LD20

NAGISING si Aric nang dahil sa ingay ng kanyang Nana Linda. Mukhang pinapagalitan nito si Eric.

Sa magkapatid kasi na Aric at Eric ay mas laging napapagalitan ang bunso dahil makulit ito. Si Aric naman ay nasunod agad at maunawain sa lahat ng bagay.

"At bakit mo naman patutulugin rito si Liza?  Mag-asawa na ba kayo para gawin iyon?"

"Nana, sige na. Hindi naman siya mabubuntis agad,"

"Sabi mo lang iyan pero kapag natukso ka na, wala na lahat ng sinasabi mo sa akin ngayon!"

"Kung ayaw niyo siyang patirahin rito, ako na lang ang titira sa kanila!"

Pumunta sa labas ng bahay si Eric para puntahan ang kanyang nobya na si Liza. Gusto man siyang pigilan ni Nana Linda ay hindi na iyon kaya ng matanda.

"Ang batang iyon talaga, hindi na sumunod sa akin kahit kailan!"

"Hayaan niyo na po siya Nana Linda. Mapapagod lang po kayo riyan,"

Bumalik na sa pagluluto si Nana Linda. Nang hinain niya na ang kanin at ulam kay Aric ay tinawag siya ng binata para sabihin kung ano talaga ang nangyari sa kanyang panaginip.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top