LD8

Pagkatapos ng isang linggo ay nilibing na si Shamil at Caleb. Doon pa rin raw maninirahan ang pamilya ni Shamil pero ang pamilya ni Caleb ay pupunta na sa Maynila.

"Pasensya na ha, kailangan lang naming mag-heal mula rito sa sakit ng pagkamatay niya,"

"Naiintindihan ko Vena, kung hindi nga lang dito nag-aaral ang mga kapatid ni Shamil ay umalis na rin kami,"

"Babalik-balik na lang ako Sharie. Ingat ka rito,"

Bumalik sa bahay nila si Sharie. Tiningnan niya ang paligid, naroon pa rin ang simoy ng lungkot at pighati sa pagkamatay ng kanyang anak.

Ilang minuto pa ay may narinig siyang kaluskos mula sa kwarto ni Caleb. Agad niyang naisipan na umakyat pero nagulat siya nang biglang nakita niya si Nana Linda.

"Nana naman! Akala ko kung ano na eh. Akala ko'y minumulto na ako ng anak ko,"

"Po? Hindi po, ako lang ito. Inaayos ko kasi ang kwarto ni Caleb,"

"Bakit mo pa inaayos? Aalis naman na kami eh,"

"Babalik pa rin naman po kayo rito hindi ba? Kapag bumalik kayo, may tutulugan po kayo rito. Ingat na lang po sa Maynila,"

"Pasensya ka na Nana, hindi ka na namin maisasama sa Maynila,"

"Naku, ayos lang po iyon. Gusto ko na rin naman tumigil sa pagiging katulong at may trabaho na si Eric,"

"Sige Nana Linda. Aalis na kami ha? Ikaw na ang bahala sa bahay. Naibigay ko na rin naman ang huli mong sweldo ano?"

"Opo, okay na. Ingat po kayo Ma'am Vena. I-text niyo na lang po ako kapag bumalik na kayo rito,"

Pagka-alis ni Vena ay pumunta ulit si Nana Linda sa kwarto ni Caleb para tingnan kung may kulang at kung may dumi pa ang paligid.

Habang natingin sa paligid ay nakita niya ang isang cellphone. Bago pa ito at mukhang hindi pa gamit.

"Cellphone ba ito ni Caleb? Maitago na nga lang at maibigay kay Eric,"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top