LD1

Si Emil ay busy sa pagbebenta ng second-hand na cellphone sa kanilang bayan. Ngayon ay pupunta siya kina Bong dahil gusto raw nitong bilhan ng cellphone ang kanyang anak kahit second-hand lang.

Emil: Pare, malapit na ako sa inyo ah. Pasensya ka na at matagal akong dumating, marami pa kasi akong inasikaso.

Bong: Sige lang pare, nandito ang anak ko sa bahay. Gusto raw kasi niyang siya ang makapili ng kanyang cellphone.

Emil: No problem, pare. Ang dami kong dalang cellphone rito. Secondhand man pero parang bago. Siguradong sulit ang bayad mo.

Dumating na si Emil sa bahay nila Bong at pagkatapos ng halos isang oras na pagpili ay nakakuha na agad siya. Nagbayad agad si Bong ng dalawang libo kay Emil.

"Salamat pare! Sa susunod na pagbili mo ulit!"

"Oo naman pare, ikaw pa ba? Salamat ah,"

Agad na binuksan ni Shamil ang kanyang bagong bili na cellphone. Para ngang bago ito, hindi mo mahahalatang second-hand.

Pagbukas niya sa cellphone ay nagulat siya, may applications na installed na kasi. Pagbukas niya ng My Face ay may nakalog-in na account naroon.

"Laila Macabuhay? Sino kaya ito?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top