CHAPTER 6

Chapter 6: Cupcake

“YSA, p'wede mo bang ipa-photo copy ito sa labas ng school? Doon lang sa may harap ng G high. Sira kasi rito ang mga photocopier, ” pakiusap ni Ma'am Echavez sa 'kin.

“Oo naman ma'am, ilang copies po ba?” Inabot ko 'yon at maingat na nilagay sa folder para iwas lukot na rin.

“50 copies, Ysa.”

“Okay po ma'am.” Nagpaalam na ako at lumabas na sa office niya.

May mangilan-ngilan akong nakikitang mga kaklase ko na nag-iikot sa campus. Nginitian ko lang sila bilang pagbati. Wala kasing klase ang isang subject namin ngayon kaya tumutulong ako rito sa office ni ma'am.

Pinapanalangin ko na sana ay huwag magkrus ang landas namin ni Cyrene at ng mga alipores niya. Baka kung ano na naman ang gawin nito sa 'kin at masira pa itong dapat na ipa-photo copy ko.

Mabilis ang bawat paghakbang ko patungo sa main entrance ng G high at walang namang naging hadlang hanggang sa makalabas ako. Nagbigay lang ako ng slip doon sa guard para makalabas ako ng campus. Bawal kasi ang basta-basta na lang na paglabas during class hours. 'Yong ibang school nga rito sa Caloocan ay pup'wede namang makalabas-masok. Siguro nga ay nasa ibang level ang G high kaya gano'n na lang ito kastrikto. Okay naman iyon para sa akin.

Sinugurado ko munang walang sasakyang paparating bago ako tumawid. Mas mabuti nang maging maingat dahil hindi mo alam kung hanggang kailan ka magiging safe. Maikli lang ang buhay natin kaya dapat nating alagaan iyon at huwag sayangin.

Ilang minuto lang na paghihintay ay natapos ko rin ang pinapagawa ni Ma'am Echavez. Subalit, napatigil ako nang kumalam ang sikmura ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid para makahanap ng covinient store na malapit lang rito. Hindi ako nag-atubiling maglakad sa nakitang convinient store.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpili ng kung anong biskwit na mas mura nang mabangga ako ng kung sino.

“Sorry po! Hindi kita nakita!” Paumanhin ko. Isa-isa kong pinulot ang nagkalat na mga test paper at nilagay 'yon sa folder na dala ko. Sinabayan din niya ang pagpulot ko ng ibang mga test paper at inabot iyon sa akin. “Salamat po,” nahihiyang tugon ko.

Napaangat ako nang tingin nang tumawa ito. “Stop being too formal and quit using po. Hindi pa ako matanda, you know.”

“S-sorry p—sorry! Hindi talaga kita nakita.” Napapatitig ako sa uniporme nito. May naka-engrave na logo ng G high doon. Hindi siya pamilyar sa 'kin o sadyang hindi ko lang talaga siya napapansin? Pero, sa gwapo niyang 'to? Tiyak na agaw pansin ito at palilibutan agad ng mga kababaehan sa G high. Impossible namang hindi ko siya mapapansin.

“Here.” Inabot niya sa 'kin ang ilang test paper na pinulot niya 'saka ngumiti.

“Salamat.” Ngumiti ako ng bahagya dahil nakakailang ang presensya niya't paninitig. Umiwas agad ako nang tingin para hindi na muling magsalubong ang mga mata namin.

Bakit ba siya titig na titig sa akin? Hindi ba siya makaramdam ng hiya man lang? Ngayon pa lang kami nagkita at nagkabanggaan pa tapos ganito siya.

“Sige, mauna na ako ah? Salamat at pasensya na ulit,” wika ko at tsaka nilagpasan ang lalaking iyon.

Nangungunot ang noo akong nagtungo sa cashier. Hindi ko na nilingon ang lalaking iyon dahil nakakailang talaga siya, sobra! Matapos na bayaran ang biniling biskwit ay umalis na ako at nagtungo sa G high.

“Heto na po ma'am,”

“Ilapag mo na lang d'yan Ysa sa desk ko. Salamat! Mabuti na lang at hindi ka kagaya ng ibang estudyante rito sa G high. Hay. . .”

Ngumiti lang ako kay Ma'am Echavez at hindi na nagkumento pa. Kinuha ko na ang bag na bigay sa 'kin ni Con at doon na nagpaalam. Hindi na ako nalingon ni ma'am dahil mukhang busy siya kakahalungkat ng kung ano roon sa lagayan ng mga files.

Dahil marami pang oras bago ang next subject ay tumungo na lang ako sa garden. Sumagi na naman sa isip ko ang eksenang 'yon kaninang umaga.


MAAGA akong nagising para magluto ng agahan namin ni Con. Dahil na rin may refrigerator kami at iba't iba pang mga appliances ay naging mas madali ang pagluluto ko at paggawa ng kahit anong lutuin. Nagpapasalamat ako dahil dumating si Con sa apartment ko. Mukhang desente na itong tingnan matapos pinturahan ng mga kaibigan niya ang buong apartment kahapon at lagyan ng mga gamit. Syempre tumulong rin ako. Nakakahiya naman sa kanila kapag ganoon.

Ang gara nga, e. Mukhang pangmayaman ang mga gamit namin sa apartment. Magkano kaya ang lahat ng ito ano? Napakayaman siguro nitong si Con dahil nabili niya ang lahat ng ito ng walang kahirap-hirap.

Nakakatuwa talaga 'yong mga kaibigan niya, mababait kaso maloko nga lang. Lalong-lalo na si Calum. Puro babae lang yata ang alam bigkasin ng bibig niya.

Nagluto lang ako ng bacon at hotdog 'saka nagsaing. Nakarinig ako nang papalapit na hakbang sa rito kaya nasisigurado kong si Con iyon.

“Magandang umaga!” masiglang bati ko.

Napatigil siya sa may bungad ng kusina na mah nangungunot na noo. Ayan na naman siya.

“It's too early! Nambubulahaw ka,” aniya tsaka pinagpatuloy ang paglalakad. Naupo na siya sa mesa at hindi man lang ako hinintay na maupo 'saka nagsimulang kumain.

Nakasimangot kong kinuha ang plato at nagsimulang kumain na rin. Halos hindi ko na mapagtuunan ng pansin ang kinakain dahil sa kanya ako nakatingin. Gigil kong tinusok ng tinidor ang hotdog at sinubo.

Grabe 'to! Hindi man lang bumati pabalik o nagpasalamat!  Salamat na lang sa lahat!

Napansin niyang nakatingin ako sa kanya pero agad niya rin tinuon ang atensyon sa pagkain. Hindi ko alam kung nagpapatay malisya lang siya o inaasar lang ako. Hindi ko na siya pinansin pa. Hindi nakakabusog ang pagtingin sa kanya. Tinapos ko na ang kinakain at pumunta sa kwarto para magbihis na ng uniform.

Akma ko na sanang kukunin ang bag  ko na nakasabit sa likod ng pinto pero wala 'yon doon. Nangunot ang noo at nag-isip. Saan ko ba nilagay iyon? Alam kong dito ko sinabit, e. Hinalughog ko ang buong kwarto pero wala akong makitang bag. Sunod-sunod amg mga hakbang ko at napalabas sa kwarto diretso sa living room.

Umaasa akong nandoon ang bag ko pero wala 'ron. Nabaligyad ko na ang mga throw pillow pero wala. Yamot akong napakamot sa ulo.

Naman Ysa, ang bata mo pa tapos napakakalimutin mo na?

“Saan ko ba nilagay 'yon?” wala sa sariling bulong ko. Napadako ako sa kitchen, nagbabasakaling naligaw  ro'n o kaya nalagay ko sa washing machine. Matunog akong napabungtong hininga dahil kahit doon ay wala! Nagsisimula na akong maubusan mg pasensya sa paghahanap. Kapag hindi ko talaga nakita 'yon, papasok na lang ako na walang kahit ano!

“Eto ba ang hinahanap mo?” Boses ni Con na nanggaling sa likuran ko. Napihit ko amg katawan pahatap sa kanya at laking gulat ko na nasa kanya pala 'yon.

“Saan mo 'yan nakita? Kanina ko pa talaga hinahanap 'yan!” Lumapit ako sa kanya at akmang aabutin 'yon pero inilayo niya lang ito. “Con, ano ba?! Male-late na tayo! Ibigay mo na ang bag ko!”

“Hindi ka ba naawa sa bag mo? Sukong-suko na oh. Look at this.” Walang ano-ano'y hinila nito ang strap ng bag ko kaya halos sumigaw ako sa gulat. Napigtas ng walang kahirap-hirap 'yon at winagayway pa niya.

Napanganga ako sa ginawa niyang iyon. 'Yong bag ko! Pinag-ipunan ko 'yan, e. Tapos gaganyanin niya lang? Napakuyom ako at pinigilang huwag pumutok sa galit. Nangiligid ang luha ko pero pinigilan ko itong  dumausdos sa aking pisngi. Anong karapatan niyang sirain ang gamit na hindi naman sa kanya? Hindi ko maintindihan kung bakit niya naman ginano'n ang bag ko. May sarili naman siyang bag bakit hindi iyon ang sirain niya?

“Gago ka ba h-ha?”  Nabasag ang boses ko sa huli kong salita. Iyan lang ang tanging lumabas sa bibig ko at tuluyan nang umiyak. Hindi ko na mapigilan ang nagbabadyang pagbuhos ng mga luha ko.

“H-hey, stop crying. I didn't intend to—da*mn it Con. Now she's crying.” Ginulo niya ang buhok at inabot ang panyo niyang kulay asul. “Sorry. Hindi ko naman sinasad—well sinadya ko nga talaga, pero, sinira ko 'yon para hindi mo na magamit—”

Hindi ko siya pintapos at nagsalita. “K-kagaya ka rin nila! Ang s-sama mo!”  Mali yata ako ng husga sa kanya. Bully rin siya kagaya ng iba. Kagaya nina Cyrene. Para akong batang umaatungal ngayon sa harap niya.

Nanlaki bigla ang mata ko sa ginawa niya. Halos lumukso ang puso ko sa hindi inaasahang pangyayari.

“S'hhh. I'm sorry if that's what you think. Sorry Ysa,” mahinang aniya habang yakap-yakap ako ng mga bisig niya. Siya na mismo ang kumalas sa pagkakaakap sa 'kin at biglang may itinapat sa mukha ko.

Isang baby pink na backpack na may nakakabit na fluff ball. Hala! Ang ganda!

“It's yours. You like it?”

“A-akin 'to?  Seryoso?” hindi makapaniwalang wika ko. Napsinghot ako bigla sa sipon ko.

“Yup!”

“Hala! Con, ang ganda! Maraming salamat!

“Hindi ka na ba iiyak?” Ngumiti ako at pinahid ang luha ko at tumango. “Good then.” Bahagya siyang ngumiti at ginulo ang buhok ko.

Ganoon na lang ang pagkawala nang sama ng loob ko dahil sa ginawa niya. Para tuloy akong baliw na rito.

Halatang pangmayaman talaga itong bag ko. Ang ganda. Sobra! Hindi ko inasahang magbibigay ng ganito si Con. Naupo ulit ako sa tinatambayan ko at nilabas ang libro para makapagbasa. Nasa kalagitnaan ako ng pag-intindi ng kontekstong binabasa ko nang biglang may nagpatong ng isang cupcake sa pahina nang binabasa ko.

Napaangat ako nang tingin para malaman kung kaninong mga kamay iyon. Nahiya naman ako sa kamay ko, sobrang puti ng kanya.

“Con,” saad ko. Halos lumukso amg puso ko dahil kanina iniisip ko lang soya at ngayon ay nasa harap ko na. Nakakatunog ba ito kapag iniisip siya mg isang tao?

Seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin na tila binabasa kung ano ang nasa isip ko. Ilang segundo lang ay ngumiti ito.

“I know you want it but you can't afford to buy that cupcake in our cafeteria. It's yours now, eat,” utos niya.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman iyon? Wala naman akong matandaang binanggit sa kanya iyon o sa ibang tao.

Napatingin ako sa binigay niya. Gustong-gusto ko talaga ang cupcake na 'to pero iyon na nga sobrang mahal. 500 pesos 'yon at hinding-hindi ko gagastusin ang pera ko para lang d'yan. Sayang! Hindi nga ako noon makapaniwala sa presyo niya. Mayroon bang cupcake na worth 500 pesos? Tsk! Dito ka lang makakakita niyan sa G high.

Napalunok ako habang sinusuri ang cupcake. Bigay niya talaga 'to? Ang mahal nito!

“Con hindi ko matatanggap 'to. Ang mahal nito tapos ibibigay mo lang sa 'kin?” Nilagay ko amg cupcake sa harap niya pero kinuha niya lang ulit iyon at pinatong sa ibabaw mg libro ko.

“Kakainin mo 'yan o ikaw ang magbabayad niyan?” Banta niya.

Nanlaki ang mata ko kaya agad akong napahawak sa cupcake na iyon. Ayokong magbayad ano! Wala akong magawa kundi kainin 'yon habang nakatingin siya sa 'kin. Inalok ko siya pero ayaw niya raw ng matatamis.

Ang sarap! Kaya pala limang daang piso ang presyo dahil sulit naman kapag kinain mo. Bigla naman siyang may inilabas na bottled water at binuksan iyon. Inabot niya iyon sa 'kin pero napatitig lang ako sa kamay niya. Bakit niya ba ako binibigyan ng mga 'to?

“Nakakangalay,” reklamo niya.

Sino ba ang nagsabing iabot niya sa 'kin 'yan? Wala naman ah?

“Mayro'n akong dalang tubig. Sa 'yo na lang 'yan. Salamat dito,”  wika ko.

Sinamaan niya ako nang tingin kaya napalunok ako, anong masama sa sinabi ko? Bakit ba ganito maka-react ang isang 'to?

“Ysa!” Nawala ang atensyon ko kay Con at nalipat iyon sa taong papalapit sa kinaroroonan namin. May dala-dala itong libro. Nang malapit na siya ay mas naging malinaw ang mukha nito.

“Ikaw 'yong—”

Hindi niya ako pinatapos at nagsalita. “Yeah. Ah, by the way, I'm Ivan. You're Ysa right?” Napatango lang ako sa kanya.

Hindi naman ako nagpakilala sa kanya kanina nang magkabanggaan kami sa labas ng school ah? Saan niya naman nalaman ang pangalan ko?  Malamang Ysa, kilala ka ng mga tao rito sa G high dahil dakila kang mahirap, limot mo na?

“P'wede ba ako magpagawa sa  'yo ng project namin sa science?” Parang nahihiyang aniya at napakamot sa kilay nito. Binuklat niya libro at itinuro 'yon.

'Yon lang pala, e. Mabuti na lang at natapos na namin iyan. Mas mapapadali ang paggawa ko.

Sasagot na sana ako nang matigil iyon sa ginawa ni Con. Nanlaki ang mata ko dahil nabasa ang libro ni Ivan na dapat sana ay kukunin ko na.

“Ow? Sorry bro. Hindi kita nakita,” sarkastikong aniya.  Nagsukatan sila nang tingin ng ilang minuto bago ko nakitang ngumiti si Ivan.

“It's okay bro. Mag-ingat ka sa susunod,” saad ni Ivan at hindi pa rin pinuputol ang tingin nilang dalawa.

Napakunot ang noo ko dahil parang may kakaiba sa pagtitig nila sa isa't isa. Seryoso lang si Con, ganoon din si Ivan. Hindi ko aakalaing lamang ng ilang sentemetro si Con kahit na mataas naman si Ivan.

Napalunok na lang ako nang marahas. Tila kinabahan ako sa dalawang ito. Ako lang ba iyon? O sadyang matatakutin lang ako sa mga ganitong sitwasyon?

Si Con na ang unang nag-iwas nang tingin at binanggga ang balikat si Ivan.

“Ysa, tara na. May klase pa tayo. . . .The doctor said that you need rest. Bawal kang tumanggap ng mga ganyan pansamantala,” utos nito sa 'kin at nagpatuloy sa paglalakad.

Oo nga pala. Nakalimutan ko agad. Pero, bakit bigala-bigla na lang nag-iba ang mood no'n? Napanguso ako, iniwan niya ako rito, oh.

Nagihihiyang tumanggi ako sa request ni Ivan. “Sorry talaga ah?” Ngumiti lang siya sa 'kin at nagpaalam na ako. Naka ilang hakbang na ako ngunit napatigil iyon nang magsalita siy.

“Sorry but. . .can I asked you a question? Is he your boyfriend?” walang pag-aalinlangang tanong nito.

Literal akong napanganga sa tinanong niya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang tumibok nang husto iyon. Tila natutuwa iyon sa narinig.

“H-ha?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top