Chapter 6
MADILIM PA ay nagising na si Joy kanina at hindi na nakatulog sa excitement dahil sa pamamasyal nila sa General Luna. Nakagalitan na nga siya ng kanyang lola dahil hindi siya mapakali. Nag-almusal siya at agad na naligo at nagbihis ng napakagandang bestida na iniregalo sa kanya ni Judah para sa kanyang kaarawan. Isang bulaklaking bestida iyon at pinaresan niya ng tsinelas na iniregalo naman sa kanya ni David.
Sinundo siya ni David at dinala sa mansiyon ng lolo nito. Napakalaki at napakaganda. Sa bahay nila, nasa labas ang kusina. Iyon muna ang madadaanan bago makapasok sa pinakaloob at pagbungad pa lang ng pinto ay makikita na lahat ng sulok ng bahay—ang sala at tulugan. Pero dito ay hindi... Isang magarbong pintuan ang papasukan, may grandiyosong hagdan at ang sala ay napakalawak. Hindi niya matanaw ang kusina rito. Tapos lanai ang tawag sa pahingahan kung saan siya naroon ngayon kasama si Don Solomon. Sa kanila, payag lang ang pahingahan na gawa sa kawayan. Dito, napakalambot ang upuan.
Bahagyang itinalbog ni Joy ang sarili para damhin ang lambot ng kutson. Ngumiti siya sa matandang kaharap na matamang nakatitig sa kanya. "Ang lambot po ng upuan," aniya na sinabayan ng bungisngis. Ngumiti ito sa kanya.
"Kumusta ka naman, hija?" tanong nito. Ipinatong ni Joy ang mga kamay sa ibabaw ng hita at pumormal.
"Maayos po. Kayo po?"
"Maayos ako... Ang Lolo Malto at Lola Ema mo, kumusta naman sila?"
"Kilala mo po sila?"
"Oo. Ang Lolo Malto mo ay kaibigan ko noong panahon."
Umaawang ang labi ni Joy sa pagkamangha sa sinabi nito. "Talaga ho? Hindi na po kayo magkaibigan ngayon?" may panghihinayang niyang tanong.
"Naging abala kami sa kanya-kanyang buhay. Siya sa pagpapalaki sa 'yo, ako naman ay masyadong naubos ang oras sa pamamahala sa mga negosyo."
Tumango si Joy. "Abala rin si Lolo sa pagbebenta ng isda." Noon ay nangingisda rin ang kanyang lolo pero ngayon ay kumukuha na lang siya sa mga mangingisda para ibenta. May pinapaupahan din ang kanyang lolo ng bangkang de-motor sa mangingisda at iyon ang ginagamit nilang panggastos. Ang bangkang iyon ay ibinigay pa raw ng kaibigan nitong matalik noon.
"Masaya ako na nakilala mo ang mga apo ko, na pinayagan ka ni Malto na pumarito. At masaya akong makilala ka."
"Ako rin po. Masaya akong makilala ka, Lolo Solomon."
"Siya nga pala." Kinuha nito ang maliit na kahon sa tabi nito at ipinatong iyon sa mesa na nasa pagitan nila. Itinulak nito palapit sa kanya iyon.
"Kaarawan mo raw kahapon."
"Regalo mo po 'yan sa akin? Pero hindi pa po tayo magkaibigan kaya walang dahilan para bigyan mo ako ng regalo."
Masayang tumawa ang matanda. "Kaibigan mo ang mga apo ko. Kaibigan ko ang lolo mo at gusto rin kitang maging kaibigan. Ayos lang ba sa 'yo?"
"Opo! Siyempre naman!" Tumalbog si Joy mula sa kinauupuan sa sobrang katuwaan habang ang mga kamay ay malikot na iginilaw.
"Bubuksan ko na po ito, a?" Naaaliw na tumango ang matanda. Isang maliit na kulay itim na kahon iyon at hindi naman nababalot ng espesyal na pambalot sa regalo. Binuksan niya iyon at tumambad sa kanyang paningin ang isang gintong kuwintas.
"Ang ganda!" Hinaplos niya ng daliri ang kalahating pusong palawit.
"Pero bakit po kalahati lang ang puso?" Nagtataka siyang tumingin sa matanda. Mataman itong nakatitig sa kanya at bahagyang ngumiti muli.
"Hindi ko rin alam kung nasaan at na kanino ang isa niyan, Joy. Pero malay mo balang araw, magtagpo ang dalawang parte ng puso." Wala siyang naunawaan sa sinabi nito pero masaya siyang may panibagong natanggap na regalo.
"Maraming salamat po rito, Lolo. Isusuot ko na po." Inalis niya mula sa kahon ang kwintas at isinuot iyon sa kanyang leeg. Nakangiti niyang hinawakan at pinagmasdan ang palawit. Napakaganda. Grabe! Ngayon lang siya nakatanggap ng ganitong klaseng regalo.
"Who is she, darling?" Nag-angat si Joy ng tingin nang marinig ang boses ng isang babae. Magandang babae ang nakatayo ngayon sa likuran ni Don Solomon. Nakahawak ito sa magkabilang balikat ng matanda habang nakatitig kay Joy.
"Magandang umaga po," bati niya rito.
Inabot ni Don Solomon ang kamay ng babae na nakapatong sa balikat nito. "Ito ang aking asawang si Veronica." Ang pagkakangiti ni Joy sa kanyang mga labi ay agad na nabura sa kalituhan.
"Asawa mo po siya? Parang masyado siyang bata. Si Lolo kasi at Lola Ema parahas nang kulubot ang mga balat at puti ang buhok katulad niyo. Hindi po ba dapat ganoon din ang asawa niyo?"
Masayang tumawa ang matanda. "Mas matanda nga ako sa kanya ng halos doble ng edad niya. Pero age doesn't matter naman, 'di ba?" tumatawa nitong sabi. Nagkibit-balikat na lang siya Joy.
"Veronica, siya si Joy."
"Joy?" Bahagyang kumunot ang noo nito. Para bang ang pangalan niya ay hindi kaaya-kaya sa pandinig nito pero kahit na ganoon ang ekspresyon nito ay nanatili pa rin si Joy na nakangiti rito.
"Jonadel Joy Llego. Anak ni Ramona, ng kaibigan mo." Gulat. Iyon ang bumaha sa mukha ng babae dahil sa sinabi ni Don Solomon. Kahit si Joy ay ganoon din ang naramdaman. Kaibigan ito ng kanyang ina? Unti-unti ang paglapad ng kanyang ngiti.
"Kaibigan ka ni Nanay?"
Medyo pilit ang ngiting gumuhit sa labi ng babae habang nasa mga mata pa rin ang pagkamangha, pero kapagkuwan ay nakabawi rin ito. "Wow! Dalaga na pala ang anak ni Ramona at napakaganda. Pero ano ang ginagawa mo rito, hija?"
"Kaibigan siya nina David. Nakakatuwa nga't pumayag si Malto na papuntahin si Joy rito. Baka sa susunod ay makipag-usap na rin si Malto sa akin."
Unti-unting nabura ang ngiti sa mukha ng babae. Muli ay mataman siya nitong pinakatitigan na para bang nalulunod sa sariling mga iniisip. Sinalubong naman ni Joy ang titig ng babae na may ngiti sa labi. Naputol lang ang pagtitig nila sa isa't isa nang dumating sina David at Judah.
"Let's go, Joy?" Mabilis na tumayo si Joy at nilapitan ang magpinsan para ipakita rito ang kuwintas. Nanatiling hawak niya ang palawit niyon.
"Tingnan niyo, binigyan ako ng lolo niyo ng kuwintas. Napakaganda, 'di ba?"
Hinawakan ni David ang palawit. "Napakaganda nga."
"Bagay sa 'yo," ani naman ni Judah na higit pa niyang ikinangiti.
"Tara na, baka tanghaliin tayo," pagyaya ni David na kinuha ang kamay ni Joy. Bumaba ang tingin ni Joy sa kabila pa niyang kamay nang hawakan iyon ni Judah. Bumungisngis si Joy.
"Kaya ko namang maglakad. Kayo talaga! Sabi ni Lolo bantayan niyo ako pero hindi ako lumpo para hawakan niyo pa ang kamay ko nang sabay." Hinila ni Joy ang kamay mula sa pagkakahawak nina David at Judah at bumaling kay Don Solomon at sa babae.
"Aalis na po kami, Lolo, Aling Veronica." Sumimangot si Veronica habang sina David at Judah naman ay napatawa kahit wala namang nakakatawa.
"Ingatan niyo si Joy, David, Judah," habilin ni Don Solomon sa mga apo. Inakbayan siya ni David at iginiya nang papasok sa mansiyon at dumeretso sa pinto patungong garahe. Si Judah ay nakasunod naman sa kanila.
Itinapon ni David kay Judah ang susi ng sasakyan matapos buksan ang pintong nasa likod.
"Bakit ako?"
"Alangan namang si Joy... Get in Joy." Hinawakan ni David ang ulo ni Joy sa pagpasok niya sa sasakyan saka sumunod itong sumakay. Si Judah ay nanatiling nakatitig sa kanila. Nakasimangot.
***
DINALA si Joy nina David at Judah sa isang shopping center matapos mamasyal sa iba't ibang pasyalan doon. Nananghalian sila sa isang restaurant. Ang ganda ng kainan na iyon at ang sasarap ng pagkain. Sa loob ng shopping center ay namili sina Judah at David ng mga damit at tsinelas para sa kanya. Hindi na lang isa ang tsinelas niya ngayon. Binilhan din siya ng salawal at bra para lagi na raw siyang magba-bra. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang mag-bra? Hindi ba puwedeng kung ano lang ang gustong isuot ay iyon na lang? Ang mga tribo nga na nabasa niya sa libro ay hindi naman nagsusuot ng bra at wala ring damit. Mas komportable kasi kapag walang bra. Kapag may suot siyang bra, parang pinipigil ang puso niya sa pagtibok.
Matapos mamili ay pumasok sila sa isang madilim at malaking silid na may napakalaking telebisyon. Projection screen daw ang tawag doon. Movie house naman ang tawag sa madilim na silid na ito. Bumili sila ng ticket na siyang kailangan para makapasok. Bumili ang dalawa ng popcorn at soft drinks. Napakaganda ng upuan. May patungan ng lata ng soft drinks at napakalambot din. Reclining chair naman daw tawag sa bagay na ito. Ang dami-dami pala talaga niyang hindi alam. Napakamangmang niya at hindi niya ito nagugustuhan. Nababasa naman niya ang ilang bagay sa libro katulad ng sinehan pero iba pala ito sa personal. Marami siyang natututunan sa pagbabasa ng libro pero marami ring bagay siyang dapat matutunan pa na hindi niya kailanman makukuha sa libro kundi sa aktwal na karanasan lang.
Inilapag ni Joy ang kahon ng popcorn sa sahig at niyakap ang sarili. Napakalamig sa loob ng sinehan. Aircon ang bagay na nagpapalamig dito. Agad namang napuna nina David at Judah ang panlalamig ni Joy. Agad na hinubad ni David ang suot na jacket pero bago pa man iyon maibigay kay Joy ay kinabig na ni Judah si Joy palapit sa katawan nito at ipinaikot ang mga braso sa katawan ng dalaga.
"You're cold. Let me warm you up," ani Judah na ngumiti kay Joy. Ngumiti naman si Joy kay Judah at inihilig ang ulo sa lalaki. Kinalabit ni David si Judah at ipinakita ang jacket.
"This is more effective for warming."
"Suot mo na lang baka magkapulmon ka," ani Judah na ikinatiim ng bagang ni David. Bumuntonghininga si David at ibinalik ang tingin sa screen. Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman niyang hinawakan ni David ang kanyang kamay kaya bumaling siya rito. Ngumiti ito sa kanya.
"Hawakan ko para hindi lamigin ang kamay mo." Tumango si Joy at ikinawing niya ang mga daliri sa daliri ni David. Ikinulong naman ni David ang mga kamay niya sa palad nito.
***
JOY and Judah both fell asleep while watching the movie. Perhaps they were overtired from their stroll. So, David got a good look at her face. He was so enthralled by her beauty that he couldn't deviate his gaze from her for even a nanosecond.
Her face was innocent, and it was made even more so by the thick and long lashes that framed her roundish almond eyes. Her lashes resembled the decadent false lashes he'd seen on several women he'd dated. He was certain, however, that hers were natural. Her nose was the epitome of perfection in terms of shape and size. Small and angular. Her mouth was shaped like the double-curved bow often seen carried by the Roman God, Cupid, giving her lips a heart shape. Her whole feature was a masterpiece.
His gaze lingered on her lips after scouring her face. They were well-hydrated. They didn't require expensive products to stain her lips to make them look appealing. Having beautiful pink lips without makeup was every woman's dream, and Joy has them without putting up any effort. He was now wondering as to how her lips tasted.
He moved his hand to brush his fingers over her lips. He won't be able to kiss her, but he can at least feel her softness by touching her. But, before he could carry out his plan, Judah's arm, which was wrapped around Joy, moved. David straightened himself and returned his gaze to the screen. When Judah eventually awoke, David grasped at the back of his neck and carefully rotated his head in all directions, pretending that he's stretching.
"Did I doze off?" Judah asked.
"Hmm," David merely said.
"Tapos na pala," Judah said. That's when he realized the film they were watching had come to an end. The closing credits are now rolling, and the entire movie theater was already well-lit. He recalled that the two fell asleep half an hour before the movie ended, and he hasn't been able to understand what he was watching since then because his entire focus was on Joy for the rest of the time. Kalahating oras niyang pinagmasdan si Joy at hindi niya iyon namalayan. Seriously? Ano ang nangyayari sa kanya?
"How does it end?" Judah inquired, intrigued.
"Namatay ang lead character."
"Oh. Tragic pala. Ano ang ikinamatay?"
"Natuklaw ng ahas." Sumimangot siya sa sariling naging sagot saka nilinga ang pinsan. Nakakunot ang noo nito.
***
Nang lumabas sila ng sinehan ay nagtungo sila sa isang restaurant at kumain. Nakasimangot si Joy dahil hindi matanggap na nakatulog ito at hindi natapos ang pelikula.
"Huwag ka nang malungkot. Panoorin na lang ulit natin bukas." It was a recently released film, and he's quite sure it's not yet available on any streaming services. Pero sigurado sa social media, meron na 'yon. Ilegal. He didn't tolerate unauthorized streaming, but he would for Joy. Ngayon lang naman.
"Bukas?"
"Hmm. Sunduin ulit kita sa inyo. Ipasyal naman kita sa resort tapos panoorin ulit natin ang pelikula. Okay? Smile na." Marahan niyang pinisil ang pisngi ni Joy. Malapad na itong ngumiti na ikinatuwa niya.
Nang nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ay bigla naman ang paglapit ni Gemma sa kanila. May kasama itong isang lalaki at umupo sa mesa nila kahit hindi naman inimbita. Ang titig nito kay Joy ay hindi maganda.
"Bakit kasama niyo siya?" Nakatikwas ang mga kilay nito habang nagsasalita.
"We dated her," si Judah ang sumagot.
"Is Sushi aware of this?" she asked David.
"Dapat ba?" His brows knitted together as the irritability began to flare up within him. He hated it when others ask him about Sushi as if she has a right to know what he's up to, even though she didn't. They were not in a relationship. In no way was he courting her. He's not even interested in her.
"Judah, ganyan ang sinasabi ko sa 'yo, o?" His attention averted to Joy, who's pointing to Gemma.
"Ang alin?" takang tanong ni Judah.
"Iyong parang dalampasigan na dibdib. Tingnan mo kay Gemma... ganyan ang dibdib na parang dalampasigan." Nanlaki ang mga mata ni Gemma sa sinabi ni Joy habang sina Judah at David ay hindi agad naka-react sa hindi inaasahang sasabihin ni Joy pero kapagkuwa'y malakas humalakhak si Judah. Namula ang mukha ni Gemma sa inis.
"Gemma, may naalala ako. May gusto akong itanong sa 'yo." Mas lalong ikinagulat ni David ang sinabi ni Joy na iyon at sa naging reaksyon ni Judah ay mukhang naitanong na rin ni Joy rito ang bagay na iyon at parehas sila ngayon ng iniisip. Pambihira talaga si Joy. Mukhang hindi talaga yata titigil hangga't hindi nalalaman ang bagay na iyon.
"What's that?" Gemma asked, raising an eyebrow.
"Ano ba ang clit?" deretsong tanong ni Joy. Si Judah ay binitawan ang hawak na kubyertos at itinakip sa bibig ang likod ng palad. He was on the verge of laughing, whilst David was anxious about the next things she may ask, because Gemma was undoubtedly bound to get herself into trouble.
"Ahm... Joy." He was ready to stop her, but Joy went on, oblivious to his presence.
"'Di ba nagtalik kayo ni Zeb? Gusto ko lang talagang malaman kung ano ang clit. Paulit-ulit mo kasing sinabi na rub my clit. Nagmamakaawa ka. Gusto ko lang talaga ng bagong kaalaman." Nanigas nang tuluyan si Gemma sa kinauupuan. Binalot ito ng takot. Makikita iyon sa anyo ng mukha nito at hindi alam ang gagawin. Para ngang hindi na ito humihinga.
"Ano ang sinabi niya?" After absorbing what Joy had said, Gemma's boyfriend finally spoke up.
"Nothing! This woman has a mental disorder. Let's go, babe." Tumayo si Gemma at hinila ang lalaki pero hindi ito tuminag. Nanatili itong nakatitig kay Joy.
"Naiintindihan ko 'yon, a. Ignorante lang ako sa maraming bagay na hindi naituturo sa libro. Wala akong sakit sa pag-iisip, Gemma. Nagtatanong lang naman ako kung ano ang clit na gusto mong ipakiskis kay Zeb."
"Shut up!" Gemma yelled, unconcerned about the people in her immediate vicinity who were already paying attention to them.
"Tell me," the man demanded Joy. "Saan at kailan nakipagtalik si Gemma kay Zeb?" Si Joy ay hindi umimik nang makita ang galit sa mukha ng lalaki kaya namagitan na siya.
"Pare, mabuti pa mag-usap kayo—"
"Saan at kailan!?" Tumiim ang mukha ni David nang sumigaw na rin ang lalaki at ipinalo ang kamay sa ibabaw ng mesa. Lalong natakot si Joy.
"Sa yate, noong nakaraang linggo lang," si Judah ang sumagot. Galit na tumayo ang lalaki at matalim ang titig kay Gemma na tila naman nanginginig na sa takot.
"You cheated on me."
"Babe—" Iwinasiwas ng lalaki ang braso nang subukan itong hawakan ni Gemma. Malalaking hakbang ang ginawa nito palabas ng restaurant. Si Gemma ay nagpupuyos sa galit, sinubukang hablutin si Joy pero bago pa man nito maabot si Joy ay nahawakan ni Judah ang palapulsuhan ng babae.
"Wala siyang kasalanan. She's innocent and curious."
"She's not innocent! She's stupid!" muli nitong sigaw at muling sinubukang hablutin si Joy ng libreng kamay pero napigil naman iyon ni David. Sabay na tumayo sina David at Judah habang nakatitig kay Gemma.
"Huwag mong ipilit na saktan si Joy, Gemma. Mapapagod ka lang," in contrast to Gemma's voice, David said calmly.
"Kasalanan mo naman. May boyfriend ka na, nakikipagtalik ka pa sa iba. At kung hindi ka lumapit dito sa amin, e di hindi ka sana nabuko," ani naman ni Judah. Gemma yanked her arms angrily away from their grasp. Her sharp glare shot Joy, but she didn't speak. With a vengeance, Gemma stormed out of the restaurant.
Si Joy ay nagbaba ng tingin. Takot ito at malungkot. "May ginawa na naman akong katangahan," usal nito. Kinuha niya ang bowl ng ice cream at sinimulan iyong kainin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top