LD10
KINAGABIHAN ay matutulog na si Nana Linda. Pinatay na niya ang mga ilaw at nagpunta sa kanyang kwarto para matulog na. Nagulat na lang siya nang biglang may malakas na hangin na dumapo sa kanyang mga balat.
Imbes na makatulog na ay bumaba siya mula sa kwarto at kumuha ng tubig. Hindi rin niya alam kung bakit bigla siyang nauhaw. Ilang minuto pa ay may malamig na namang hangin ang dumapo sa kanya.
"Kamusta ka?"
Isang malamig na tinig ang kanyang narinig mula sa kanyang likod. Pagtingin niya rito ay anino ito ng isang babae. Isa na namang malakas na hangin ang umihip, hindi alam ni Nana Linda kung saan ito nanggaling.
"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?"
"Nana Linda, tulungan mo ako!"
"Ha? Tulong? Paano mo ako nakilala? Sino ka ba?"
"Ako ito, si Laila. Tulungan mo ako,"
Si Laila ay ang malapit na pamangkin ni Linda. Dahil sa rape kaya namatay siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap kung sino ang may gawa nito sa kanya.
"Laila? Pinagloloko mo ako, hindi ka pwede dito. Patay ka na, matagal na!"
"Hindi ako lalayas dito hangga't hindi mo ako tinutulungan,"
Hindi na sumagot pa si Nana Linda, pinatanong niya na lang ang basong ininuman niya ng tubig kanina pagkatapos ay kumaripas na siya nang takbo papasok sa kwarto. Pilit na pinipikit ni Nana Linda ang kanyang mga mata pero nakikita pa rin nito ang anino ni Laila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top