LD4

"I'm sorry for your loss tita. Hindi ko po akalain na sa ganito mamamatay si Shamil," 

"Kahit naman ako Caleb, hindi ko akalain. Bente anyos pa lang siya, ang dami pa niyang pangarap. Bakit ngayon pa siya kinuha?"

"May dahilan po ang lahat tita. Ipagdadasal ko na lang po si Shamil, akala ko pa naman ay magbo-bonding pa ulit kami," 

"Ewan ko na. Ang sakit-sakit nito para sa akin. Kaya pala nagpapaalam na siya noong huling usap namin na alagaan ko ang mga kapatid niya kasi mawawala na siya talaga," 

"Ha? Talaga po? Nakakatakot naman po iyon,"

"Oo, totoo iyon. Sabi pa nga niya ay mahal na mahal niya kami eh,"

"Hala, talagang alam na niya na mawawala na siya,"

"Ay, oo nga pala. Sinabi niya sa akin na bigyan kita ng cellphone noon, gusto mo ba iyong dati na lang niyang cellphone ang kunin mo? Hindi naman na niya gagamitin iyon dahil wala na siya,"

"Ha? Baka po may gagamit noon sa pamilya niyo. Huwag na po,"

"Wala naman gagamit niyan dahil bawal pang mag-cellphone ang mga anak ko," 

"Sige po. Salamat,"

Binigay na ng nanay ni Shamil ang cellphone. Excited si Caleb na buksan ito dahil matagal na niyang gusto na bumili ng cellphone. Mukhang hindi ginamit ang cellphone dahil makinis pa ito. Naisip na lang ni Caleb na kakabili lang kasi ni Shamil kaya naman wala pang gasgas ito.

Nagulat na lang siya nang biglang buksan ang My Face. Hindi account ni Shawn ang nakalagay roon kundi ang account ni Laila Macabuhay. Hindi naman niya iyon pinansin dahil baka babae lang iyon ni Shamil at naki-bukas sa kanya. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top