LD25

SA burol ni Roy ay maraming napunta. Isa sa hinihintay ng mag-ina ay si Leroy. Ngayon na kasi siya huhulihin ng mga pulis kung sakali.

"Sigurado ka ba rito Nana? Baka mapahamak ka,"

"Oo anak, para matapos na ang lahat ng ito. Matatahimik na si Laila at matatahimik na rin tayo,"

"Opo. Ito nga siguro ang makakabuti para sa ating lahat,"

Ilang minuto pa ay dumating na nga si Leroy. Agad siyang pumunta sa labi ng kanyang ama at umiyak.

"Kasalanan mo ito! Kung hindi sumama ang tatay ko sa iyo ay hindi naman siya mamatay!"

Sinisisi niya si Nana Linda sa nangyari sa kanyang ama. Tinalikuran kasi ni Roy ang pamilya niya noon para makasama si Linda.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top