LD24
NAGULAT na lang sila nang may sumigaw sa bahay nila habang kinakausap nila si Maveric. Agad na bumalik ang mag-ina sa bahay nila.
Gulat na gulat sila noong nakitang nakahandusay na sa sahig si Roy at puro ito dugo. May mga saksak siya sa katawan.
"Roy, dadalhin ka namin sa ospital sa bayan ha? Kumapit ka!"
"Huwag na L-linda. A-ayos na ako. Ito na ang kabayaran sa pagkamatay ni L-laila,"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Si L-leroy, siya ang pumatay kay Linda. Ang anak ko ang pumatay sa kanya,"
Gulat na gulat silang mag-ina sa rebelasyon ni Roy. Hindi nila alam kung anong mangyayari pero simula na ito ng panibagong buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top