CHAPTER 8

Chapter 8: Cry



PABALIK-BALIK akong naglalakad sa kusina at ilang beses na napapainom sa bawat minutong tumatakbo. Natapos ko na ang pagluluto ng adobo dahil iyon ang gustong maging ulam namin ni Con ngayong gabi pero hindi pa rin siya dumarating. Napapahid ako sa namuong pawis  na nasa noo at napaupo ulit.

Pinauna ako si Con papauwi at ako lahat ang nagdala ng mga pinamili namin. Apat na oras! Apat na oras nang nakalipas at wala pa rin ito sa apartment namin.

Ano na ba ang nangyari kay Con? Okay lang ba siya? Bakit ba ako pumayag na mauna? Hindi ko mapigilang huwag mag-isip ng hindi maganda. Baka. . .baka kung anong na ang nangyari sa kanya. Hala!

Marahas akong napatayo dahil sa naisip. “Ysa naman! Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano!” saway ko sa sarili.

Dahil ukupado ang isip kay Con ay hindi ko na napansing napalakad na ako papunta sa pinto. Binuksan ko 'yon at sinilip kung nandoon na ba siya sa labas pero wala. Mas lalo lang tuloy akong namawis nang malamig.

Sino ba 'yong mga lalaking iyon? Bakit nila kami sinusundan? Kaaway ba iyon ni Con? Nabugbog o ano? Con ano ba ang atraso mo sa kanila at hinahabol ka?

Napaupo ako sa sofa at napakutkot sa daliri. Hindi pa man nag-iinit ang puwetan ko sa upuan ay agad akong napatayo nang makarinig nang ingay na nanggagaling sa labas. Humahangos akong napapunta sa pinto at binuksan iyon. Lumantad ang bulto ng limang lalaki na nakapasok na sa gate namin. Hindi ko masyadong maaninag ang mga mukha nila dahil nakatalikod sila sa pinagmumulan ng ilaw sa kalye.

Kumabog ng husto ang dibdib ko at napaatras ngunit ganoon na lang ang pagkawala ng kaba ko nang matamaan ng ilaw na nanggagaling rito ang mga mukha nila. Napasapo ako sa bibig nang makikilala ang mga taong iyon. Tila sa isang iglap ay nasa unahan ko na sila, hindi ko man lang naramdaman na tumakbo pala ako sa kanilang kinaroroonan.

“A-anong nangyari sa kanya?” tanong ko at papalit-palit na tiningnan sina Areon at Shun. “Con? Con?” Marahan kong tinapik ang pisngi nito kaya unti-unti niyang minulat ang mata. “Okay ka lang ba?”

Gusto kong batukan ang sarili sa katangahang pagtatanong. Malamang Ysa, hindi siya okay hindi ba halata sa lagay niya?

Ngumisi lang si Con sa 'kin at pagkaraan ng ilang minuto ay nagsalita ito. “I'm okay. Konting galos lang 'to.”

Naglakad na kaming lahat papasok sa apartment at doon mas lalong lumantad ang sitwasyon nilang lima.

“Baliw ba kayo ha?!” may bahid nang inis ang pagkakasabi ko sa kanila at sinamaan nang tingin. Pilit kong pinipigilan na maiyak sa harap nilang lahat. “Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa inyo o maawa! Paano kung. . .paano kung may masamang nangyari sa inyo h-ha?” nabasag ang boses ko sa huli kaya minabuti ko na lang na tumalikod at pumunta sa kwarto.

Hinanap ko ang first aid kit na nadoon. Huminga ako nang malalim para mawala ang nararamdaman. Agad kong pinahiran ang tumulong luha pisngi ko at inayos ang sarili.

Nakakainis sila! Paano pala kapag iba ang ginawa sa kanila ng mga taong humahabol sa amin kanina ni Con? Paano kung nabaril sila? Nasaksak? Lahat sila ay puro pasa at putok ang mga labi. Alam kong ang mga taong humahabol na iyon ang may gawa sa kanila no'n. Hindi ako tanga.

Bumalik na ulit ako sa living room kung saan nakaupo na sila at may sari-sariling puwesto. Napatigil sila sa pag-uusap at napaayos nang upo nang makita ako. Mas lalo akong nainis dahil parang wala yata silang balak na magkwento. Tahimik lang sila at sinusundan ang bawat galaw ko.

"Wala ba kayong balak na magsalita?" Kumuha ako ng bulak at nilagyan ng betadine. Pinili ko talaga 'yong betadine na mayroong alcohol para ramdam nila ang sakit. Ayaw nilang magsalita ah.

"Con! Nakakatakot pala ang napili mo sa pus—" hindi natapos ni Calum ang sasabihin nang batuhin siya ng unan ni Con.

"F*ck you Cal! Shut up!" Sinaman siya nang tingin ni Con kaya napatikom siya ng bibig.

"Ako na lang Ysa ang gagamot sa sarili ko," ngiting pahayag ni Areon.

"Ako rin Ysa, kaya ko na 'to," alinlangang ngumiti si Shun at napakuha na lang ng bulak si Tim.

"Ikaw na ang gumamot kay Calum, mukhang kailangang niya talaga 'yan e, napuruhan yata ang utak."

"Gago! O-okay lang ako Y-Ysa. Kaya ko nang gamutin ang gwapo kong mukha." Umusog siya sa sofa pero nadampian ko na nang bulak ang bangas sa gilid ng labi niya.

"Huwag kang malikot Calum!" saway ko.

"O-ouch! Ysa si Con na lang gamutin mo. Arayyyy!  O-okay n-na ako! Ang hapdi naman niyan , hindi deserve ng gwapo kong mukha 'yan," reklamo niya.
Agad siyang lumayo sa 'kin para gindi ko na magamot ang mga galos niya.

"Pffft—" pigil na tawa nina Tim, Shun at Areon. Ganoon na lang ang pagtigil nila at nagkumwaring busy sa ginagawa nang malingonan ko.

"Hindi talaga kayo aamin? Sino ba 'yon kanina? Con?" Naupo ako sa harap niya.

"Tsk. Hindi  mo na kailangan malaman."

"Bakit hindi? Paano kung may nangyari sa 'yo? Ako ang mananagot sa magulang mo kung sakali dahil iisa lang ang apartment natin. Paano kung hindi ka na n-nakabalik d-dito? Paano kung n-napahamak ka nga? P-paano k-kung—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin dahil kinulong na ako ni Con sa mga bisig niya.

Hindi ako makagalaw sa ginawa niyang iyon at halos lumukso ang kung ano sa tiyan ko.

"Shhh. . .stop crying. I can't stand seeing you like this," bulong nito sa tenga ko.

Natameme ako sa sinabi niya. Ilang segundo lang at mas lalo akong naiyak. “H-hindi ka nag-iingat! Nakakainis ka! Nakakainis ka!"

"Hey. Aray! Masakit Ysa." Sinalo niya ang dalawa kong  kamay na dapat ay tatama sa balikat niya. Nawalan ako nang lakas nang mapatitig ulit sa mukha ni Con.

Putok ang labi nito at namamaga ang kaliwang mata. Mayroon ring hiwa sa ibabaw ng kilay niya ngunit hindi iyon naging hadlang para hangaan ang mala-koreano nitong itsura. Sobra ring gulo ng asul na buhok nito animo'y hindi kilala ang suklay at may mga pasa tsaka may mga natuyong dugo sa kanyang mukha.

Akala ko  ba gangster ang isang 'to? Sanay sa away. Hindi nagagalusan. Magaling makipaglaban. Bakit ganito kabasag ang mukha ni Con kung gano'n?

Malayang dumadaloy sa pisngi ko ang mga luhang nanggagaling magkabilang mata.

“Kapag 'di ka tumigil sa kakaiyak, hahalikan talaga kita,” seryosong banta niya sa 'kin.

Ganoon na lang kadaling mawala ang luha ko sa sinabi niya. Para itong switch na nagpatigil sa 'kin sa pag-iyak. Nanlalaking mata akong mapatitig sa seryoso nitong mga mata. Dumagundong nang husto ang puso ko.

“Syetttt!” Napatigil ako sa pag-iyak at nawala ang atensyon kay Con nang mag-ingay ang apat. “Si Con natin mga tol, lover boy na!” sigaw ni Calum.

“Halikan daw, Areon rinig mo 'yon? Ang Con natin na hindi alam ang hard boiled egg at kung ano-ano pa, alam nang duma-moves!” nanlalaking matang untag ni Tim at niyugyog ang balikat ni Areon.

“Gago tumigil kayo! Baka ma-hospital na tayo nito sa pinagsasabi niyong dalawa!” bulong na saway ni Shun pero rinig na rinig naman namin.

Sabay silang apat na napatingin sa direksyon namin at biglang nagpatay malisya sa masamang tingin ni Con sa kanila. Napatitig ako sa kalahating mukha ni Con. Naka-side view na kasi ito dahil nakatingin siya sa apat. Hindi pa rin nababawasan ang kagwapuhan niya kahit na mukha na itong bugbog sarado.

Parang kailan lang naiinis ako sa kanya, ngayon naman. . . .

Titig na titig ako sa kanya ng bigla itong lumingon sa 'kin. Nagkaramvola tuloy ang kung ano sa t'yan ko at hindi naging kunportable sa paraan nang paninitig nito. Napaiwas agad ako nang tingin at napakuha na lang ng bulak sa mesa at binigay sa kanya.

“I-ikaw n-na ang maggamot sa s-sarili mo. K-kaya m-mo naman,” kandutal kong sabi.

Ysa naman! Bakit ba sa tuwing ganito ang eksena ay sinisira mo?

Dali-dali akong napalakad papunta sa kusina at napainom ng tubig. Nagkakantyawan silang apat kaya minabuti ko nang manatili rito. Parang ayoko nang pumunta sa living room namin dahil sa kaba na nasa dibdib ko.

Alam kong hindi ito pangkaraniwang kaba lang pero inalis ko na agad ang isiping iyon na bumabagabag sa akin.

“May pagkain ba kayo Ysa? Nagugutom na ako, e. He-he.” Halos mapatalon ako sa boses ni Calum. Hindi ko na napansing andito na pala silang apat sa kusina.

“Kami rin!” segunda ng tatlo na nasa likuran niya.

“Who said that you will eat here in our apartment?” Yabag ng mga paa ang papalapit sa kusina. Nang marating ni Con kung saan kami ay nakataas na ang kilay nito sa apat. Biglang silang nagturuan na para bang  takot na mahuli ng nanay nila.

“Si Calum!”

“Si Tim!”

“Si Shun talaga, Con!”

Sabay silang napatinging tatlo kay Areon na nananahimik lang sa isang tabi. Agad na naningkit ang mata niya dahil parang pagdidiskitahan siya ng tatlo.

“F*ck you, dudes! Don't look at me like that. I didn't say anything.”

Kanina naiinis ako sa kanilang lima dahil sa sinapit nila, ngayon natatawa ako sa mga maga nilang mukha. Ang sama ko naman dahil pinagtatawan ko sila sa sitwasyon nilang 'to pero kasi. . . para silang kinagat ng bubuyog dahil sa maga nilang mukha. Pinigilan kong huwag matawa pero para talaga silang isang grupo na pinagdiskitahan ng libo-libong kutapte.

Hindi ko na kaya. Umalpas na ang tawa ko kaya napatingin silang lima sa akin. Mas lalo akong natawa dahil naningkit ang mga kilay nila, sabay pa talaga.

“What's funny?”

“Con, baliw yata ang kasama mo rito sa apartment!” Nag sign ng krus si Calum habang nakatingin sa 'kin.

Anong akala nito sa 'kin? Demonyo o masamang ispiritu? Napuno nang tawa ang kusina at ako lang ang tumatawa. Pinagmamasdan lang nila ako kaya iyon ang naging dahilan para hindi na ako matigil kakatawa hanggang sa kumain na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top