LD12

Pagkauwi ay niyakap agad niya ang anak na si Marivic at Eric. May dala siyang mga pasalubong na nabili niya sa grocery bago umuwi sa kanila.

"Ayos naman ba kayo rito? Hindi niya kayo sinasaktan?"

"Minsan nasusuntok kapag may hindi nagawa rito sa bahay,"

"Aba'y gago pala siya. Nasaan iyon?"

"Eric, huwag mo na ngang sabihin kay Nana Linda  ang nangyayari. Baka tumaas lang ang dugo niyan,"

"Eh bakit? Totoo naman, ayos lang iyon para alam ni Nana,"

"Ngayong nandito na ako ay hindi na niya kayo sasaktan,"

Magsasalita pa sana si Eric at Maveric nang biglang pumasok ang pangalawang asawa ni Linda na si Roy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top