LD23

LASING na lasing si Roy nang pumasok siya ng kanilang bahay. Umuwi siya para magtimpla ng kape at magpahinga.

Nang maglakad ay may narinig siyang naglalakad rin. Hindi niya muna ito pinansin, nagtimpla pa rin siya ng kanyang kape.

"Roy,"

Isang malamig na boses ang kanyang narinig. Malamig rin ang simoy ng hangin kaya lalo pang nagising ang lasing na si Roy.

"Linda, tigilan mo nga ako. Lasing na nga ako pagkatapos ay nang-aakit ka pa dyan!"

"Hindi ito si Linda,"

Humarap siya sa babaeng nagsasalita at laking gulat niya nang makita na isang duguang babae ang nasa harapan niya.

"S-sino ka?"

"Alam kong kilala mo kung sino ako,"

"L-laila?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top