
"It's not lait. I'm just telling the truth." He smirked. Ngumisi pa talaga siya ha?
"Tama na nga 'yan. Pagod lang kayong dalawa kaya ang iinit ng ulo ninyo." Awat ni Leana sa aming dalawa ni Grynn. Hinawakan niya ako sa kamay. "Halika na, Naya. Gabi na masyado kaya magpahinga na tayo. Kayo rin, boys."
Nagpati-anod na lang ako kay Leana pabalik sa mansyon.
And just like that, sirang-sira ang mood ko at ang araw ko dahil kay Grynn. Ganito na lang ba kami lagi sa araw-araw?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top