CHAPTER 7
Chapter 7: Run
HINDI ako makapaniwalang walang absent ngayong linggo si Con. As in! Present siya sa bawat subject namin. Nahiya ang kalabaw sa kasipagan niyang um-attend ng klase. Pati na yata ang mga ibang kaklase ko ay nakapansin pati na rin ang ibang mga teachers. Ang kaso, tulog naman buong oras. 'Yon lang ang hindi nagbago.
Sobrang bilis lang ng mga araw at linggo na naman ngayon. Ginagawa ko na namang ang mga gawaing bahay pero hindi na sobra-sobra. Mabilis na akong nakakapaglinis dahil sa vacuum cleaner. Hindi na ako nahihirapang maglaba dahil sa washing machine na binili ni Con. Para nga bilang pasasalamat, e, ako na ang maglalaba ng mga damit niya pero ayaw niya.
Nagiging masungit siya sa nagdaang mga araw. Hindi nga kami nag-uusap kapag nasa classroom. Doon lang talaga sa garden dahil walang katao-tao. Naiinis ako dahil nag-iiba ang trato niya sa 'kin kapag nakauwi na kaming dalawa, 'yong Con na nakausap ko sa garden noon. Nagiging makulit siya, nang-aasar sa 'kin at palagi akong binubwisit dito.
Naglakad ako papuntang kitchen at binuksan ang refrigirator namin. Hala! Walang laman. Naglakad ako pabalik sa kwarto ko kung may pera pa ba ako.
5k? Nakagat ko ang daliri at inistema ang gastusin ko ngayong week. Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sunod-sunod iyon at parang naiinip na.
"Teka lang naman Con!"
"Tsk. Magbihis ka d'yan. Punta tayong mall."
Binuksan ko ang pinto at nabitin sa ere ang kamay nitong kumakatok. "Saan tayo pupunta?"
"Mall nga,"
"Anong gagawin natin do'n?"
"Tsk. Wala na tayong kakainin ngayong linggo. Of course to buy food."
"E, bakit sa mall? Ang mahal ng mga presyo ng bilihin doon! Sa palengke tayo mamimili,"
"What? What's palengke? Where is that place?"
Anak mayaman nga talaga 'to. Palengke lang hindi alam? Ay sa bagay, itlog nga noon hindi kilala, ito pa kaya? Typical rich kid ika nga.
"Basta! Mamaya na. Magbibihis lang ako." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at agad na sinirado ang pinto.
Hinanap ko ang denim short na nabili ko sa ukay-ukay at agad na sinuot iyon. Pinaresan ko iyon ng pink oversized t-shirt na may maliit na panda sa kanang bahagi ng dibdib. Naglagay ako ng konting pulbo at tapos na. Hindi ko naman kailangang magliptsick dahil mamula-mula naman ang labi ko. Magti-tsinelas na lang din ako para mas kumportable sa paa. Mamamalengke lang naman kami 'no. Tinali ko rin paitaas ang buhok ko dahil siguradong mainit doon. Magdadala na lang ako ng payong dahil sigiradong magrereklamo ang lalaking iyon sa sobrang init at halo-halong amoy na nasa palengke.
"Con tara na!" Aya ko sa kanya. Nakaupo ito sa sofang binili niya at ang gwapo niya na tingnan do'n. Parang prinsipeng nakaupo sa mamahaling sofa, hindi tulad noon e mukha siyang bakulaw sa lumang sofa na nadito sa living room.
Natawa ako sa isiping iyon. Ikaw Ysa nagiging maloko ka na sa pagdaan ng mga araw ha! Palagi mo na lang pinagti-trip-an iyang si Con sa isip mo. Mabuti na lang talaga at hindi nakakabasa ng isip si Con, kung hindi baka patulan ako nito.
Ilang segundo kaming nagtitigan bago siya nagpasyang tumayo. Naka-white polo ito at itim na short. Simple lang pero alam mo talagang yayamanin ang taong ito. Napadako ang tingin ko sa paa niya. Nahiya naman ako sa paa ko. Sobrang puti ng kanya! Grabe! Parang mas babae yata tingnan 'yon kung wala lang mga buhok ano.
Naglakad na kami papalabas ng apartment, napansin kong nilabas niya ang susi ng kotse niya kaya agad akong nagsalita.
"Bakit mo dadalhin 'yan?" Mukhang tangang tanong ko.
"Para may masakyan tayo, malamang," pilisopong sagot nito.
"I mean, bakit kailangan mong dalhin ang kotse? Baka nakawan tayo niyan, e. 'Saka masikip ang palengke at mahirap maghanap ng mapa-park-ingan niyan," litanya ko.
Tinaasan niya lang ako ng kilay at tiningnan na animo'y pinakawirdong taong humihinga sa mundong ibabaw. Sa huli ay bumuntong hininga siya at tinago ang susi ng kanyang kotse. Akala ko talaga ay magdidiskusyon kaming dalawa at ipipilit niyang dalhin ang kotse niya pero wala. As in! Wala!
"Okay then. Saan tayo sasakay?" Tanong nito.
"Sa jeep syempre!" Nanguna na ako sa paglalakad pagkatapos. Doon na lang kami maghihintay sa labasan para mas madaling makasakay. Naramdaman kong nakasunod lang sa akin si Con at walang kahit anong sinasabi.
Na-tempt tuloy akong lingunin siya pero pinigilan ko ang sarili. Nakaramdam ako nang pagkailang dahil parang nakatingin ito sa 'kin. Sunod-sunod kong sinuklay gamit ang kamay ang buhok ko, na halos maabot na nito ang bewang sa kahabaan.
Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kaya nalingon ko na nang tuluyan si Con. Doon nagkasalubong ang mata naming dalawa. Nakapamulsa lang ito at malayang sinasayaw ng hangin ang bawat hibla ng asul nitong buhok.
Hindi ko talaga mapigilang humanga sa buhok nito. Oo, noong una, para sa akin ang wierdo ng kulay pero habang tumatagal nasasanay na ako. Ang gwapo niya tingnan kahit naiiba iyon. Bakit kaya ito ang napili nitong kulay ng buhok?
"Ayy!" gulat na sigaw ko matapos na matapilok nang dahil sa nakaangat na semento.
Akala ko ay magiging first kiss ko na 'yong daanan, buti na lang talaga at hindi. May mga bisig na umakap sa akin mula sa likod at iyon ang naging dahilan para hindi ako tuluyang bumagsak sa daan. Naibaba ko ang paningin at dumapo iyon sa mga kamay na nakapalibot sa aking bewang.
Tila bumagal ang paghinga ko't paglunok dahil sa sitwasyon naming dalawa ni Con. Ramdam ko ang presensya nito sa likod ko at ang mainit na hininga nitong tumatama sa aking leeg. Katumbas ng bawat pagtibok ng puso ko ang milyon-milyong boltahe ng kuryente ang nagkukumahog na lipunin ang buong sistema ko.
"Mag-ingat ka naman Ysa. I'm not here all the time to save you. . ." anito.
Bigla na lang nagkaroon ng ingay sa isang iglap. Mga nagmamadaling jeepney at mga matutuling kotse ang nangibabaw sa tenga ko. Mayroon mga nag-uusap na mga tao at pito ng mga traffic enforcer. Tila na-mute ang buong kong paligid kani-kanina lang dahil kay Con.
"A-ah. . .s-salamat-" utal na sabi ko ngunit hindi ko iyon natapos nang may isang matandang babae ang nagsalita.
"Naku! Mga kabataan talaga ngayon! Hindi na nahiya, sa daan pa gumagawa ng milagro! Jusko po! Patawarin sila!" Iling niya at tinitigan kami ni Con bago umalis.
"Hayaan mo na sila. Ganyan ka rin naman noong mga kabataan pa natin, mahal." Tumawa ang matandang lalaking kasama niya at inalalayan ang matandang babae sa paglalakad.
Doon ko napagtantong nasa nakakahiyang posisyon kami ni Con dulot nang pagsalo niya sa akin mula sa likod. Hala! Hala! Nakakahiya! Iba pa tuloy ang inisip ng matandang iyon.
Mabilis akong napalayo kay Con at inayos ang sarili. Kasalanan 'to ng sementong iyon, e. Ilang sandali lang na paghihintay ay may jeep na huminto sa kinatatayuan namin. Maglalakad na sana ako papasok ng hilahin ako ni Con dahilan para mapabalabas ako ng jeep.
"Wait-sasakay tayo d'yan? What the hell? Puno na, bakit pa tayo sasakay?" kunot-noong tanong nito.
Kinuha ko ang brasong hinila niya at 'saka siya hinarap. "P'wede pa ang dalawa r'yan, oh. 'Di mo ba nakikita? Kakasya pa tayo kaya tara na." Hinila ko ang kamay niya pero hindi siya sumunod kaya muntik na akong matumba. Ang bigat niya! "Con! Ano ba? Tara na kasi, naghihintay ang jeep, oh," pakiusap ko.
"I'm not going to ride that thing. Safe ba ito? Tsk. Sana dinala ko na lang ang kotse ko kung d'yan pala tayo sasakay. I though, magta-taxi tayo?"
Hindi ako makapaniwal sa sinabi niya. Safe? E safe pa ito sa safeguard, e.
"May bubong naman ang jeep na ito, may gulong rin, wala nga lang pinto at aircon 'di tulad ng kotse mong mamahalin! Kahit ganito, safe pa ito sa safe Con! Ilang ulit na akong nakasakay riyan kaya tara na. Tsaka mas mapapamahal tayo kapag magta-taxi tayong dalawa," pagpapaliwanag ko.
Ano ba iyan. Richkid talaga ang gangster na ito, e. Hindi rin marunong magtipid.
"Hoy! Sasakay ba kayo o hindi? Inuubos niyo ang oras ko!" Galit na aigaw ni mamang driver.
Hala! Nagalit tuloy. Si Con kasi, e! Mukhang nainis si Con sa sinabi ng driver dahil masama na kung makatingin ito. Naalarma ako dahil baka bigla na lang niyang bugbugin ang driver ng jeep. Agad kong hinawakan ang kamay niya para makuha ang atensyon nito sa driver. Nawala ang tingin niya kay mamang driver at napunta iyon sa akin. Pinalakihan ko siyang ng mata nang magsalubong ang paningin namin.
"Con! Sumakay ka na!" Gigil kong bulong. Nakakahiya na talaga. Agaw panain na akming dalawa rito at kanina pa naghihintay ang jeep. Nakatingin na rin sa amin ang mga pasahero at nagbubulong-bulungan. Kesyo ang babata pa raw ganito ganyan. Sobrang nakakahiya!
Sa huli ay napabuntong hininga na lang si Con at walang ibang choice kung 'di ay sumakay. Nasa kabilang upuan siya nakaupo dahil doon ang isang bakante at ako naman ay nasa kabila. Magkaharap kaming dalawa kaya kitang-kita ko na nagpipigil siya ng inis sa katabi niyang lalaking mataba.
"Umayos ka," walang tinig na sabi ko at pinalakihan siya ng mata. Binigyan ko siya ng tingin na huwag kang papatol diyan please lang talaga look.
Pinapanalangin ko na lang na maging payapa ang byahe namin patungo sa palengke at mas lalong humaba ang pasensya ni Con sa katabi niya. Halos maging isa na lang ang mukha nilang dalawa sa sikip ng pwesto niya sa kabila. Sana pala ay dito ko na lang siya pinaupo. Makakatiis naman ako sa mga ganyan.
Biglang napapreno ang sinasakyan namin kaya sumabay ang katawan ng katabi siya galaw ng jeep. Mas lalong sumiksik iyon kay Con at namula sa galit na siya sa galit.
"What the f*ck? Get off me!" sigaw niya sa lalaking katabi.
"Anong problema mo brad? Kung ayaw mo rito sana na truck ka sumakay. Doon mas maluwag." Tumawa 'yong matabang lalaki. "At huwag mo akong eni-english baka masapak kita," dagdag pa niya.
Napakuyom si Con sa ainabi ng lalaki. Alam kong nagpipigil siyang suntukukin ang lalaking katabi dahil sa akin. Napatingin ang lahat sa kaniya at halos malusaw ako sa kinauupuan. Ako iyong nahihiya para sa kanya. Gusto ko na lang yata kainin ng lupa ngayon dahil kay Con. Hinding-hindi ko na talaga siya isasakay sa jeep.
Agad akong napasigaw ng para kay manong driver. Bago pa man magkagulo ay nahila ko na pababa si Con sa jeep. Mabuti na lang talaga at malapit na ang palengke kung hindi, ewan ko na lang.
"Con naman! Nakakahiya 'yong ginawa mo. Ganoon talaga sa jeep, siksikan!"
"Ganoon? Tsk! E, halos lumuwa 'yong mata niya kakatanaw ng hita mo! Ganoon ba Ysa? Bakit ba ganyan ang sinuot mo?" galit na aniya.
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko inasahang iyon ang sasabihin ni Con sa akin. Kaya ba ganoon na lang ang inis niya sa taong iyon simula't sapol? Napalunok ako dahil sa galit na nasa mukha niya at napayuko. Naglapat ang labi ko at napatingin sa short na suot ko.
"S-sorry. . ." mahinang usal ko.
"Tss. Tara na nga." Gulat akong nagpatianod sa kanya. Hila-hila nito ang kamay k at nangunguna sa paglalakad. Malaya ko na naman tuloy akong napatitig sa likuran niya.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang inaasta niya. Magagalit tapos magsusungit, tapos mag-iiba ulit. Napangiti ako nang mapatitig sa kamay naming magsalikop at maalala ang inasta niya kanina. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko.
Namili na kami ng pangangailangan namin ngayong linggo. Halos lahat ng madadaanan nami ay napapatingin kay Con. May mga nagtitiliang babae at palaging tinatanong ang pangalan nito. Napasimangot tuloy ako.
Kapag babae ang tindera ay automatic na may tawad iyong binili namin. Maya magandang dulot rin pala 'yong pagmumukha niya, hindi ko lang gusto iyong mga sumusunod sa kanyang babae. Kulang na lang ay halikan ng mga babaeng 'yon ang tsinelas niya para mapansin sila. Nakakainis.
"Hey, wait. Ysa, bagalan mo naman ang paglalakad. Marami akong bitbit," angal niya.
Bitbit? Madami ba ang sampung plastic? E, dati kapag nanininda ako dahil napag-utusan lang, mas marami pa nga iyon, kaya ko naman ah?
"Hapon na Con, kaya dalian na natin at baka gabihin pa tayo, okay? Mahirap maghanap ng masasakyan kapag gabi na," wika ko. "Akin na nga ang iba!" Kinuha ko ang ibang plastic na naglalaman ng kung ano-ano sa kanya.
Naglalakad kami sa labasan para maghanap ng masasakyan pero bigla na lang binilisan ni Con ang paglalakad at nagsalita. "Huwag kang lilingon."
"Ha? Bakit? Sinusundan ka pa rin ng mga babae?" taka kong sagot.
"Basta! Sundin mo na lang ako!" seryosong utos nito.
Hindi na lang ako umimik dahil bigla akong kinabahan sa ekspresyon nito. Bigla niya akong hinawakan nang mahigpit kaya ganoon na lang ang paglakad ng kabog ng dibdib ko.
"Run!" aniya.
Walang ano-ano'y napatakbo na lang ako katulad ng sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero hindi na ako nagtanong pa. Taliwas ang direksyong tinatahak namin kaya paunti-unting nababawasan ang mga tao sa paligid, hanggang sa kami na lang ni Con. Doon ko na run napansin amg mga taong su.usunod sa amin. Mga nakaitim silang lahat.
"Sabi nang huwag lilingon!" Inis na ani Con. "Liliko tayo," utos niya.
Napatango lang ako. Tila naging ibang tao bigla si Con sa paningin ko. Ito na ba ang sinasabi nila? Napailing ako, hindi ko siya dapat husgahan.
Hinila niya ako at napapasok kami sa isang masikip na bodega na lagayan ng mga bote. Hindi ito ang tamang oras pero natatawa ako dahil nagtatakbo kami na hawak ang mga plastic na pinamili namin.
"What's funny?" mahinang tanong nito habang nakakunot ang noo.
"H-ha? W-wala ah," ilang kong sagot. Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang may makitang daga sa ibabaw namin. "Dag-" agad tinakpan ni Con ang bibig ko gamit ang palad niya.
"Shhh."
Hayan na naman ang hindi magkandamayaw na pagtibok ng puso ko. Ilang pulgada lang ang layo ng mga mukha namin at halos maramdaman namin ang hininga nga bawat isa.
Ilang sandali lang ay nakarinig kami ng sunod-sunod na mga yabag. Napasilip si Con sa siwang na nasa pinto kaya ganoon na lang ang ginawa ko.
"Lintik! Natakasan tayo! Hanapin niyo!"
"Opo boss!"
Napaupo kami ni Con nang lumingon ang taong iyon sa direksyon namin. Napalunok ako ng ilang ulit dahil sa sobrang lapit ng mukha namin, sentimetro na lang yata at magdadampi na ang labi naming dalawa. Napakurap ako ng ilang ulit at halos hindi ko na magalaw ang katawan. Napakahigpit nang hawak niya sa magkabilang braso ko at titig na titig rin ito sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top