LD28
BINIGAY na ni Maveric ang cellphone na ginamit ni Laila noon. Malinaw na sa kanya ang mga pangyayari. Todo siya sa paghingi ng tawad sa kanyang ina dahil sa inasta niya.
"Pasensya na kung naging makasarili ako, hindi ko agad sinunod si Eric,"
"Ayos lang anak, ang importante naman ngayon ay naiintindihan mo na kung bakit ganoon ang nangyari. Hayaan mo na,"
Sa tabi ng isang bisita ay naroon si Laila, nakangiti at masaya na dahil sa wakas ay mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay niya.
Nakita naman siya nina Maveric at Nana Linda. Ngumiti ang mag-ina sa kanya. Unti-unti na rin siyang kinuha ng liwanag.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top